webnovel

My Innocent Maid

Tác giả: Mizzyrhonne
Tổng hợp
Đang thực hiện · 271.6K Lượt xem
  • 52 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Lumaki sa kahirapan si Katherina. At dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mamasukan bilang katulong para makatulong siya sa kanyang Ina. Marco had a life that every girl wish to have. Mayaman, magarang kotse, pera, at marami pa. Pero hindi ito kontento sa buhay na mayroon siya. Paano kaya kung magtagpo ang landas nila? May mabubuo kayang pagmamahalan?

Chapter 1My Innocent Maid I

Katherina

Andito na kami ngayon sa terminal ng bus papuntang Maynila. Wala akong pagpipilian kung hindi ang makipagsapalaran doon para mabuhay kami ng mga kapatid ko at nanay ko. Wala na kasing ibang makakatulong sa amin, simula ng mamatay si tatay. Isang buwan palang magmula ng mamatay siya. Dahil sa tulong na rin ng tiyahin ko sa Maynila ay nagawa niya akong ipasok sa trabaho bilang katulong ng isang mayamang pamilya.

"Tiya, mababait po ba ang magiging amo ko doon?" nag aalalang tanong ko habang nagkokotkot ng mani sa loob ng bus.

"Huwag kang mag alala sa papasukan mo anak, mababait sila doon." paninigurado niyang sagot sa akin na nagpakalma sa sa 'king kalooban.

"Tiya, ano po bang gagawin ko doon?"

"Aba Rina, malamang magtatrabaho ka. Kasi namasukan ka nga bilang katulong. Alangan namang mamasyal ka doon?" sarkastikong sabi ni Tiya.

"Ah ganoon po ba, Tiya?" napapakamot ng batok kong sagot sa kanya. Grabe si Tiya, marunong na ring mangbara.

"Ano ba 'yang kinokotkot mo diyan sa bag mo at kanina ka pa buklat ng buklat?" tanong nito sa akin sabay hila niya sa bag ko para makita ito pero inilayo ko baka kasi ubusin niya. Mahirap na,

"Mani po, Tiya." nakangiting sagot ko at inilagay ito sa kabilang side ng upuan.

"Anong klaseng mani ba 'yan at bakit mo tinatago?"

"Ay Tiya! Maning hubad po! Sobrang sarap po nito, hindi mo na kailangang hubaran." masayang bigkas ko sabay labas sa pinabaong mani ni nanay sa akin.

"Siya nga! Penge ako anak." nilahad ko sa kanya 'yong mani at hinayaan kong kumuha ito.

Hindi bale, medyo marami pa naman ang matitira. Pag dinamutan ko siya baka hindi niya ako ilibre ng pamasahe. Wala pa naman akong dalang pera kahit bente singko.

Nang umandar na ang bus na sinasakyan namin. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana at ninanamnam ang sarap ng hangin na humahaplos sa aking mukha. Pagdating namin kasi ng Maynila,  hindi mo na masasagap ang ganito kasariwang hangin.

Walong oras ang biyahe namin bago makarating ng Maynila. Ihahatid daw muna ako ni Tiya sa mga amo ko bago siya bumalik sa pinagtatrabahuan niya. Malayo si Tiya sa akin, naipasok niya ako sa trabaho sa tulong ng amo niya. Kaibigan daw ng amo niya ang pagtatrabahuan ko. Natatakot man dahil malayo si Tiya sa akin ay iniisip ko nalang na magkikita naman kaming dalawa pag day off naming dalawa.

Nangangalahati na kami sa biyahe ng dalawin ako ng antok ko. Hindi ko na mapigilang matulog hanggang sa makarating kami ng Maynila. Kung hindi pa nga ako ginising ni Tiya, malamang sa malamang ang sarap pa ng tulog ko hanggang ngayon.

"Anak ng tinapay ka naman, Rina! Kanina pa kita ginigising! Wala ka bang balak gumising diyan! Tulog mantika ka talaga!" sigaw ni Tiya sa panaginip ko.

