webnovel

My Innocent Maid XLII

Katherina

Nagising akong may ngiti sa aking mga labi dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Nakangiti akong bumangon at hawak-hawak ang aking labi. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na ang halik na iginawad sa akin ng Mahal ko ay napakatamis at ang saya sa pakiramdam. Napatingin ako sa sofa kung saan nito piniling matulog. Mahimbing itong nakapikit at pilit na pinagkakasya ang katawan sa maliit na upuan.

Dahan-dahan akong bumangon at lumapit dito. Kinumutan ko siya at naupo ako sa kanyang tabi. Napakaguwapo niya talaga kahit natutulog ito. Hindi ko napigilang haplusin ang kanyang mukha para makasiguradong hindi ako nananaginip lang at kasama ko nga talaga ito. Hindi pa ako nakontento, inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit naging gawain ko na ang paghalik sa labi nito na hindi ko naman dating ginagawa. Nakakaadik ang kanyang labi na para bang laging nag-iimbitang halikan ko ito.

Nang nailapat ko ang labi ko sa labi niya ay napamulagat ako dahil bigla nalang niya ako niyakap at mas inilapit pa ang katawan nito sa akin. Namula ako sa ginawa ko dahil nahuli ako sa aktong pagnanakaw ng halik. Aalisin ko na sana ang labi ko sa labi niya ng bigla nalang niyang hinawakan ang batok ko at pinalalim ang aming halikan. Napapikit nalang ako at ginaya ang paraan ng paghalik nito kagaya nang kagabi.

Nang tinapos nito ang halikan namin ay nakapikit pa din ako at para bang gusto pa ng isa. Pagmulat ko ay ang nakangiting mukha ng Mahal ko ang bumungad sa akin.

"That was a perfect morning greetings from you, Mahal ko." Sambit nito na ikinangiti ko kahit namumula pa ang aking mukha.

"Akala ko kasi tulog ka pa. Bakit ba kasi laging nang-aakit ang labi mo at parang tinatawag akong halikan ko ito." Nakanguso nang sambit ko na ikinatawa nito nang mahina.

"Parang gusto ko 'yan. Hindi ko na kailangan pang halikan ka dahil ikaw na mismo ang humahalik sa akin, Mahal ko. Pinapakilig mo tuloy ako," hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang kinikilig ito sa akin. Dahil sa pagkakaalam ko ay mga babae lang ang dapat kinikilig sa mga ginagawa ng lalake. Napakunot ang noo ko at tinanong ito.

"Pwede ba 'yon, Mahal ko? Yung kayong mga lalake ang kinikilig? Eh wala naman akong ginagawa na dapat mong ikakilig?" Takang tanong ko dito na mas ikinalawak ng ngiti niya.

"Kahit wala kang gawin, Mahal ko, sa mga salita palang na lumalabas sa bibig mo ay napapasaya mo ako at napapakikig mo ako ng hindi mo napapansin. Hindi lang babae ang kinikilig, Mahal ko, pati kaming mga lalake. Lalo na kung ganito kaganda at kasweet ang pinakamamahal namin." Sambit nito at hinaplos ang aking mukha. "Sana ganito nalang lagi ang mabungaran ko paggising ko, Mahal ko. Yung nakangiting mukha mo at paghalik mo na magpapamulat ng aking mga mata. I love you, Mahal ko."

Napangiti ako, "I love you too, Mahal ko."

Pinahiga niya ako sa tabi nito at pinagkasya namin ang aming sarili sa maliit na sofa. Tawa ako ng tawa dahil halos mahulog na ako sa aking kinalalagyan pero hindi hinahayaan ni Marco na mahulog ako. Mahigpit niya akong niyayakap habang ang mga paa niya ay nakapulupot sa aking baywang.

"Mahal ko?" Patanong na tawag ko dito.

"Bakit, Mahal ko?" Malambing na tanong nito pabalik sa akin at nagmulat ng kanyang mga mata.

"Kasi ano...'yong ano kasi." Hindi ko maituloy-tuloy na bigkas ko. Nakita ko namang napakunot ang noo nito kaya nagpeace sign ako sa kanya at alanganing napangiti.

