webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
388 Chs

You will?

"YOU WILL?"

"Opo, gagawa ako ng paraan para magkita tayo lagi. Kaya wag mo na yung isipin okey? Saka maiintindihan ko if ever di mo ko masundo or di ka makapunta sa bahay. Basta ang importante don't forget to text kahit isang beses lang sa isang araw."

"Yun naman ang di mawawala Honey! I will always text you or even call you! Yung pagsundo and pagkain natin ng lunch ng magkasama yung di ko masisigurado." Muli niyang pag-alala.

"Okey lang yun if ever kaya ko di ako pupunta dito para sabay tayo maglunch or mag dinner. Tinggnan na lang natin kung anong maganda."

"Thank you!"

"For what?"

"Kasi naiintindihan mo ko!"

"Haha... haha... para kang sira! It's normal boyfriend kita kaya dapat kitang intindihin kaya dapat ako iintindihin mo rin okey? Kasi yan ang foundation ng maganda at matagal na pagsasama."

"Gagawin ko!" Sagot niya sakin at muli akong kinabig para muling magdikit yung labi namin.

"Tapos ka na ba? Pwedi na tayong umuwi?" Tanong ko sa kanya nung matapos yung mainit naming halikan.

"Oo, ligpit ko lang itong kalat ko."

"Okey!" Pag sang ayon ko at tuluyan ko siyang iniwan sa office table niya. Inayos ko na rin yung gamit ko para maka alis na kami.

Pinauwi na ni Martin si Mang Kanor kaya siya yung nag drive ng sasakyan niya. Paglabas namin sa building halos nagsisi uwian na rin yung mga empleyado nila kaya pinagtitinginan nila kami. Paano ba naman hawak-hawak ni Martin yung kamay ko habang naka sukbit yung bag pack ko isang balikat niya samantalang yung laptop bag niya ay bitbit niya sa isa niyang kamay.

Dumiretso na kami sa parking lot pinagbuksan pa niya ko ng pinto at wala siyang pake sa mga empleyado niyang nagbubulungan at nagtatanong kung ako ba yung girlfriend niya. Medyo nahihiya ako pero hindi Martin wala siyang paki kung pinag-uusapan kami ng lahat ng empleyado nila.

"Seat belt!" Paalala niya sakin kasi ako naka tingin parin sa labas ng bintana. Tinitingnan ko yung tumpok ng mga kababaihan na nagbubulungan. Nung pagdaan namin kasi kanina sa tapat nila saktong nagsalita yung isang babae. Akala daw niya yung girlfriend ni Martin is yung babaeng kasama ni Madam Luisa nung nakaraang araw. Kahit di niya binanggit yung pangalan alam ko si Elena yun.

Kaya di ko maiwasang mapaisip kasi kanina pa ka kami magkasama ni Martin pero wala pa siyang nababanggit tungkol kay Elena kung anong napag-usapan nila nung nakaraan. Kahit sa phone wala din siyang binanggit ang sabi niya lang sakin is pag usapan namin pag-uwi ko. Umiling ako para mawala yung doubt ko sa utak at isinuot ko na yung seat belt ko. Pero di parin umandar yung sasakyan namin kaya lumingo ako kay Martin sakto naman naka tingin din siya sakin.

"Dinala ni Lola si Elena dito nung Monday! Actually di pa kami nakapag-usap kasi nung pumunta ako nung Laguna sakato namang lumuwas sila dito pero pinaalis ko na lahat ng gamit ni Elena sa kwarto ko. Itinapos ko narin yung mga bagay na binigay niya sakin dati patin yung mga pictures ang anything related sa kanya. Nilinaw ko narin kay Mommy at Daddy na ikaw ang papakasalan ko at di si Elena. Talagang si Lola lang ang makulit at pinagpipilitan parin na si Elena lang ang gusto niya para sakin pero don't mind her dahil kahit pagduldulan niya si Elena sakin di ko parin siya tatangapin a ikaw na ang mahal ko." Mahabang explanation ni Martin sakin sabay hawak sa kamay ko.

