webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin Β· Urban
Not enough ratings
45 Chs

Chapter 22: The Car Behind Them

PAST eight in the evening, Brent and Shantal were heading towards home. Nakatingin sa labas ng bintana ng kotse si Shantal. Her eyes were mesmerized by the night view while the car smoothly ran along the highway. Ilang saglit lang napansin niya ang itim na Bentley na tila sumusunod sa kanila.

A sudden fear came across her mind, but she forced herself to calm down. She glances at Brent's side, hoping her husband would throw an eye on her. Titig na titig sa kalsada si Brent at ni hindi man lamang nito napuna ang sasakyan na nakabuntot sa kanila.

"Love, can you pull over. May bibilhin lang ako sa convenience store," aniya.

"Huh? We are almost halfway to our home," Brent replied and slowed down the car speed.

"May bibilhin lang ako. Gusto kong kumain ng chocolate," pagdadahilan niya.

"Gabi na, pauwi na tayo at mag-di-dinner na rin pagdating natin sa bahay,"

"Basta, ihinto mo muna ang sasakyan may bibilhin ako," pagpupumilit niya. She can't tell Brent that she had a weird thought running over her head against the car behind them.

Napilitan na inihinto ni Brent ang kotse sa nadaanan nilang convenience store. She unfastened her seatbelt and got out of the car. Naiiling na sumunod si Brent sa asawa niya. Tahimik siyang naglakad papasok sa convenience store at manaka-nakang nilingon ang kalsadang dinaan nila. Huminto muna siya saglit sa mismong pintuan at humarap kay Brent.

"Bilisan mo, love!"

"Gabi na eh, nagugutom na nga sana ako, huminto pa tayo," angil nito ng makalapit na sa kanya.

"Alam ko kaya nga inaya kitang huminto muna," aniya.

"Ang weird mo. Malapit nalang naman sana ang bahay natin at halos bente minuto nalang ang tatakbuhin huminto pa tayo,"

"Huwag kanang magreklamo dyan," tugon niya habang nakatingin sa kalsada.

"Anong problema? Bat parang di ka mapakali?" anito.

She doesn't answer; instead, she pulled her husband inside the store. Binati sila ng cashier at tumango lamang silang pareho. They walk towards the grocery stand, and she picks up a few chocolates.

Si Brent ay tahimik na nakabuntot lamang sa asawa niya. Kumakalam na ang sikmura niya ngunit wala siyang magawa dahil nagpumilit itong huminto muna sila. Nang mga sandaling ito, lulan ng kotse niya, napilitang huminto ni Reymond. He saw that Brent's car stopped at the convenience store along the highway. Nilampasan niya ng konti ang sasakyan ng mga ito at pansamantala siyang huminto sa isang gasolinahan malapit lamang sa pinaghintuan ng mga ito. He was aware that the couple might have noticed his car behind them.

Ilang saglit lang nagbayad na si Shantal sa mga dinampot nilang chocolate at pre-heated food. Mabilis na tinanggap ni Brent ang supot na pinaglagyan ng binili ni Shantal. He grabbed her hand and pulled her wife towards their car.

"Ano ba 'tong mga pinagbibili mo, hindi naman ata masarap ito," reklamo nito.

Pinisil niya ang kamay ni Brent na nakahawak sa kanya. She halted and stared at him. "Love, may napansin kasi akong sumunod sa atin kanina kaya kita pinilit na huminto muna,"

"What? Are you sure? Why didn't you tell me immediately?" Brent said.

"Baka kasi mali lang ako ng hinala at di naman talaga sumusunod sa atin, pero napansin ko na kasi ang kotseng iyon mula pa noong palabas pa lang tayo sa company premises," aniya.

Lumipad ang tingin ni Brent sa kalsada at naging alerto agad siya. Hinila na niya papasok sa loob ng kotse si Shantal.

"Fasten your seatbelt!" tugon ni Brent habang binuksan ang maliit na compartment sa gitna nila at hinugot ang baril na itinago niya roon.

Shantal was shocked when she saw the gun Brent had pulled out. "Bakit may baril ka dito?"

"Just keep quiet and fasten your seatbelt!" He started the car immediately.

Humarurot sa kahabaan ng highway ang sasakyan nilang mag-asawa at halos namutla si Shantal sa bilis ng takbo ng kotse nila. Manaka-nakang tinitingnan ni Brent ang side mirror at umaasang makita niya ang binanggit ni Shantal na kotseng sumunod sa kanila.

Hanggang marating nila ang tahanan walang napansin si Brent na bumuntot na sasakyan. She felt dizzy when she got out of the car. Kinabig siya ni Brent at inalalayan.

"Love, I'm sorry, it's an impulse that I speed up the car. I know it made you feel nervous,"

"Did we offended someone? Bakit parang hindi na natatapos ang ganitong banta sa buhay natin," naiiyak niyang tugon.

"Hey, calm down. Wala naman akong nakitang bumuntot sa atin, baka masyado lang tayong nag-isip ng masama. Ayusin mo na ang sarili mo dahil baka makita ka nina Aya at Erick na magulo ang mukha," anito.

She nodded and fished out a wet tissue from her bag. "Yung binili natin na pagkain nakalimutan mong damputin,"

"Oh, I'm sorry. Kunin ko lang saglit. Pumasok kana sa loob," pagtataboy ni Brent sa kanya.

Hindi siya tuminag mula sa kinatatayuan. Sa halip, inayos muna niya ang sarili. She ran her fingers into her shiny hair. Pagbalik ni Brent bitbit na nito ang grocery bag at hinila na siya papasok sa loob ng bahay.