Grabe hanggang panaginip ko pala si Tiya Meling pa rin ang naririnig ko. Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may pumitik sa noo ko ng napakalakas.

"Asan ang magnanakaw, Tiya! Asan!" patayong sigaw ko habang hawak-hawak ko ang bag at akmang ihahampas sa taong kaharap ko. Pero nagulat ako ng mapagtanto kong si Tiya Meling lang pala ito habang nakapamaywang sa harapan ko.

"Subukan mong ihampas sa akin 'yan Rina at makukurot kita sa singit mo ng pinong pino." nagbabantang sabi niya sa akin habang nakamulagat pa 'yong dalawa niyang mga mata.

"Ay Tiya naman, huwag naman sa singit. Sobrang sakit kaya 'yon, pwedeng sa baywang nalang?" alanganing tanong ko at pilit na ngumiti habang itinatakip ko sa ibabang bahagi ko ang bag na muntik ko ng maihampas kay Tiya. May isang salita pa man din si Tiya, mahirap na.

"Kumilos ka na diyan at nang makaalis na tayo. Tayo nalang ang naiwan sa bus, ang hirap mo kasing gisingin. Muntik na kitang buhusan ng tubig, naawa lang ako sa damit mo. Hala! Ayysin mo na ang sarili mo at sumunod ka na sa akin." sabi nito sabay talikod sa akin at naglakad na pababa ng bus.

"Opo Tiya, susunod na po ako." sabi ko habang ginagala ko ang mata ko sa loob ng bus. Tama nga si Tiya kami na nga lang ang naiwan. Siguro, matagal na niya akong ginigising. Mahirap kasi talaga akong gisingin lalo na kung pagod ako. Kaya siguro niya pinitik ang noo ko dahil nauubusan na ito ng pasensiya sa paggising sa akin.

"Pero, infairness ang sakit ng pinitik ni Tiya sa akin. Ang bigat pala ng kamay ni Tiya, parang bato. Muntik na akong nabukulan doon." bulong ko sa sarili habang naglalakad pababa ng bus. Nang mapatingin ako sa salamin sa gikid ng bus, hindi na ako nagulat kung bakit namumula ang  noo ko. Sa taba ba naman ni Tiya at bigat ng kamay nito.

"Buti nalang hindi nagkabukol. Bwas ganda points na naman sana 'yon." bulong ko habang hinihimas ang aking noo para maibsan ang sakit nito.

Pagbaba ko, nakita ko si Tiya na naghihintay sa akin sa may upuan ng terminal. Lumapit ako sa kanya ng nakanguso, nakita ko naman siyang napatawa sa hitsura ko.

"Ayusin mo nga yang nguso mo, Rina, hindi ka naman siguro bibe para gumanyan. Nakakasuka anak." tumatawang sabi ni Tiya sa akin. Ang sakit magsalita ni Tiya noh.

"Ang sama mo, Tiya. Alalahanin mo kadugo mo ako. Makasabi ka naman ng nakakasuka, Tiya." nakanguso pa ding sambit ko na mas lalong nakapagpatawa kay Tiya. Napaka ni Tiya, tawanan ba naman ako. Sa ganda kong ito?

"Tama na 'yang pagpapacute mo, kasi matagal ka ng maganda. Bahala ka diyan baka hindi na bumalik 'yang nguso mo." tumatawa pa ding sabi  ni Tiya habang pinisil niya ang pisngi ko. Tuluyan na akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Siyempre naman, Tiya, kanino pa ba naman ako magmamana? Mana-mana nalang talaga ang mga fanitong ganda." nakangiting sabi ko habang kumikindat pa.

"Naku binola mo na naman ako. Kunin mo na ang mga gamit mo at idadaan kita sa mansion bago ako umuwi." sabi niya sabay kaway niya sa paparating na sasakyan.

