webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 23: Visiting Simon

One week later

"Mommy, you said yesterday we will visit Dad today," paalala ni Nate kay Samantha habang nakabuntot ito sa kanya.

She squatted down and ran her finger through Nate's hair, "Yeah, we will do it later, son. Dadaan lang muna tayo doon sa bahay ng Uncle Reymond mo, titingnan natin kung bumalik na ba siya,"

Nate pouted his lips, "We've been there several times since the last two months, but Uncle had left without leaving any message, why are we still going to recheck it?"

"Anak, huwag kana magreklamo, dadaan lang naman tayo saglit baka kasi bumalik na siya eh. Here, change your clothes, we need to leave earlier because we will drop by at your Tita Ivana's house after visiting your father,"

Tutol man ang kalooban nito tahimik pa ring sinunod ang gusto ng ina. Maya't-maya pa muli itong nagsalita. "Aren't we going to buy gifts for my cousins?"

Lumingon siya sa anak na nakatayo sa harapan niya, "Oh, Sa palagay ko di na kailangan, marami namang laruan ang mga pinsan mo. Kung pagkain naman dadalhin natin, natitiyak kong di rin nila makakain agad-agad. Si Daddy nalang ang bibilhan natin ng pagkain, di ako nakapagluto eh, tinanghali ako ng gising,"

Once again, Nate pouted his tiny lips. "Kanina pa kasi kita ginigising di ka naman nagigising. Mas matutuwa sana si Daddy Simon kapag ikaw ang nagluto ng pagkain na dadalhin natin sa kanya,"

"Next time nalang anak, pagod kasi talaga si Mommy. Let's go, I'm done packing your father's needs,"

She held Nate's tiny hands when they descended. Pagdating sa garahe, mabilis na sumampa ng kotse ang anak niya at ikinabit ang seatbelt. She settled herself at the driver's seat. Bago pinatakbo ang sasakyan, sabay muna silang nagdasal mag-ina.

Dumaan muna sila sa isang Chinese restaurant at binilhan ng pagkain si Simon. After an hour they arrived at Reymond's house. Dahil may susi siya malaya silang nakakapasok mag-ina sa tahanan nito. Pagbukas niya ng pinto sumalubong sa kanila ang madilim na paligid. She opened the light and saw things inside the house we'rent moved at all. Natitiyak niyang may naglilinis sa unit ni Reymond dahil malinis naman ang buong paligid. Pinaupo muna niya sa sofa ang anak.

"Dito ka lang, aakyat lang ako sa second floor, titingnan ko kung nasa taas ba ang Uncle mo,"

Nate nodded. Ibinigay muna niya sa anak ang tablet nito para makapaglaro ito habang naghihintay sa kanya. Mabilis siyang umakyat sa taas at ilang beses muna siyang kumatok sa kwarto ni Reymond.

Walang sagot mula sa loob kaya't binuksan niya na lamang ang kwarto nito gamit ang sariling susi. Tulad ng nadatnan nila kanina sa sala, madilim din ang kwarto nito. Malinis ang buong kwarto. Naglakad siya palapit sa walk-in-closet upang tingnan kung nandoon na ba ang gamit ng bayaw niya.

The closet was empty and only old photos of Simon and Reymond's were left. Lumabas na siya sa kwarto nito at tiningnan ang natitirang tatlong kwarto sa ikalawang palapag ngunit wala doon si Reymond. Bumaba na lamang siya at inaya ang anak. Habang lulan ng kotse patungong kulungan, samo't saring alalahanin ang pumasok sa isipan niya. Nagbalik sa ala-ala niya ang pakipag-usap ni Brielle sa kanya. Pinuntahan siya nito sa sarili niyang opisina sa loob ng HUO GROUP.

"Samantha, can you please give me some information about your brother-in-law," Brielle told her.

"I'm sorry Brielle, I haven't heard anything about him for the past few months. Kahit ang magulang ni Simon tinatanong ko kung nasaan si Reymond, sabi lang nasa South Africa, joining other Doctors to do some medical research,"

"I have sent someone to check his information, but I haven't found anything about him. Kahit si Nathalie tinanong ko na rin sabi niya hindi nagparamdam ang kapatid ni Simon," tugon ni Brielle.

"Why are you so eager to find him? May ginawa ba talaga siya sa inyo? Naikwento kasi ni Ivana sa akin ang dahilan ng paglipat ninyo pero hindi ako kumbinsido na may kaugnayan nga ito kay Reymond. Alam naman ni Ivana na mabait di hamak ang kapatid ni Simon dahil minsan na siyang niligtas nito. Brielle baka naman ibang tao ang nasa likod ng pananakot sa inyo," aniya.

"Ewan ko, masyado lang akong napa-paranoid siguro. Basta kung meron kang impormasyon na makukuha tungkol sa kinaroroonan niya sabihan mo ako agad,"

Naputol ang pagbabalik tanaw niya sa usapan nina Brielle ng marinig niya ang malakas na boses ni Nate. "Mommy why are you so silent?" bahagya pa nitong pinisil ang braso niya.

She glanced at her son and said, "I just think about your Uncle Reymond. He left without any words. Wala naman akong natandaan na sinabing masama laban sa kanya,"

"Humm...Older people are really so weird sometimes," anito.

Natawa siyang bigla sa sinabi nito, "So you must stay young rather than being old. Life becomes complicated when you grow old,"

Nate rolled his eyes and didn't answer. Hanggang sa makarating na sila sa kulungan ni Simon. Since Simon was a high profile criminal, he had an assigned room for all his visitors. Ilang saglit lang pumasok na ito sa silid na nakalaan dito.

