"Get your filthy face and hands away from my WIFE"
Laking gulat namin ni Don Paks sa sinabi ni Sir Bernard. Biglang hinila ako ni Sir Bernard papalapit sa kaniya na kinasubsob ko sa malapad n'yang dibdib.
Hmmm... ang bango naman ang sarap amoy amuyin. Napatigil na lang ako ng mapansin ko na nakatingin na pala sa akin si Don Paks at Sir Bernard habang ako naman ay feel na feel ang pagkakayakap kay Sir.
"Ehemm... You can let go now," utos ni Sir Bernard sa akin. Biglang bitiw ko naman sa kaniya.
"Sheri Se em scared kese eh," pabebe kong sabi sa kanya while tucking my hair on my ear.
"Bakit ganyan ka magsalita? May sipon ka ba? " pagtatakang tanong nya.
"Wala naman po," seryoso kong tugon.
"Excuse me pero, me and PB has some unfinished business to discussed," sabay sabat ni Don Paks.
"You have nothing to discuss!" Bumunot ng cellphone si Sir Bernard sa pantalon n'ya at nag-dial, pagkatapos ay may kinausap s'ya mula sa kabilang linya. Maya-maya pa ay dumating na ang kaniyang secretary na may bitbit na cheque book. Agad n'yang pinirmahan ang tseke at sabay inabot kay Don Paks.
"What the hell is this?" pagtatakang tanong ng matanda
"One million pesos, I want you to stay away from my wife and I don't want to see your face in my Hotel ever again!" Nanlilisik ang mga mata n'yang sinabi sabay hawak sa aking kamay. "Let's go we're done here!"
Naiwang tulala si Don Paks habang naglalakad kami palayo sa kaniya. Kaya pala Le Madrigal ang pangalan ng hotel dahil si Sir Bernard pala ang may-ari nito. Hindi ko akalain na ganito pala ito kayaman.
"Sir, totoo ba? Mag-asawa tayo? Ikaw ba 'yung lalaki na na-meet ko dito sa bar last week? Ikaw din ba ang may-ari ng singsing? Wala kasi akong matandaan," sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"Ms. Cagatin, let me remind you that you are here to work and not to settle your personal issues. This will be the last time we're having this conversation," yamot n'yang tugon. Napatungo na lang ang ulo ko sa hiya. Sungit ni Sir.
"But Sir, I need to know the truth, I deserved to know the truth and I demand an explanation!" pag-angat ko ng ulo ko Shet! Wala na pala akong kausap. Sayang naman english ko ang tagal kong kinompose sa isip iyon tapos iniwan n'ya lang ako.
Sa yamot ko nagtungo na lang ako sa bar para umorder ng maiinom.
"Miss, what can I get you? Would you like to have some cocktail?"
"Ay, ayaw ko ng cocktail! Last time na uminom ako noon ay sumakit ang keps ko!" mabilis kong tugon.
"I'm sorry, what did you just say?" pagtataka n'yang tanong.
"Lahat ba talaga ng gwapo at maganda ay bingi? Bigyan mo na nga lang ako ng tequila please."
"Here you go Miss! One tequila shot! By the way, congratulations nga pala sa kasal nyo ni Sir Bernard last week!" Nanlaki ang mata ko ng madinig ko iyon.
"Ano???? Pakiulit... anong sabi mo???" sabay tanong ko ulit sa kaniya.
"Feeling mo maganda ka kaya nagbibingi bingihan ka rin?" nakangiti n'yang sabi. Loko to ah, baka gusto n'yang sungalngalin ko s'ya sa mukha.
"Hoy! seryosyo ako. Sagutin mo ako, anong alam mo tungkol sa kasal? Wala akong matandaan sa mga nangyari. Sige na oh please?" nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
"Kung sabagay lasing na lasing ka kasi ng mga oras na iyon kaya posible na wala kang maalala sa mga nangyari." Napahawak s'ya sa kanyang baba habang nakatingin sa akin at inaalala ang nakaraan.
"Nakaupo ka d'yan at umiinom ng cocktail, sobrang lasing na lasing ka ng lumapit sa iyo si Mr. Bernard. Muntik ka pa ngang mawalan ng malay kasi itsura mo tulala ka na parang wala sa sarili, namumula mga mata mo. Maya-maya pa biglang bumalik ang dating mong sigla na parang nakatira ng droga, kinukulit mo na si Sir at nagsimula na kayong magkwentuhan."
"Kami nagkwentuhan ni Sir? Nadinig mo ba ang pinagkwentuhan namin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko nadinig kasi madami ring customer na dumating kaya naging abala ako pero napansin ko medyo madami na rin ang nainom ni Sir at may tama na s'ya. Habang nagku-kwento kayo napansin ko na lamang na napaluha si Sir. Pagkatapos ay bigla kang tumayo at lumapit sa kaniya. Sabay hinalikan mo s'ya ng matagal!" pabulong na sinabi ng bar tender.
"Ako, hahalik sa kaniya hindi siguro, bakit ko naman gagawin iyon?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi lang iyon ang nangyari, pagkatapos mo s'yang halikan bigla kang nag propose sa kanya. Malakas mong sinabi sa kanya WILL YOU MARRY ME!" nakangiting sabi ng lalaki
"Kalokohan naman yan bakit ko naman gagawin iyon?" parang may mali sa kwento "Ano pa ang nangyari?"
