webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Labanan ng mga system!

*Isa na lang ang natitira mong emergency skill ngunit gagana lamang ito kapag nasa panganib ang iyong buhay*

"Sige, sapat na sa akin iyon"

Ang emergency skill na ito ang kanyang magiging suporta. dahil dito ay nakakuha ng tiwala si Ye Song na mapagtagumpayan ang krisis na ito.

Sa kabilang banda, natapos na mag transform si God Yeti sa kanyang orihinal na anyo. ang kanyang katawan ay naging mas matibay kasabay ng kanyang aura na naiiba kaysa sa dati. ang pwersa na inilalabas niya ay sapat na para sa isang tao upang mahirapan huminga.

Tumingin si God Yeti kay Ye Song at sinabi.

"Malalaman mo ang pagkakaiba natin"

Matapos sabihin ang mga salitang ito, biglang lumitaw sa kanyang likuran ang isang limampung-metro na taas na Gorilla!

Bigla itong lumabas sa manipis na hangin nang walang babala dahilan ng pagkagulat ni Ye Song sa kanyang puso nang makita niya ito.

Wala siyang ideya kung paano nangyari iyon!

Habang natataranta ay sinabi ni God Yeti ang isang bagay na ikagugulo ng isip niya.

"Ito ang pagkakaiba sa pagitan natin.."

Si Ye Song ay naguguluhan. may tatanungin sana siya sa system nang biglang tumunog ito sa kanyang ulo upang bigyan siya ng babala.

*DING*

*Ang host ay kailangan maging alerto dahil nakaka-detect ako ng matinding banta sa buhay mo galing sa halimaw na iyong kinakaharap*

Itinigil ni Ye Song ang pagtulala at itinuon niya ang kanyang pansin kay God Yeti ngunit nagulat siya nang biglang naglaho ito sa kanyang harapan.

Kahit na ang higanteng gorilya sa likuran nito ay nawala rin parang bula!

Bago siya magkaroon ng oras upang hanapin ang mga ito, isang tahimik na suntok ang tumama sa kanya sa kanyang likuran. sa kabila ng hindi paggawa ng anumang tunog nito, ang suntok na iyon ay napakalakas na kayang mag butas sa lupa o palubugin ang karagatan!

"Bang!"

Isang malakas na putok ang tumunog makaraan ang ilang saglit pagkatapos tumama ang suntok sa likuran ni Ye Song. tinigil nito ang buong lugar nang napakabilis kaya hindi nakapag-react si Ye Song sa oras.

Bumagsak siya sa lupa at lumikha ng isang malalim na hukay habang ang kanyang dugo ay bumuhos kung saan-saan.

Habang nakahiga sa lupa ay narinig niya ang pagsasalita ng system sa kanyang ulo.

*DING*

[Natanggap na pinsala ng system: 5%]

Labis na nagtaka si Ye Song sa notification na lumabas sa screen. ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang system na makatanggap ng pinsala!

Habang nakahiga sa lupa ay mabilis niyang tinanong ang system upang alamin kung anong nangyari.

"Anong nangyari? paano ka nagkapinsala?"

*Ang sistemang ginagamit ni God Yeti ay kayang umatake sa aking system*

"Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong ni Ye Song.

*Hindi gumagamit si God Yeti ng prototype system. ang kanyang ginagamit ay ang totoong Monster System! nasa kontrol niya ang buong system kaya may kakayahan siyang lumikha ng mga bagay mula sa kawalan. iyon din ang dahilan kung bakit hindi natin makita ang kanyang mga stats*

"Huh?! pano naging posible iyon? may paraan ba para matalo siya?"

*Pwede lang natin subukan ang lahat ng paraan. maaari mong gamitin ang [Autopilot] sa settings para magkaroon ako ng permission upang gawing materyal ang mga bagay para sa iyo. hindi mo pa rin magagawa kung ano ang nagagawa niya sa kanyang monster system, pero wala ka na pagpipilian kundi gamitin ang [Autopilot]*

Hindi na nagtagal pa si Ye Song at ginawa ang sinabi sa kanya ng system.

Pinagana niya ang [Autopilot] at tumayo.

Naglaho si Ye Song at muling lumitaw di kalayuan kay God Yeti.

Si God Yeti na nakangiti ay nakita si Ye Song na tumalon sa hangin. tumalon din ito at muling pinalitaw sa kanyang likuran ang gorilya.

Aatakihin na sana niya si Ye Song nang bigla niyang makita ang isang higanteng braso na lumabas sa manipis na hangin sa tabi ni Ye Song.

Ang brasong ito ay may parehong laki sa braso ng kanyang gorilya na ginawa niya gamit ang monster system!

Nasorpresa si God Yeti ng saglit ngunit hindi siya umatras at pinagpatuloy ang kanyang pag-atake.

"Bang!"

Nagsalpukan ang dalawang higanteng kamao na nagdulot ng malaking pagsabog sa paligid!

Isang malakas na putok ang tumunog at ang lupa sa ibaba ay nawasak dahil sa impact ng dalawang higanteng kamao.

Nang ang dalawang higanteng kamao ay sumalpok sa isa't isa, ang mga bato ay nagkalat sa buong lugar at ang enerhiya sa paligid ay nagsimulang mapinsala. may parang kumikislap na kidlat habang nagkakabanggaan ang dalawang higanteng kamao!

Habang nagkakabanggaan ang dalawang higanteng kamao, patuloy na nakakatanggap si Ye Song ng mga notification mula sa system.

[Natanggap na pinsala ng system: 10%]

[Natanggap na pinsala ng system: 14%]

[Natanggap na pinsala ng system: 20%]

Patuloy na tumatanggap ang system ng pinsala dahil sa malapit na pakikipag-ugnay sa Monster System!

Kahit na ang dalawang higanteng kamao ay mukhang pareho sa lakas, nasa dehado pa rin si Ye Song dahil wala pa rin siyang buong kontrol kung paano gumagana ang system.

Ginagamit lamang niya ito upang bumili ng mga item at wala nang iba.

Hindi niya akalaing marami pa itong ibang gamit bukod sa pagbili sa [Item Shop] o pag-browse sa [Heaven Browser].

Hindi niya siniyasat ng buo ang system dahil naging mayabang siya!

Akala niya siya na ang pinakamalakas dahil napakataas ng kanyang mga stats kumpara sa ibang nakita niya.

Masyado siyang naging kompiyansa sa kanyang sarili!

Hindi niya akalain na may makakaharap siyang isang kalaban na mas malakas sa kanya.

Pinabayaan niya ang kanyang depensa dahil sa kanyang labis na lakas!

Kaya ngayon ay pinagsisisihan niya ito.

"Bang!"

Isang malakas na bang ang umalingawngaw at isang malaking crater ang sumulpot sa lupa. sa gitna ng crater ay nakahiga sa lupa ang isang binata.

Iyon ay si Ye Song!

Si Ye Song ay nakahiga sa lupa na may dugo sa buong katawan ngunit ang pinakamasaklap sa lahat ay ang pinsala ng system mula sa clash na nangyari kanina!

[Natanggap na pinsala ng system: 78%]

Si Ye Song ay umuubo ng dugo sa gitna ng crater at ang kanyang suot ay puno ng dugo dahil sa epekto ng suntok!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts