webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
176 Chs

WHERE IS HE TAKING HER?

"Get in the car," utos ng lalaki sa kanya sa malamig na boses.

"Shunga ka ba? Di mo nakitang andun ang motor ko, nasira, kailangan ko pang ipaayos," malamig din niyang sagot, kunwari'y hinihilot ang nasaktang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya.

Sinulyapan niya si Gab sa kinatatayuan nito. Nakatingin pa rin ito sa kanila, ngunit di niya makita ang ekspresyon ng mukha.

"I said get in the car!" tumaas bigla ang boses ng kausap sabay bukas sa pinto ng sasakyan sa likod ng driver's set.

Isang matalim na tingin ang pinakawalan niya pero ewan kung bakit tila wala siyang lakas ng loob na kumuntra sa gusto nitong mangyari kaya pumasok siya sa loob ng kotse.

'Ang walanghiya! Kala mo kung sinong makapag-utos! Abnormal! Hambog!'

Nagsimula na namang sumigaw ng kanyang isip.

Mabuti na lang, pagkaupo lang, ikinabit na agad niya ang seatbelt, kung hindi'y baka nauntog na ang kanyang ulo sa bintana ng sports car nang bigla na lang yun paharurutin ni Vendrick lalo na nang dumaan sa nakatingin pa ring si Gab.

"Ang sama talaga ng ugali mo. Ni hindi mo man lang binati ang kaibigan mo. Abnormal!" nakairap niyang saad.

Nagtagis lang ang bagang nito ngunit di nagsalita, nanatiling nakatingin sa kalsada.

Siya nama'y nakaismid na humalukipkip at nagawa pang lingunin ang kanyang Mio na nang mga sandaling yun ay may nakalapit nang isang lalaki, baka ipinakuha ni Gab at ipapaayos. Pero pano yun, di niya naibigay ang kanyang number dito?

"It will be brought back to Erland's salon. Don't worry about it." anito nang mapansing nakalingon siya sa kinaruruonan ng kanyang motor.

Nagtatakang humarap siya rito, nagtama ang mga mata nila sa rearview mirror, umiwas siya agad ng tingin.

"Ang bilis mo ata rumisponde. Seguro sinusundan mo ako kanina pa." wala sa sariling saad niya.

Nagsalubong na uli ang mga kilay nito ngunit di na siya tiningnan.

Oh no!

Muli siyang napalingon sa kanyang Motor. Nasa compartment pala nun ang kanyang CV.

"Bumalik ka! Nasa motor ang CV ko." utos niya.

Subalit hindi ito sumunod, dumiretso pa rin sa direksyong kanina pa tinatahak.

"Sabi ko bumalik ka!" singhal na niya.

"Forget it. Walang silbi yun." malamig na naman nitong sagot.

"Ano?!"

Bigla na uli ang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo, kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata at matalim na tumitig sa likod nito. Kumibot-kibot ang kanyang bibig sa panggigigil, pati mga kamao ay naikuyom niya.

Ang hodlum na to, nagpakahirap siyang gumawa ng CV, lahat ng mga achievements niya inilagay na niya duon, pati seminars isinali na niya para humaba ang kanyang mailagay, nag-attach pa nga siya ng certifications para lang maimpress ito at inabot siya nang hatinggabi para lang duon! Tapos ngayon, sasabihin nitong walang silbi ang kangang CV?

Walanghiya talaga! Walang puso! Pinahirapan lang siya, hindi naman pala nito iyon kailangan. Gggggrrrrr!!! Hindi niya lang ito makakatay sa galit niya ngayon, ma- cha-chop-chop pa niya ito nang pinung pino. Kung bampira lang siya, kanina pa niya sinipsip ang dugo nito hanggang sa bumulagta itong parang manipis na lang na papel.

Nakakaasar!!!!

Ang mas matindi, namumula na siya sa sobrang galit pero nang masulyapan niya ito sa rearview mirror ay di man lang ito napapatingin sa dako niya, parang naglalakbay din ang isip, ngunit kapansin pansin ang pagsasalubong pa rin ng mga kilay, halatang di pa rin nawawala ang inis kanina pa. Kahit duon man lang makaganti siya rito.

Katahimikan...

Ilang minuto din ang lumipas bago niya napakalma ang sarili, siya namang paghinto ng sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali.

Nasaan na ba sila?

Iniikot niya ng tingin ang labas ng sasakyan. Nasa Makati sila? Bakit sila napunta duon? Ang alam niya, sa bangkong pinuntahan niya kahapon siya dadalhin ng binata.

