Nagulat ako nang tinawag ni Jane si Felix na palakad papunta sa amin . Magkaibigan pala silang dalawa. Hindi din kasi kami nagkausap nang maayos bago siya umalis. Mas lalo naman atang naging awkward to.
What a small world.
"Guys ,this is Felix. My friend." Pakilala naman ni Jane. Kinamayan naman nang mga boys except kay Jared. Napatingin naman siya sakin at nagsmile.
"Iza! Nandito ka pala. I texted you pero hindi ka nagrereply." Umupo naman siya sa tabi ni Jane. Tumingin naman ako kay Jared na tahimik parin habang pinapaikot ang laman nang baso niya.
"I'm sorry. Lowbat kasi yung cellphone ko." Explain ko naman sa kanya.
"Magkakilala na pala kayo. That's nice." Di ko ata gusto yung mga ngiti ni Jane ngayon.
"Kaibigan siya ni Lorraine. Nag meet kami noong birthday niya. She was nice. " Felix said. Nakita ko namang nagsmirk si Jared at ininom ang lahat nang alak na nasa baso niya.
Lahat kami ay nakikinig lang kung sino man ang bumalak na magsalita. Yung tatlong tukmol ay tumayo na at sumayaw sa dance floor. Sumunod naman si Zem sa kanila. Naiwan naman kami ni Princess, Jane, Jared, Felix at ako sa table. Si Jane at Felix naman ay nag eenjoy parin sa pag uusap.
"Do you want to go home already?" Sumandal naman sakin si Jared kaya napatingin sa gawi namin si Jane. She looks jealous at wala akong pakialam.
"Ikaw bahala. Sumama lang naman ako sayo." Mahina kong sabi.
"I wan't to bring you somewhere." Umayos naman siya nang umupo at tumingin sakin.
I really love his gaze.
"Saan?" Tanong ko.
"Basta, ako bahala." He smiled.
Hinila naman niya ako patayo. Nagpaalam siya kay Zem kaya nagpaalam din muna ako kay Princess. Hindi naman napansin ni Felix ang pag-alis namin dahil nag uusap sila ni Jane. Pumasok kami sa kotse niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit.
"Punta tayong resort. Sunday naman bukas at wala kang trabaho. Let's spend the weekend together." Nagdrive na siya paalis nang bar.
"Baka magtampo si Zem sa atin. Umalis tayo sa kalagitnaan nang celebration niya."
"He is a kind guy and I know that he can understand us. Hindi yon magtatampo." Mukhang sigurado naman siya sa sinasabi niya and besides sila yung magkaibigan. Mas nagkakaintindihan sila.
"Paano yan? Wala tayong dalang damit. " Wala kasi akong extra shirt kapag pupunta ako sa trabaho. Kapag pupunta lang nang gym o maglalaro nang volleyball.
"Doon nalang tayo bumili." Hinayaan ko na siya.
Nagfocus nalang ako sa dinadaanan namin. Habang tumatagal ay mas lalo nagiging maganda ang tanawin. Maganda ang buhangin at parang kalma lang ang dagat. Kinuha ko naman yong phone ko at nagpamusic nang Bts Magic Shop. Sumasabay naman ako sa pagkanta. Mas lalo narerelax ang isipan ko. Napapikit nalang ako.
"Do you really love BTS?" Narinig kong sabi ni Jared.
"I love them as a fan. I love their songs and also the members. Hindi ko nga rin alam. " Naisip ko bigla yung binigay niya saking necklace kanina. I never said it to him. "Wait, paano mo nalaman ang logo nang BTS?"
"Your posts and status on social media. Kulang na nga lang ipatatto mo sa noo mo." Asar naman na sabi niya.
"Selos ka lang naman." Mahina kong sabi.
"What did you just say?"
"Sabi ko ang ganda nang dagat parang gusto kong maligo." Pag iiba ko nang usapan.
"Niloloko mo ata ako eh. I know that you said different." Hindi ata siya naniwala sa pinagsasabi ko. "Nevermind." Sabi ko nalang. Sumandal ako sa window nang kotse. Naramdaman ko naman ang lamig nito sa pinsgi ko. Kaya napapikit nalang ako.
"Are you sleepy?" Tanong niyang sabi.
"Hindi naman. Nagustuhan ko lang yung lamig." Tugon ko.
"You can rest. Medyo malayo pa tayo."
"Sige okay lang. Sanay naman akong maghintay." Tiningnan ko naman ang relo ko. Alas dyes na nang gabi.
"Sigurado ka ba? Hihintayin mo? Baka maumay kalang." Hindi ko siya pinansin at pinikit ko nalang ulit yung mata ko.
After 30 minutes ay dumating na kami sa sinasabi niyang resort. Maganda siya, may hotel, malapit din siya sa beach at higit sa lahat maganda ang view. Sa itsura palang mukhang mamahalin na ito. Pinasok ni Jared yung sasakyan niya sa loob at nagpark.
"We're here." Bumaba ka agad ako. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy nang hangin. Ang ganda niya sa pakiramdam. May kinausap naman si Jared na mukhang crew dito sa resort. Pumasok kami sa loob at nag check in na.
Malaki ang kwartong kinuha ni Jared at maganda ang interior designs.
May kumatok naman at nakita kong ang lalaking kinausap ni Jared kanina. May dala siyang maraming paper bags at agad namang kinuha ni Jared.
"Thank you. " Sambit ni Jared. "Here, may mga damit diyan at kakailanganin mo." Inabot naman niya sakin ang ibang paper bags.
I smiled. "Thank you." Then ginulo niya ang buhok ko.
