webnovel

The Jealous One

Halos mag ning-ning ang mga mata ko ng makita ko ang hile-hilerang wattpad books sa shelf, ang kaso nga lang, wala akong pera para bilhin silang lahat...

"Babalikan ko kayo, Books My loves" madrama kong saad. Syempre hindi ko nilakasan ang boses ko, baka sabihin pa nila na baliw ako.

"Uhmm Miss?" Nagulat ako nang may biglang nag-salita sa likuran ko, pero mas nagulat ako nung makita ko kung kanino nang-galing yung boses na yon. Tss. Kalma lang Meisha..just act like he's a stranger.

"Yes? How may I help you?" I said that and then I flash him my not-so-fake smile. Pero nainis lang ako dahil ngumiti din sya. Geez! Di nya ba ma-sense na ang fake ng smile ko?!

"Uhm...tanong ko lang, anong libro dito ang magandang iregalo sa galit slash nag-tatampong girlfriend?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya..'pota! Ang bilis nya naman makahanap ng bago!'

"Ewan ko. Malay ko ba sa taste ng girlfriend mo sa libro" Taas kilay kong sabi sa kanya. Gag* ba sya? Kailangan ko pang hulaan kung anong gusto ng girlfriend nya...

"Ahm...madalas yong mag-basa ng mga stories sa wattpad eh. Ang kaso nga lang.....hindi ko alam kung anong libro ang bibilhin..." saad nya kasabay ng pag kamot nya sa batok nya. 'Cute!' Saad-saad ko sa isip ko. Aishh! Erase erase! Sinong cute? Fvck!

At dahil inis ako, kinuha ko nalang ang libro'ng una kong nahawakan at ibinigay ito sa kanya. "Oh! Hayan! Yan ang iregalo mo! Wag mo na akong abalahin, pwede ba? May ginagawa kase ako eh." I said half-shouted. But I got curious because he is just looking at the book that I gave so tinignan ko rin. 'F*ck?' Nanlaki ang mata ko nang makita ko na 'fifty shades of Gray' pala yun. Dahil sa hiya ay nag-mamadali na akong lumabas ng NBS.

Napahinto ako sa paglakad nang may kung sinong gonggong humawak sa braso ko.

"Meisha, Wait!" Humahangos nitong saad. Gago ba 'to? Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"Ano nanaman ba Mister? Do I know you?! Bakit hablot ka nalang ng hablot dyan, huh?!" Sigaw ko rito. Ramdam ko at kita ko na pinagtitinginan na kami dito sa mall pero wala akong pake. Bahala sila sa buhay nila, basta galit na ako!.

"Meisha naman....galit ka parin ba hanggang ngayon? Let me--"

"Ano? Let you what?! Sino ka ba huh? At oo galit ako! So, could you please leave me alone?!" Putol ko sa sasabihin nya. Tangna nya, bat hindi nalang sila magsama nung bago nya?!.

Nagulat ako nang bigla ako nitong niyakap. Syempre pumalag ako, sino bang hindi kung yayakapin ka ng isang 'stranger'?.

"A-ano ba?!" Sigaw ko dito habang tinutulak sya sa dibdib para lumayo.

Pvta! Ginagalit talaga ako ng gag*ng to ah!

"Wag ka nang magalit, mahal. Let me explain okay?"

Malambing nitong saad, dahilan kung bakit ako napa tigil sa pag pupumiglas. Yan nanaman sya...palibhasa, alam nya na weakness ko ang paglalambing nya.

"Tss. Ano namang i-e-explain mo? We broke up already, remember?" Pilit akong nagpapanggap na walang pake kahit ang totoo....sira nanaman ang depensa ko sa kanya.

"Mahal naman....di naman ako pumayag makipag-hiwalaydiba?" He said. Gamit ang isang kamay, hinawakan nya ang kamay ko na nasa dibdib nya habang ang isa pa nitong kamay ay nakayakap parin sa akin.

"Wala akong pake. Bakit hindi nalang kayo mag sama nung bago mo?!"

"Bago?? Wala naman akong bago ah" agad kong nilayo ng bahagya ang sarili ko sa kanya.

"Eh sino yung kasama mo nung nakaraan? Tsaka sino yung sinasabi mong girlfriend mo kanina dun sa National ha?"

"Yun na nga yung i-e-explain ko. Actually, hindi ko dapat to sabihin kase it's supposed to be a surprise. Diba nga malapit na yung 3th anniversary natin?--" Sa sinabi nyang yon ay agad akong napatingin sa date na nasa cellphone ko 'shit! Oo nga!'. Tangna nakaligtaan ko na yun ah....."--wait, don't tell me hindi mo naalala?" Kunot noo nitong tanong.."ah hehe. Sige hindi ko na sasabihin...."

"Psh. So, back to my explanation. Si Ria, yung babae na nakita mo, ay ang pinsan ko sa mother side na galing sa Australia. Kauuwi nya lang a week before you saw her. So yun nga nanghingi ako ng tulong sa kanya for my surprise for our anniversary" mahaba nitong lintanya.

"Ganon? Eh sino yung sinasabi mong girlfriend mo?" Nakanguso kong sabi. Nabigla ako yakapin nyang muli ang waist ko pero nanlaki ang mata ko nang halikan nya ako sa labi.

"Syempre ikaw. Sino bang girlfriend ko? 'Di ba ikaw?" Nakangiti nitong saad. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha 'malamang, halikan ka ba naman in public eh'. Rinig ko ang impit na sigawan sa paligid, ang iba ay pumalakpak pa.

"Galit ka pa rin ba?" Tanong nito. Agad naman akong umiling at ngumiti.

"Good. Halika, bibilin natin yung wattpad books na gusto mo"

"Pero....wala na akong pera Marc" saad ko.

"Tss...malamang ako ang magbabayad. Alam ko namang pinangkain mo yung pera mo eh." Sabi nya na ikinatuwa ko pero agad ko syang nahampas nang marinig ko ang sunod nyang sinabi...

"-gusto mo pati yung 'Fifty shades of Gray' na yun bilhin pa natin eh"

-End-

Please let me know the errors that I did. thank you

Liu_Dashencreators' thoughts