Binuksan nito ang pinto sa tabi saka ito lumabas. Ganun din ang ginawa niya. Maghihintay ba siyang pagbuksan ng tarantadong lalaking ito? Hah, aabutin lang siyang syam-syam sa loob pero imposibleng gagawin nito ang bagay na yun.

Kitams, totoo nga ang hula niya. Dumiretso nga lang ito sa maluwang na salaming pinto ng gusali. Ni hindi siya hinintay na makasabay rito sa paglalakad.

Pero siya, sandali siyang huminto sa harap ng pinto lalo nang makita ang mga empleyadong nagpakahilira sa loob, tila may hinihintay na pumasok.

Yumukod agad sa binata ang dalawang guwardya sa labas ng pinto, saka lang ito huminto at lumingon sa kanya.

"Are you coming or not?" yamot na tawag sa kanya.

Irap lang ang kanyang isinagot pero nagmamadaling lumapit rito. Napapitlag pa siya sa gulat nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay saka ipinasok sa nakabuka nitong braso, pinaabrasete siya.

Huh! Himala! Anong merun?

Humakbang ito paunahan, sumabay lang siya.

Bumukas nang kusa ang pinto kasabay ng pagyukod ng mga empleyado--dalaga, matanda, lalaki, babae, nagpakayukod sa kanila. Ang gagalang naman pala ng mga ito sa CEO. Ito lang kasama niya ang walang modo at walanghiya.

"Good morning Maam, Good morning Sir." bati ng lahat sa kanila.

Hindi sumagot si Vendrick, ni hindi naappreciate ang ginawa ng mga empleyado.

Pero siya, agad siyang kumaway sa lahat.

"Good morning po! Good morning! Nice meeting you all!" ganti niyang bati sabay ngiti nang matamis sa mg ito.

Yung iba'y napapataas ang kilay sa kanya, pero karamihan ay gumanti rin ng ngiti.

Kahit papano'y gumaan ang kanyang pakiramdam nang mga sandaling yun, di nga niya napansing komportable na siyang nakapulupot sa braso ng kasama.

Dumiretso sila sa kabubukas lang na elevator.

"Take your hands off me." malamig na naman ang boses nito na tila ba sanay na ito sa ganung tono.

'Cold-blooded werewolf!' sigaw ng kanyang utak sabay ingos ngunit di man lang niya tinapunan ng sulyap ang lalaki.

Patalikod siyang tumayo sa isang sulok, tutal ay sila lang naman ang nasa loob.

Subalit di rin siya nakatiis at humarap dito, nagtatanong ang mga mata.

"Saan mo ba ako dadalhin? Ito ba ang main office niyo?" usisa niya.

As usual, di na naman ito sumagot.

Wal siyang nagawa kundi tapunan na lang uli ito ng isang nakamamatay na tingin. Brusko talaga ang lalaking to. Walang galang sa babae.

Di tuloy niya maiwasang ikumpara ito sa nakita niyang si Gab kanina. Mahina siyang napahagikhik.

"Ang gwapo talaga ni Sir Gab, no?" wala sa sariling bulong niya habang lutang ang isip na nakatingin sa pinto ng elevator kaya di niya nakita ang pagsasalubong na uli ng mga kilay ng lalaki, halatang di nagustuhan ang kanyang sinabi.

"Imagine, nakilala niya agad ako. Meaning, hindi pa rin niya ako nakakalimutan. Ayeee!" tila kinikilig niyang sambit, mahina lang, sapat lang na marinig siya ng kasamang lalong kumulimlim ang mukha nng marinig ang kanyang hagikhik at walang sabi-sabing lumabas ng elevator pagkabukas lang niyon.

Naiwan siyang natutulala pa rin sa loob, pinagpapantasyahan sandali ang gwapong mukha ni Gab.

Subalit kung kelan patapos na ang kanyang pagpapantasya, saka naman siya nito hinila palabas ng elevator.

Bwisit! Nabitin tuloy ang anumang iniisip niya tungkol sa lalaki.

Kanina pa talaga niya gustong sapakin si Vendrick, nagpipigil lang siya. Ang mahalaga sa kanya ngayon, makapagtrabaho siya. Isang buwan din siyang natingga, malaki din ang nagastos niya sa paghahanap lang ng trabaho sa loob ng isang buwang yun.

Kunting tiis na lang, makakapagtrabaho na rin siya. Kaya hahayaan niya muna ang kasamaan ng ugali ng lalaking to.