Tahimik ang buong kweba ng minahan. Mangilan-ngilang pagbubuntong hininga lang ang maririnig.
Matatag ang willpower ni Marvin. Nalulusutan niya ang lahat ng fear check.
Kaya siya naglakas-loob na pasukin ang minahan.
Ang malalaking mga mukha na ito ay uri ng wild creature, mga Earth Spirit.
Hindi pangkaraniwan ang mga earth spirit. Sabi nila, ang mga kaluluwa ng mga nawawalang minerong namatay sa loob ng minahan ay nagiging earth spirit.
half-spirit at half-physical ang mga nilalang na ito. Kakaiba ang kanilang itsura pero pinaka-kakaiba ay ang kanilang mga mukha.
Ang bawat tunog ng pagbuntong-hininga ay ang tunog sa tuwing gagalaw ang mga 'to. Mayroong kasamang mahinang fear skill ang bawat tunog nito.
Agad na matatakot dito ang mga duwag na tao.
Pero hindi duwag si Marvin.
Hindi gagalawin ng mga pangkaraniwang earth spirit ang mga tao dahil mababait ang mga ito.
Pero mukhang nabahiran ng kung ano ang mga earth spirit na ito. Mabilis ng maalit at naging iritable ang mga ito. At sinugod pa si Marvin.
Interesado si Marvin sa pinagmulan ng bahid na 'to. Kadalasang nagmumula sa magic power ng mga wizard ang corruption source. Kapag tumatagas ang magic power nila, ang mga nilalang na mababa ang intelligence ay maapektuhan ng chaos magic. Kaya naman mag-iiba ang ugali ng mga ito.
At sa panahong ito, mahalaga ang mga kagamitang gawa ng mga wizard.
Kung tutuusin, ang isang lugar na maraming earth spirit ay paniguradong maraming kayamanan.
Laging binibigay ni Marvin ang lahat ng makakaya niya kapag naghahanap ito ng kayamanan.
…
May kinuha siya sa void conch… Isa itong malaking paputok!
Kahit na hindi takot sa apoy ang mga earth spirit, takot pa rin ang mga ito sa malalakas na ilaw!
Tahimik na sinindihan ni Marvin ang paputok!
Kahit na simple lang ang pagkakagawa ng paputok na ito, sumindi pa rin ito kaagad. Kaso nga lang, halos wala itong flash skill!
Isa-isang binuksan ng mga mga galit at iritableng earth spirit ang kanilang mga bibig dahil sa lakas ng liwanag!
Pero wala namang silang pinakawalang ingay. Kaya naman walang kaalam-alam ang mga tao sa labas sa nangyayari sa loob.
Walang problema dito si Marvin.
inilapag niya ag paputok sa lapag at binunot ang kanyang dagger.
Makikitang hindi makagalaw masyado ang mga earth spirit dahil sa liwanag.
Hindi rin gaanong makakita ang mga ito kaya malamya ang kanilang pagkilos.
Eton a ang pagkakataon ni Marvin!
Hawak ang kanyang dalawang common curved dagger, nagpabalik-balik siya sa mga mukha. Hiniwa ng curved dagger ang mga mukha at di nagtagal, nasa 20 earth spirit na ang napatay ni Marvin.
Kadalasang nasa level 3 ang mga earth spirit pero hindi gaanong malakas pagdating sa pakikipaglaban.
Ang dahilan ng kanilang mataas na level ay ang kanilang fear skill. Nahihirapan ang mga pangkaraniwang taong lumaban kapag nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng fear skill.
May mga pagkakataong hindi mo mapapagalaw ang iyong katawan. Kaya ang paggamit ng isang matinding atake ay maaring ikaw ang masaktan o mas masama pa, ikaw ang mamatay.
Pero hindi tinatablan si Marvin ng kanilang fear skill.
Panlalamang na 'to.
Nakakuha si Marvin ng 609 na battle exp sa 24 na mga earth spirit. Mas malaki pa kumpara sa nakuha niya sa mga zombie ng Grave Robber na si Heiss.
