Nang makita si Ye Song na hahabulin ang mga anino na sumunod sa grupo ni Roy Balboa, naging malamig ang ekspresyon ng Ammut. nagdilim ang mga mata nito at dahan-dahang lumapit kay Ye Song.
"Ye Song, mukang minaliit kita. ang bilis ng paglakas mo ay lagpas sa inaakala ko"
Pagkatapos sabihin ang mga salitang ito, agad na bumulusok ang Ammut kay Ye Song. naglabas ito ng mga black vine na tinatakpan ang kalangitan na tulad ng isang bagyo at bumalot kay Ye Song.
"Whoosh!"
Gayunpaman, habang pinapanood ang napakatinding black vine na mabilis na papalapit sa kanya, walang pahiwatig si Ye Song na umiwas sa atakeng ito.
Nanatili pa rin siya sa iisang lugar. ang ikinagugulo pa ng isip ng Ammut ay tiniklop ni Ye Song ang kanyang mga braso habang ang kanyang bibig ay naglabas ng isang malamig na panunuya na para bang pinagtatawanan siya.
Nainsulto ang Ammut dahil dito. ang hangarin ng pagpatay sa kanyang mga mata ay mas lalo pang tumaas at ang mga pabagu-bagong enerhiya na nagmumula sa itim na aura sa paligid ng kanyang katawan ay tumaas.
"Tangina, wala akong paki kung ano man ang mga nakatagong tricks na gagamitin mo para makatakas sa atake ko!"
Bago pa umabot ang mga black vine sa dibdib ni Ye Song, biglang may isang silweta ang kumislap habang umuulan ng mga sinag ng ilaw.
"Sonic Claw!"
Ang mga nakasisilaw na sinag na mukhang gasgas ng isang oso ay lumitaw sa hangin at itinaboy ang mga black vines ng Ammut, rebound mula sa isang mas malakas na kapangyarihan.
Hindi kinaya ng katawan ng Ammut ang pag-atake kaya madapa-dapa itong napaatras. ang mga mata nito ay may ekspresyon na parang hindi makapaniwala sa nangyari habang nakatitig sa halimaw na tumabla sa kanyang atake.
Si Ahoka ay biglang lumitaw sa harap ni Ye Song at ginamit ang [Sonic Claw] upang maitaboy ang atake ng Ammut!
Ang mga black vines ay nawasak at napilitan ang Ammut na umatras nang maraming hakbang dahil sa impact!
Hindi inaasahan ng Ammut na ang hamster na ito ay malakas. ang buong akala niya ay magiging madali ang kanyang oras sa pagpatay kay Ye Song.
"Ikaw ay kahiya-hiya sa lahat ng halimaw dahil sa pagkampi mo sa isang tao!"
Nang marinig niya ang sinabi ng Ammut ay ngumisi lang si Ahoka habang nakatingin sa kanya.
Saglit na napatingin ang Ammut kay Ahoka bago lumitaw ang isang malamig na ngiti sa mukha nito.
Kumunot ang noo ni Ye Song nang makita ang ngiting iyon at nakaramdam siya na parang may mali sa sitwasyon ngunit hindi niya maituro kung ano ito kaya naman tinanong niya ang Ammut na nasa kanyang harapan.
"Pinadala ka ba ni Yeti dito?"
Nang marinig ang sinabi ni Ye Song, ang ngiti ng Ammut sa kanyang mukha ay naging mas malawak ngunit hindi ito nagsalita.
Nang makita niya ang reaksyon ng halimaw, nakuha na ni Ye Song ang nais niyang sagot.
Pagkatapos ay binago niya ang kanyang tono at malamig na tumingin sa mga pulang nito.
"Hindi na mahalaga kung sagutin mo man ako o hindi, dahil mamamatay ka pa rin sa ginawa mo .."
Ang ekspresyon ni Ye Song ay naging mas malamig kada segundo. ang kanyang mga mata ay naglabas ng isang siksik na hangarin sa pagpatay habang ang aura sa kanyang katawan ay kusang lumalabas ng hindi niya namamalayan.
Nang maramdaman ng Ammut ang biglaang pagbabago ni Ye Song, napalitan ng takot ang ngiting nakalabas sa mukha nito kanina.
Hahakbang na sana siya pabalik upang makakuha ng isang ligtas na distansya mula kay Ye Song ngunit bago niya pa ito magawa, nakita niya si Ye Song na biglang nawala sa manipis na hangin.
Ang puso ng Ammut ay lumubog nang makita ito ngunit hindi nagtagal ay nakarecover ito mula sa kanyang pagkabigla.
Pagkatapos ay napangisi ito at gumawa ng isang malakas na dagundong.
"Roar!"
Ang kanyang katawan ay nagsimulang maglabas ng isang itim na ilaw at biglang lumitaw ang mga black vines sa buong katawan nito.
-
Habang nangyayari ito sa kagubatan, sa labas ng bayan ng Malaya.
Isang grupo ng mga anino na may nakakatakot na pulang mata ang biglang lumitaw matapos lamang na lumubog ang araw at ang paligid ay napuno ng kadiliman at katahimikan.
Ang mga ito ay naglalabas ng mga hangarin sa pagpatay habang malamig na nakatingin sa bayan na hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan.
Ilang sandali lamang ay biglang lumitaw ang isang halimaw at lumakad sa harapan kung saan nakatayo sa harap ang isang malaking silweta ng halimaw.
"Nakasalubong na ng mga Ammuts ang lalaki na sinasabi sa atin ni God Yeti sa kagubatan sa kanluran .."
Walang reaksyon ang malaking silweta na ito nang marinig niya ang sinabi ng halimaw at malamig lang na nakatingin sa bayan.
Pagkatapos ng ilang sandali, ang malaking silweta ay naglakad ng ilang hakbang palabas ng kadiliman at lumitaw ang isang higanteng minotaur sa gabi.
Ang higanteng minotaur na ito ay mukhang kapareho ng pinatay ni Ye Song dati ngunit ang isang ito ay parang mas malaki at mas malakas kaysa sa isa.
Habang nakatingin ay biglang nagsalitang ang higanteng minotaur na ito.
"Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila sa iyo, kapatid .."
Ang higanteng minotaur na ito ay ang nakatatandang kapatid na pinatay ni Ye Song nang salakayin nila ang base camp ng mga halimaw kung saan niya itinayo ang bayan ng Malaya.
Ang pangalan ng higanteng minoutaur na ito ay Toro!
Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon, lumingon si Toro at tiningnan ang mga anino na nagtatago sa kadiliman.
"Walang mag iiwan ng buhay, gusto ko silang lahat na mamatay!"
Nang marinig ng mga anino ang sinabi ni Toro, ang kanilang mga pulang mata ay nagliwanag at umungal sila nang malakas hanggang sa makakaya nila.
Nanginig ang lupa at nagsimulang umalog ang kagubatan mula sa biglaang pagsabog ng mga halimaw.
Ang mga anino pagkatapos umungal ay nagsimulang tumalon mula sa kadiliman at tumakbo na parang baliw patungo sa bayan ng Malaya!
December na guys! irregular muna ang release natin dahil kailangan ng pera para sa bagong taon hahaha!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!