"Ano ba ang sasabihin mo, Mahal ko?" Tanong ulit nito sa akin kaya napayuko ako sa kanyang dibdib bago nagsalita.

"Bakit ang bango mo, Mahal ko?" naiba tuloy ang tanong ko sa kanya nang masamyo ko ang bango na humahalimuyak sa kanyang katawan. "At bakit ang tigas ng dibdib mo?" sunod kong tanong dito habang hinahaplos ang dibdib niya at pinipisil pa ito.

"Don't do that, Mahal ko." nahihirapang bigkas niya kaya napatingin ako dito. Nakita kong nakapikit na ito.

"Do what, Mahal ko? Masama bang haplusin ko ito?" Nagtatakang tanong ko at pinagpatuloy ko pa ang paghaplos sa kanyang matitigas na dibdib pababa sa kanyang mala-adonis na abs. Ang sarap hawakan at nakakaengganyo dahil napakatigas nito.

"Fuck! Uggghhh!" narinig kong mura niya at kasabay nito ay ang pag-ungol nito. Mas lalo akong nagtaka.

"May masakit ba sa'yo, Mahal ko?" nag-aalalang tanong ko dito nang marinig ko ang pag-ungol niya. Nakita ko namang napailing ito at dahan-dahang napamulat.

"You're driving me crazy, Mahal ko." Sambit nito na ikinataas ng aking kilay.

"Ako ba'y pinagloloko mo, Mahal ko?" Taas kilay kong tanong dito na ikinatingin niya ng nagtataka sa akin.

"Kailanman ay hindi kita niloloko, Mahal ko. Paano mo nasabi 'yan?" Tanong nito na ikinairap ko.

"Pa- you're driving driving me crazy ka pang nalalaman diyan, Mahal ko. Hmmmp! Wala nga akong sasakyan tapos magdrive pa kaya." Irap ko sa kanya na ikinatawa nito. "Anong nakakatawa?" Taas kilay kong tanong dito nang marinig ko ang malakas nitong pagtawa.

"Wala, Mahal ko. Ang ibig kong sabihin ay mahal na mahal kita nang sobra." Tumigil na ito sa pagtawa at niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"Ginagago mo ba ako, Marco?" Kunot-noo nang tanong ko dito na ikinailing niya habang nakayakap pa rin ito sa akin.

"Hindi, Mahal ko. Hindi mo lang naintindihan ang ibig kong sabihin sa ainabi ko, Mahal ko. Hindi naman kasi porke't my driving na ay nagmamaneho agad, Mahal ko. Hindi ganoon 'yon." Paliwanag nito sa akin na ikinahinga ko nang malalim dahil sa higpit ng yakap nito sa akin.

"Hindi na ako makahinga, Mahal ko. Bitaw sandali, blaak mo na ata akong patayin sa higpit eh." Bulong ko na ikinahingi nito nang tawad at niluwagan ang pagkakayakap nito sa akin pero hindi ito kumalas.

"Mahal na mahal kita, Mahal ko. Kahit anong mangyari ay ikaw lang ang pipiliin ng puso kong mahalin at wala ng iba." nakangiting sabi nito sa akin kaya napangiti na din ako.

"Mahal na mahal din kita, Mahal ko. Walang papalit sa'yo dito." sabi ko at itinuro pa ang aking dibdib. Hinintay ko na lamang na lumapat ang labi nito sa aking labi nang makita kong balak nito akong halikan.

Lumalim ang halikan namin at hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla nalang uminit ang paligid namin. Hinila niya ako paibabaw sa kanya at patuloy niya pa din akong hinahalikan at hinahagod ang aking likod. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahawak ako sa dibdib nito at mas pinalalim pa ang halikan namin.

Napamulat nalang ako nang may maramdaman akong matigas na bagay na parang tumutusok sa aking puson. Bigla kong naiangat ang mukha ko para patigilin ito sa paghalik sa akin at tinanong ito. At dahil nakayap ito sa akin ay hindi ako basta-basta makakatayo sa kinahihigaan ko.

"Ano kasi, Mahal ko. Ano 'yong nakatusok sa may puson ko na matigas na bagay?" Kunot-noong tanong ko na ikinatawa niya ng mahina at napailing.