Pero alam ni Marvin na baka hindi na maulit ang ganitong klaseng pagkakataon dahil bihira ang mga earth spirit na gaya ng mga ito.
Ang pagdispatya sa mga level 3 na nilalang gaya nito; bibihira lang itong mangyari.
Masaya na si Marvin sa kanyang nakuha.
…
Tinuloy ni Marvin ang paglalakad pagkatapos talunin ang mga earth spirit.
Binaybay niya lang ang lagusan ng minahan.
May nakita siyang mga bangkay ng gnoll.
Mukhang naging agresibo na ang mga earth spirit dahil nagsimula na silang pumatay ng mga gnoll.
Mukhang malaking hirap ang pinagdaanan ng mga ito. Mababa lang ang kanilang wisdom kaya naman mabilis lang silang mapasa-ilalim ng fear skill.
Wala silang nagawa para tapatan ang mga earth spirit na nagkukubli sa dilim ng minahan. Tanging ang pagtatayo ng kanilang kampo malayo dito ang kaya nila.
Hindi ganoong kahaba ang lagusan ng minahan pero marami itong pasikot-sikot. Maraming minero ang nagtatrabaho dito bago ito abandonahin.
Noong mga panahon 'yon mapayapa pa ata ang mga earth spirit. Pinagkakatuwaan lang ng mga ito ang mga minero at hindi sila sinasaktan.
Ibang-iba ang kalagayan ng mga bagay sa ilang buwan lumipas.
Kung sinubukan man niyang maghanap noon, malamang wala rin siyang natagpuan dahil sa sobrang kumplikado ng mga minahang ito.
Pero madiskarte siya.
Kadalasang natatagpuan ang mga earth spirit sa mababatong lugar. Ang lupa naman ay magkakaroon ng mga pagbabago kapag dumadaan ang mga ito.
Lalambot ang mga batong dating matitbay at matigas.
Nakayukong binaybay ni Marvin ang kweba. Sinusubukan niyang sundan ang malabont na lupa.
Nakapatay pa uli siya ng dalawa pang grupo ng mga earth spirit, kaya nakakuha siya ng karagdagang 377 na battle exp bago niya naabot ang corruption source.
…
May isang yungib sa loob ng minahan.
Mayroong halamang may napakahabang mga baging sa yungib. Nababalot ng tinik ang bawat baging.
'Halamang may lason?'
Tiningnan mabuti n Marvin ang mga baging.
'San nanggagaling ang mga ito?'
Malakas ang lason na gawa sa ganitong uri ng [Highly Poisonous Plant]. Pero hindi naman dapat nito naapektuhan ang mga earth spirit.
'Nagkamali ba ako ng dinaanan?' Isip ni Marvin.
Pero hindi pwedeng walang gawin si Marvin pagkakita nito. Lalo pa at teritoryo niya ito.
Hindi naman basta basta lang tutubo ang isang nakakalasong halaman. Kung hahayaan niya lang tumubo ang halamang ito, baka maging isang nakakatakot na halimaw pa ito.
Kahit na hindi naman nakakagalaw ang mga halimaw na halaman, malalakas pa rin ang mga ito. Lalo na kapag lumaki ang mga ito, hindi na sila tinatablan ng apoy.
'Sa pagkakaalam ko, kakaunting wizard lang ang mayroong ganitong klaseng nakakalasong halaman. Sa mga eksperimento lang kasi ginagamit ang mga ganito.'
Ang mga Sheperd…'
'Hindi kaya ang mga masasamang taong 'yon ang nagnanais makuha ang White River Valley?'
Malakas ang hinala ni Marvin kaya hindi ito nag-atubiling sindihan ng apoy ang lapag.
Magiging delikado lang naman ang isang nakakalasong halaman kapag lumaki ito.
Malilit pa lang ang mga baging nito kaya wala pa dapat maging problema.
