webnovel

Frightening Mine

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa ngayon, wala pang kailangan gawin ang mga adventurer.

Isang batas lang ang mayroon sa paghahati ng mga nakukuha pagkatapos ng isang labanan.

Simple lang ito: ang mga may naitulong lang ang makakakuha.

Walang naiambag sa nakaraang laban ang mga adventurer kaya wala silang makukuha.

Sa utos ni Anna binaklas ng mga 'to ang tinutuluyan ng mga gnoll at ginamit ang mga torso para palibutan ang ilang mga lagusan ng minahan.

"Bakit kaya hindi na lang sa dulo ng minahan gumawa ng titirhan ang mga gnoll? Mas madali pa sana 'tong depensahan kung ganoon."

Pagtatakang tanong ni Cat.

Walang nakasagot sa kanya dahil patay na ang mga gnoll. Walang nakakalam kung paano mag-isip ang mga nilalang na 'to.

Nabawasan ng kahit paano ang galit ng garrison ng White River Valley.

Isinalansan nila ng mabuti ang mga bangkay ng mga gnoll at sinunog 'to. Saka nila inasikaso ang mga nakuha nila.

Sobrang hirap ng mga gnoll na walang nakuhang mahahalagang bagay ang mga lalaki.

Puro pagkain lang.

Pero tanging mga gnoll, kobold, at goblin lang ang kumakain ng ganoong klaseng pagkain.

Noong ikalawang siglo, kinakain din ng sangkatauhan ang ano mang mahanap nila katulad ng mga ito. Ginawa nila 'yon dahil sa sobrang hirap ng buhay.

Pero mula ng magsimulang umangat ang sangkatauhan, nasanay na sila sa masasarap na pagkain. Hindi na sila kumakain ng mga pagkain tulad ng ugat ng puno.

Walang kumakain ng ganoon sa panahon ng kapayapaan.

Pinaghanda ni Anna ang dalawang miyembro ng garrison ng kanilang mga kakailanganin sa misyon.

Nagdala sila ng sapat na pagkain tulad ng tinapay, pinatuyong karne, at sapat na tubig.

Itinapon na nila ang mga gamit ng mga gnoll.

Ang mga torso lang ang tanging bagay na napakinabangan nila.

Magagamit nila ang mga trosong 'yon para gumawa ng kanilang kuta. Kung talagang mahuhulog sa patibong nila ang mga gnoll, mas mapapadali nito ang mga bagay-bagay para sa lahat.

...

Mabilis ang takbo ng oras. Lumubog na ang araw.

Nagtulong-tulong ang lahat para gumawa ng kanilang kampo. Mas maayos naman itong tingnan kumpara sa mga gnoll.

"Mukhang ako ang unang magbabantay."

Kailangan nilang magpalitan sa pagbabantay. Malay ba nila kung biglang lulusob ng hating-gabi ang mga gnoll.

Nagbunutan sila kung sino ang magbabantay, at ang pugilist na si Rock nga ang unang magbabantay.

Biglang lumapit si Marvin at naupo sa isang batong nasa lagusan ng minahan.

"Samahan na kita."

Nagbago ang mukha ni Rock. Hindi niya alam kung anong sasabihin.

Tiningnan ng lahat si Marvin.

Pero natulog na rin ang mga ito nang ituos ni Anna na magpahinga na sila.

Alam nilang isang malaking labanan ang magaganap kinabukasan.

Kahit na nangako si Marvin na siya ang bahala sa gnoll shaman, hindi pa rin dapat maliitin ang ibang gnoll na fighter.

Kahit na kayang-kaya silang talunin isa-isa ng mga adventurer, ibang usapan na kapag marami na sila.

Kailangan nila ng sapat na lakas para makasabay sa ano mang pagbabagong magaganap sa gitna ng labanan.

Maririnig ang pagdingas ng apoy na ginawa nila.

Tahimik lang nagbabantay si Rock at Marvin.

Binabantayan rin ni Rock ang bawat kilos ni Marvin.

Sa totoo lang hindi niya naiintindihan ang lalaking 'to. Hindi siguro niya dapat binanggit na interesado siya sa pabuyang nakapatong sa ulo ni Marvin, dahil maaring pagsimulan ito ng gulo.

Tatlong atake lang ang kinailangan niyang gawin para talunin si Green. Si Green na bahagyang mas malakas sa kanya sa laban. Talagang nakakatakot ang lakas ng taong 'to.

Kung maibabalik niya lang ang oras ay hindi na sana niya sasabihing gusto niyang makuha ang pabuya sa ulo ni Marvin.

Pero ang katunayan, wala naman talagang problema si Marvin kay Rock.

Wala na siyang ibang dahilan sa pagsama sa pagbabantay kundi para makasigurong ligtas sila.

'Parang may mali. Hindi naman siguro ganoon Katanga ang mga gnoll. Bakit kaya hindi na lang sa tabi ng minahan sila gumawa ng kampo?'

'Hindi ba mas madali nila itong mapoprotektahan kapag ganoon?'

Hindi na siguro ito gaanong pinansin ng iba pero iba ang kutob ni Marvin.

Pakiramdam niya'y may naranasan na siyang tulad nito dati.