Naghihintay na sa kanila ang magulang ni Carl sa living room. Binati ni Brent ang magulang ni Carl ng mabungaran nila ang mga ito. Agad na lumapit si Aya kay Shantal at nagbeso rito.

"Ginabi ata kayo ni Brent," Aya said.

"Oo nga eh, marami siyang ginagawa sa opisina," sagot niya rito.

"Buddy, good evening! Anong oras kayo dumating?" tanong ni Brent kay Erick.

"Pasado alas-dos na nang hapon buddy," tugon nito.

"Pasensya na kayo, sina Carl at Denise lang sumundo sa inyo marami kasi akong inaasikaso eh," hinging paumanhin ni Brent.

"Wala iyon, buddy. Alam ko namang busy ka lagi. Tara na mag-dinner muna tayo, kanina pa nakahanda ang dining table at nandon na ang dalawa," anito.

Matapos maghapunan niyaya muna ni Brent si Erick sa terrace. Tahimik na nakatingin sa maliwanag na paligid ang magkaibigan.

"Kailan ang balik ninyo sa Singapore?" biglang tanong ni Erick.

"Pagkatapos ng engagement party ng mga anak natin. Babalik nalang kami ulit dito sa araw na ng kasal nila. Malalaman natin kung kailan nila balak magpakasal kapag may napili na silang petsa," matamlay na tugon ni Brent.

"Okay ka lang? Mukhang pagod kana ata, pwede namang bukas na tayo mag-usap," anito.

"Nababahala ako buddy, kanina kasi habang pauwi kami rito may napansin ang asawa ko na sumusunod daw sa amin na sasakyan, wala naman akong nakita. Huminto kami saglit sa isang convenience store at saka lang niya sinabi sa akin. By impulse, I pulled out my gun when we got inside our car. I saw her reaction, she's scared," biglang banggit niya kay Erick.

"Ah, kaya pala napansin kong namumutla ang asawa mo. Nakuha mo ba ang plate number ng kotseng sumunod sa inyo?" Erick asked worriedly.

"Wala naman akong napansin na sumunod sa amin eh. Kaya nagtaka rin nga ako bakit nasabi ng asawa ko na may bumuntot sa amin,"

"Hindi naman kaya guni-guni lang ni Shantal iyon. O sadyang ibang sasakyan na nakasabayan niyo lang sa highway," anito.

"Ewan ko nga, pero sabi niya mula pa raw paglabas namin sa company premises napansin niya na ang kotseng sumunod sa amin,"

"May nakagalit ka ba nitong mga nagdaang araw?" tanong nito.

Sunud-sunod na iling ang ginawa ni Brent. "Wala. Alam mo namang magaling akong makisama kahit sa mga empleyado ko. Saka wala naman kaming ibang kalaban mula pa noon kundi ang pamilya lang ni Celso Chan, pero matagal ng nakakulong ang taong iyon. Si Simon naman na nakagalit ng anak ko nakakulong na rin,"

"Baka mali lang ang hinala ng misis mo, alam mo naman iyon masyadong matakutin. Parang si Aya lang din, saka sa susunod huwag ka kasing bumunot ng baril sa harapan ng asawa mo, lalo mong tinatakot eh," natatawang tugon ni Erick sabay tapik nito sa balikat niya.

"Oo nga, naaawa rin ako, di kasi sanay iyon sa ganong sitwasyon,"

"Ang maigi pa maging alerto ka lagi kung talagang palagay mo merong manggugulo ulit sa inyo. Saka tulad ng lagi kong sinasabi sayo, nandito ako lagi para tulungan ka. Magiging pamilya na rin tayo pagkatapos ng kasal ng mga anak natin. Ha, ang bilis ng panahon, parang kailan lang, maliliit pa sila at naglalaro. At di na natin namamalayan, magpapamilya na rin sila at maiiwan tayong mga magulang," pag-iiba nito ng paksa ng usapan nila.

"Yeah. And we don't expect that our children will fall in love with each other. I just wish they get along with each other later on. Alam mo naman ang unica hija ko masyado spoiled sa amin iyon at medyo matigas ang ulo," natatawang tugon ni Brent.

"Don't worry, my eldest son knows how to handle your precious daughter. Sanay na si Carl sa ugali ng anak mo. Mahaba naman ang pasensya ni Carl pagdating kay Denise, kayang-kaya na nila ang buhay may pamilya,"

"Buddy, your words assured me that my daughter will be in a good hand. Alam ko naman na napalaki ninyo ng maayos si Carl at mabait ang batang iyon kaya nga natutuwa rin ako at nagkasundo silang dalawa,"

"Tara na pasok na tayo sa loob para makapagpahinga kana rin. Kalimutan mo na ang nangyari kanina habang pauwi kayo baka mali lang ang hinala ng asawa mo,"

"Oo nga eh, baka napaparanoid lang kaming pareho at wala naman talagang dapat ikatakot,"

"Dadalawin pala namin sa makalawa sina Brielle," anito.

"Lumipat na sila ng bahay dahil nagpapa-renovate na naman ang manugang ko,"

"Ah, ganun ba? Don't worry, I'm sure Carl knew the address of Brielle's new home. Kami na ang bahalang pumunta roon. And before I forget, I will be the one to give a honeymoon gift for Carl and Denise,"

"Sure, that would be nice. Ako na rin ang bahalang magbigay ng bagong bahay para sa kanila,"

"Awesome! Tara na, pasok na tayo sa loob!"

They headed inside and settled back to their respective rooms.