webnovel

Over protective

Nandito parin ako sa condo ni Jared at kasalukuyang kumakain nang chocolate flavor cake. Naligo pa kasi siya kaya ako muna ang naiwan dito sa sofa niya . Narinig ko namang bumukas yung pinto.

"Gusto mo bang sumama? My friends invited me to Pavilion Bar. It's Zem's birthday. " Bagong labas siya sa CR at nakatopless lang siya. Tanging mga tuwalya lang sa baba ang nakikita ko ngayon. Kitang kita ko talaga ang anim na tinapay sa tiyan niya.

"Alexandra?" Tawag ulit niya sakin.

"Ba-kit?"

"Are you going with me or not?" Tanong niya ulit.

"O-o, ikaw bahala." Sagot ko naman.

"Magbibihis lang ako." Pumasok na siya sa kwarto niya at nakahinga naman ako nang maayos.

Pinagpapawisan ako nang malamig dito kahit may aircon. Masyado kasing nakakadistract yung nakita ko kanina kaya hindi ako nakasagot agad. Hindi naman sa minamanyak ko ang sarili ko pero parang ganoon na nga. Lumabas siya at isa lang ang masasabi. He looks so hot . Sa suot niyang fitted maong pants, white nike shirt at white air force. Simple lang pero ang lakas nang tama. Nagpaypay naman ako gamit ang mga kamay ko.

"Mainit ba?" Lumapit naman siya sa TV at kinuha ang remote nang aircon saka may pinindot pindot doon.

"Hindi ah. Ang lamig kaya." Pagbabawi ko naman at umupo nang maayos.

"Dadaan lang tayo sa isang boutique para makapalit ka." He said saka kinuha na yong pinagkainan ko saka hinugasan.

Naiwan naman ang mabango niyang perfume. Ang sarap nang hagod sa ilong. Hindi siya masyadong matapang pero kaya kang ipaglaban. Char.

Umalis naman kaming dalawa at ang sasakyan na niya ang ginamit namin. I stare at him. I'm so impressed with his perfect face. Napatingin siya sakin kaya agad na umiwas ako sa kanya.

"Don't wear too high heels Alexandra. Kung pwede lang flat shoes nalang and don't expose too much skin." He looks worry about it.

"Ano ba ang masama kung susuot ako nang mga ganoon?" Gusto ko lang naman siyang asarin kaya sinabi ko. Natawa naman ako.

"You are starting again. Don't be stubborn, okay? I just protect what is mine." Lumalakas ang tibok nang puso ko sa sinabi niya. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa daanan. Nakarating naman kami sa boutique na sinasabi niya at may isang bakla ang nandoon.

"Please find her a dress Alfred. Don't expose much of her skin and just a light make up, okay?. I'll just buy something." He said at lumabasa na. Tiningnan naman ako ni Alfred na ang laki nang ngiti.

"He is so over protective. " I heared Alfred said.

"Oo nga eh. Kulang nalang maging madre ko." Tumingin tingin naman ako sa mga damit doon. Ang gaganda nang mga design at halos bet ko.

"Ganyan talaga si Jared. Pero I think he likes you so much." Ang sakit lang isipin na hindi niya alam na arrangement lang meron kami. I felt sad.

"Hindi naman siguro. Baka sa lahat nang babae ganoon siya. Hindi lang sa akin." Sabi ko naman at umiling siya.

"Nope, Jared never brought a girl here except to his mom and you. Kahit yong girlfriend niyang artista. Hindi iyon nakatungtong dito." He said with a serious tone.

"Bakit ba namatay yung mga magulang niya?" Natanong ko nalang bigla. Nahihiya kasi akong itanong kay Jared ang lahat. Baka isipin niya na interesado na ako sa kanya.

"Sa pagkakarinig ko nagraid daw ang mga police at nagkamali sila nang pinaputukan kaya parehong nadamay yung mga magulang niya. Nadala pa ang mama niya sa hospital pero hindi nadin umabot. Sa Laguna ata nangyari yong insidente na iyon." Laguna? Lugar namin yon ah. Wala din naman akong nabalitaan na may nangyaring ganoon o sadyang wala ako.

"Sure ka ba?" Tanong ko. He just nodded.

"Mukha bang nagbibiro ako? Napapahaba na ata ang usapan nating dalawa. Baka bumalik na si Jared at hindi pa kita binibihisan." Binigay niya ang mga damit na pinili niya at pumasok na ako sa dressing room.

Lumabas ako suot ang unang damit na binigay niya.

