webnovel

Whole New World

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Hindi mag-isa si BlackDragon Ikarina. Isang lalaking naka-asul na balabal ang katabi niya.

Madali lang mahulaan na ito ang Ancient Blue dragon.

Bumubulong ang dalawa, tila bumubuo ng kasunduan.

Hindi maintindihan ni Marvin ang pinag-uusapan ng dalawa dahil Draconic ang gamit ng mga ito.

Subalit, dahil natunton siya ni Ikarina noon, kaya inalala niyang kailangan niyang mag-ingat dahil tila hindi naaapektuhan gn Perception ng mga Dragon ng Cromatic Altar o ng underground temple mismo.

Pangkaraniwan lang ang lakas ng Blue Dragon, pero Ancient Dragon ang lahat ng Dragon na narito.

Sa katunayan, kung hindi hawak ni Marvin ang Weeing Sky, mahihirapan siyang kumalaban ng isang Dragon na kayang gumamit ng magic.

Sensitibo ang mga Dragon sa presensya ng mga nais pumatay sa kanila, kaya kahit umatake siya nang palihim, maaaring hindi rin maganda ang kalabasan nito.

Nagawang patayin ni Marvin si Fati sa isang atake lang, pero dahil minaliit ng kanyang kalaban ang kanyang kakayahan.

Kung isa itong Chromatic Dragon, bukod sa Black Dragon, mahihirapan si Marvin na harapin ang mga ito.

Kakayanin niyang talunin ang Black Dragon dahil sa lakas ng sandatang hawak niya.

Lalo pa at kaka-advance niya lang sa Legend. Kahit na ang Human Race ang may pinakamalaking potensyal, kailangan pa rin nila ng oras at pagsasanay para lumakas sila.

Kaya naman, matapos niyang makita ang dalawang Dragon, hindi siya basta-basta umakto at sa halip ay dumistansya ito sa kanila: Hindi gaanong malayo at hindi gaanong malapit.

Alam niyang ang paghanap sa Nightmare Boundary ang pinakamahalaga sa ngayon.

Kahit na gusto niyang patayin si Ikarina, marami pa siyang pagkakataon sa loob ng Nightmare Boundary, kaya hindi siya dapat magmadali.

Habang papalapit sila nang papalapit sa tomb ng Dragon God, palakas nang palakas ang awra ng Divinity, kaya naman, parami rin nang parami ang mga nilalang na may Divinity.

Pero lahat ng mga ito ay dinispatya ng mga Dragon.

Sinusundan lang ni Marvin ang mga ito kaya naman walang siyang naging problema. Hindi siya kumilos laban sa mga halimaw.

Sa katunayan, sinasabi na ang tomb ng Dragon God ay nasa ilalim ng underground temple, pero bali-balita lang ito. Walang nakaka-alam kung totoo nga ba ito.

Tungkol naman sa Nightmare Boundary, sinasabi na nasa loob ito ng isang malaking bulwagan sa ikatlong palapag.

Padilim nang padilim ang paligid ni Marvin habang nagpapatuloy siyang maglakad.

May kakaibang pakiramdam na idinudulot ang ikatlong palapag, tila ba may isang mabagsik na halimaw na nagtatago sa dilim, naghihintay na dambahan at lamunin ka.

Ang mga istatwa sa magkabilang panig ng pasilyo ay nagiging mas makatotohanan, at tila ba biglang mabubuhay ang mga ito.

Ang mga istatwang ito ay mga Guardian ng Dragon Race.

Pero ang kakaiba sa mga ito ay tila masama ang tingin ng mga ito. Ibang-iba ang mga ito mula sa istatwa ni [Loyal Tidomas] na Nakita ni Marvin sa unang palapag.

Malinaw na ibang craftsman ang mag gawa nito.

Ang ilan sa mga istatwa ay mayroong malulupit na mga patibong na nakakabit sa kanila, kaya hindi nangahas si Marvin na hawakan ang mga ito.

Sa madaling salita, ang ikatlong palapag ng underground temple ay mas mapanganib kumpara sa dalawang naunang palapag.

Pero maayos namang ang naging paglalakbay ni Marvin ditto dahil umasa siya sa dalawang Dragon na nasa unahan.

Habang nauuna ang dalawang Dragon, maingat lang na sumusunod si Marvin.

Hindi nagtagal, umabot sa isang malawak na bulwagan ang dalawang Dragon sa harapan.

Ang bulwagan na ito ay iba sa mga bulwagan na nadaanan nila. Mayroong malaking istatwa ni Dragon God Hartson doon!

'Mukhang ito ang main temple.'

