webnovel

Marry Me Kuya!

Nine years ago, with the age of eleven I married him. While walking on the aisle with my dying father, I looked at him. My seventeen year old groom. I knew all along that I was only a child in his eyes. But I promised back then. That he alone would be my husband till I die. But that was a long a time ago. A very long time... Now with the beauty of a nineteen year old lady, I stood in front of him. A shocked expression was all registered in his handsome face just like Nine years ago... Where I shouted at him. "MARRY ME KUYA!" **** This is Book 1, you can check next the Book 2 entitled Divorce Me Kuya All Rights Reserved #EARL0007

EARL0007 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
47 Chs

Chapter 8: Their Agreement 

The fellow that agrees with everything you say is either a fool or he is getting ready to skin you.

"""

Clyde's PoV

"Are you sure you know what you have just done Clyde?!" galit na tanong ni Papa sa akin nang makauwi kami mula sa Party ng mga Sinclaire.

"Madaming mga kilalang tao ang nakakita sa ginawa mo anak and if you are just playing around, you better admit it now." segunda ni Mama. Teka, kanina lamang ay tuwang tuwa naman ang mga ito ah and now they are asking me accusingly.

"Ma, Pa what's wrong? Hindi ba gusto niyo rin ito?"

Napatigil si Mama at napatingin kay Papa "Yes, we wanted you to be with Eiffel not because for our selfish reasons Clyde but because Eiffel have always liked you and the Sinclaires are already like our family too"

"But as we can see, mas mabuti pang itigil na ito habang maaga pa" dugtong ni Papa at napakunot noo ako.

"No Pa! Hindi niyo iyan pwedeng gawin you can't intervene with my decisions!"

"Yes I can Clyde! I am your father and Eiffel is also like a daughter to me! And I tell you, I will do everything I can to stop you right now before you hurt that girl!" napataas ng boses si Papa. Minsan lang magalit sa akin si Papa kaya alam kong seryoso siya ngayon.

"Son, their family is so close to us, and we don't want to sacrifice that friendship because of a decision you are not sure of" explain ni Mama.

Not sure? Fucking hell! Hindi ba nila alam kung gaano nakakakaba ang tumayo sa harap ng mga kilalang personalidad para lang sa batang iyon? Sa tingin ba nila hindi ko ito pinagisipan?! Why would I humiliate myself like that if I am unsure of this?!

"I'm serious about this" ulit ko.

"How can you prove that Clyde? Ni hindi mo nga magawang seryusohin ang buhay mo! Paano pa kaya ang buhay magasawa niyo ni Eiffel lalo na't bata lang ang inalok mo ng kasal!" nanghahamong tanong ni Papa sa akin at buong tapang na sinalubong ko siya ng tingin.

"I will be your heir. I will accept all the responsibilities you have and I am willing to undergo training to be your successor"

Nagkatinginan sila ni Mama. Napakatagal ko nang inaayawan ang pagiging tagapagmana ni Papa na dahilan ng sakit sa ulo niya pero ngayon ay nagiba na ang ihip ng hangin. Since I was fourteen ay pinipilit na nila akong magundergo ng mga trainings at special classes for being the next head of our family which I hardheadedly refused.

But now, I am willing to be his heir or anything if that is the only means of having Eiffel not taken away.

Don't get me wrong, I didn't do this because I like her, I just want to make sure that she will not be married to a stranger 'cause I care about her.

All of them is wondering why I suddenly changed my mind, it was three days ago since they've been preparing for Eiffel's marriage interview party and my Mom helped on picking the possible candidates.

I don't know what to feel hearing her talk to my dad about that topic. Hindi na lamang ako kumikibo at nagpangap na bale wala lang ang lahat sa akin.

But the night of the party, habang nakatambay lamang ako sa aking kuwarto at nagsosound trip ay napatingin akong muli sa luma kong letrato kasama ang batang iyon. I suddenly remembered the scene back then.

The six-year-old Eiffel was sound asleep on my lap as I guard her. We were on the park when Tito Raven came to fetch us.

Nakangiting naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang ulo ko.

"Do you love being around with my daughter Clyde?" tanong ni Tito at tumango naman ako.

