webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
176 Chs

WISH UPON A STAR

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Marble dahilan upang mayakap niya ang sarili habang naglalakad sa baybayin ng dagat at nakasunod sa mag-jowa na Ynalyn at Aldrick.

Sa halip na magdrama sa nangyayari ay pinagkasya na lang niya ang sarili sa pagtingala sa bilog na buwan at sa mga bituing tila mga bombilyang kumiskislapan sa kalangitan.

Ang akala niya, boring maglakad ngayon lalo pa't wala siyang kapartner, hindi pala. Iniikot niya ang tingin sa palibot. Marami ang tao sa baybayin lalo't kabilugan ng buwan. Karamihan ay mag-jowa ang kanilang nakakasabay maglakad papunta sa unahan kung saan naruon ang isang mahabang upuang gawa sa semento na sadyang ginawa para sa mga namamasyal duon.

Ang ilan namang nakikita niya ay mga mag-asawa kasama ang mga anak. Pero madami din ang tulad niyang mag-isang naglalakad at nakatingala sa langit na tila binibilang ang mga bituin.

Biglang sumagi sa kanyang isip ang Manila. Marami din kayang mga bituin do'n? Ga'no ba iyon kaganda at mula noong bata pa siya'y bukambibig na ng kanyang ina? 'Pag nakapunta na raw siya duon, yayaman na agad sila.

Hinigpitan niya ang yakap sa sarili nang maramdamang muli ang mas malamig na simoy ng hanging nagmumula sa karagatan.

Mula sa liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa poste sa 'di kalayuan at sa liwanag ng bilog na buwan ay tinanaw niya ang dagat. Dinig niya ang malalakas na salpukan ng alon sa baybayin. Kung hindi lang malamig, masarap segurong maligo do'n, malinis naman ang tubig.

Tiningnan niya sa unahan sina Ynalyn. Wala nang pakialam ang dalawa sa mga nakapalibot sa mga ito't magkaakbay nang nglalakad patungo sa sementadong bench sa unahan.

Lumihis siya ng tinahak na daan, lumapit sa baybayin at umupo sa buhangin saka muling tumingala sa langit, eksakto namang may shooting star siyang nakita.

Nag-wish siya agad tulad ng nakagawian mula noong bata pa.

Pinagsaklob niya ang dalawang palad at pumikit.

"Sana yumaman ako sa Manila 'pag nakapunta na ako ruon," mabilis niyang dasal sabay hagikhik at muling tiningnan ang dalawang nakaupo na sa bench, magkaakbay pa rin at seryoso nang nag-uusap.

Sana nga matupad ni Ynalyn ang sinabi nitong magtatapos muna ng pag-aaral bago magseryoso sa pakikipagrelasyon.

Hinimas niya ang dibdib, bakit wala na siyang maramdamang sakit? Parang balewala na sa kanyang nakikita ang dalawang sweet sa isa't isa. Ayaw na niyang umasang mapapansin siya ni Aldrick, kaya seguro gano'n. Tanggap na niyang 'di matutugunan ang lihim niyang pagtingin rito.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa maingay na dagat.

'Pag nakapunta na siyang manila at nakapagtrabaho do'n, ipapaputol niya ang kanyang mga pangil at gagamit siya ng mga cosmetics para magmukhang babae. Malay niya, baka pag ando'n na siya, saka siya gumanda. Hindi lang maganda... magandang maganda. Muli siyang napahagikhik sa naisip.

**********

Nakakailang-ulit nang lumalangoy si Vendrick sa malawak na swimming pool sa likuran ng kanilang bahay ngunit tila 'di pa rin siya napapagod.

Gano'n ang ginagawa niya 'pag naiinis. Kung kelan naman gusto na niyang umahon mula sa tubig ay saka naman lumusong ang kababatang si Chelsea at kumapit sa kanyang braso.

Magkatabi ang bahay nila ng babae. Kaya kahit maglabas-masok ito sa kanila ay okay lang, isa pa'y magkakaibigan ang kanilang mga magulang.

"'Drick, ilakad mo naman ako kay Gab. Ano ba'ng gusto niya sa babae? Bakit parang 'di siya nagagandahan sa'kin, okay naman ang itsura ko," pakiusap nito na may halong hinanakit.

'Shit!' hiyaw ng kanyang isip.

Ang pangalan ngang iyon ang ayaw niyang marinig ngayon eh. Inis na inis siya ruon kanina pa bago sila mag-uwian galing sa graduation. Wala na itong bukambibig kundi ang bampirang 'yun. Ang gusto nga nito'y samahan niyang bumalik sa Cebu para hanapin ang pangit na 'yun. Pero mas naiinis siya sa sarili sa 'di malamang dahilan. Gusto niyang iuntog ang ulo sa gilid ng swimming pool nang makalimutan niyang naiinis siya pero wala siyang lakas ng loob na gawin 'yun.

At ngayon, heto na uli ang isang problema. Lantaran na nga siyang inayawan ni Chelsea, gusto pa siyang gawing tulay kay Gab.

"Drick please. Ilakad mo naman ako kay Gab. Sabihin mo crush ko siya," lambing ng dalaga, saka inihilig ang ulo sa kanyang balikat.

Inis na sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha.

"Hey!" hiyaw nito ngunit 'di napikon at gumanti ng saboy ng tubig sa mukha niya sabay hagikhik.

"Maliligo ka ba? Magsuot ka ng swimsuit," an'ya, sandaling nakalimutan ang inis na nararamdaman saka tipid na ngumiti.

"Huli ka na. Naka-two piece na ako'" anang dalaga at tinanggal ang pang-itaas na damit.

Nalantad sa kanyang paningin ang makinis nitong balikat na kahit gabi ay kitang-kita ang kaputian niyon sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan maging sa LED bulb lights sa gilid ng kanilang bahay at sa isang poste sa gilid ng swimming pool.

Napalunok siya, 'di naitago ang paghanga sa nasisilayan ng mga mata.

Kahit noon pa, lantaran niyang ipinapakita ang pagka-crush kay Chelsea ngunit manhid ito sa kanyang damdamin, mas ginusto nito si Gab na iba naman ang gusto.

"Hey look! A shooting star!" bulalas ng dalaga sabay turo sa shooting star.

For the first time in his life, ngayon lang siya nagkaruon ng urge na tignan ang sinasabi nitong shooting star.

"Mag-wish ka, dali!" utos nito sabay pikit at ang lakas ng boses na nag-wish.

"Sana si Gab ang maging first kiss ko."

'Di niya alam kung ano'ng nagtulak sa kanya para gawin din ang ginawa nito.

"Sana ang true love ko ang maging first kiss ko," bulong niya habang mukha ni Chelsea ang nakangiti sa kanyang balintataw, subalit sandaling natigilan pagkatapos.

"Shit! Shit! Kalokohang wish 'yan! 'Di 'yan totoo!" nanggagalaiti niyang sigaw.

Bakit ba 'yun ang nasabi niya? Bakit 'di niya naalalang nawala na pala ang kanyang first kiss, ninakaw ng bampirang 'yun.

"Hey, ano'ng sinabi ko? Bakit ka galit?" maang na tanong ni Chelsea.

"Dammit! Damn that vampire!" muli niyang sigaw saka galit na umahon sa tubig at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

"What vampire? Drick! Drick!" naguguluhang tawag ni Chelsea sa kanya.