webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin · Urban
Not enough ratings
45 Chs

Chapter 14: Brielle’s Confession

ON the other side, Reymond's cellphone suddenly rings. Kaagad niyang sinagot ito.

"Sir, nasaan po kayo?" Cenon asked.

"May inaasikaso lang akong importante? Bakit, may kailangan ka?" aniya.

"Nandito ako ngayon sa bahay mo, may importante po akong irereport sa inyo," anito.

"Okay, hintayin mo nalang ako dyan. Pauwi na ako,"

He ended the call and drive fast, heading back home. Habang nasa daan paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyari kanina sa loob ng pastry shop.

He wants to scream, but he controls himself. "Reymond, she is nothing, why are you acting like this?"

Sa sobrang inis niya, kinabig niya sa tabing kalsada ang kotse at malakas na sinuntok ang manibela ng paulit-ulit. Dinampot niya ang company id ni Denise na nasa ibabaw ng dashboard.

"Why, why are you torturing me like this?" tears stream down from his eyes.

Kahit hindi niya aminin sa sarili alam niyang naroon pa rin ang pagmamahal niya sa dalaga. Naikuyom niya ang kamao, "I will not fall for you, woman. Not anymore! You're not worth it! You're not worthy with my love and respect,"

Inabot na siya ng halos dalawang oras na nakatitig sa kawalan at nasa loob lamang ng kotse niya. Muling nag-vibrate ang cellphone niya at saka lamang siya natauhan. He saw an incoming call from Cenon.

Instead of answering it, he hit the end call button and drive his car. Pagdating ng bahay, nakita niyang pabalik-balik ng lakad si Cenon sa may garden area. He headed into the garden.

"Sir, akala ko po may nangyari sa inyo. Kanina ko pa po kayo---"

"Cut the concern, and I'm here now! Anong meron?" aniya.

"Tumawag kanina ang dating owner ng bahay sa tapat nina Brielle Santillian. Tinatanong po raw siya ng developer kung sino ang nakatira doon sa bahay na 'yun,"

"Then? Did he confess?" He asked.

"No! Sinabi niyang walang tao roon pero tinatanong po raw siya kung ibenenta ba niya ang bahay na 'yun,"

"Well, I assume he didn't give my information, right?"

"Hindi naman daw po kaya lang tauhan ni Brielle Santillian ang nagtatanong. Mukhang may idea na po si Santillian na nakamanman po kayo sa kanila,"

"I see! I expected that earlier because I know he is too clever. What about my information in London? Did you already delete it?"

"Tapos na po. Sir, mag-ingat po kayo, hindi basta-bastang kalaban ang mga Santillian lalo na ang mag-ama. Malakas ang impluwensya nila sa business world. Mas makabubuti siguro na mag dahan-dahan muna kayo sa mga galaw ninyo," suhestiyon nito.

"Huwag kang mag-alala, handa na ako sa mga hakbang na gagawin ko sa mga susunod na araw. Darating si Mommy sa susunod na linggo, ikaw ang susundo sa kanya sa airport,"

"Sige po. Sabihin niyo lang sa akin ang eksaktong oras ng pagdating niya,"

"Okay. You may leave now. By the way, send someone to tail Miss Denise Santillian. Gusto kong malaman ang tamang oras ng pagpasok at paglabas niya sa kumpanya nila," aniya.

"Yung bunsong anak ni Brent Santillian?" paninigurado nito.

"Exactly, sa kanya ako mag-uumpisa dahil alam kong siya ang kahinaan ng pamilya Santillian,"

"Okay, sir! Noted on that! I'll have to go now! May ililipat pala akong pera sa bank account niyo, galing po iyon sa savings ni Sir Simon na sa akin nakapangalan,"

"Oh, just keep it! I have enough money. I don't need my brother's money. Kapag kailangan ko na saka siguro kita sabihan,"

"Okay sir. Alis na po ako!"

Pag-alis ni Cenon, pumasok na rin siya sa kwarto niya. Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Muling nanumbalik sa isipan niya ang magandang mukha ni Denise.

"Why I can't forget your face? Why do you keep haunting me?"

Hinugot niya mula sa bulsa ang cellphone. He opened the gallery and stared at Denise's old video.

"I know you love Carl Cruz, but honey, I will destroy you," An anger passed through his eyes.

***

Pasado alas-sais ng gabi, sunud-sunod na busina ng sasakyan ang narinig ni Brielle mula sa gate ng bahay nila. Kasalukuyang nasa dining room silang mag-asawa habang karga niya si Kyree.

"Baby, wala bang guard sa gate?" tanong niya kay Ivana.

"Hindi ko alam. Silipin mo nalang may ginagawa pa ako sa kitchen eh," anito.

Habang karga si Kyree, lumabas silang mag-ama. Eksaktong nasa labas na sila ng makita niyang papasok ang kotse ng Daddy niya at kasunod nito ang sasakyan ni Harold. Napabuga ng hangin si Brielle. Hindi na niya kailangang hulaan pa dahil natitiyak niyang pinilit ng magulang niya si Harold para alamin ang bagong nilipatan nila.

Pagkababa ng mga ito mula sa kotse, mabilis na lumapit si Brielle sa magulang.

"Brielle, maghapon kami halos tawag ng tawag sa inyong mag-asawa, off ang cellphone ninyong pareho," bungad ng Mommy niya.

"Di ko po napansin ang cellphone ko Mom, baka low bat eh,"

"Akin na nga si Kyree, nasaan si Ivana?" singit ni Denise habang kinukuha nito mula kay Brielle ang pamangkin.

