"Ms Cagatin, as our model. I need you to come with me tomorrow in the launching of our new product" seryoso n'yang sabi sa akin.
"Yes Sir!" mabilis kong sagot "Sir, saan po pala tayo pupunta bukas?"
"Hotel Le Madrigal" pagkasabi nito ay bigla syang tumalikod at naglakad papalayo.
"Paksyet! of all places bakit doon pa?"
========================
Kinabukasan...
Parang sinisilihan ang pwet ko, pabalik balik ng lakad at hindi mapakali habang nasa harap ako ng Hotel. Bakit pa kasi dito gaganapin ang launching ng product namin pwede naman sa ibang hotel. Madami namang Hotel sa Pilipinas pero bakit ditto, kung saan naganap ang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Siguro nga kapalaran ko talaga na bumalik dito para once and for all matuklasan ko na kung ano talaga ang nangyari ng gabing iyon.
Papasok na sana ako ng Hotel Le Madrigal ng bigla kong nakita si Mr. Bernard na lumabas sa kaniyang Bently GT. biglang kumabog ang aking dibdib ng makita ko s'ya, kaya naman nagmadali akong pumasok sa Hotel para hindi nya ako mapansin pero huli na ang lahat, bigla n'ya akong tinawag.
"Ms. Cagatin!" sabay lumingon ako sa kaniya at ngumiti ng bahagya.
"Good Morning Sir!" tumango ako pagbati ko.
"Where are your luggage?" sabay tingin n'ya sa akin
"Luggage?" pagtataka kong tanong.
"Did I not tell you that we will be staying here for three days?" Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong ma-recall na may nabanggit s'ya na tatlong araw kami mag stay sa hotel.
"Sir wala po, kung gusto mo uuwi ako para mag impake?" Paalis na sana ako ng bigla nya hinawakan ang braso ko sabay sabi...
"No need." kinuha n'ya ang kaniyang cellphone at tinapat sa akin para kuhanan ako ng larawan. Nag-dial s'ya ng number at may kinausap sa kabilang linya. "I need you to bring clothes for her. I will send you her picture." Binaba nya ang telepono at binalik sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Lets get inside, shall we?"
"Y-yes Sir!" Bigla akong na-impress sa kaniya, ganoon lang n'ya kabilis solusyonan ang problema iba talaga pag mapera patawag tawag lang.
Pumasok na kami sa loob ng hotel, naka-reserved pala ang buong floor para sa event. Sobrang dami ng guest na nanggaling pa sa iba't-ibang parte ng mundo. May iba't-ibang lahi na nanduon patunay lang na madaming manyak talaga sa mundo. Akalain mo, ganoon kabigat ang event para lang sa launching ng CONDOM.
"Ms. Cagatin, here is the key card to your room, get yourself ready for the event and I will meet you at the hall later this afternoon." Pagkaabot n'ya sa akin ng card ay umalis na s'ya patungo sa sarili n'yang kwarto.
Ako naman ay pumunta na sa aking hotel room. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napakalaki at napakagandang kwarto. Halata mong sosyalin, ang laki ng kama. Meron pang malaking balcony na may napakagandang view. May sarili rin s'yang entertainment area na may malaking flat screen TV at sound system. Meron din living room at mini bar, higit sa lahat ang banyo ay may Jacuzzi at steam sa loob ng shower. Oh di ba bongga? Doble ang laki nito sa buong bahay namin.
Maya-maya pa ay may biglang nagdoorbell. Pagbukas ko ay may isang babaeng nagpasok ng iba't-ibang damit. May sapatos, bag at accessories din na kapartner ang bawat dress. Ganito pala ang feeling ng mayayaman, sa buong buhay ko ngayon ko lang na experience ang marangyang buhay. Excited kong sinukat ang bawat damit, sapatos at accessories. Sakto sa'kin ang lahat ng damit ang ganda rin tignan sa akin hindi ko tuloy alam ano ang isusuot ko sa event.
Pero ang napili ko sa lahat ng damit ay iyong color white, sheer dress feeling dyosa lang, medyo pa-innocent look, like a virgin pero sexy pa rin ang dating kasi mababakas ang hubog ng katawan sa bagsak ng lapat ng damit, medyo see through kaya kita pati kaluluwa ko sa damit na ito. Buti na lang at maganda ang underware na gamit ko. Bagong bili ko talaga para lang sa event na ito.
As usual, 'andun ang make up artist at hair stylist ko para ayusan ako at nang matapos na ay bumaba na ako sa hall kung saan 'andun lahat ng panauhin ng event. Nakakapagtaka bakit kaya wala doon si Mr. Bernard? Bumulong sa akin ang event organizer at sinabi na hindi pa rin dumadating ang CEO.
"Alam mo ba kung nasaan ang CEO? Kasi kanina pa namin s'ya hinahanap hindi din s'ya sumasagot sa tawag," pag-aalalang sabi ng event organizer.
"Huh? Hindi e kararating ko lang, usapan namin magkikita na lang dito sa Hall. Baka nasa room pa s'ya nag-aayos," mahinahon kong tugon.
"Ms. Cagatin, pwede mo bang alamin kung andoon pa sya sa kwarto n'ya?"
"Teka...ako? Bakit ako?"
"Medyo mainitin kasi ang ulo n'ya baka biglang magalit?"