"Then why don't you have her as your bride?" tanong niya muli at namula ako. I am already thirteen years old and unlike Eiffel, naiintindihan ko na ang mga bagay na iyon.

"Tito"

"Many people would want to have my daughter, but everything will have a price to pay and I believe you are only one who have the means"

"Be a successful person Clyde, that is the only way for you to have her" makahulugang sabi ni Tito nang mga panahon na iyon.

Yes, that was when I made up my mind and crashed that party. Yes, they maybe nobles and famous people but I don't care.

And yes, I may not belong to their world but it's ok, because I will make a new world where she and I will be together.

Eiffel's PoV

Napahikab ako at umupo sa kama ko.

Madaling araw na nang matapos ang party at nagsiuwian na ang mga bisita. Hindi na pinaalam nila Daddy sa akin kung ano ang mga nangyari o nasabi ng aming mga bisita patungkol pagpropropose sa akin ni Kuya Clyde.

"Lady Eiffel?" narinig kong tawag sa akin ni Ate Ekay pagkatapos kumatok sa pintuan ko.

"Bukas po yan"

Pumasok si ate at nakangiting nilapitan ako. "Good morning Lady Eiffel, kamusta ang tulog niyo?" tanong niya at inihanda ang paligo ko sa aking banyo.

"Ok naman ate, I was a bit tired" I lied, ang totoo ay hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi.

"Naku, mabuti naman po iyon. Sa katunayan ay hindi nga po kami nakatulog ng mga iba pang kasambahay dahil sa kilig kagabi eh" kwento niya at tinulungan na akong umupo sa bathtub.

I raised my hands playing with the floating petals on the bathwater. "A-Asan po siya?"

"Sino Lady Eiffel? Ang mapapangasawa niyo po ba ang tinutukoy niyo?"

Bahagya akong tumango habang namumula sa tinuran niya. Oo nga pala, si Kuya Clyde na ang mapapangasawa ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ate Ekay.

"Umuwi po kagabi si Sir Clyde kasama nila Ma'am Sophie at Sir Gene pagkatapos nila magusap nila Sir Raven pero ang sabi po ay dadalaw daw sila mamaya para sa selebrasyon ng bagong taon dito"

Mamaya na agad? P-Parang ayaw ko pa siyang makita! Magpangap kaya akong may sakit? Masyado akong nahihiya para makita siya.

"Dati pa man ay gustong gusto na namin si Sir Clyde para sa inyo. Mula bata ay siya na ang inyong kasama kaya mapapanatag po ang kalooban namin lalo na at napakalapit niyo Lady Eiffel sa amin. Napakasaya po naming lahat" Naramdaman ko ang pamumula nang pisngi ko sa sinabi ni ate Ekay habang maingat na shinashampoo niya ang buhok ko. Ang mga kasambahay namin ay tinuring na naming kapamilya kaya alam nila ang totoong sitwasyon ngayon.

Pagkatapos kong magbihis ay nanatili lamang ako sa kuwarto ko buong araw. Hindi naman ako hinanap nila Mama at Papa dahil busy pa sila. Ako naman ay inatupag lamanag ang pageesketch habang nakaupo sa aking kama nang nakarinig muli ako ng katok.

"Pasok" sabi ko nang makarinig ako ulit ng katok sa pintuan, hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa ko.

Bahagyang umubo ang taong pumasok at agad akong napatingin sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan.

"K-Kuya Clyde" tawag ko sa kanya at ibinaba ang sketchpad ko.

"I'm sorry for the sudden intrusion" I shook my head "No, it's fine"

Nakaupo parin ako sa kama while Kuya walked closer to the window.

I feel awkward... Hindi ko alam kung anong sasabihin. Wait, why is he here now anyway?

"Eiffel," tawag sa akin ni Kuya. Gulat na napalingon ako sa kanya.

.

.

.

Nagkatitigan kami nang matagal at tila naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

.

.

.

Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko nang tumagal ang titigan namin kaya umiwas ako ng tingin at ganun din siya.

A-Ano bato? Ang awkward talaga.

Umubo siya "It's about our marriage."