Hindi niya lang maalala kung ano 'yon.

Naiirita na siya dahil hindi niya maalala. Nakaupo lang siya doon habang sinusubukang alalahanin.

Kaso nga lang, hindi pa rin niya ito maalala.

'Ano 'yon?'

May biglang narinig si Marvin habang malalim na nag-iisip.

'Ang tunog na 'yon!'

Biglang tumayoang mga balahibo ni Marvin.

'Isa ba 'tong fear skill?'

Napansin niya ito kaagad.

Kitang-kita niya sa kanyang battlelog: nakaranas siya ng isang fear check!

At dahil nasa kanya ang headless girl's gift, hindi umepekto ito sa kanya.

Sa mga oras na 'yon ay may napansing anino si Marvin na lumulutang sa loob ng minahan.

'Kaya pala…'

Naiintindihan na ni Marvin!

Alam na niya kung anong nangyayari!

'Kaya pala hindi gumawa ng kampo ang mga gnoll malapit sa minahan.'

'Hindi dahil sa ayaw nila, sadyang hindi nila gustong subukan!'

'Kung papasukin ko ang lagusan ngayon, malamang makakakita ako ng ilang bangay ng mga gnoll.' Inisip ni Marvin.

Wala namang napansing kakaiba si Rock na nasa tabi niya lang.

Normal lang 'to dahil hindi ganoon kalakas ang pandinig nito para marinig ang mga galaw sa loob ng lagusan.

'Sila nga HAHAHA! Mukhang sinuswerte ako ah.'

Habang iniisip ang mga bagay na 'to, binuksan niya ang kanyang character window. Sa ranger section makikita ang 46 class points na hindi pa nagagamit.

GInamit niya agad ang 25 SP para sa [Listen]!

Hindi talaga gustong pataasin ni Marvin ang skill na 'to ngunit dahil wala siyang [High Perception], kailangan niya ng [Listen] dahil mahalaga ito sa mga class na gumagamit ng stealth.

Sapat na ang 25 nna puntos sa listen para tumalas ang pandinig ni Marvin.

Narinig na niya ng malinaw ang mga hindi niya marinig kanina!

Isang hilera ng fear check ang lumabas sa kanyang batlle log at nalampasan niya lahat ng ito.

Masyadong mababa ang fear effect ng mga bagay na 'yon. Ni hindi man lang natakot si Marvin.

Pero kahit ganoon, interesado si Marvin sa kung ano ito.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Rock kay Marvin na nagulat sa biglang pagtayo nito.

"May titingnan lang ako sa loob, tuloy mo lang ang pagbabantay. Baka may mga gnoll pang naghuhukay sa loob. Sisiguruhin ko lang na wala."

Nagsinungaling si Marvin. Iniwan na niya si Rock at biglang nawala sa dilim ng minahan.

"Papasok siya sa minahang ng dis oras ng gabi? Hindi ba siya natatakot sa mga multo sa loob ng minahan? Kakaiba talaga ang lalaking 'yon…" Bulong ni Rock.

Patuloy lang na nagdidingas ang kanilang apoy.

Sa loob ng minahan, hawak ni Marvin ang isang sulo sa isang kamay at hawak naman ang dagger sa kabila.

Hindi naman gaanong manipis ang hangin sa loob at malaki naman ang apoy ng kanyang sulo.

Maya't maya siya yumuyuko para dumampot ng lupa. Saka siya magpapatuloy sa paglalakad.

Sigurado siyang mayroong ibang nilalang sa loob ng minahan na 'to.

Noong si Marvin na ang namamahala sa White River Valley, may mga minerong nagsasabing mayroon daw halimaw sa loob ng minahan.

Pero wala namang nakita ang garrison nang inspeksyunin nila ito.

Mula noon, sa tuwing nagtatrabahong ang mga minero,mayroong mangyayaring kakaiba pero wala namang namamatay.

Kaya hindi na muna nila ito pinansin.

Hanggang sa ngayon.

May hula na si Marvin kung ano ang nasa loob ng minahan. Lalo pa at kabisado na niya ang bawat halimaw sa Feinan.

'Pero… parang may mali.'

"Kadalasan hindi naman nilang ginagawal ang mga tao o iba pang nilalang.'

'Kung di ako nagkakamali… may source of corruption sa di kalayuan.'

Binilisan ni Marvin ang kanyang paglakad.

Kadalasan maraming pwedeng makuha kapag mayroong source of corruption.

Pagkaliko ni Marvin..

May isang malaking mukha ang lumabas mula sa butas ng bundok. Papalapit ito kay Marvin para kagatin siya.

Walang naging reaksyon si Marvin. Umatras lang ito ng bahagya saka inilapit ang hawang niyang sulo papaharap.

Pero hindi ito takot sa apoy. Kinain lang nito ang sulo.

"Pffffff!" 

Nawala pa ang tanging bagay na nagbibigay liwanag.

Biglang lumiwanag ang di mabilang na pulang mata sa dilim.

Bawat pares ng mata ay nakakabit sa isa pang kakaibang mukha.

Mahinahong lumapit sa lapag si Marvin. Binagalan ang paghinga at may kinuha sa void conch.