"Magpalit ka na. Sabi mo gusto mong magswimming kanina diba?" Natandaan niya pa pala yung sinabi ko. Kinuha niya naman ang phone niyang may tumatawag.
Tiningnan ko naman ang laman nang mga paper bags. Iba't ibang klase nang mga damit. May two piece, shirts, dress, at shorts. Syempre may underwear alangan naman mawala yon. Kinuha ko naman yung black two piece saka pumasok sa bathroom at sinuot iyon. Kasya naman siya pero lumaki ata yung pwetan ko .
Lumabas ako na naka two piece at nakita kong nakabihis na din si Jared. Tiningnan niya ako parang kinikilatis yung buong katawan ko. The side of his lips rose and his eyes immediately went down to my ass.
"Are you comfortable with that?" He asked shamelessly.
"Okay naman siya. Bagay naman sa kulay ko. May problema ba ?"
"Wala." Tipid niyang sabi at tumingin ulit sa pwetan ko.
"Nabo-bother ka ba sa pwet ko?" Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
"Hindi naman."
"Hindi naman pala eh. Malaki naman siya ah." Kinapa ko naman ang pwetan ko kaya napatawa siya.
Sinusundan naman niya nang tingin ang kamay ko kung saan ko dalhin. Problema nang lalaking ito.
"Para kang tanga." Sabi niya sakin at pinasuotan ako nang napakalaking tshirt. Parang bata ako dito na pinapasuotan nang tatay niya nanag damit.
"Mag mumukha naman ata akong rapper nito." Sabi ko at tumalon sa kama.
"Okay na yan. Bagay nga sayo eh." Bagay daw sakin pero tinatawanan ako. Tumayo naman ako sa kama para maabot siya at kinagat yung taenga niya.
"Aray ko, Alexandra. Hindi ko alam may sa aswang ka pala." Hawak niya parin yung taengang kinagat ko. Buti nga sayo.
"Pag ako naging aswang walang matitira sayo. Kakainin kita lahat." Tawang tawa kong sabi sa kanya. Pero bigla ata siyang tahimik. Tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sakin.
I saw a playful smile.
"Talaga?"
"Hoy tanga! Huwag kang mag isip nang ibang bagay. Ang manyak mo Jared Blaze." Babatukan ko sana siya pero agad siyang nakailag.
"Let's go. " Hinatak na naman niya ako.
"May paa ako. Kaya binitawan mo ako." Agad naman niyang binitawan ang kamay ko.
"Baka ayaw mo kasing maglakad. Pwede naman kitang buhatin." Tiningnan ko naman siya nang masama. Sinarado na niya ang pinto nang room namin.
Nilahad naman niya ang kamay niya . Inappearan ko naman siya. He rolled his eyes. Anong problema nito. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.
"Give me your hand. Bakit ka nag high five sakin?" Naglalakad na kaming dalawa palabas nang hotel.
"Pwede ka naman magsalita. Ikaw ha! Baka mafall ka sakin. Hindi kita sasaluhin bahala ka." Biro kong sabi sa kanya.
Ngumiti naman siya nang mapait. Naglakad nalang kami sa sea side. Marami ding mga tao ang nandoon, halos mga turista. Yung ibang makakasalubong namin ay napapatingin kay Jared at ngumingiti. Si Mayor naman ay naka poker face lang sa kanila habang hawak ang kamay ko. Pinaglalaruan niya pa ang kuko ko gamit ang mga daliri niya.
Naghubad siya nang damit at maganda na naman ang view na nakikita ko ngayon. Nilapag niya ang tshirt niya sa buhangin saka inayos iyon.
"Sit down." Umupo siya kaya tumabi ako sa kanya.
"It's very relaxing here." Sabi ko at tinaas ang kamay ko. Hinila naman niya pabalik ang kamay ko .He rest his head on my shoulder.
"Do you want to swim?" Tanong niya sakin. Umiling naman ako sa kanya.
"Let's stay like this for just a minute." He said.
Tanging mga alon lang ang naririnig namin ngayon at mga taong nagtatakbuhan sa tabing dagat. I looked up to the sky. Ang ganda nang mga bituin.
Narinig kong napasinghap si Jared.
"Do you believe in shooting stars?" Malumanay niyang tanong sa akin.
"No, nagwiwish ako pero hindi naman ata totoo iyon."
"To make a wish in shooting star. You must first believe it can come true. Wala namang mawawala kapag naniwala tayo diba?" Inalis naman niya ang pagsandal sakin at tumingin siya sa mga mata ko.
"Make a wish." Sabi niya.
"Wala namang shooting star .Bakit ako magwiwish? Hindi na ako bata Mr. Kennedy." I shrugged my head.
"Just make a wish. " He said again.
Pumikit ako.
Sana laging nasa maayos na kalagayan ang mga pamilya ko. Si Mama, si papa at si ate pati na rin ang mga kaibigan ko. Huwag niyo po silang pababayaan.
Dumilat ako at nakatingin sa mga mata ko si Jared.
I wish that his feelings are all true.
I smiled at him and he give me a kiss on my forehead.
"Tapos na." Masaya kong sabi.
"Alam mo ba kung bakit sa gabi lang nagpapakita ang mga bituin?"
"Bakit?" Tanong ko
"Because only in the darkness, you can see the stars." Iba ang mga titig na binibigay niya sakin ngayon. Nagbibigay ito nang iba't ibang boltahe sa katawan ko.
"Sana all star." Nasabi ko nalang.
"May trivia ako sayo." Sabi niya. Umayos naman ako nang upo at nakinig. Nagkatitigan kaming dalawa at parang naglalaban ang mga mata namin.
"Love is a falling star. You are the star. I'm falling."