Nilamon ng malaking apoy ang bawat piraso nito.
Mahirap gamitin ang lason nito pero maari niyang ibabad ang kanyang mga dagger dito.
Pero dahil wala siyang kasamang apothecary at wala rin siyang dalang apprasing item, maari siyang mamatay kapag nalason siya ng hindi sinasadya.
Napuno ng usok ang lagusan pagkatapos niya itong sunugin. Tinakpan niya ang kanyang ilong at bibig gamit ang kamay saka tinuloy ang paghahanap.
Dahil ayaw niyang may makalusot sa kanyang kahit ano, kaya tinginan niya pa ito ng mabuti.
Hindi niya inaasahang may mahahanap siyang baul ng kayamanan sa ilalim ng nakakalasong halaman.
At walang kandado ang baul na ito!
'Mukhang ito ang corruption source!' Biglang napagtanto ni Marvin.
Maraming bagay ang nasa loob ng baul kasama ng dahilan sa pagbabago ng mga earth spirit.
Isa itong boteng may lamang mabahong likido.
Sinubukan itong amuyin ni Marvin na agad nahilo.
'Matapang na amoy ng asido!'
'Magical acid 'to!'
Ang [Magicalized Acid] ay parang [Highly Poisonous Plant]; parehong mga bagay sila na pag-aari ng mga Sheperd. Ginagamit ito ng mga 'to para maghasik ng kasamaan sa buong Feinan.
Mabilis sumingaw ang Magicalized Acid. Kaya kapag kumalat ito sa hangin mabilis din nitong naapektuhan ang mga earth spirit na mababa ang intelligence.
Pero sa pwesto ng boteng ito, mukhang hindi naman ito sinasadyang ipakalat.
Hinalungkat pa ni Marvin ang abo at may nakita itong mga buto.
Mahirap ng makilala kung anong nilalang ang nagmamay-ari nito dahil naabo na sila ng apoy. Pero mukhang buto ito ng isang matangkad na nilalang.
'Mga Sheperd!'
'Mayroon ba talaga Shepherd na nagpunta sa White River Valley? Bakit dito siya namatay?'
Isa-isang nahanap ni Marvin ang sagot sa kanyang mga katanungan.
'Namatay siguro ang Shepherd na ito dahil hindi ito naging maingat sa pagdadala ng nakakalasong halaman at magicalized acid.'
'Mukhang ilalagay dapat ng lalaking ito ang mga ito sa loob ng baul at ibabaon.. pero bago pa man niya ito magawa, namatay ito.'
Mababa lang siguro ang rank ng Shepherd na ito. Kinamatay niya rin siguro ang malalang sugat.
Ang tanong, bakit siya nagpunta sa minahang ito?!
Kahit si Marvin na maraming karanasan ay hindi mahanapan ng sagot ito.
Itinabi na muna niya ang buto ng Shepherd at tinakpan ang bote ng magicalized acid para hindi na nito maapektuhan ang ibang pang nilalang sa minahan.
Bumalik na sa dati ang mga earth spirit.
…
Mayroon pang dalawang bagay sa loob ng baul. Isang green jade dagger at isang makapal na sobre.
Agad na nahumaling si Marvin sa dagger nang makita ito.
Mukhang hindi naman ginamitan ng [Obscure] ng dating may-ari ang dagger, kaya isang [Inspect] lang ang kialngan gawin ni Marvin para malaman ang mga attribute nito.
[Kingfisher Jade Dagger +1]
Quality: Uncommon
_______________________________
(T/N: Ang Kingfisher Jade ay isang particular na uri ng jade. Nahahati sa dalawa ang mga uri nito: ang Nephrite at Jadeite. Hindi ganoon kalinaw ang kulay ng Nephrite. Ang Jadeite naman ay kulay berde na gaya ng imperial jade at kingfisher jade. Ang Imperial jade ay malapit ang kulay sa emerald habang hindi rin ganoon kalinaw ang kulay ng kingfisher jade.)