"Eh paano kung sa akin naman magalit?"
"Sa tingin ko mas okay kung ikaw."
Wala na akong nagawa kung hindi sundin sila at habang papalapit sa kwarto nya ay mas lalo akong kinakabahan.
Huminga muna ako ng malalim bago nagdoorbell pero walang sumagot. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto n'ya. Bahagya akong sumilip sa pinto at bigla kong nadinig ang boses n'ya.
"Ms. Cagatin, you may enter." Nagulat ako pero sumunod naman agad ako at mabilis na pumasok sa kwarto.
"Sir, kanina pa kayo hinahanap ng event organizer magsisimula na daw ang event," kinakabahan akong sinabi.
"Do you know how to put this on?" nakatingin s'ya sakin sabay turo sa kurbata. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang kurbata habang s'ya naman ay nagsasara ng butones ng kaniyang longsleeves.
"Sir, sana sinabi n'yo kanina pa na hindi kayo marunong magkabit ng necktie, e 'di sana kanina pa tayo nakababa sa event." Kumunot ang noo n'ya, nagtaka ako bakit gano'n s'ya kung makatingin.
Sheeeeet! Sa halip na ayusin ko ang kurbata eh, isa-isa ko na palang natanggal ang butones ng longsleeves n'ya. Bigla n'yang iniwas ang damit n'ya sa akin at isa-isa ulit ibinalik ang pagkakabutones.
Paksyet! malapit na sana sa abs, hindi pa umabot sayang naman ano ba naman ito? Bakit ba hindi ko mapigilan sarili ko, ano bang meron ang lalaking ito nawawalan ako ng kontrol tuwing kaharap s'ya?
"Ms. Cagatin, kung gusto mo makita ang katawan ko sabihin mo lang hindi ko naman ipagkakait ito." Nakangisi s'yang lumalakad papalapit sa akin at ako naman ay naglalakad paatras papalayo sa kaniya hanggang sa mapasandal ako sa pader. Inihampas n'ya ang kaniyang naglalakihang kamay sa pader para makulong ako sa loob ng kaniyang maskuladong bisig.
"Huwag kang feelingero Sir, hindi ka kasing gwapo tulad ng inaakala mo!" Sa galit ko, eh napisil ko ang masel ng braso n'ya. Ang tigas shet! sabay tinulak ko s'ya sa kanyang dibdib. Ang tigas din dobol shet!
Tumawa lang s'ya sa akin sabay sabi. "Lets go! We're done here, they are waiting for us".
Pagbaba namin sa Hall ay nakatingin sa amin ang lahat ng tao, feeling ko tuloy para kaming celebrity na kumakaway sa mga fans. Feel na feel ko talaga ang haba ng hair ko. Hanggang sa bigla akong huminto at napatitig sa isang poster. Ang laki ng poster at ako ang modelo na naka-display sa buong hotel. Mangiyak-ngiyak ako habang pinagmamasdan ko ang aking larawan sa lahat ng sulok ng event hall. Sa isang iglap bigla akong naging modelo mula sa pagiging hamak na promo girl.
Nilabas ko ang aking cellphone sabay nag-selfie sa harap ng poster ko at nag-post sa social media na may caption na #guesswhosintheposter #feelingblessed #gandangdiinaakala #imsohappy
Ang ganda na sana ng moment ng biglang may umakbay sa aking balikat at laking gulat ko ng makita ko kung sino iyon.
"Don Paks?!" Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko s'yang muli.
"PB, ibang klase ka rin pagkatapos mo akong hindi siputin ang lakas ng loob mo magpakita pa dito!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata nakatingin sa akin. Bakas na bakas ang galit sa kaniyang mukha.
"Kung hindi kay Don Paks 'yung kwarto na tinulugan ko eh kanino pala iyon?" bigla kong nasabi sa aking sarili.
"PB, halika na at kailangan mo ng pagbayaran ang utang mo sa akin, akala mo yata nakakalimutan ko na ang lahat!" Sabay hila n'ya ako sa aking braso.
"Don Paks, may pambayad na ako sa iyo kung gusto mo, kahit lagyan mo pa ng interest huwag lang iyong gusto mong mangyari. Hindi ko kaya ang ipapagawa mo sa akin!" Pilit akong kumawala sa kaniyang pagkakahawak pero sadyang napakalakas n'ya. "Kung gusto mo, bukod sa pera ay sa iyo na rin itong singsing." Nagmamadali kong inilabas ang singsing mula sa aking bulsa.
"Wedding ring? Aanhin ko yan? Huwag mong sabihin na ikinasal ka na?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya, wedding ring pala ang singsing na hawak ko. Kahit ako ay hindi ko alam kung ikinasal nga ako, paano nangyari 'yun?
"Nauubos na pasensya ko sa iyo PB halika na at huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na magugustuhan mo ang gagawin natin. Susulitin ko ang ibabayad mo sa akin." Nagpupumilit s'ya na halikan ako at sa takot ko ay napapikit ako ng madiin. Hindi ko namalayan na biglang nawala si Don Paks sa harap ko at pagmulat ng aking mga mata...
Isang malaking kamay ang nakaharang sa mukha ni Don Paks...... Si Sir Bernard!!!
"Get your filthy face and hands away from my WIFE!"