"Tama talaga ako. Kahit anong damit, bagay na bagay sayo." He said and hold my shoulders. I look in the mirror and I'm wearing a mustard yellow dress. Fit siya at maganda sa katawan ko. Bagay din sa skin tone ko.

"Ito nalang siguro." Tumango naman siya sakin at sinimulan niya ang pag make up . Marami siyang sinasabi tungkol kay Jared at nakikinig lang din naman ako sa kanya.

"Ayan ang ganda mo na." Tumingin naman ako salamin sa harapan ko. Mukha nang tao yung itsura ko. Pinlantsa niya ang mahaba kong buhok.

Sakto naman at dumating na si Jared. Tiningnan niya ako at nagsmile.

"You look beautiful." He said at may sinuot sakin. Tiningnan ko naman iyon at isa sa mga limited edition na gold bts logo.

I hug him. Gusto ko na talagang makuha ito pero hindi ko iniisip na bibilhan niya. "Thank you so much." I said in his ear.

"Your welcome. "

"Umalis na nga kayong dalawa. Iniinggit niyo naman ako." Tumawa nalang kami sa inasta ni Alfred.

"I owe you a lot AJ." Sabi ni Jared kay Alfred at nagfist bump silang dalawa.

"Thank you Alfred." I walk towards him and hug him. "Your always welcome." Sabi niya naman.

Hinawakan ni Jared ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas. Sana ganito nalang palagi. Nasabi ko nalang sa sarili ko. Binitawan na niya ang kamay ko at pareho kaming pumasok sa kotse.

"Thank you." I said at him and kissed his cheek.

"Ako ang dapat magpasalamat sayo, Alexandra." Pinaandar na niya ang kotse.

Nakarating kami sa Pavillion Bar. Naisip ko nalang bigla na dito kami unang nagkita ni Jared. I was wasted and drunk.

Pagkababa palang namin ay marami nang taong tumawag kay Jared. Ngumingiti lang si Jared sa kanila. Sa dinami dami ba naman nang tumatawag sa kaniya hindi ko na ata mabilang.

"Mayor." Natawa ko sabi kay Jared at tinapik ang balikat niya.

"They're just my friend. Alangan naman hayaan ko sila." Sagot naman niya.

Pumasok naman kami sa loob nang bar at nakita ko ang familiar na mukha nang mga kaibigan ni Jared. I never meet them before.

"Happy Birthday Bro!" Sabi ni Jared sa kaibigan niya. So ito pala si Zem. Inaalala ko kung saan ko siya nakita. Nang birthday ni Lorraine ang tumawag kay Jared habang hinahatak niya ako. Kaya naman pala.

"Buti nalang at napilit ka naming pumunta dito. Baka nagtampo na talaga ako sayo." Masayang sabi ni Zem. Tumingin naman siya sakin.

"Happy Birthday." I greeted him.

"Kaya naman pala ayaw pumunta nang isang ito kanina. Pero thank you. " Natawang sabi naman ni Zem.

"Shut up, bro." Tinulak naman nang mahina ni Jared si Zem.

"Umupo muna kayo. Ito pala ang girlfriend ko si Princess." Pakilala ni Zem. Maganda ang girlfriend niya at mukhang mabait. Nagsmile siya sakin kaya nagsmile din ako sa kanya.

"I'm Iza." Sabi ko sa kanya.

"Princess Adrielle." Naglahad siya nang kamay kaya tinanggap ko iyon. Marami pang pinakilalang kaibigan si Zem at Jared. Sina Jass, Jed at Earl. Lahat sila magbabarkada since high school. Halos magkasabay na daw silang lumaki.

Umupo naman sa tabi ko si Jared at binigyan ako nang baso.

"Wag kang iinom nang marami dito Iza. Binabalaan kita." Nilagyan niya nang kaunting vodka yung basong binigay niya. Arte naman nang isang ito.

"Sana pala hindi mo na ako binigyan nang baso." I rolled my eyes. Tumahimik naman siya sa tabi ko at nilagay yung wrist niya sa klikod nang couch na inuupuan ko. Marami nang tao dito sa bar at halos mga big time ang mga nandito.

Mga kaibigan din nila Jared yung iilan pero hindi ko na nakita ang iba.

Tumayo naman si Jared kaya naiwan kaming dalawa ni Princess dito. Tiningnan ko ang baso na nasa harapan niya.

"You don't drink?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ni Zem na bigyan ako nang alcoholic drinks." Sumimangot naman siya. Hinanap ko si Zem at doon siya sa kabilang table kasama ni Jared.

"Pwede naman siguro tayong uminom kahit kaunti lang hindi naman sila tumitingin. " Sabi ko kay Princess.

Nilagyan niya ang baso niya nang kaunting Margarita na may juice kanina. Nagtawanan naman kaming dalawa. Parang pinagbabawalan kami nang tatay namin na uminom kaya patago nalang kaming dalawa.

"May work ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Model ako sa agency nila Zem. Siya din kasi ang nagrecommend na doon ako mag apply." Kaya pala ang ganda niya. Ang haba din nang mga biyas niya.

"So kilala mo si Jane?" Bigla ko nalang natanong sa kanya. Nagbabakasakali lang naman.

"Nagkikita kami pero we are not close. Marami kasi ang galit sa kanya. " Makikita mo kasi sa itsura ni Princess na nagsasabi siya nang totoo.

"Ganon ba. "

"Ex-girlfriend siya ni Jared diba?" Tanong niya naman.

"Oo." Tipid kong sabi.

"Siya ang may kagagawan nang lumabas na article tungkol sa kanila ni Jared kaya nag break sila nong showbiz boyfriend niya. Nagulat nga kaming lahat." Explain niya sakin.

I felt wrong. Nagtampo ako kay Jared without knowing the story.

"Ganoon ba." Kinuha ko ang baso ko at nilagok iyon. Tiningnan ko lang sa malayo si Jared na ngumingiti kasama nang mga barkada niya. Minsan ko lang siyang makitang ganitong kasaya. Bumalik naman sila sa table na inuupuan namin ni Princess.

"Are you girls okay here?" Tanong ni Zem.

"Yes babe. Nag-uusap kami ni Iza." Sagot naman sa kanya ni Princess.

Umupo naman sa tabi ko si Jared. Nagsiupuan nadin sina Jass, Jed at Earl.

"Grabe pre, sana pala nagdala din tayo nang chicka babes dito. Tayo lang ata ang walang makaharutan." Narinig kong sabi ni Jass. So bale pito kami sa table. Magkatabi si Zem at Princess, Ako at si Jared, tapos ang tatlo.

"You talk a lot." Jared said at ininom yung nasa baso niya.

"Ano ba naman yan bro. Hindi mo ba kami susuportahan? Sinuportahan ka nga namin last time eh. " Napatingin naman sakin si Earl. Di ko alam kung anong pinag uusapan nila. Tiningnan naman sila nang masama ni Jared.

"Oo nga. Kung hindi namin sinabi na nandito si Iza. Hindi ka haharurot pap-" Bigla namang tinakpan ni Earl ang bunganga ni Jed.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nang mga pinagsasabi nila. Natawa nalang kami doon. Marami pa silang pinag usapan na hindi kami relate dalawa ni Princess. Nakinig naman kami sa kanila.

"Happy Birthday Zem." Napatingin kami sa likod at tiningnan kung sino ang nasalita.

Bakit siya palagi yung nagpapasira nang mood ko. Nakita din namin siya kahapon. Pati ba naman dito. Tahimik kaming lahat nang dumating siya.

"Di niyo ba ako babatiin?" Sabi niya samin. Nagkatingin naman yung mga boys. Si Jared naman ay chill lang sa tabi sakin.

Napatingin siya sa gawi ko. She smiled.

Ohh bitch.

"Hi Iza! Nandito ka rin pala. " Nagsmile lang ako sa kanya.

"Oo nga eh. Nandito karin." Sarcastic kong sabi. Nagbeso naman siya kay Zem. Tiningnan ko ang reaction ni Princess. Hindi siya tumitingin.

"Akala ko di ka makakapunta." Sabi ni Zem at binigyan siya nang baso.

"Akala ko nga rin eh. Nakita ko kasi yung story mo sa IG. Nandito pala si Jared kaya pumunta din ako dito." Ininom niya naman yung laman nang baso niya at tumingin sakin.

Natahimik naman si Zem at nahahalata niya siguro na parang awkward yung atmosphere dito. Iniba naman ni Earl yung usapan.

"Mag inuman nalang tayo dito. Tumatanda na kasi si Zem kaya dapat magsaya tayo." Binatukan naman ni Zem yung kaibigan niya.

"Tanga ka ba. Ikaw itong mas matanda sakin. Manong ka na pre." Pang aasar na sabi ni Zem.

"I brought a friend here. I hope you won't mind Zem." Sabi ni Jane.

"No it's okay. "

Ilang minuto akong tahimik habang nakikinig lang sa usapan nila. Mabuti nalang at nandito ang tatlong tukmol kaya hindi masyadong awkward.

"Nandito na pala siya. Right here, Felix!"