'Ito siguro ang lugar kung saan sinasamba ng mga Chromatic Dragon si Hartson.'

Tiningnan ni Marvin ang dalawang taong papalapit sa istatwa. Pinili niyang indi pumasok sa bulwagan at sa halip ay magtago sa labas.

Nakahanap siya ng lugar na pagtataguan at mahinahong naghintay.

Dahil kung ito nga ang daan papasok sa Nightmare Boundary, hindi na lalayo ang dalwang Dragon na ito.

Kailangan nilang hintayin dumating ang iba pang mga Chromatic Dragon bago nila buksan ang Boundary.

Lalo na si Green Dragon Modana, dahil siya ang may hawak ng susi papasok sa Nightmare Boundary.

At tulad ng inaasahan, habang naghihintay si Marvin, nagpaikot-ikot lang ang dalawang Dragon sa bulwagan.

Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ng Draconic pero hindi ganoon katagal. Sa mga oras na ito, gusto na talagang matuto ni Marvin ng Draconic.

Mahirap na hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa.

Sa kasamaang palad, hindi niya maaaring gamitin ang Book of Nalu sa ngayon, kaya kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para matuto ng Draconic.

Marahil may pagkakataon kay Professor.

Ang mga Chromatic Dragon at mga Metallic Dragon ay parehong nagmula sa Twin Planes, pareho sila ng pinanggalingan, kaya naman parehong lenggwahe ang ginagamit nila. Tanging ang kanilang mga magic at attribute lang ang nagkakaiba.

Naghintay si Marvin ng kalahating oras sa labas ng bulwagan, at noong mga oras na iyon, hindi lang ang mga Chromatic Dragon ang isa-isang nagdatingan, dumating rin ang isa sa kanyang mga kasamahan.

Sa katunayan, nang gumapang si Louise papalapit kay Marvin bilang isang tuko, muntik na niya itong mapatay.

Mabuti na lang at mabilis niyang pinatunayan kung sino siya, kung hindi, hindi lang nasaktan ni Marvin ang kanyang kakampi, siguradong mabubunyag niya rin ang kinalalagyan nila.

Si Louise ay kaibigan ni Blade Master Kangen at sinasabing isa itong makapangyarihang caster.

Dahil kaibigan ito ni Kangen, natural na isa ito sa mga powerhouse ng Dead Area. Maraming tago at talentadong tao sa Dead Area, kaya hindi na nakakagulat na hindi siya kilala ni Marvin.

Matapos niyang batiin si Marvin nang mahina, nagpatuloy sa pagiging tuko si Louise

Misteryoso ang kanyang Transfiguration skill. Walang bakas ng kahit anong Magic Power.

Marahil, mapangahas ito dahil sa mahusay siya, pero nang makaharap nito si Marvin, nagatuloy itong pumasok sa bulwagan. Ibang-iba ito kay Mrvin na hindi nangahas na pumasok sa loob.

Hindi pamilyar si Marvin kay Louise kaya. Pareho lang silang naroon para tulungan ang kanilang kaibigan, kaya hindi na nakakapagtaka na magkahiwalay silang kumikilos.

Pero tila hinahamon siya ng babaeng ito.

'Malinaw na pwede naman niya kong batiin nang hindi ako nilalapitan. Dahil isa siyang makapangyarihang caster, hindi naman siguro mahirap para sa kanya ang mental communication sa maikling distansya.'

'Gumapang siya papalapit bilang tuko para subukan ako.'

'Nababagot siguro ang babaeng 'to…'

Malinaw ang isipan ni Marvin. Misteryosong tingnan si Louise, pero makikita ang kanyang ugali sa kanyang ginawa.

Hindi nito kayang manahimik at malaman ang kanyang tamang lugar.

Biglang napaisip si Marvin tungkol sa mga pangyayari sa nakaraan niyang buhay.

Pero masyadong pangkaraniwan ang pangalan na Lousie. Mayroong mga quest si Marvin na may nakilala siyang tatlong Lousie, pero walang makapangyarihang caster sa mga ito.

Hindi pa dumarating sina Blade Master Kangen at Professor, kaya naman bahagyang nag-alala si Marvin.

Ang Nightmare Boundary ay mayroong apat na lugar kung saan maaaring matagpuan ang Crystal Statue at Rainbow Spring. Malinaw na bababa ang tyansang makuha nila ito kung dadalawa lang sila ni Louise.

Pero tila wala na silang oras.

Nagtipon na ang mga Chrimatic Dragon sa ilalim ng istatwa ng Dragon God at nagpapaikot-ikot ditto habang bumubulong.

Nagdesisyon nsi Marvin na tahimik na lumapit.

