126 Stop!!!

Nag dinner muna kami ni Martin bago kami pumunta sa bahay ni Elena. Gusto ko sana dalhan siya ng pasalubong kahit simple dessert pero aya pumayag ni Martin di naman daw kami pupunta dun para maki pag kaibigan or maki pag kwentuhan kaya di daw namin kailangan magdala ng pasalubong para sa kanya.

Maganda yung location ng condo ni Elena sa Taguig area malapit sa mall, hospital and market very accesable. Pag ganito malamang di rin biro ang price nito.

"Ding-Dong!" Tunong ng door bell nung pinindot ko.

Makalipas ng ilang segundo bumukas ang pinto pero hindi si Elena ang nagbukas kundi ang Lola ni Martin. Agad akong napa atras dahil di ko kayang salubungin yung tingin niya sakin na parang kini critirized niya ko.

"Anong ginagawa mo dito Lola?" Takang tanong ni Martin nung maka recover siya sa pagkabigla. Pero sa halip na sagutin yung tanong ni Martin ako ang binalingan niya ng tanong.

"Akala ko ba iiwan mo na yung apo ko bakit naka buntot ka parin sa kanya?"

"Di ako pumayag!" Sagot ni Martin habang kinabig ako papunta sa likod niya at tumayo siya sa pagitan namin ng Lola niya.

"Sabihin mo di niya lang kayang pakawalan ang napaka laking isda na nabingwit niya! You fool Martin kung nagpapa uto ka sa kanya!"

"Yes I am a fool!" Matipid na sagot ni Martin. Halatang iretable siya sa di inaasahang kumportasyon nila mag Lola.

"Lola please papasukin mo muna sila!" Lumabas na rin si Elena di ko alam kung sinadya niyang papuntahin yung Lola ni Martin or kanina pa niyang kasama ito. Pero sana man lang sinabihan niya kami kaya di ko maiwasang maireta.

"Let's go Hon!" Yaya sakin ni Martin paalis and i think hindi ito ang tamang oras makapag usap silang dalawa kaya di ako nagdalawang isip na sumang ayon sa kanya.

"So aalis ka kasama ang babaeng yan?"

"May pangalan siya Lola! Tama po aalis na lang kami kasi wala din naman patutunguhan yung pagtatalo nating ito kaya mauna na po kami!"

"Paalis na ko! So stay magusap kayo ni Elena and sana marealize mo kung sino talaga ang babaeng nararapat sayo yung babaeng kilala mo mula pagkabata at hindi kung sino-sino lang diyan sa tabi-tabi mo nakita." Sabi ng Lola ni Martin bago tuluyang umalis pero di niya naka limutang magpaalam kay Elena. Samantalang sakin parang di niya ko nakita at nilagpasan lang niya ako.

"Please come in!" Pagayaya samin ni Elena at nagbigay ng way para maka pasok kami ni Martin.

"Tara!" Yaya ko at nauna na kong humakbang papasok. Dahil nag andito na para kahit papano matapos narin. Pero bigla akong natigilan paano ang bumungad sa akin ay ang malaking larawan nilang dalawa ni Martin kung saan naka top less si Martin at si Elena ay naka two piece. Nakaliyad si Elena habang hawak-hawak siya ni Martin sa baywang habang parehas silang naka tawa. Makikita sa litrato kung gaano nila kamahal ang isat-isa.

"Upo kayo!" Sabi ni Elena samin na nakapagbalik sakin sa ulirat. Naramdaman ko ring pinisil ni Martin yung palad ko na parang nagtatanong kung okey lang ako kaya nilingon ko siya at nginitian.

Pag-upo namin sa mahabang sofa agad nag-offer si Elena ng maiinom. Di sumagot si Martin at para di naman mapahiya yung isa ako na yung sumagot na tubig na lang.

Nung umalis si Elena para kumuha ng tubig agad nagsalita si Martin.

"Picture namin yan when were still in college."

"Ang hunks mo diyan ah!" Pagbibiro ko.

"Mas hunks ako ngayon!" Sagot ni sakin habang hinalikan ako sa pisngi. Saktong dating naman ni Elena di ko alam kung sinadya ba yung ni Martin para ipakita sa kanya yung affection niya para sakin.

"Water niyo!" Sabay abot kay Martin yung isang baso pero di ito tinanggap ng isa kaya ako nalang ang umabot noon para kahit papano di magmukang tanga si Elena at agad ko siyang nginitian at gumanti rin siya ng ngiti sakin. Ipinatong na lang niya yung isang baso pa ng malamig na tubig sa tapat ni Martin sabay umupo sa single sofa sa gilid niya.

Lumipas ang ilang minuto pero wala paring nagsasalita sa pagitan naming tatlo. Kaya ako na ang unang nagbukas ng bibig.

"May mini garden ka?" Tanong ko para mawala yung katahimikan.

"Oo, halos lahat ng halaman diyan bigay sakin ni Martin." Nahihiyang sagot sakin ni Elena.

"Ah ganun, buti di sila namatay diba matagal kang nawala?"

"Kumuha si Martin ng taga linis dito sa condo at taga pag alaga ng mga halaman kaya naalagagan silang mabuti."

"Ah...!" Sagot ko habang tumatango tango. Di ko alam kung anong gustong patunayan sakin ni Elena pero di ako affected kahit pa yung buong condo niya is puro muka niya at ni Martin ang naka lagay. Kasi ang importante lang naman sakin ako ang kasama niya ngayon at picture ko ang naka lagay sa wallet niya.

"Hon punta ka muna sa garden!" Utos sakin ni Martin.

"Okey!" Pag sang ayon ko para kahit papano makapag usap silang dalawa ng mabuti. Pero bago ako tuluyang makatayo kinabig ako ni Martin at hinalikan sa labi.

"Saglit lang 'to!"

"Hmmm!" Sagot ko at tuluyan na kong pumunta sa may mini garden. Di ko na sila nilingon pa.

Maganda yung mini garden lalo pa nga at puro full bloom yung mga roses na andun at ibat-ibang klase yun may beach rose, Eden Rose, Cabbage rose at marami pang iba. Pati kulay nila iba-iba rin mukang favorite flower ata ni Elena ang rose. Sabagay kahit sinong babae mabibighani sa mga ganda nito.

Natigil yung pag appereciate ko sa mga bulaklak nung marinig ko yung sigaw ni Elena.

"Martin mahal na mahal kita di ko kayang mawala ka sakin please!"

Paglingon ko nakita ko si Elena na naka luhod sa harapan ni Martin. Nakakapit pa siya sa kanang binti nito habang lumuluha.

"STOP!" Sigaw ni Martin sabay wasiwas kay Elena palayo sa kanya.

"Martin please give me another chance! Promise gagawin ko lahat ng gusto mo! Martin.... Huhu... huhu...!" Pagmamakaawa ni Elena. Para akong naawa sa kanya ganun ba talaga niya kamahal si Martin na handa niyang gawin ang lahat.

"Nasabi ko na sayo ang gusto ko lang mag-move on ka na! Tapos na tayo at di na pwedi yung gusto mong mangyari." Matigas na sabi ni Martin.

"Martin... Huhu... huhu.... please!" Muling pagmamaka awa ni Elena. Napilitan akong tumalikod di ko na kayang tingnan yung itsura niya nawala lahat ng poise kasama yung pride. Lumakad ako palayo para di ko sila makita bilang babae parang ayaw kong dumating sa point na luluhod ako sa lalaki para lang balikan niya ko.

avataravatar
Next chapter