Tinignan ko ulit siya at nakatingin lang siya sa labas ng binatana pero napansin ko ang pamumula ng tenga niya.

Alam kong naawkward din siya sa sinabi niya.

"I-I'm listening" pahayag ko.

"I understand Tito Raven's situation I don't mind if we get m-married as soon as you want."

Tumango ako. Mas maaga ay mas maganda, after all we are doing this because of that ceremony my father requested.

"But since you're just eleven, hindi pa talaga legal ang kasalang magaganap."

"I know" sagot ko ulit. Imposibleng maging legal ang kasalang magaganap dahil sa batas. Hindi rin pwedeng malaman ito nang tagalabas dahil maaaring makasuhan sina Papa. It will just be treated as if we got engaged only.

Tiningnan ko siya "But once I turned eighteen. Bahala na ang Attorney na maprocess ng Marriage Certificate natin"

Tiningnan niya ako pabalik "That is seven years from now. Still have a lot of time to think about it"

Umiling ako "No. I will be wed to you and I will be legally your wife once I turned eighteen. I promised Daddy that I will only have one husband" hard headed na sagot ko.

Napabuntong hininga nalang siya.

"In return, like I said, as soon as I turned twenty. I will hand everything the Sinclaire can offer"

"Like I said I'm not interested" pangagaya niya gamit ang naiinis na tono.

"Either way around, pag naging asawa kita, ikaw din ang magmamanage ng lahat lahat ng ari-arian namin. You will have the sole right to it as my husband" I explained.

"Paano kung sakali, if ever our marriage didn't work out the way we both wanted. And we separated. What will happen?" nanunubok na tanong niya with a smirk on his face.

I smiled sincerely "You will still have it all."

Hindi siya makapaniwalang napatingin lang siya sa akin.

"You're kidding. Alam mo bang matatalo ka? Mawawala ang lahat sayo!"

"Yes, alam ko yon. Pero don't you like it?" ako naman ang nanghahamong nakangiti sa kanya.

"Like what?" naguguluhang tanong niya

"It's a win-win situation for you. Either you stay married to me or not, you will still have my family's fortune"

"E-Eiffel, I will marry you so you don't need to make drastic moves like this-"

"Sinclaire never goes back on their own words." Deklara ko na puno ng determinasyon.

Umiling nalang si Kuya Clyde, halatang sumuko na "Do it the way it pleases you. I just want to remind you that a lot of things might happen on those seven years."

"I am ready"

"Alright, no matter what happens on those seven years, I will be the one to pass our Marriage Certificate, whether you like it or not, wala na tong bawian. Even if you came to hate me" seryosong pahayag niya.

"Yes." Determinadong sagot ko.

""""

Kinagabihan ay naghanda si Tita Sophie ng magarbong handaan sa kanilang Mansyon. She insisted na doon na raw kami maghapunan para makapagusap.

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng isang tokador sa kuwarto kung saan ako namalagi nang inalagaan nila ako. Pinasuot sa akin ni Tita ang isang bestida na binili niya para sa akin.

Nakangiti siya habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok sa harap ng salamin.

Nahihiya ako sa sitwasyon ko. "My dear young girl, no need to be shy around me"

Napakislot ako at iniangat ang mukha ko para tignan siya "Tita I'm so-"

"Ssshh... Don't call me Tita anymore. Call me Mommy" nakangiting putol niya sa akin with a gentle smile.

Namula ulit ako "Are you not angry at me?"

"Angry? Of course not! I'm so happy that I will be having you as my daughter-in-law. You don't know how I wished to have a daughter like you and it will come true atlast" At napangiti narin ako. Tita Sophie was always been the second mother to me.

"I can't express the happiness I feel right now Eiffel"

"Thank you Ti-uhm...Mommy" nahihiyang sabi ko at napahagigik siya.

"I promise that I will be a good wife to Kuya Clyde, I will take care of him and I will be with always"

Niyakap ako ni Tita "Thank you Eiffel"

Nagtungo na kami sa dining room kung saan nakahanda na ang noche bueana para sa pagsalubong ng bagong taon.Nakita ko si Tito Gene na nakaupo at kausap si Papa.