Malinaw na, sa puntong ito, mababa ang Perception ng mga Dragon at kampante si Marvin sa kanyang Stealth.

Hindi naman niya inaasahan na may isang maliit na boses ang aalingawngaw sa kanyang isipan, 'Bakit bigla kang tinubuan ng bayag, bata?'

sumimangot si Marvin at tiningnan ang tuko sa kisame, pero hindi niya ito sinagot.

Hindi gumamit ng tamang mental communication ito, at sa halip ay gumamit lang ng one-way communication, kaya naman nairita si Marvin.

Nabubwisit siya dahil pinaglalaruan siya nito nang hindi man lang siya makasagot.

Mabuti na lang at mabilis na napukaw ang kanyang atensyon dahil sa ginagawa ng mga Chromatic Dragon.

Ang limang Dragon ay bumubuo ng grupo sa shrine.

Kapag patuloy silang bumubulong, may mga liwanag na nagmula sa istatwa ng God at bumalot sa kanila/

Tila ba nagising ang isang ancient soul.

isang nagniningning na liwanag ang nagmula sa istatwa.

Iwinagayway ni Green Dragon Modana ang kanyang pendant na hugis puso.

Humalo ang pendant sa liwanag, at sinundan ito ni Modana ng mga pagbigkas.

Biglang umalingawngaw ang Draconic sa bulwagan.

Tungkol sa kaluluwa, tila mas lalo itong nagigising at tila may nais kumawala mula sa liwanag!

Paglipas ng dalawang minuto, sa pagtutulungan ng mga Chromatic Dragon, isang pagsabog ang umalingawngaw!

Nabitak ang istatwa ni Dragon God Hartson!

Kumalat ang mga piraso ng baton a puno ng Divine Power, at nagsimulang yumanig ang buong bulwagan.

Mabuti na lang, ang bulwagan na ito ay pinagtibay ng Divine Power at hindi ito nasira dahil sa kaganapang ito.

Hindi inakala ng Limang Dragon na malapit sa istatwa na magdudulot ng ganito kalakas na reaksyon ang pagbubukas ng Nightmare Boudnary.

Ang ilan sa mga tao ay nadurog ng bato. Sina Modana at White Dragon naman ay tumalsik.

Mabuti na lang at sila ay mga Ancient Dragon ay mayroon silang makapangyarihang mga katawan. Kahit na nabawasan ang lakas nila matapos nilang mag-shapeshift, tumayo lang sila at pinagpag ang kanilang mga damit matapos ang nangyari.

Malinaw na nakita ni Marvin ang nangyaring pagsabog, tila mayroong kaluluwang pinapalaya mula sa istatwa.

Ang tinamaan naman ng pinakamalakas na pwersa ay ang Ancient Red Dragon na si Ell!

Hindi bababa sa apat na baton a mayroong Divine Power ang lumipad papunta sa kanya, pero lahat ng mga ito ay naabo, bago pa man sila tumama.

Malinaw na mas malakas si Ancient Red Dragon Ell kesa sa kanyang mga kasamahan.

'Kahit na hindi isya ka-level ng isang Plane Guarfian, mukhang malapit na siya doon.'

'Makapangyarihan ang lalaking 'to… Kung wala lang Legend Wizad ang Wizard Alliance na gamay ang [Dragon Killer Sword], hindi na siya siguro napigilan ng anim na Pearl Harbor ng katimugan!'

Tila nabahala si Marvin.

At noong oras din na iyon, kinalimutan na niya ang balak niyang pagharap kay Ell.

Maraming kayamanan si Ell. Ang kanyang balwarte sa ilalim ng dagat, ang [Lava Place], ay ang unang Legend level instance ng Feinan.

Ang Legend level instance na ito ay nangailangan ng grupo ng hindi bababa sa 20 na Legend para malagpasan ito.

Hindi mabilang ang mga kayamanan sa loob ng Lava Place, at bigla na lang lilitaw ang mga ito.

Hindi alam ni Marvin kung anong tunay na itsura ng Lava Place, pero sigurado siang mas maraming kayamanan ditto kumpara sa laro.

Lalo pa at ang lugar na ito ay ang lugar kung saan itinago ng Ancient Red Dragon ang mga kayamanan na nakolekta niya sa buong buhay niya.

At ang Guardian ng Lava Place ay hindi madaling talunin.

Ang pinakamakapangyarihang Guardian, ay ang panghuling Boss, si Ell. Bukod sa kanya, mayroon ring dalawang babaeng Dragon, isang Sword Saint na isanlibong taon nang minamanipula ang pag-iisip, at isang pugad na puno ng mga Wyrmlings… Sa madaling salita, isang mapanganib na lugar ang Lava Place.

Pero mayroong isa pang paraan para matapos ito.

At iyon ang samantalahin ang pagkakataon na lumabas si Ell dito at patayin siya.

Isa ito sa mga paraan para makuha ang susi at malampasan ang malaking bahagi ng Lava Place.

Dahil sa susing ito, malalampasan niya ang maraming pagsubok, at tanging dalawang babaeng Dragon na lang ang maiiwang sagabal.

Noong una, gusto ni Marvin na makuha kay Ell ang susi.

Pero ngayon, nagbago na ang kanyang isip.

Naisip niyang kailangan niya munang mapaabot sa level 4 ang kanyang Ruler of the Night, bago niya maisipang patayin ang Red Dragon.

Sa kanyang kasalukuyang lakas, ang walang magic na mga Black Dragon lang ang maaari niyang brasuhin.

Ang tanging ikinatuwa ni Marvin nang bahagya, ay noong nangyari ang pagsabog, nahirapan rin ang tuko.

Ilang bato ang lumipad papunta sa kisame at kung hindi ito naka-iwas agad, baka napilitan na itong ipakita ang kanyang sarili.

Habang si Marvin, dahil sa malayo siya nagtatago, hindi siya naapektuhan nito.

Pagkatapos ng pagsabog, napalitan na ang istatwa ng isang malaking liwanag na unti-unti nang humihina.

Kalaunan, nawala na ang liwanag at isang Teleportation Gate ang lumitaw sa tumpok ng mga durog na bato.

'Medyo kumplikado… ang Teleportation Gate na 'to.'

Kakaunti lang ang kaalaman ni Marvin tungkol sa mga plane.

Pero dahil sa pagalakbay niya sa Arborea, may mga natutunan siyang mahahalagang kaalaman.

Malinaw na patungo sa isang Demi-Plane ang Teleportation Gate na ito!

Isa itong lagusan patungo sa isang panibagong mundo!

Makikita ang saya sa mga mukha ng mga Chromatic Dragon. Ilang sandali silang nagkatinginan bago nagmamadaling pumasok sa Teleportation Gate at Nawala mula sa bulwagan.

Magkasunod naman na lumitaw sina Louise at Marvin sa harap ng Gate.

"Interplanar Teleportation Gate."

"Walang istrukturang nakakakabit dito, nakalutang lang sa hangin…"

"Ang Nightmare Boundary… gaya ng nasa mga kwneto. Ang huling sanktwaryo ng Dragon Race… Isang panibagong mundo?"

Hindi maipinta ang mukha ni Louise habang tinitingnan ang Teleportation Gate at kinakausap ang sarili.

Nakumpira ng kanyang mga sinabi ang iniisip ni Marvin.

Ang Nightmare Boundary ay hindi isang Demi-Plane; posibleng isa itong Material Plane gaya ng Feinan!

At mas malala, isa itong Secondary Plane!

'Ang Nightmare Boundary ay ginawa ni Dragon God Hartson…'

'Mayroon ba siyang kakayahan na gumawa ng isang buong mundo?'

Nagulat si Marvin.

Sa pagkakaalam niya, ang mga kasalukuyang God na naninirahan sa Astral Sea ay walang kakayahang gumawa ng ganito.

Kaya nilang sumakop ng mga Secondary Plane at makagawa ng kanilang sariling God Realm, pero hindi nila kyang gumawa ng isang Material Plane.

Base ditto, tila mas malakas pa pala si Dragon God Hartson kesa sa kanilang inaakala.

Pero kahit na isa siyang makapangyarihang Dragon God, hindi pa rin niya naiwasan ang kanyang pagbagsak. At hindi pa rin niya kinayang tapatan si Lance.

Makikita kung gaano talaga kalakas si Wizard God Lance.

"Wag kang tumunganga diyan, bata," sabi ni Louise. "Parating pa lang sina Kangen at Professor, kaya kailangan nating mauna."

Nagkibit balikat si Marvin. "Tara."

Bahagya siyang nagulat nang sabihin ni Louise na, "Sandali… Sa tingin ko dapat pa rin kitang balaan bago ka pumasok sa gate."

"Kung papasok ka, baka hindi ka na makabalik."

"Sinasabi na Nakita ng Dragon God ang pagkawasak ng Feinan at ginawa ang mundo na ito para protektahan ang kanyang anak."

"Hindi tulad ng mga Dwarven at Elven Santuary, isa itong panibagong mundo. Hindi ka isang caster at wala kang kakayahan na maglakbay sa mga plane. Sa oras na pumasok ka sa Gate, maaari kang mawala sa Nightmare Boundary."