"Syempre nagulat lahat kami sa ginawa mo, pero si Sir napatigil sa pagluha sabay lumapit sa iyo at bumulong, hindi ko na nadinig ang sinabi n'ya pero pagkatapos noon ay tumango ka habang nagkatingin kayo sa isa't isa. Biglang bumunot ng cellphone si Sir at may tinawagan"
"Mahilig talaga magtatawag si Sir, alam mo ba kong sino ang tinawagan nya?" tanong ko ulit.
"Iyong kaibigan n'yang Judge. Si Sir Anthony, bigla syang dumating dito at pagkatapos kinasal kayo mismo dito sa Hotel sa event room, isa nga ako sa mga witness ng kasal nyo," paglilinaw ng lalaki.
"So totoo nga na kinasal kami, bakit hindi nya sinabi sa akin iyon noong nagkita kami?" Tumayo na ako at naglakad palayo sa bar para hanapin si Sir. Bernard. Kailangan ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa amin pagkatapos ng kasal.
"Sir!" pasigaw kong tawag sa kaniya, habang nagmamadali akong naglalakad palapit sa kanya, mukhang tatakas pa sana s'ya, pero mabilis ko s'yang naabutan at hinila ang kamay n'ya papasok sa panlalaking banyo.
"What do you want from me, Ms. Cagatin?" pagtatanong n'ya.
"Don't english me! Alam ko na na kinasal tayo! Sabihin mo sa akin ang totoong nangyari?" gigil kong sabi sa kaniya.
"So naalala mo na nangyari?" tanong n'ya ulit sakin
"Hindi pa, pero nai-kwento sa akin ng bar tender na totoong kinasal tayo dito mismo sa Hotel! ano nangyari pagkatapos ng kasal? Bakit ang sakit ng katawan ko paggising ko?" mabilis kong tanong sa kaniya.
"Because you wanted to take the stairs instead of the elevator at sa sobrang kalasingan mo, ilang beses ka nagpagulong-gulong pababa ng hagdan habang paakyat tayo papuntang kwarto," paglilinaw n'ya.
"Ah ga-ganoon ba? Teka at hindi mo man lang ako sinalo?" tugon ko sa kaniya.
"Lasing din kasi ako kaya hindi ko na nagawang saluhin ka," pagpapaliwanag n'ya.
"Eh bakit ang sakit ng KEPS ko pag gising ko?" hindi ka na makakalusot dito umamin ka na kasi na may ginawa ka sa akin!
"Well even I don't understand you. Sa tuwing makakarating tayo sa taas bigla ka na lang mag-iisslide pababa ng handrail. I can't count how many times you did that. Hindi ba nagasgas iyan?" nakangisi n'yang sagot sa akin.
"Sure ka walang nangyari sa atin?" malungkot kong tanong.
"Even if I'm drunk, I don't sleep with just anyone! O bakit malungkot ka? You should be happy that nothing happened between us?" pagtatakang tanong n'ya.
Mas gugustuhin ko pa 'ata malaman na may nangyari sa amin, kaysa naman malaman na nagpadausdos ako sa handrail kaya nanakit ang Keps ko. Nakakahiya kaya iyon! Sa isip-isip ko swerte naman ng handrail buwiset! Pulang-pula na ako sa kahihiyan ganoon pala ang ang nangyari bigla kong naisip na...
"Teka, bakit wala akong damit ng magising ako?" Naniningkit ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
"You were the one who take off your own clothes. Sabi mo kasi mainit at pagod ka pagkatapos natin umakyat ng hagdan at nauhaw ka pa nga kaya ininom mo ang red wine sa room hanggang sa makatulog ka," paglilinaw n'ya. "Hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya hinayaan kitang matulog sa kwarto ko at wala akong balak na galawin ka kaya natulog ako sa sahig, sa ibaba ng kama. Paggising ko wala ka na."
"Marrying you was a big mistake, after ng event pumunta tayo sa court para magpa-annul! Madali naman siguro ma-approve iyon since pareho tayong wala sa katinuan noong kinasal tayo," seryoso kong sinabi sa kaniya.
"Wait! I want to propose something.... can't we stay like this... at least for three months? Be my wife, deal?" nangungusap ang kaniyang mga mata habang sinabi nya iyon.
"At bakit naman ako papayag aber?" mataray kong tugon.
"The less you know the better don't worry I'll fixed everything after. I just need to keep our status for three months," pakiusap n'ya.
"NO!" mariin kong tugon.
"You owe me One Million pesos have you forgotten?" sagot n'ya sa akin.
"Ibawas mo sa sahod ko ang One Million mo!"
"I will pay you, how much do you want?" seryosong n'yang sagot.
"Hindi mababayaran ng pera ang aking DANGAL! mariin kong sinabi.
Napatigil ako ng one second at nakapag isip-isip, "Isang Bilyon kaya ba?"
"DEAL!"
Please be informed that the complete version of this story is published on DREAME with account name BALASAD0R (replaced O with zero)
Thank you!