"Samantha, hija," narinig ko ang boses ni Tita.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at puting kisame na naman ang nakita ko.
"Samantha," boses ni Tito.
"Princess," si Kuya Lee.
Agad akong bumangon sa kama at biglang napahawak sa aking ulo dahil umikot ang aking paningin.
"Princess, humiga ka muna," marahan akong itinulak ni Kuya pabalik sa pagkakahiga.
Napatitig na naman ako sa puting kisame habang binabalikan ko ang mga pangyayari.
"We lost him," naalala kong sabi ng doktor.
Wala na siya.
Wala na si Red.
Nangilid ang luha ko. Pakiramdam ko ay may sumasakal sa akin at hindi ako makahinga nang ayos. Ang puso ko'y parang unti-unting pinipiga sa sobrang sakit.
Bakit? Bakit nangyari 'to sa kanya?
"Kasalanan ko. I'm sorry, Tita and Tito," tinakpan ko ang mukha ko. Ni hindi ko sila magawang tingnan. Nahihiya akong humarap sa kanila.
Umiyak na ako nang umiyak. Nawalan sila ng anak nang dahil sa akin.
Nawala si Jared. Nawala siya. Wala na siya.
"No hija, wala kang kasalanan sa nangyari," sabi ni Tita.
Sinasabi lang nila sa akin na wala akong kasalanan pero ang totoo ay ayaw lang talaga nila akong sisihin sa nangyari.
Bigla akong niyakap ni Tita.
"Hija, tumahan ka na. Hindi magiging masaya ang anak ko kapag nalaman niya na iniiyakan mo na naman siya," sabi ni Tita sa akin sabay haplos ng likod ko.
"Tita. Tita, I'm sorry. Nawala siya dahil sa'kin. Kasalanan ko Tita," iyak ko.
"No hija," humiwalay sa pagkakayakap sa'kin si Tita at tiningnan ako sa mga mata.
Hindi ko siya matingnan nang diretso dahil naluluha pa rin ako. Nanginginig pa rin ako sa pag-iyak.
"Buhay siya. Buhay ang anak ko, hija. And it's all thanks to you."
Parang tumigil ang oras at wala akong ibang naririnig kung hindi si Tita.
Buhay siya?
"B-Buhay siya?" hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
"It was a miracle, hija. Imposible but he made it," maluha-luhang sabi ni Tita. "He's alive."
Then everything went black.