Malungkot kong kinuha ang mga gamit ko at sinundan si Tiya papasok ng sasakyang pinara nita. Taxi daw ang tawag sa sasakyan namin. Sinabi na ni Tiya kung saan kami tutungo. Nang umandar na ang sasakyan hindi ko maiwasang malungkot, kasi malayo ako kina Inang at sa mga kapatid ko. Tapos, si Tiya naman ay malayo ang pinagtatrabahuan niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa nalalapit naming paghihiwalay ni Tiya.

Siyangapala, ako si Katherina Macabagbag, dalawampu't limang taong gulang. Elementarya lang ang inabot ko dahil hindi kami pinalad at laging kinakapos sa pera. Kaya mas pinili ko nalang ang magtrabaho kaysa ang mag aaral. May dalawang kapatid ako na naiwan sa probinsiya. Kaya ko naisipang magtrabaho sa Maynila para mapag aral ko sila. Tama na 'yong ako nalang ang magtrabaho para sa kanila. Gusto ko namang makatulong kay Inang kahit sa pagpapaaral lang ng mga kapatid ko.

May pinagkakakitaan naman si Inang doon bago ko sila tuluyang iniwan. Hindi kasi ako mapalagay kong alam kong wala silang mapagkukunan ng makakain nila habang wala ako.

Pinagtayo sila ni Tiya ng konting sari-sari store para may pang-tustos sila sa araw-araw. Sinabi ko kay Tiya na babayaran ko nalang siya pag sumahod na ako pero hindi ito  pumayag. Konting tulong nalang daw niya ito sa amin.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya mula noon pa. Buhay pa man si Itay ay nagpapadak

La na ito para sa panggastos namin sa pag-aaral. Kahit anong tanggi namin sa kanya, wala pa din kaming magawa. Dahil ayaw namin siyang magtampo sa amin.

Hindi mo na mabilang ang tulong na naibigay niya sa amin nina Itay noon. At ngayon, malaking tulong pa rin ang binibigay niya. Hindi sana ito papayag na magtrabaho ako. Pero pinilit ko siya dahil ayaw ko namang salubin niya lahat ng responsibilidad na iniwan ni Itay.

Nasabi ko nalang sa sarili ko na balang araw, masusuklian ko din ang lahat ng paghihurap at tulong na binigay niya sa amin. Hindi ko man siya mabigyan ng magandang buhay na mayroon ang ibang tao. Pero buong puso kong ibibigay ang pagmamahal na mayroon ako.

Kaya kong magsakripisyo para sa kanila. Dahil ayaw kong nakikita silang nahihirapan. Tama na ang ako nalang ang magpakahirap.

Makita ko lang na maayos ang pamilya ko, lahat ng paghihirap na mayroon ako ay nawawala. Sila ang lakas at tapang ko para malampasan lahat ng dagok sa buhay namin.

Bạn cũng có thể thích

You are invited (The Matchmaker's Series #1) COMPLETED

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | 18+ Isang sikat na Matchmaker ang inutusang hanapan ng babaeng mapapangasawa si Leonardo Villaruiz-- a well-known lawyer and ruthless especially when it comes on handling special cases and lawsuits of his clients. Business is Business. Kaya isa sya sa mga kilalang lawyer ng kanyang henerasyon. Kung gaano siya ka-successful sa kanyang career ay ang ikina-malas niya naman sa pag-ibig. He's very shy whent it comes to women but definitely a monster when it comes to bed. He had flings to satisfy his sexual needs. Kaya kailanman ay hindi pumasok sa isip nya na maghangad pa ng iba maliban sa sex mula sa isang babae. Until one day, Nica literally barged into his life. She barged into his room unannounced, drunk, and look stunningly sultry in her sexy black gown. He was burned by desire and unexpectedly, they had a one night of enchantment. Nagising na lang sya kinabukasan at wala na sa tabi ang dalaga. After a few weeks ay nagkita ulit sila. She pretends that nothing happened between them. Umaakto ito na para bang ni minsan ay hindi sila naging maligaya sa kama. That made him feel irritated. Handa syang gawin ang lahat para lang maalala ng dalaga ang ginawa nila nang gabing dinala nya ito sa paraiso na hindi nito malilimutan. Author's Note: Contains mature scenes and graphic terms. Please read at your own risk. You've been warned. You may see a lot of typo and grammatical errors because this story is raw and unedited. Thisnis the first series of the author's career so expect flaws along the way.