"Nandoon sa kitchen nagluluto,"

Nagmano siya sa magulang habang nakatingin kay Harold. He can't get mad at Harold because he knew his parents had forced him.

"Sir, sorry, naipit po ako!"

"It's okay, Harold. Pwede ka nang umuwi. Salamat sa paghatid sa kanila,"

"Okay, po!"

Mabilis itong bumalik sa kotse nito at lumisan sa takot na pagalitan siya ni Brielle.

"Kung hindi pa naman pinilit si Harold, hindi namin malalaman ang address ng nilipatan ninyo," His father told him while they're heading inside.

"Sorry, biglaan kasi ang paglilipat namin. Nagpaparenovate kami ng bahay," pagsisinungaling niya.

"Renovate na naman? Ilang beses na atang nag-renovate kayo ng bahay ah," puna ng Mommy niya.

Umakbay siya rito, "Eh, alam mo naman si Ivana ang daming naiisip na bagong interior design,"

"Tapos hindi man lang kayo nagsabi sa amin kung saan ang address?" muling tugon nito.

"Sorry po, hindi na mauulit," aniya.

"Siya tama na iyan, Love! Asan ang kambal Brielle?" tanong ng Daddy niya.

"Nasa kwarto po nila. May online class ang kambal hanggang mayang alas- siyete ng gabi. Well, ilang minuto nalang pala bababa na rin ang dalawang iyon mag-aalas-siyete na eh. Tama lang din ang dating po ninyo dahil nagluto ng maraming pagkain si Ivana," He happily said to divert his parents attention.

After thirty minutes, the twin came down. Brianna rushed towards their grandparents.

"Mommy La, Daddy Lo, buti po pumunta kayo dito sa amin," masayang bulalas nito.

"Little bunny, Mommy La, miss you so much!" Shantal hugged and kissed Brianna.

Tahimik na sumunod lamang si Brendon sa kapatid at nagmano sa mga ito.

"O, anong nangyari sayo apo, bakit nakasimangot ka?" puna ni Brent kay Brendon.

Umiling lamang ito at umupo sa pagitan nina Brielle.

"Ah, kasi di siya pinapansin ng bagong kalaro ni Brianna," biro ni Brielle sa anak sabay gulo nito sa buhok ng panganay.

"Dad, you're so annoying! Of course not, I was just pissed off because Brianna and Caroline's voices disturb me, earlier!" nakahalukipkip na tugon nito.

"Ang sabihin mo, naiinis ka kasi di ka pinapansin," singit ni Brianna.

"Hahaha, ah, yun pala naman eh. O, tama na iyan baka saan pa mauwi ang bangayan ninyong dalawa," sita ni Brent sa kambal.

Brendon glared at his twin. Brianna rolled her eyes in response.

"Sino ba si Caroline?" Shantal asked.

Mabilis na sumagot si Brianna. "Yung kapitbahay po namin, anak ng kaibigan ni Daddy,"

"Ay ewan, makaalis na nga rito," nagmartsa patungong dining room si Brendon.

Sabay na natawa ang mag-amang Brielle at Brent sa inasal ni Brendon.

"Mana sayo ang ugali ng panganay mo," Brent said.

"Hahaha! Hayaan mo lang siya, asar-talo iyon lagi dito sa kapatid niya. Tara Dad, doon tayo sa terrace, habang di pa nakahain ang hapunan," yaya ni Brielle sa ama.

"Maigi pa nga. O, Love, magkukwentuhan lang muna kami ni Brielle," paalam nito kay Shantal.

"Okay, dito nalang kami ni Brianna. Ayokong makisawsaw kina Ivana at Yaya Santina sa kitchen,"

Pagdating sa terrace ng mag-ama, umupo agad si Brent sa naroong upuan. He patted the vacant space to let Brielle sit.

"Are you still trying to hide me something?" nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga matapos sabihin ang mga salitang ito.

"I'm sorry, Dad! I know I can't lie to you. Gusto ko lang protektahan ang pamilya ko," nakatungong tugon ni Brielle.

"Kanino? Bakit may nakaaway ka ba?" nagtatakang tanong nito.

"Wala po, kaya lang nitong mga nakaraan may nagmamasid sa pamilya ko. Ivana encountered a weird situation. Someone was secretly taking photos of her and Mom. Doon mismo sa dating bahay namin. At nadiskubre namin ni Brendon na galing sa katapat na bahay ang taong palihim na gumawa noon. Hindi ko pwedeng ipagwalang bahala dahil ayokong maulit ang nangyari sa mga nakalipas," aniya.

"Bakit walang binanggit sa akin ang Mommy mo? Pareho kayong naglihim sa akin, pamilya tayo Brielle, dapat sinabi mo kaagad sa akin," may halong tampo sa boses ni Brent.

"I'm sorry, Dad! I don't want to make you worry,"

"Sa palagay mo, sa paglilihim ninyong mag-asawa sa amin, di ako nag-aalala? Brielle, tatay mo ako, kapag may kailangan ka, o kailangan mo ang tulong ko pwede kang magsabi sa akin agad. Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ninyong lahat lalo na ang mga apo ko," Brent said.

"I know, Dad! I'm really sorry. Sana 'wag mo nalang banggitin kay Mommy ang napag-usapan nating dalawa, alam mo naman 'yun masyadong maingay kapag may ganitong mga problema tayong kinakaharap,"

"Okay, pero sa susunod anak, huwag ka na ulit maglihim sa akin. Tandaan mo, nandito lang ako lagi para sa inyong lahat,"