webnovel

Buksan Mo ang Iyong Mata at Manood Ka ng Maigi

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Hindi na kailangan," direktang pagtanggi sa kanya ni Xinghe. "Hindi namin ibababa ang aming mga sarili para hingin ang tulong mo."

"Ano ang sinabi mo?!" Isang hakbang na lamang ang layo ni Lin Yun para magmukhang nababaliw na babae. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na kababawan sa kanila na humingi ng tulong mula sa akin?!

"Sino ka ba sa tingin mo kaya nangangahas kang sabihan ako ng ganito? Isang salita mula sa akin, si Lin Yun, at ang iyong buong pamilya ay makakaligtas. Fine, Major Feng, arestuhin mo na lamang ang buong pamilyang ito. Dakpin mo na sila ngayon. Gusto kong makita kung gaano sila kahusay na depensahan nila ang kanilang mga sarili. Sa oras na ito kahit na sino pa sa inyo ang lumuhod para magmakaawa sa akin, hindi ako tutulong! Ang Xi family ninyo ay nararapat lamang na bumagsak ng ganitong paraan at hindi na ako makapaghintay para namnamin ang matamis ninyong pagkawasak!"

"Manahimik ka!" Nasagad na si Ginang Xi sa babaeng ito. Galit siyang tumingin kay Lin Yun at pinagalitan ito, "Miss Lin, habang totoo na humingi nga ng tulong sa iyo ang aming Xi family ay hindi ibig sabihin nito na ikaw ay awtomatikong mas mataas na sa amin! Inirerespeto ka namin kaya magalang kami sa iyo pero isa yata itong pagkakamali dahil ang kasamaan ng ugali mo ay ipinapakita lamang na hindi ka karapat-dapat na irespeto namin!"

"Ikaw…" ang mukha ni Lin Yin ay pulang-pula sa galit; hindi niya akalain na kahit si Ginang Xi ay sasabihan siya ng ganito.

Tuluy-tuloy na tumawa ito. "Sige, kung sobrang galing ng iyong Xi family, lutasin ninyo ang problemang ito ng sarili ninyo. Huwag na kayong mangangahas na lumapit pa sa Lin family ko para humingi ng tulong. Gayunpaman, gusto kong makita kung talagang punung-puno ng katapangan ang Xi family na mas pipiliin pa ninyo ang pagbagsak ng inyong buong pamilya kaysa magmakaawa sa akin para humingi ng tulong!"

"Mukhang ang pagbagsak ng Lin family sa hinaharap ay sigurado na kung ang mauuwi ito sa kamay ng isang tulad mo," mapang-uyam na anunsiyo ni Lolo Xi. "Kung iyan ang kaso ay wala na kaming dapat pang sabihin. Kung gusto mong dakpin ang mga tao dito ay malaya ka nang hulihin din ako. Gusto kong makita para sa sarili ko kung sino ang salarin na nangahas na i-frame ang aking Xi family sa ganitong paraan!"

"Isama mo na din ako," tumayo at humakbang palapit si Jiangnian. "Gusto kong makita kung sino ang nangahas na idiin ang krimen na ito sa amin, ang Xi family, sa harap ng hukumang militar."

"Tama ang aking kapatid. Ang Xi family namin ay titindig at babagsak ng magkasama, pero hindi bago hinahatak ang tunay na salarin kasama namin!" Dagdag ni Jiangsan ng may sigasig.

Tumawa ng nanghahamak si Lin Yun. Naunawaan niya na ang desisyon ng kanyang lolo na ilapit ang sarili niya sa Xi family ay isang higanteng pagkakamali. Ang lahat ng Xi family ay lupon ng mga tanga, at malapit na nilang makita ang kanilang katapusan.

Tuwang-tuwa si Saohuang sa resultang ito. Hindi na siya makapaghintay na kaldkarin ang buong Xi family sa kulungan.

"Kung iyan ang kaso, kaladkarin silang lahat!" Kinawayan niya ang kanyang mga tauhan at malamig na inutos.

"Sigurado ka ba diyan?" Biglang tanong ni Xinghe.

Handa ng patayin ni Saohuang si Xinghe. "Ikaw babae, gusto mo yatang mamatay sa pagpigil na gawin ko ang trabaho ko ng paulit-ulit tulad nito!"

"Ikaw ang naghahanap ng kamatayan sa pagsugod sa teritoryo ng aming Xi family kasama ang lupon ng mga sundalo." Sabi ni Mybai, "Feng Saohuang, ayoko sanang sabihin ito sa iyo, pero nagkamali ka ng kalkula."

"Ang lahat ng plano ay nauwi sa wala," diretsong dagdag ni Xinghe.

Pilyong ngumisi si Mubai. "Feng Saohuang, pinapayuhan kita na bumalik ulit matapos na suriing mabuti ang inyong ulat. Sa tingin mo ay madaling supilin ang aking Xi family?!"

Naningkit muli ng may galit ang mga mata ni Saohuang. "Hindi ko na iintindihin pa ang sarili ko sa pag-iyak ng mga naghihingalo. Gayunpaman, Xi Mubai, mayroon din akong maliit na payo para sa iyo. Buksan mo ang iyong mga mata at tumingin sa paligid, ang Xi family ay tapos na!"

"Ang aming paningin ay perpekto, ang sa iyo ang nangangailangan ng pagsasaayos." Biglang naglabas si Xinghe ng bungkos ng mga larawan at diretsang isinampal ito sa pagmumukha ni Saohuang.

Dahan-dahang kumalat ang mga larawan sa sahig.

Napakunot-noo si Saohuang habang tinitingnan niya ng maigi ang mga larawan at napaatras siya ng kaunti sa pagkagulat.

"Ano ang lahat ng ito?" Dinampot ni Jiangnian ang ilang larawan para pag-aralan. Naging seryoso ang mukha nito. "Ito ay mga… larawan ng mga tao na naglalagay ng armas militar sa Pier ng Xi Empire?"

"Ano ang nangyayari?" Nag-uusisang tanong ni Lolo Xi.