webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
86 Chs

Isa pang system!?!

Nang malapit nang tumama kay Ye Song ang kanyang suntok ay sigurado na si God Yeti na patay na siya.

Nang katiting na lang ang pagitan ng kanyang kamao sa mukha ni Ye Song ay may hindi inaasahan na nangyari.

Si Ye Song na nasa harapan niya kanina lang ay biglang nawala!

Bago pa siya makagawa ng reaksyon ay isang tunog ng mga buto na pumutok ang umalingawngaw sa hangin at isang malakas na sigaw ang kumalat sa paligid.

Hindi ito tinig ni Ye Song kundi boses ng halimaw na si God Yeti!

Mabilis na tumalon pabalik si God Yeti at tiningnan ang kanyang braso. nng kanyang braso ay umuuga sa kaliwa't kanan dahil ang mga buto nito sa loob ay nadurog.

Ang mata ni God Yeti ay naging dugo dahil hindi niya mawari kung anong nangyari. sinubukan niyang hanapin si Ye Song ngunit hindi niya ito makita.

Nang maisipan niyang umatras ng ilang hakbang ay may narinig siyang boses malapit sa kanyang kanang tenga.

"Hinahanap mo ako?"

Nabigla siya dahil dito kaya sinubukan niyang tumalon palayo ngunit isang suntok ang nagpatigil sa kanya sa pagtalon at lumipad siya ng tatlong metro ang layo habang naglalabas ng dugo.

Pag bagsak niya sa lupa ay sinubukan niyang tumayo agad upang hanapin si Ye Song ngunit hirap siyang hanapin ito.

-

Si Ye Song naman sa kabilang banda ay bumalik na ang kanyang stats sa kanyang orihinal na antas.

Dahil sa pagbabalik nito ay sigurado na siya sa kanyang tagumpay.

Si God Yeti ay patay na sa kanyang paningin!

Malamig siyang napatingin kay God Yeti at sinabi.

"Sisiguraduhin kong hindi ka madaling mamamatay sapagkat iyon ay magiging isang madaling kamatayan para sa iyo"

Pagkatapos ay dahan-dahang siyang lumakad patungo kay God Yeti.

Samantala, nang marinig ni God Yeti ang sinabi ni Ye Song ay bigla siyang tumawa. tumawa siya hanggang sa lumabas ang luha niya sa kanyang mata!

Hindi ito pinansin ni Ye Song at dahan-dahan pa ring naglakad palapit sa kanya.

Huminto sa pagtawa si God Yeti at malamig na ngumiti sa kanya.

"Nakuha ko na ngayon. meron ka rin system, tama ba?"

Si Ye Song na dahan-dahang naglalakad papunta sa kanya ay biglang huminto nang marinig niya ang sinabi ni God Yeti.

Nagulat siya sa sinabi ni God Yeti at bigla siyang nakaramdam ng masamang premonition ngunit hindi niya alam kung anong uri ng panganib ito!

Nang makita niya ang reaksyon ni Ye Song ay tumawa ng malakas si God Yeti.

"Mukhang tama ang sinabi ko hahaha"

"Kahit na tama ka ay hindi mo pa rin mababago ang iyong sitwasyon. mamamatay ka dito ngayon dahil iyon ang napagpasyahan ko" sinabi ni Ye Song.

Patuloy lang sa pagtawa si God Yeti matapos marinig ang sinabi ni Ye Song at sinabi.

"Sa palagay mo ikaw lang ang may system?"

Nang marinig ito ni Ye Song ay hindi niya maisara ang kanyang bibig mula sa pagkabigla habang nakaturo siya kay God Yeti.

Nauutal na sabi niya.

"I-ikaw— hindi pwede—"

Malamig na ngumiti sa kanya si God Yeti at mahinahon na sinabi ang mga salita.

"Activate, Monster System"

Sa sandaling narinig ni Ye Song ang mga salitang ito ay nakaramdam siya ng biglaang krisis sa kanyang puso!

Bago pa siya makapag-react,

"BANG!"

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid at nanginig ang mundo mula sa biglaang pagsabog. tumingin si Ye Song kay God Yeti at nakita niyang nagbalik ito sa kanyang orihinal na form. naging isang labing limang talampakan na Yeti ito na may mga violet na balahibo.

Ang braso na nadurog kanina lamang ay gumawa ng isang tunog at sa ilang saglit lang ay biglang gumaling ito at nagagalaw na muli!

Nagulat si Ye Song nang makita ang nangyari.

Hindi siya makapaniwala ang braso na dinurog niya kanina ay biglang gumaling sa isang kisap mata na parang hindi man lang ito nawasak!

Nakatulala pa rin siya nang may isang aura na kayang sumaklaw sa bawat nabubuhay sa buong mundo ang biglang sumabog mula sa katawan ni God Yeti.

Bago niya maipagtanggol ang kanyang sarili mula sa presyur, galit na galit na umungol sa kanya si God Yeti at ang ungol na iyon ay yumanig sa langit at lupa!

Nadapa si Ye Song ng ilang hakbang paatras dahil sa biglaang kulog. sinubukan niyang tingnan ang status ni God Yeti upang suriin ang kanyang stats.

[God Yeti LV. ???]

-STATUS-

Skill:

?????

?????

?????

HP: ????

MP: ????

STR: ????

VIT: ????

DEX: ????

AGI: ????

INT: ????

LUK: ????

Nagulat si Ye Song nang makita niya ang status ni God Yeti na puno ng mga marka ng pagtatanong. hindi niya mapigilang tanungin ang system kung ano ang kahulugan nito.

*DING*

*Nangangahulugan ito na ang mga stats niya ay nasa ibang antas*

"Ibig mong sabihin ay naging malakas siya na hindi siya masusukat ng [Inspect LV.1]?"

*Iyon ay isa lamang sa mga posibilidad. maaari rin dahil sa iyong sapilitang pag recover sa iyong orinihinal na stats kaya nagkakaroon ng error ang system*

Nagsimulang kabahan si Ye Song dahil sa mga nagaganap. pakiramdam niya ay may mali dito ngunit hindi niya maituro kung ano ito.

Kaya naman tinanong niya ulit ang system.

"Maaari ba nating gamitin ang [God's Judgement]?"

Ang [God's Judgement] ay ang emergency skill na ginamit ng system upang tulungan siyang ubusin ang mga halimaw. ang skill na ito ay may kakayahang lipulin ang lahat ng halimaw sa buong mundo hangga't sila ay nakalantad sa kalangitan.

Ang ibig sabihin nito ay kung sila ay nasa ilalim ng lupa o nagtatago sa isang lugar na hindi sila makikita ng kalangitan ay hindi sila matatamaan ng kidlat.

*DING*

*Maaari mo lamang magamit ang emergency skill nang isang beses pagkatapos nito ay mawawala na ang skill na ito sa system*

Mapait ang ngiti ni Ye Song nang marinig niya ang system. hindi niya alam na ang emergency skill ay maaari lamang magamit nang isang beses.

Ngunit pagkatapos na isipin ito ay napagtanto niya na may katuturan ito. ang skill na iyon ay sapat na upang patayin ang lahat ng halimaw sa buong mundo. ang ganitong uri ng mapanirang lakas ay malamang na hindi permanente.

"So— wala na akong emergency skill?"

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts