webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
213 Chs

Chapter Ninety-Eight

Ang sabi nila, kapag sinisi mo ang bata sa isang bagay katulad ng aksidente o kamatayan ay habang buhay na nilang dadalhin ang paninisi na 'yon sa kanilang sarili. Kahit makalimutan nila 'yon, unconsciously, dala-dala pa rin nila ito hanggang sa kanilang paglaki.

Dahil sa paninisi na 'yon ay nabubuo ang takot sa kanila na magkamali uli. At nagkakaroon sila ng isang personalidad na hindi maintindihan ng ibang tao. Katulad ni Timothy. Alam ko sa sarili ko na totoo ang kung ano mang meron sa amin ni Timothy.

Naging totoo 'yon para sa akin. Totoo ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

Hindi ko rin masabi kung bakit naniniwala ako sa bagay na meron kami ni Timothy. Siguro dahil alam kong mahal ko siya. Nagkakaintindihan kaming dalawa. Kilala namin ang isa't isa kaya siguro alam ko na totoo 'yon.

Kaya naman hindi ko masisisi si Kuya kung bakit hindi siya naniniwala sa pagmamahal sa'kin ni Timothy. Sa tingin ko ay hindi niya 'yon makita dahil na rin sa hindi niya tanggap ang relasyon naming dalawa.

Kahit na ganon si Kuya ay naiintindihan ko siya. Natakot kasi siya noon na mawala ako. Kahit hindi niya sabihin sa'kin nang diretso ay alam kong pinoprotektahan lang niya ako. 'Yun naman kasi ang trabaho niya sa buhay ko, ang maging Kuya ko.

Tiningnan ko si Red. Ang daming kung anu-ano na nakakabit sa kanya. Ang putla pa rin niya. Ang pula ng labi niya dati pero ngayon...

Sobra na akong naaawa sa lagay niya. Gusto kong pagtatanggalin 'yung mga nakakabit sa kanya. Ayokong nakikita siyang ganito. Pero kapag ginawa ko 'yon, para ko na ring tinanggal ang pag-asa na mabuhay siya.

Huminga ako nang malalim. Habang hawak ko ang isang kamay ni Red ay nananalangin ako na sana'y magising na siya. Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang ipinasok siya rito sa ICU. At halos hindi na rin ako umaalis sa kanyang tabi.

Natatakot kasi ako na baka may mangyari sa kanyang masama. Paano na lang kung masira ang makina na bumubuhay sa kanya? Walang tatawag ng nurse o doktor kung sakali. O paano kung may iba pang tauhan si Riri at pumunta dito para patayin kaming dalawa? Paano kung unahin nila si Red? Ano'ng gagawin ko kung wala siyang bantay sa mga oras na 'yon?

"Jared, ano ba ang napapanaginipan mo? Siguro nambababae ka na sa panaginip mo kaya ayaw mo nang magising 'no?" hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

Natatakot talaga ako na mawala siya sa'kin. Kakaiba ang takot na nadarama ko sa tuwing iisipin ko na maaaring bigla na lang siyang mawala sa akin.

Hahawakan ko na lang ang kamay niya, baka sakaling maramdaman niya ako at gumising na siya.

"Jared, gumising ka na kasi. Please?" Pinunasan ko kaagad ang luha na gustong pumatak sa mata ko.

Biglang may humawak sa balikat ko at agad akong napalingon.

"Hija, magpahinga ka muna. Kanina ka pa nandito." Si Tita Laura pala, akala ko kung sino na.

Nakatayo siya sa likod ko at nakikita ko kung gaano kasakit para sa kanya ang makita na ganito ang lagay ni Jared.

"Hindi po, ayos lang po ako," umiling ako at muling tiningnan si Red. "Dito lang po ako sa tabi niya."

"No hija, nag-aalala rin ako sa'yo. Kumain ka muna ha?"

"Pero tita..."

"It's okay, hija. Ako muna ang magbabantay sa kanya. Isa pa, may sasabihin din kasi ako sa anak ko," ngumiti si Tita sa akin. Sa kabila ng ngiting 'yon ay bakas pa rin ang lungkot at pagod na nadarama niya.

Tiningnan ko si Tita habang iniisip kung aalis ba ako. Siguro nga'y kailangan ko muna silang iwan. Sa sobrang pag-aalala'y nakalimutan kong nandito nga pala si Tita para kay Red.

Muli kong nilingon si Jared. "Red, babalik ako mamaya. Okay? Hintayin mo ako ha?"