"Do I need to answer that, Mahal ko?" Nakangiting tanong nito sa akin na ikinairap ko.

"Eh paano ko malalaman kung ano 'yon? Hindi ko naman mahawakan dahil napakahigpit ng yakap mo sa akin. Kaya sabihin mo nalang," sabi ko dito na mas ikinatawa nito. Eh? Nagtatanong ako tapos tatawanan niya lang. Pasalamat siya at mahigpit ang yakap nito sa akin kung hindi ako ang kakapa doon at tatanggalin kung ano man ang nakakatusok na bagay na 'yon.

Napatili ako ng bigla nalang niyang pinagpalit ang puwesto namin. Ngayon, siya na ang nasa ibabaw at ako na ang nasa ilalim. Mas lalo akong napatili nang maramdaman ko na mas lalo itong tumusok sa may ibabang bahagi ng katawan ko.

"Waaaahhh! Tanggalin mo na 'yon, Mahal ko? Mas lalong tumutusok!" Tili ko na mas lalo naman nitong ikinatawa at mabilis nang umalis sa ibabaw ko at dumiretso sa banyo.

Naiwan akong nakahiga sa upuan at nakatingin sa banyong pinasukan niya.

"Hmmmp! Bigla nalang nang-iiwan 'tong lalake na 'to. Para pinapatanggal lang 'yong tumutusok na 'yon." Irap ko sa may pintuan na akala mo ay si Senyorito ay ang pintuan. "Ah... baka tinanggal niya lang 'yong tumutusok." tumatangong sabi ko sa sarili ko at bumangon na sa pagkakahiga.

Nakangiti akong lumabas ng kuwarto at tumungo sa kusina para magluto ng kakainin namin. Inilabas ko muna ang mga gagamitin ko bago ako nagsaing ng bigas. Nasa lababo na ako at hinuhugasan ang isdang iluluto ko nang bigla nalang may yumakap sa akin mula sa aking likod. Napangiti ako nang halikan niya ako sa aking pisngi.

"Sana ganito nalang tayo palagi, Mahal ko. Ang sarap sigurong gumising na ikaw ang mabubungaran ng aking mga mata, Mahal ko." Lambing nito sa akin mula sa pagkakayakap niya sa aking likuran.

"Alalahanin mo, Mahal ko, may kasal ka pa pong dapat pigilan bago mangyari 'yang sinasabi mo." nakangiti kong paalala dito habang nililinisan ko ang isdang hawak-hawak ko. Gusto ko mang haplusin ang mukha nito ay hindi pwede baka mangamoy isda ito at masayang ang kabanguhan nito.

"Mahal ko naman, kailangan mo pa talagang banggitin ang tungkol sa bagay na 'yan. Dapat ang isipin mo ay 'yong tayong dalawa lang. Walang kasal kasal na 'yan. Dahil sisiguruhin ko sa iyo na hinding-hindi matutuloy ang kasal na sinasabi mo. Pangako, Mahal ko." nangangakong sambit nito sa akin at mas hinigpitan pa ang pagyakap nito sa akin.

"Oo na po, Mahal ko. Umayos ka na diyan para makapagluto na po ako ng kakainin natin." Pagtataboy ko dito pero hindi man lang ito gumalaw. Nanatili itong nakayakap sa aking likod kaya wala akong nagawa kung hindi ang magluto at kumilos na nandiyan lang siya sa aking likuran.

Mahirap kumilos nang andiyan siya pero mas mahirap ang mawala ito sa aking tabi. Kaya habang nandirito pa siya ay lulubos-lubusin ko na ang paglalambing nito dahil hindi sa lahat ng oras ay dapat magkasama kami. May mga bagay itong dapat asikasuhin na dapat siya lang ang gumawa. Kahit gusto ko siyang tulungan ay wala rin lang naman akong maitutulong.

Napangiti nalang ako bago nagsalita, "Mahal na mahal kita, Mahal ko. Lagi mong iisipin na hindi kita iiwan. Andito lang ako kahit na anong mangyari."

Pagkatapos kong sabihin iyan ay pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko na may ngiti sa aking mga labi. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung kasama mo at nakayakap sa'yo ang taong pinakamamahal mo at taong nagpapatibok ng iyong puso.