webnovel

Feng Saohuang, Pinapayuhan Kita na Umalis

Editor: LiberReverieGroup

Nagbabaga sa killing intent ang mga mata ni Saohuang. Ang lahat ay nagulat sa aksiyon ni Xinghe. Walang makakapagsabi na wala itong takot laban kay Saohuang, hanggang sa direkta nitong hamunin ito…

"Bibigyan kita ng pagkakataon na ulitin ang sarili mo. Sinabi mo ba na hindi ako kwalipikado na nandito at dakpin si XI Mubai?" Mabagal na sinabi ni Saohuang, ang tono nito ay walang buhay na parang patay.

Walang babae pa ang nangahas na sagutin siya ng ganoon dati… well, lahat maliban sa isa.

Hindi interesadong tiningnan siya ni Xinghe. "Ilang beses mo ba gusto na ulitin ko ang sarili ko? Oo, hindi ka kwalipikado."

Ang ere sa paligid ni Saohuang ay nanigas. Ang mga labi nito ay mapanganib na kumurba pataas. "Sabihin mo sa akin, paanong hindi ako naging kwalipikado? Kung hindi, ang kulungan ay naghihintay sa iyo."

"Makikita natin iyan." Pinanatili ni Xinghe ang kanyang katapangan. "Feng Saohuang, pinapayuhan kita na umalis na ngayon bago pa hindi maging mabuti ang mga bagay pra sa iyo."

"Ano ang sinabi mo?"pinaningkit ni Saohuang ang kanyang mga mata na puno ng intensiyong pumatay.

"Xinghe, kailangan mong salain ang iyong mga sinasabi…" sinubukan ni Ginang Xi na pigilan siya. "Hindi ito ang tamang oras para magsabi ng kalokohan!"

Si Saohuang ay hindi pangakarinawang mamamayan lamang ng siyudad, ang galitin ito walang dalang benepisyo para kay Xinghe.

"Ginang Xi, pakiusap, huwag kang mag-alala, hindi ko ugali na magsabi ng kalokohan," kalmadong sagot ni Xinghe, "Ito ay payo ko na puno ng sinseridad para kay Mr. Feng na dapat na siyang mag-empake at umalis."

Biglang tumawa si Saohuang na tila isang nababaliw na tao bago ito kumalma. Tinapunan niya ng nakakamatay na tingin si Xinghe. "Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob na magsalita ng ganyan sa akin?!"

"Ako ang nagbigay sa kanya," binuksan ni Mubai para sabihin ito ng dahan-dahan. Tulad ni Xinghe, makikita sa mga mata nito ang pagkamuhi para kay Saohuang. "May problema ka ba tungkol doon?"

Tumawa na naman si Saohuang. "Siyempre meron! Men, hulihin ang dalawang ito at kaladkarin na paalis!"

Naghihintay siya para makita kung sino pa ang nangangahas na kumontra sa kanya.

"Sino pa ang nangangahas na humarang sa daan ay huhulihin din, kahit na sino pa ang taong iyon!" Ang nakakatakot na tingin ni Saohuang ay natuon sa buong Xi family, tinutuya at binabalaan ang mga ito. Habang nagmamartsa papunta sa loob ng silid ang mga sundalo, ang buong Xi family ay kabado.

Hindi mapigilan ni Lin Yun na tumawa ng may panlilibak. "Tanga!"

Sa kanyang pananaw, si Xinghe ay, kahit na para sa mga taong hindi mahalaga, ay ang pinakatangang tao na kanyang nakita.

Gayunpaman, itinaas pa din nito ang boses niya at sinabi, "Sandali…"

Ang lupon ni Saohuang ay lumingon sa kanya ng may pagkalito matapos marinig ang biglaang pagsasalita niya.

Ngumiti si Lin Yun at sinabi ng may kumpiyansa sa sarili, "Major Feng, hindi ba? Ikinagagalak kitang makilala, mula ako sa Lin family ng kapitolyo. Ang pangalan ko ay Lin Yun."

Bahagyang nagulantang si Saohuang bago inalok ng nakakaakit na ngiti bilang ganti. "Isang karangalan na makaharap ka, Miss Lin. Paano kita matutulungan?"

Sumagot ng may ngiti si Lin Yun, "Narito ako sa utos ng aking lolo na tulungan ang Xi family sa kaso. Maaari mo ba akong bigyan ng kaunting dignidad at bigyan sila ng pagkakataon?"

Hindi tumanggi o tinanggap ito ni Saohuang. "Ano'ng klase ng pagkakataon ang gusto ni Miss Lin na ibigay ko sa kanila?"

"Hindi naman labis, gusto ko lamang sana na bigyan mo sila ng dalawang araw ng dagdag na panahon. Kung, sa loob ng dalawang araw, hindi pa rin makapaglabas ng ebidensiya ang Xi family para linisin ang kanilang pangalan, malaya ka na dakpin silang lahat. Siyempre, kung pumapayag si Mr. Feng na ibigay sa akin ang paggalang na ito, ang aking Lin family ay maaalala ito habambuhay."

Lam ni Saohuang ang malaking impluwensiya ng Lin family kaya mabilis itong nakapagdesisyon.

"Kung ito ay ang personal na hiling ni Miss Lin ay maaari ko itong ikunsidera," sabi nito ng may bahgyang ngiti. May tiwala siya na maididiin niya ang lahat ng ito sa Xi family kaya hindi siya nagmamadali.

Matapos makuha ang pangako nito, humarap na si Lin Yun kina Xinghe at Mubai ng may mayabang na ngiti. "Well, depende ito sa kanila. Kung kayong dalawa ay payag na magmakaawa at humingi ng tawad sa akin, ako, si Lin Yun, ay handang ibigay ang aking pagtulong."