Nanatili siyang walang kibo. Mas dumodoble ang sakit na nararamdaman ng aking puso sa tuwing kakausapin ko siya pero ni isang sagot ay wala akong makukuha.

Hinihintay ko siyang magising para sagutin ang lahat ng mga sinasabi ko sa kanya. Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagbabago ang kondisyon niya. Hindi rin masigurado ng mga doktor kung magigising pa siya.

Bigla akong tumayo mula sa aking pagkakaupo upang yakapin si Tita.

"My boy is strong, I know he will wake up soon," sabi ni Tita sa akin.

Ngumiti ako nang bahagya.

"I know tita," tumango ako at pilit na pinipigilang pumatak ang aking mga luha.

Lumabas na ako ng kwarto at naiwan si Tita na nakabantay kay Red. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ni Tita. Pakiramdam ko kasi ay mas bibigat ang pakiramdam niya kapag umiyak pa ako. Alam ko na pinipilit din niyang maging matatag kaya naman hindi niya pinapakita ang takot sa maaaring mangyari sa kanyang anak.

Ayoko ng dumagdag pa sa problema ni Tita. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nasa ganoong lagay ang anak niya. Wala akong karapatan na maging mahina. Ako dapat ang unang tao na maniwala na may pag-asa pa.

Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Lucien. Papalapit siya sa akin.

"Kumusta siya?" bungad na tanong niya sa akin.

Umiling ako at yumuko.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa," umiling ako at tipid na ngumiti.

Para ko na rin siyang kuya. At mukhang nagseselos na nga yata sa kanya si Kuya Lee.

"Halika, sasamahan kitang kumain."

Tumango lang ako. Pakiramdam ko nanghihina na ako. Pumunta kami sa canteen ng ospital at um-order ng pagkain. Umupo kami sa may bandang sulok. Malapit sa garden ang canteen kaya naman nakikita ang ganda ng mga halaman sa labas.

"Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo," umpisa niya.

Para talaga siyang si Kuya Lee. Ang pagkakaiba lang eh si Kuya Lee ay pwede kong barahin pero si Kuya Lucien, natatakot akong suwayin siya. Para kasing mas matured siya kaysa kay Kuya Lee eh.

"Dapat iniisip mo rin ang lagay ng katawan mo," patuloy niya.

"Opo, kuya," sagot ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Dapat bilisan ko nang kumain para makabalik agad ako sa pagbabantay kay Red.

"O dahan-dahan sa pagkain."

Naubo ako kaya naman inabutan ako ng tubig ni Lucien.

"Sinabi ko na," aniya niya. "Huwag kang magmadali, hindi siya mawawala."

Ininom ko 'yung tubig na binigay niya. Hindi raw siya mawawala. Gusto kong maniwala dun pero natatakot ako.

"Okay ka na?"

Hindi ko alam pero nang itanong nya 'yon ay bigla na lang bumuhos ang mga pinipigilan kong luha. Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan niya. Gusto ko nang tumigil sa pag-iyak pero hindi ko magawa. May biglang yumakap sa akin.

"Marami akong oras," sabi niya habang tinatapik-tapik ang likod ko.

At binasa ko na nang luha ang damit niya. Ilang minuto pa nang matapos akong umiyak. Nahihiya na rin ako sa kanya. Meron siyang calming effect na nakakapagpagaan ng loob ko. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Ngayon naman ay naglalakad na ako pabalik sa ICU.

Ang sabi ni Lucien ay may aasikasuhin daw siya, dito rin kasi siya sa ospital na 'to nagtatrabaho. Hindi totoo na marami siyang oras. Hindi biro ang magpalakad ng hacienda at ospital pero binigyan niya pa rin ng oras ang isang katulad ko.

Sabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako maging mahina dahil ang dami kong binibigyan ng problema.

Habang naglalakad ako ay biglang may bumunggo mula sa aking likuran. Nakita kong nagtatakbuhan ang ilang doktor at nurse. Mukhang may emergency. Kinabahan ako ng husto nang makita ko na papunta silang lahat sa ICU.

Si Red. Tumakbo na rin ako papunta sa ICU. Pagkapasok ko ay nakita kong pinalilibutan nila ang kama ni Jared. Nakita ko si Tita Laura na nakatulala sa nangyayari. Bakas sa mukha niya ang takot.

"Ang anak ko... Ang anak ko," paulit-ulit na sabi ni Tita.

Nagkakagulo na ang mga nurse at doctor. Hindi ko maintindihan ang ginagawa nila but it seems like that they are trying to revive Red. Napatutop ako sa aking bibig. Hindi ako makagalaw dahil sa nangyayari.

