webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 13: Bump Into Him

NAPAATRAS si Reymond matapos bitawan si, Denise. Ni sa hinagap di niya naisip na pipihit itong bigla at mabunggo siya. On a quick reflex, he grabbed Denise's waist and pulled her up, and he smelled her sweet scent. Saglit na huminto ng pag-ikot ang oras sa pagitan nilang dalawa.

Gulat naman ang naging reaksyon ng dalaga at maging ang ilang tao na nasa paligid nila. Bumitaw agad siya rito ng mapansin niyang pilit nitong tinitingnan ang mukha niya.

"I didn't intend to hit you. Hindi ko kasi naramdaman na may kasunod pala ako," boses ulit ng dalaga.

Tango lamang ang isinagot niya rito at mabilis siyang tumalikod. Maging ang cashier at guard naguluhan din sa inasal ng binata. Denise stared at the fading back of the man who just saved her a while ago. The man had already gone, yet Denise was left puzzled. She could guess that the man looked good.

"Anong nangyari doon? Bakit biglang umalis 'yon? Napakasuplado naman, nabunggo lang galit na agad?" bulong niya sa sarili.

��Hindi naman siguro siya pangit pero bakit parang may sapak, bigla nalang umalis. Ako nga ang muntik ng bumagsak siya 'yong napaka-sensitive," she said again.

"Order number 15, come forward please," sigaw ng staff sa counter.

Dali-daling tumayo si Denise, "It's mine!"

Pagtapat niya sa counter ibinigay niya ang order number na hawak.

"Here's your order Ma'am, kindly check before leaving,"

"Sure!" she smiled at the staff and checked her order one by one. "It's complete. I'll gotta go! Thanks!"

"Balik po kayo ulit!" huling narinig niya bago tuluyang lumabas ng pastry shop.

Sa loob ng kotse niya, di mapakali si Reymond. Halos mabingi siya ng marinig niya ang malakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling ito. Hindi niya inasahan na magkabungguan silang dalawa ni Denise. Kita-kitang niya ang maamo at magandang mukha nito. Ngayong nag-matured ang dalaga lalong tumingkad ang taglay na kagandahan nito kumpara noong una niya itong nakasalamuha.

She still has the same effect unto him. He couldn't imagine that he still attracted to that woman. Ilang taon na ang nakalipas na biglaan niya itong nakasalamuha noon, makulit at palabiro ito ng gabing iyon.

"Shit, Reymond, she's the daughter of your family's enemy, Brent Santillian. She is your mortal enemy too, stop acting like a teenage boy who suddenly has a crush on a schoolgirl," He scolded himself.

Nahagip niya ang company id nito kaninang hinapit niya ang beywang nito. He wanted to return it to her, but he noticed Denise had tried to look at his face thoroughly, that's why he left without looking back. Hindi siya pwedeng mamukhaan nito dahil masisira ang mga plano niya.

Kuyom ang kamao at seryoso niyang tinitigan ang company id ng dalaga. "You look dignified, huh! An heiress of a big conglomerate, too bad, you destined to hell,"

Nakita niya sa side view mirror ng kotse niya ang paglabas ni Denise mula sa pastry shop. Tumawid na ito sa kabilang kalsada at papasok na sa gate ng kumpanya nila. Ilang beses na ipinilig ni Reymond ang ulo niya dahil tila naeenganyo siyang sundan ito roon. The way Denise walked mesmerized him. Denise's body curve was on the right angle, and her hips were gracefully swaying when she walked. For him, she's like a goddess walking in the catwalk, capturing everyone's attention who watched her.

He hardly slapped his face twice to remind him that her beauty was a poisonous venom that will ruin him. Muli niyang tiningnan ang company id nito na ibinaba niya sa upuan. Inangat ito at tinitigang maigi.

"DENISE RODRIGUEZ SANTILLIAN- Chief Executive Officer!" malakas na usal niya sa mga letrang nakasulat sa mismong company id ng dalaga.

"Huh, chief executive officer, wow, sounds more interesting than I thought,"

Pagdating ni Denise sa loob ng office ng Daddy niya, nadatnan niyang may kanya-kanyang ginagawa ang mga ito. Abala ang Mommy niya sa cellphone nito at kausap sa messenger ang kaibigan nitong Martin na dating manager nito sa fashion world. Ang Daddy naman niya tutok sa ginagawa nito sa computer.

"Mom, Dad, let's have a short break. Nandito na ang meryenda," masayang tugon niya habang inilapag sa center table ang biniling coffee at cake sa pastry shop.

Nag-angat ng mukha ang Daddy niya at ngumiti sa kanya. "Tatapusin ko lang itong binabasa ko anak, saglit nalang 'to,"

Pagkalapag ng dala niyang meryenda mabilis siyang lumapit sa tabi ng ina na abala pa ring nakipagdaldalan kay Martin.

"Hi, uncle Martin, how are you?" singit niya sa usapan ng dalawa. Nasa likuran siya ng Mommy niya at nakayakap dito.

"Hello, our beautiful princess, I'm doing fine here. You still look pretty like your Mom," anito.

"Syempre kanino pa ba ako magmamana, kundi sa maganda kong nanay," nakangiting tugon niya.

Napangiti si Shantal at pumihit paharap sa anak sabay halik sa pisngi nito.

"Uncle, next month will be my engagement party. I hope you could come and join us," anyaya niya rito.

