Dahan-dahang naglakad si Ye Song papunta sa lalaki at sinabi nang walang ekspresyon sa kanyang mukha,
"Ako si Ye Song"
Nang makita si Ye Song na papalapit, ang lalaki ay napaatras pabalik dahil sa takot. ang kanyang mukha ay parang kinikilabutan.
Ang iba pang chosen sa hindi kalayuan ay nagmamasid lamang nang maingat habang papalapit si Ye Song sa lalaki nang may masamang hangarin. ilang saglit lamang ay mabilis nilang pinalibutan ang lalaki upang protektahan ito.
Ang lalaking ito ay isang napakahalagang tao sa kanilang bayan dahil siya ay disipulo ng principal sa kanilang paaralan at ang kanyang kapatid ay isang rank S chosen.
Ang pangalan ng lalaking ito ay Roy Balboa.
Nang makita ang kanilang reaksyon, naglabas si Ye Song ng isang malamig na ngisi at sa isang iglap, bigla siyang lumitaw sa harap ng mga taong nakapaligid kay Roy Balboa at nagpakawala ng isang hampas.
Agad na hinampas ni Ye Song ang isang chosen sa kanilang grupo at nagpatuloy siya sa pag atake sa kanila. bawat hampas at kamao na pinakawalan niya ay naging sanhi ng pagtalsik sa ere ng mga chosen!
Sa loob lamang ng maikling panahon, maliban kay Roy Balboa, lahat ng chosen na kasama niya ay nakahiga sa lupa at walang malay!
Gayunpaman, hindi pinatay ni Ye Song ang mga taong ito sapagkat ang kanyang hangarin ay saktan lamang sila at wala nang iba.
Mga butil ng pawis ang tumulo sa maputlang mukha ni Roy Balboa matapos masaksihan ang nangyari.
Ang lahat ng chosen na kasama niya ay umuungol sa sakit habang nakahiga sa lupa.
"Ye Song, ikaw ... ano ang gusto mong gawin sakin?"
Si Roy Balboa ay madapa-dapa paatras dahil sa takot hanggang sa tumama ang kanyang likuran sa isang puno. nang hindi na siya makaatras, tiningnan ni Roy Balboa si Ye Song nang may takot sa kanyang mga mata.
"Ano ang gusto kong gawin?" malamig na boses ni Ye Song habang tinitingnan si Roy Balboa.
Pero bago pa matapos sagutin ni Ye Song ang tanong, tumunog ang system sa kanyang ulo.
*DING*
*Danger detected! ang host ay kailangan mag ingat!*
Sa sandaling marinig ni Ye Song ang sinabi ng system, bigla siyang nakaramdam ng krisis sa kanyang puso!
Mabilis niyang itinaas ang kanyang mga braso sa panic upang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Isang black vine ang biglang lumitaw sa kawalan at agad na inatake si Ye Song!
Sa kabila ng kanyang mabilis na tugon, huli pa rin nadepensahan ni Ye Song ang kanyang sarili. ang black vine ay tumama sa kanyang braso na dahilan ng pagtalsik niya sa ere!
"Bang!"
Lumipad si Ye Song ng tatlong metro at bumagsak sa isang puno. paglapag niya sa lupa ay may pinsala na ang kanyang braso.
Sa sandaling lumapag siya sa lupa, kaagad na ginamit ni Ye Song ang [Cloaking LV.10] at biglang nawala na parang bula.
Nang makita ni Ahoka at ng mga penguin commandos ang nangyari, agad silang naging alerto at sinimulang magmasid sa paligid.
"Oh?"
Isang hindi kilalang boses ang biglang umalingawngaw sa kagubatan at nagpalabas ng isang tunog ng sorpresa.
Bago pa makareact ang lahat sa hindi kilalang boses, daan-daang mga anino ang biglang lumitaw sa tuktok ng mga puno.
Dahil hating gabi, nakikita lamang nila ang silweta ng mga ito at ang kanilang mapupulang mata na mabangis na nakatingin sa kanila.
Nang makita nila ang mga anino, biglang tumalon sa lupa si Roy Balboa at ang kanyang mga kasama na nakahiga sa lupa at mabilis na tumakas.
Nang masaksihan nila ang mga tao na tumatakbo para sa kanilang buhay, ang mga anino sa puno ay naglabas ng isang nakakaasar na tawa.
Ilang segundo lang pagkatapos tumakbo nila Roy Balboa, sampung mga anino ang bumaba sa lupa at nakita nila Ye Song kung ano ang hitsura ng mga aninong ito na nagtatago sa kadiliman.
Ang mga anino ay mukhang isang demonyo na may bahagi na katawan ng leon, hippopotamus, at buwaya. ang tatlong pinakamalaking hayop na kumakain ng mga tao!
Si Ye Song na nasa cloaking ay agad na sinuri ang status ng mga anino na ito.
[Ammut LV.??]
Nang masuri niya ay hindi niya makita ang stats ng mga ito dahil sa level gap.
Habang nag susuri siya, biglang inatake ng mga ammuts sila Roy Balboa at ang kanyang mga kasama na tumatakbo.
Ngunit bago nila ito maabutan, apat na silweta ang biglang gumalaw sa dilim mula sa apat na direksyon at isiniwalat ang kanilang mga sarili.
Ang penguin commandos ay biglang lumitaw at pinaliit ang kanilang distansya sa mga Ammuts.
Bago pa magawa ng Ammuts ang anupaman, mabilis na in-slash ng mga penguin commandos ang apat na Ammuts sa kanilang mga leeg at nag glide palayo!
Nang makita ito ng mga anino na nasa tuktok ng puno, nakaramdam ito ng gulat sa kanilang mga puso.
Bago sila makarecover mula sa biglaang pag atake, biglang lumitaw si Ye Song sa likod ng isa sa mga Ammut na bumaba sa lupa.
Itinaas niya ang kanyang dagger at mabilis na hinampas ang likurang ulo nito ng [Backstab LV.10].
Ang dagger ay kumurap sa isang malamig na kislap habang idinidikit niya ang talim sa leeg ng kanyang target.
Ang kanyang mga pamamaraan ay mahusay at brutal. ang Ammut ay hindi nagkaroon ng pagkakataon at bumagsak sa lupa dahil ang epekto ng [God's Blessing] ay na-activate kaya't walang pagkakataon ang Ammut na gumanti.
Nang mapanood ang pangyayaring ito, ang isa sa mga anino sa itaas ng puno ay sumulyap kay Ye Song at nagsalita sa isang malamig na boses.
"Mukhang tama nga si God Yeti. ikaw ay magiging banta sa amin sa hinaharap .."
Hindi makapaniwala si Ye Song nang mabanggit ng isa sa mga anino sa taas ng puno ang pangalang God Yeti.
Magtatanong pa sana siya kung sino ang nagsalita kanina ngunit hindi niya inaasahan ang mga sunod na pangyayari!
Daan-daang mga anino ang biglang sumugod papunta sa kinaroroonan ni Roy Balboa at ng kanyang mga kasama.
Tumalon ang puso ni Ye Song nang makita niya ito.
Hahabol na sana siya sa mga ito nang biglang may isang black vine ang dumiretso papunta sa kanyang direksyon na nagtatangkang kunin ang kanyang buhay!
"Whoosh!"
Search niyo Ammut sa google images para malaman niyo itsura hahaha!
December na guys! medyo naging busy lang pasensya na! irregular muna ang release natin dahil kailangan ng pera para sa bagong taon hahaha!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!