"READY THE DEFIBRILLATOR!"

"YES, DOC!"

"260 joules!"

"CLEAR!"

Si Red... Si Red...

"Jared, anak ko!" tawag ni Tita nang mahimasmasan sa mga nangyayari.

"Ano'ng nangyayari dito?!" si Tito humahangos na dumating.

"T-Tito," hindi ko masabi kung ano ang eksaktong nangyayari.

"Please save my son! Please save my son!" umiiyak na sabi ni Tita.

"Laura," agad na lumapit si Tito sa asawa niya at niyakap ito.

"Ang anak ko! Jared, anak! Please!"

Nanatili lang akong nakatayo sa gilid habang pinapanood ang mga ginagawa nila kay Red.

"CHARGE!!"

"CLEAR!"

Napatingin ako sa monitor. Diretso ang linya. Diretso. B-Bakit!?

"360 joules!!"

"CHARGE!!"

"CLEAR!!"

"JARED!! PLEASE!! MY SON!! SAVE MY SON!!"

Red.

Hindi. Hindi ito nangyayari.

Bakit irregular ang linya sa monitor? Hindi siya pwedeng... Hindi siya pwedeng mawala. Jared, please lumaban ka!

Please Jared, lumaban ka!

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha habang pinapanood silang ginagawa ang lahat para maibalik ang regular heartbeat ni Red.

Natulala kaming lahat nang makita namin ang tuluyang pagdiretso ng heartbeat ni Red. Humarap ang doktor sa amin. Nanlalabo ang paningin ko pero nakikita ko pa rin ang pag-iling niya at ang buka ng kanyang bibig.

"We lost him, I'm sorry."

"HINDEEEE!!! ANG ANAK KO!!! JARED!! JARED!! ANAK!!!"

Agad akong tumakbo kay Red. "Red, gumising ka!" niyugyog ko siya. "RED! GUMISING KA SABI!! JARED!!!"

Hindi sya humihinga. Hindi gumagalaw. Perfectly still...

"Declare the time of death."

"Three thirty-three pm."

"HINDI PA SIYA PATAY!!" sigaw ko sa kanilang lahat.

Blanko ang expression ng mga mukha ng doktor at nurse. Parang sanay na sila sa ganitong eksena.

Tiningnan ko uli si Red at nagmakaawa sa kanya. "Please Red, gumising ka. Please gumising ka na!! JARED!!" pinaghahampas ko ang dibdib niya.

"Anak ko! Ang anak ko!!"

"Laura."

"Ibalik niyo ang anak ko! Magbabayad kami kahit magkano! Please doc, ibalik niyo siya! Nakikiusap ako! Ibalik niyo sa'kin ang anak ko!" naririnig kong pagmamakaawa ni Tita sa doktor.

"I'm sorry, Ma'am."

"HINDI SIYA PWEDENG MAWALA. NAPAKA-BATA PA NG ANAK KO!! Please doc, magbabayad kami..." humahagulgol na sabi ni Tita. "Kahit pa magkano. Ibalik niyo siya. Nagmamakaawa ako sa inyo. Ibalik niyo siya."

"JARED DELA CRUZ!! GUMISING KA NA SABI!!!" sigaw ko.

Hinampas ko siya nang hinampas. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi niya kami pwedeng iwan.

"JARED!!! PLEASE!!!" patuloy ko pa ring hinahampas ang dibdib niya.

Hindi ka pa pwedeng mawala. Hindi ka pwedeng mawala nang ganito!

Paano na lang kami ni Angelo? Paano si Angelo?

"Jared," tinitigan ko ang mukha nya. "Mahal kita."

Mahal kita. Mahal din kita.

"Please Jared, huwag mo 'kong iwan."

Wala na akong ibang makita kung hindi ang mukha niya. Mahal ko rin siya. Sa tagal ng pagsasama namin sa France, nagkaroon na pala siya ng lugar sa puso ko. Bakit ngayon ko lang na-realize ito? Bakit ngayon pa kung kailan huli na? Kaya ba nangyari ito para ma-realize ko 'yon? Simula noong mga bata pa lang kami, kami na ni Jared ang dapat na magkasama. Kaming dalawa dapat. Pero nakalimot ako. Nakalimutan ko siya.

God please, buhayin mo lang siya at susunod na ako sa anumang plano mo para sa akin.

Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko hanggang sa bigla na lang nagdilim ang paligid ko.