"Daddy!" Nate ran towards him and threw himself to Simon's arm.

"Aiya! My little boy. Give Daddy a kiss!" He carried his son.

A sound kiss landed on his face from Nate. "We miss you!"

"I miss you too, son!" tugon ni Simon habang ang mga mata ay nakatingin kay Samantha.

He saw Samantha's gentle stares, and she gave him a sweet smile. Lumapit siya sa upuan nito at dumukwang para halikan ang pisngi ng asawa.

"Honey, I miss you!" Simon whispered.

"Same here! Hey, sorry hindi ako nakapagluto ngayong araw kaya binilhan ka nalang namin ng takeout food. Ibaba mo muna si Nate para makakain ka,"

"Nate, kakain lang si Daddy ha," aniya habang ibinaba ito sa upuan.

Nate nodded. Mabilis na tumayo si Samantha at isa-isang inilabas ang takeout food na dala nila. She handed the chopstick to Simon after he settled at the chair. She softly caressed Simon's legs. He wore an artificial leg after the tragic incident a few years ago.

"You should eat now. You look so pale and thin!" Samantha blurted out.

"Thank you, honey! I miss the food outside. Hindi kasi masarap ang pagkain na binibigay nila sa amin," turan nito.

"I know. Kaya nga tuwing dumadalaw kami sayo, di ako nakakalimot magdala ng pagkain mo. Saka dinalhan kita ulit ng mga bagong damit, kukunin ko nalang sa front desk mamaya ang mga marumi mong damit pag-uwi namin ni Nate," aniya.

Nagsimula ng sumubo si Simon. Nilingon siya nito at hinawakan ang kamay niya.

"How I wish, I could have my freedom soon so that I can spend time with you and our son," He said.

May dumaang lungkot sa mga mata ni Samantha. "It's okay. We can wait for you until such time you'll be free,"

"Daddy dumaan kami sa bahay ni Uncle Reymond kanina, wala po siya roon," biglang singit ni Nate.

"Huh?! Really? Eh nasaan pala si Reymond?" nagtatakang tanong ni Simon. Lumipat ang tingin niya kay Samantha.

Nagkibit-balikat lamang si Samantha. "Naguguluhan nga ako sa kapatid mong iyon bigla nalang nawala, ni hindi man lang nagpaalam sa amin. Tumawag na ako sa magulang ninyo para tanungin kung nandoon ba siya, wala rin daw doon,"

"Baka naman nasa field at may ginagawang research," Simon said.

"Sana man lang nagpaalam siya. Hindi iyong bigla nalang nawawala," Samantha replied.

"Bakit parang may himig na tampo ka?" Simon again.

"Ang weird kasi ng kapatid mo--"

"Auntie Ivana asked Mommy about Uncle Reymond's whereabouts," Nate cut her words.

Simon's gaze became gloomy. "Bakit may inutos ba sayo ang pinsan mo kaya mo gustong malaman ang kinaroroonan ng kapatid ko? Blood is thicker than water, huh?"

"Simon, I didn't want to harm your brother. Aminado ako na nagtanong nga si Ivana tungkol sa kanya dahil noong nakaraang buwan may banta na naman sa buhay nila,"

BANG!

A loud sound scared Samantha and Nate when Simon hardly drub the table. Tiningnan niya ng masama ang asawa.

"Honey, are you going to betray me? Are you going to sell my brother to the Santillian's?" dumadagundong ang boses ni Simon.

"Simon, huminahon ka nga, tinatakot mo ang anak mo," sita niya rito.

"Tell me, are you going to betray me?" He yelled.

"Of course not. Pero maging reasonable ka naman sana, hindi mo ba naisip ang nangyari sa nakaraan? Gugustuhin mo bang makita si Reymond na makulong kagaya mo dahil sa pagnanais niyang maghiganti? Santillian ang kakalabanin niya at alam mo kung gaano kalawak ang impluwensya ng mag-ama. Hindi ba kayo napapagod magkapatid sa ginagawa ninyong ito?"

Mahinang hikbi ni Nate ang biglang narinig nilang mag-asawa. Sumiksik ito sa gilid ng ina at yugyog ang munting balikat nito sanhi ng pag-iyak nito.

"Stop meddling the battle between my family and the Santillian's. Reymond should do it because--"

"Because you said so? Simon, kasasabi mo lang gusto mo kaming makasama ng anak mo pero ito ka, puno pa rin ng galit laban sa pamilya ni Brielle. Ilang beses na tayong nag-usap na sana manahimik nalang kayo,"

"Manahimik? Nakita mo ba ang kalagayan ko? Putol ang binti ko at gamit ko ang artificial leg, sa palagay mo madaling tanggapin lahat?"

"Simon, tayo ang nagkasala sa kanila, alam mo ang buong katotohanan. Tama na, kahit para nalang sa amin ng anak mo," umiiyak niyang tugon.

Simon was shocked, looking at his wife's tears. Biglang lumambot ang anyo nito at lumapit sa kanila. He hugged his wife and ran his fingers to Nate's hair.

"I'm sorry. Nabigla lang ako. Let's not talk about these things. Kung anuman ang plano ng kapatid ko, wala akong alam doon. But please, stop meddling! We have our own family, and I really wanted to be free. Kayo lang ni Nate ang buhay ko, marahil nga hanggang ngayon puno pa rin ng galit ang puso ko laban sa mga Santillian,"

Pinunasan niya ang luha ni Samantha at hinalikan ang labi nito. Ilang saglit lang kinarga niya ulit si Nate at kinausap ito.

"Son, Daddy didn't want to scare you!"