"Oh, princess, I can't promise you because I have a very hectic schedule. If I can change the date of my commitments before your engagement party, I will surely be there," anito.

"Okay, no problem! But I really hope you'll be here on that day,"

"Yeah. Hey, pretties, I will be cutting this video call now, my assistant was here, right in front of me, and keep bothering me. I have a meeting within ten minutes from now. Bye!"

Nawala na sa kabilang linya si Martin. Ibinaba na ni Shantal ang cellphone niya.

"Anong binili mo?" mabilis niyang tanong sa anak.

"Our favorite coffee," She quickly said. "Hilahin mo na si Dad, Mom, baka lumamig na ang coffee na binili ko," aniya at kumalas na sa pagkakayakap sa ina.

Tumayo si Shantal at lumapit kay Brent. "Santillian, masyado kang masipag. Huminto ka muna dyan, kainin muna natin ang meryenda na binili ng anak natin,"

Nag-angat ng mukha si Brent at nginitian ang asawa. "Kayo talagang dalawa, istorbo lagi," pabiro nitong hirit.

"Tumayo ka na dyan. Bilis na kasi!"

"Yes, boss. Takot ko lang sayo,"

Sabay na silang nagmeryenda. Tahimik ang magulang niya ng bigla siyang nagsalita.

"Oh my god, Dad, nawala ang company id ko,"

Napalingon sa kanya ang ama. "Ha, bakit dinala mo ba kaninang bumaba ka?"

"Opo, tanda ko nakasabit iyon sa bandang kaliwang bahagi ng damit ko," aniya.

"Hayaan mo na iyon. Magpagawa nalang tayo ng bago mong company id. Tatawagan ko lang ang HR Manager para magawan ka ng bagong id," Brent said.

"Sayang naman iyon, Love! Balikan mo kaya doon sa baba anak," Shantal said.

"Huwag na, abala lang iyon. Babalik pa ang anak natin doon para lang maghanap. Hayaan mo na. Nga pala tawagan mo nga sina Brielle at Ivana, tanungin mo ang address ng bagong nilipatan nila," tugon ng Daddy niya.

"Okay po. Sayang naman ang company id kong iyon. Baka may nakapulot na doon Dad at gamitin sa masama," nag-aalalang tugon niya.

"Don't worry. I will ask the HR Department to declare it lost. It's just a minor problem, don't get bothered thinking about it,"

Tumango na lamang siya. Matapos ang maikling oras ng pagpapahinga nila sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Ivana ngunit naka-off pa rin ito, maging ang cellphone ni Brielle ay ganon din.

"Eh, anong problema ng dalawang iyon, parehong naka-off ang cellphone," aniya.

"Ganon ba anak? Brent, tawagin mo nga si Harold, papuntahin mo rito sa office mo," udyok ni Shantal.

"Okay, Love!"

Brent lifted the intercom on the top of his table. "Harold, please come to my office immediately,"

"Noted sir!" anito sa kabilang linya.

Nang maibaba na ni Brent ang intercom, biglang kinabahan si Harold dahil pakiramdam niya nagmamadali ang boses nito.

"Ano kayang kailangan 'non?"

Tumayo na rin si Harold at mabilis na nagtungo sa opisina ni Brent. Ilang saglit lang kumatok na siya sa pinto ng office nito.

"Come in!"

Harold pushed-opened the door and went inside. "Sir, may kailangan po kayo?"

"Bakit di matawagan ang cellphone ng boss mo? Kanina pa kami tawag ng tawag sa kanilang mag-asawa. Parehong naka-off ang cellphone," Brent said.

"Ah...baka po busy sila," nauutal na tugon ni Harold.

"Alam mo ba ang address ng nililipatan nilang bahay?"

"Opo! Gusto niyo pong puntahan?"

"Harold! Ano bang problema nina Brielle at Ivana, bigla nalang naglipat," singit ni Shantal.

Gulat si Harold ng marinig ang tanong ni Shantal.

"Ah...ah..ah… nag...nagpapa- renovate po sila ng bahay," muling nauutal na sagot ni Harold.

Nagsalubong ang kilay ni Brent ng mapansin ang pagkakautal ni Harold. "Harold, alam kong ang loyalty mo ay nasa anak ko, pero pwede ba sabihin mo nga sa amin kung may problema silang mag-asawa,"

"Naku, wala po sir Brent. Promise po!" pagsisinungaling nito. "Ihahatid ko nalang po kayo mamaya doon sa nilipatan nila,"

"Siguraduhin mo lang wala kayong nilihim sa amin mag-amo. Magagalit na talaga ako sa inyong dalawa," banta ni Brent.

Harold shook his head momentarily and said, "Wala po talaga sir Brent. Baka po kasi abala pa silang lahat doon, kaya naka-off ang cellphone nila,"

"Sige na bumalik ka na doon sa office mo. Aalis tayo ng maaga mamaya. Balikan mo kami rito ng bandang five o'clock," pagdedespatsa si Brent dito.

Walang inaksayang sandali si Harold. Mabilis siya lumabas sa opisina ni Brent. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag ng makalabas na siya mula sa opisina nito.

"Huff, pambihira naman eh. Bakit ako lagi ang nalalagay sa alanganin kapag may sabit si Sir Brielle. Hay naku, pahamak talaga itong si Sir Brielle lagi," bulong ni Harold sa sarili habang naglakad pabalik sa opisina niya.