"Kailan mo siya balak kausapin?"

"Gusto ko sana magkausap na kami kagad pero ayaw ko naman siyang twagan or text kasi ayaw kong magkaroon siya ng reason para makuha yung number ko. Try ko sana siyang puntahan sa condo niya kaya lang ayaw kong isipin ng ibang tao na may nangyari samin lalo pa nga dalawa lang kami. Kaya nahihrapan ako maka usap siya ng walang maghihinala or gagawa ng kwento."

"Gusto mo samahan kita?"

"Talaga? Okey lang sayo?"

"Oo naman! Gusto mo puntahan natin siya ngayon?"

"Sige kung okey sayo!"

"Sige, tawagan ko siya!" Gusto ko talaga makapag usap sila para matapos na for once and for all. Ayaw kong siya ang maging dahilan sa pagkakaroon namin na di pagkakaintindihan ni Martin at sa tingin ko yun din ang gusto ni Martin.

"Hello Elena! This is Michelle!"

"Oh hi Michelle! Napatawag ka?"

"Actually magkasama kami ngayon ni Martin. Kung okey lang sana pwedi ba kaming mag drop by diyan sa bahay mo?"

"Dito sa bahay ko?"

"Oo sana!"

"Bakit?" Takang tanong niya sa akin. Halatang kinakabahan siya.

"Actually gusto ka sanang makausap ni Martin para sana matapos kung ano man yung di niyo pagkakaintindihan kaya lang ayaw naman niyang pumunta na di ako kasama ayaw niya kasing ma misinterpret ko yung pag-uusap niyo."

"Ganun ba? Sige punta kayo dito alam naman ni Martin yung condo ko."

"Okey sige! On the way na kami."

"Okey, Ingat! Bye!"

"Bye!" Sagot ko sabay baba ng telephono. Bumaling ako kay Martin.

"Okey daw wait niya daw tayo, alam mo naman daw yung condo unit niya?" Sabi ko kay Martin.

"Oo alam ko. Actually ako ang bumili ng condong iyon. Doon kami dati nakatira nung nag-aaral kami ng college pero ipinangalan ko yun sa kanya."

"Galante!" Pagbibiro ko kay Martin para kahit papano kumalma siya nakikita ko kasi sakanya na parang natatakot siyang magalit ako. Pero para sakin wala yun kasi nga di rin naman matatawaran yung pagmamahalan nilang dalawa at nasa personality ni Martin na galante sa babae kaya di ako magtataka kung binigyan niya din si Elena ng kotse at house and lot.

"Hayaan mo bibilhan din kita naghahanap lang ako ng magandang location!" Sagot sakin ni Martin at tuluyang pina andar yung sasakyan.

"Yun ang wag mong gagawin dahil kahit anong pilit mo di ko talaga yun tatanggapin." Pagbabanta ko kay Martin.

"Ayaw ko lang naman magselos ka kaya gusto ko sana lahat ng binigay ko kay Elena bibigay ko rin sayo!"

"Hay naku ayaw ko yun lalo na yung baby!" Mabilis kong tanggi pero bigla akong natigilan mukang below the belt yata ang nasabi ko.

"Sorry di yun ang ibig kong sabihin." paghingi ko ng sorry.

"Ayaw mong magka anak tayo?"

"Gusto pero pag kasal na tayo hindi ngayon yun ang ibig kong sabihin."

"Ah akala ko ayaw mo! Gusto ko pa naman magka anak tayo ng isang dosena para masaya."

"Anong masaya dun? Hindi asawa ang gutso mo kundi inahing baboy!"

Kontra ko sakanya sabay irap. Di ko ma imagine sarili kong magpapalaki ng labindalawang anak. Sabi nga ni Mama dalawa nga lang kami ni Mike na iniri niya hirap na hirap na siya tapos gusto ni Martin labindalawa wag na uy di bale na lang.