Matapos silang makabuo ng kasunduan, kusang lumipad ang Book of Nalu at may malamlam na dilaw na ilaw ang kumalat mula sa manipis na pahinang ito.
Binalot ng ilaw ang Destroyer, at bigla namang tumigil ang pagkilos nito.
Tila tumigil ang oras.
Kayang lituhin nang matindin ng Book of Nalu ang mga tao, at kahit ang isang ancient Destroyer ay hindi kayang labanan ito.
Hindi na naghintay si Marvin at agad na nagmadali para hanapin ang kailangan niya,
Nasa kanya na ang Book of Forgivenees at kaulangan na lang niyang iabot ito.
Para naman sa pahina ng Book of Nalu, dahil mayroong koneksyon sa pagitan ng mga pahina, hindi na siya nag-aksaya ng panahon at agad na kinuha ito.
Tiningnan niya ito, at hindi niya inaasahan na ito ang huling pahina ng Book of Nalu, ang ika-labing isang pahina.
Tinatawag itong [Reincarnation].
Ang Reincarnation ay nakaselyo sa isan gancient amber. Kung hindi dahil sa koneksyon ng Book of Nalu, wala sigurong makakapansin na ang ancient amber na ito ay mayroong magical na pahina sa loob nito.
Nang matapos niyang asikasuhin ang mga bagay na ito, ginamit niya ang natitirang oras para hanapin ang Wisdom Chapter.
Mabuti na lang, at kailangan nang malaking porsyento ng enerhiya ang Book of Nal para panatilihin ang pagmamanipula sa Destroyert, kaya naman hindi na ito nakapagbigay atensyon pa sa ginagawa ni Marvin.
Kaya naman mas napadali ang maga bagay para kay Marvin.
Lalo pa at kailangan niyang mabilis na mahanap ang Wisdom Chapter para matulungan siyang pigilan ang Book of Nalu.
Paglipas ng isang minute, nasa hangganan na ng lawa si Marvin.
Matapos niyang mabilis na uminom ng Water breathing potion, lumusong siya sa lawa.
Mahusay ang pagkakagawa sa ilalim ng lawa. Ang mga libro ay nababalot ng mga espesyal na shell at bola ng hanging para hindi masira ng tubig ang mga ito.
Hindi magiging madali ang paghahanap sa Wisdom Chapter. Kinailangan gamitin ni Marvin ang Earth Perception para lang mapansin ang kakaibang shell sa pagitan ng napakaraming mga shell.
Ang mga shell ay kumplikado at mukhang matibay ito, pero mayroon din itong kakaibang dekorasyon na nakalagay dito.
Ilang Segundo ang inabot ni Marvin bago niya naalala na Nakita na niya ang disenyong ito dati. Marka ito ng Ancient God of Wisdom.
Siguardong ito na ang Wisdom Chapter.
Kulang na ang oras, wala nang magagawa si Marvin kundi sumugal.
Isa pa, patay na si Fati. Wala nang makakapigil kay Marvin sa pagkuha ng mga nais niya.
Kahit na ang ancient na librong ito ang kailangan niya, kinuha pa rin ni Marvin ang mga librong nakita niya sa daan niya pabalik.
Paglipas ng dalawa at kalahating minute, umahon na si Marvin mula sa lawa.
Ang mga shell sa lugar na ito ay halos naubos na niya!
Sa tantya ni Marvin nasa 20 hanggang 30 libro ang nakuha niya. At ngayon ay mayroon na siyang higit sa 50 libro sa kanyang storage item.
Masasabing nililimas na niya ang laman ng Dragon Library.
Nang matapos ito, umasa si Marvin na makakapagpatuloy pa siya.
Iniisip niyang kumuha pa ng libro mula sa ibang mga bahagi ng isla.
Kadalasan, ang kaalaman ay kapangyarihan, lalo na't may kinalaman ito sa Dragon Race. Walang makaapagsabi kung ano ang nasa loob nito.
Pero wala na siyang oras para dito.
Umatungal ang Book of Nalu, "Sakim na bata! Ilang libro pa ba ang kailangan mo bago ka makuntento?"
"Bumabalik na sa ulirat ang Destroyer. Kahit na kaya kong lituhin 'to panandalian, pinapatagal mo lang ang paggising nito!"
"Kung pagpapatuloy mo pa 'yang ginagawa mo, wala ka nang aasahan sa akin!"
Nagkusang magsalita ang Book of Nalu, ikinagulat naman ito ni Marvin.
Noon, gumagamit lang ng mga letra ang pahina ng [Rebirth] para makipag-usap kay Marvin.
Para pilitin nitong magsalita, marahil hindi na talaga ito makakatagal.
Lalo pa at ang mga Destriyer ay isang nakakatakot na ancient race.
Nang marinig ito, sinukuan n ani Marvin ang kanyang plano na manguha pa ng libro at kinuha na ang Book of Nalu at tumakas.
Sinabi rin ng Dragon Soul kay Marvin kung paano makakalabas sa Dragon Library. Basta bumalik siya sa lugar kung saan niya binanggit ang Draconic na pangungusap, makakalabas siya sa Dragon Library.
Kahit na hindi marunong magsalita si Marvin ng Draconic, nakuha na ng Book of Nalu ang mga salitang Draconic na kailangan, at babasahin na lang ni Marvin ang mga salitang ito.
Muling nagising ang Destroyer at dahan-dahan nitong hinila ang napakalaking katawan nito.
Paglipas ng ilang segundo, halos mawasak na ang buong kagubatan.
Nakakabahala ang eksena na ito kahit na kay Marvin, na naranasan na ang Great Calamity.
Ginamit niya ang kanyang bilis para bumalik sa tuktok ng bundok at mabilis na binasa nang malakas ang pangungusap.
Isang bilog ng kadiliman ang bumalot kay Marvin. Tiningnan niya muli ang Destroyer na napakabagsik bago tuluyang nawala mula sa aklatan!
…
Sa labas ng madilim na daan papasok, huminga nang malalim si Marvin na para bang biniyayaan siya ng panibagong buhay.
Kahit na hindi masyadong matindi ang nangyari, hindi pa rin komportable si Marvin dahil sa amoy ng Destroyer.
Habang mas lalong naging alisto at maingat naman si Marvin dahil sa ipinamalas ng Book of Nalu.
Kaya naman, paglabas niya sa aklatan, pinili niyang ilagay ang [Rebirth] ng Book of Nalu sa isang storage item na hindi niya pa nagagamit.
Nang mapansin nito ang nangyayari, umatungal ang Book of Nalu, "Hindi ka tutupad sa usapan? Nangako kang ipapalamon mo sa akin ang isa pang pahina!"
Tumawa si Marvin. "Wala akong planong hindi tumupad sa usapan."
"Pero kahit na nangako akong ipapalamon ko sayo ang isa pang pahina, wala akong sinabi kung kelan."
"Nakadepende na 'yon sa kung kelan ko magustuhan."
Pagkatapos sabihin ito, tumigil na ito sa pakikipagtalo sa [Rebirth] at inilagay ito sa kailaliman ng Storage Item.
Para makasigurong hindi gagawa ng isang nakakagulat na bagay ang Book of Nalu na ito, inilagay ni Marvin ang isa pang pahina na nasa ancient amber sa ibang storage item.
Nang sa ganoon, masisiguro niyang magkahiwalay ang dalawang pahina.
Pero kahit na ganoon, nag-aalala pa rin si Marvin.
'Mukhang may problema sa pahina ng [Rebirth].'
'Kahit na ang Rebirth ang sinasabing pinakaligtas na pahina ng Book of Nalu, pagtapos 'tong makakuha ng Divine Source, parang mas lumakas ang espiritu ng pahina na 'to.'
May dahilan si Marvin para maramdaman ito.
Nakakuha na ng malaking halaga ng Divine Source ang Book of Nalu. Isa pa, kontrolado pa rin nito ang kaluluwa nina Raven at Madeline.
Kung hindi dahil sa inilagay na restriction ni Hathaway sa kanyang katawan, marahil namanipula na si Marvin nito.
Nagiging aktibo na ito kaya naman gusto itong pigilan ni Marvin.
Kung hindi niya ito ma-kokontrol nang maayos, mas mabuting itabi na lang niya ito sa kanyang storage item.
Para naman sa panibagong pahina, ang [Reincarnation], interesado rin dito si Marvin. Siguradong magsasaliksik siya tungkol dito kapag nagka-oras siya.
Pero napansin niyang kakaiba na ang kanyang kapaligiran.
'Kahit na ito rin ang kaparehong madilim na daan papasok, nag-iba na ang kulay ng mga sahig at kisame!'
'Wala na ko sa ikalawang palapag!'
Gulat na tiningnan ni Marvin ang kanyang kapaligiran.
Bigla siyang nakarinig ng pag-uusap sa isang sulok.
Agad naman gumamit si Marvin ng Stealth, pero nagulat siya nang makakita siya ng kakilala.
'Hehe… Ikarina…'
'Hindi ko inasahang direkta akong makakapunta sa ikatlong palapag.'