missbellavanilla · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

The Unwanted Cinderella

Kings... Queens... Princes... Princesses... In the modern 21st century, monarchy only exists in various countries like Japan and England, but what if we tinker history a little bit. Let's revise it in a way that the world that we know ceases to exist, that instead of many independent powers, the world is outclassed by one Kingdom The Kingdom of Pendragon. Gareth was the fourth prince of the Kingdom of Pendragon. He had all the things that every commoner and lords can dream of, but he detested all of that. He hated the protocois. He hated the rules. He hated the manipulations. He hated his King of a father. To him, the Palace is a place of nothing but restrictions. He felt suffocated. So, with on|y the fiery courage in his heart, he left the palace and gone rogue. The press tagged him as the prodigal son, but he couldn't care less. What matters to him was his freedom outside the grandeur prison of a palace. It is the outside world molded him to be the man that he is now; cunning, smart and ruthless. He became the captain of his ship and the master of his fate. But circumstances brought him back to the Palace. This time, he actually considered staying. He met a woman with the most gorgeous eyes and the most delicious pair of lips. Nothing surprises him anymore but the woman blows him away during their first meeting. And after a wonderful kiss, she ran away. Like Cinderella, she leaves him hanging by the thread along with her crystal stilettos.

genieravago · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

THE RUN AWAY WIFE

Hindi madaling mabuhay kung ang pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang... Dahil nawala na ang lahat sa'yo at walang naiwan. Kun'di mga sugat sa iyong puso... Ngunit ito rin ang naging dahilan para maging matatag ka at matapang. Upang hindi ka na nila muli pang masaktan. =GIVENEA ALCANTARA= ______ Bakit kahit may kasama ka ang pakiramdam mo nag-iisa ka pa rin? At kahit anong gawin mo hindi ka niya magawang pansinin. Pakiramdam mo palagi ka na lang namamalimos ng kanyang pagmamahal. Dalawang bagay lang naman ang gusto mo ang makasama siya at mahalin niya. Dahil doon ka lang magiging masaya. =DANIEL KEIFFER SOLMERAZ= Si Givenea Alcantara isang simpleng babae na sa kabila ng lahat. Naging matatag at matapang.. Handang gawin ang lahat para sa iisang hangarin. Si Daniel Keiffer Solmeraz: Gwapo, matalino, mayaman at tagapagmana. Handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Pero paano kaya sila pagtatagpuin ng tadhana? Kung magkaiba ang kanilang ginagalawan at lagi nang may hadlang at dahilan... Ngunit paano ba nila hahamakin ang lahat para sa pag-ibig na sapat na walang pinipiling pagkakataon o maging ng panahon... * * * A/N: ANO MANG PARTE SA ISTORYANG ITO ANG MAY PAGKAKAWIG SA IBA GAYA NG PANGALAN, KARAKTER, LUGAR, SALITA, MAN O PANGYAYARI AY HINDI PO SADYA. ANG LAHAT NG NILALAMAN NG ISTORYANG ITO AY BUNGA LAMANG NG IMAGINASYON NG MAY AKDA. HINDI RIN PO ITO MAAARING KOPYAHIN O GAYAHIN NG SINO MAN... MARAMING SALAMAT PO!? BY: MG GEMINI 05-14-2020 @LadyGem25

LadyGem25 · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs
Mục lục
Âm lượng 1

HỖ TRỢ