Lumapit ako sa kanya at bahagyang yumuko "G-Good evening po Tito Gene" nahihiyang bati ko

Panigurado ay pinagusapan na nila ang mga mangyayari.

Tumawa ng malakas si Tito "Oh how can I ever thank your parents for having you Eiffel?"

Nagtatakang tiningnan ko siya, simula bata pa lang ako ay talagang gustong gusto na ako ng mga magulang ni Kuya Clyde. Pero akala ko ay magagalit sila dahil sa mga ginawa ko.

"I am rest assured now that my heir will be having the best wife!" namula ako sa puri niya.

"Please take care of our idiotic son Eiffel, we will leave him into your care" Tito Gene requested and looked at Tita Sophie who lovingly nodded.

"With pleasure Tito"

"Haist... Kumain na nga lang tayo" naiinis na sabi ni Kuya Clyde.

"I always wanted to try that pamamanhikan thing but I guess we don't have much time anymore, baka magdalawang isip pa ang aking magandang mamanugangin at iwan ang sira ulo kong anak na ito" sabi ni Tita Sophie at nabilaukan naman bigla si Kuya Clyde.

"Ma!"

Natatawang hinawkan ni Mama ang kamay ko "Don't worry, I'm sure Eiffel wouldn't do that, dati naman na silang naglalaro ng kasal-kasalan ng binata mo Sophie, wala nang bago sa seremonyas na iyon" and it was my turn to blush, ako lagi ang nagrerequest kay Kuya Clyde na maglaro noon ng ganoon dahil naiingit ako kay Cinderella na kinasal sa prince charming niya. Kahit na ayaw ni Kuya ay napipilitan siya para lang maplease ako.

"Mom!"

Mas natawa ang mga matatanda.

"Kita mo nga, parehong pareho pa sila"

Habang kumakain kami ay pinaguusapan na ng mga magulang namin ang kasalan. Di ko mapigilang ni mamula sa mga naririnig ko. Pasimpleng tiningnan ko si Kuya Clyde. Tahimik na kumakain siya na parang walang naririnig. Nakaramdam ako ng unting lungkot. Alam ko namang napipilitan lang talaga siya e.

Pero gagawin ko ang lahat para hindi niya pagsisihan ang ginawa niya, I'll do my best to be the best wife I can be to him.

Pagkatapos ng dinner ay inihatid kami nila Tito Gene at Kuya Clyde sa bahay namin. Nagtungo ako sa kuwarto ko kasama ni Kuya Clyde. Pagdating sa tapat ng pinto ay tumingin ako sa kanya.

"Sige, aalis na ako" paalam niya at tumalikod na nang bigla kong hinablot ang laylayan ng damit niya at napatigil siya.

Napayuko lamang ako "I was really scared that night..." kwento ko at hindi parin siya kumikilos.

"The mere thought that I will be married to a stranger was really scary and I felt so hopeless"

Yes, I tried my best to smile at every man who approached me but deep inside ay takot na takot ako. Hindi ko alam ang totoong karakter nila, ang buhay nila ni pangalan nga eh at isa isa sa kanila ang makakasama ko habang buhay.

"But the moment you took my hand in front of them all, I was so happy, I felt like I was saved by a prince charming like those fairy tale princesses and I can't thank you enough for that. Merci beucoup Kuya" nakangiting tumingala ako sa likod na lalaking nagpasaya sa akin. Wala siyang sinabi o ginawa kaya binitawan ko na siya atleast nasabi ko na sa kanya.

"Good night Kuya Clyde"

Papasaok na sana ako sa kuwarto ko nang nagsalita siya "We're getting married and you still kept on calling me Kuya" aniya habang nakalingon sa akin.

Namula ako sa pinupunto niya. "T-Then... can I call you Hubby?" nahihiyang tanong ko. Napanood ko lang iyon sa isang Tv series noon at bigla kong naalala ngayon.

Agad siyang namula at agad tumalikod. "B-Bahala ka!" at umalis na.

Naiwan akong nakangiti habang pinapanuod siyang umalis.

He's my groom...

My prince...

My Kuya Clyde...