KAINITAN NA NG PARTY pagsapit ng alas-dose ng madaling araw. Sa kabila ng matinding traffic dahil sa walang tigil na pagdating ng mga tao at kakulangan sa parking space ay tuloy pa rin ang masayang gabi sa Poblacion, Makati.
Makikita ang napakakulay na mga ilaw sa red dristict ng siyudad. Buhay na buhay ang buong street. Ang lugar na ito ang isa sa mga paboritong tambayan ng mga working millennial pagdating ng weekends. Dikit-dikit kasi ang mga naturang pubs, chill spots at restaurants. Lalakarin mo lang kung gusto mong mag-bar hopping.
"ID po ma'am?" tanong ng matangkad na bouncer.
Agad kinuha ni Lexine ang kanyang drivers license at pinakita iyon. Matapos i-check ang birthday niya at makumpirmang nasa legal age na siya upang mag-walwal ay nakangiti siyang pinapasok ng bantay. "Thank you!" aniya.
Sinalubong siya ng maingay at malakas na sounds pagpasok ng NoKal kasalukuyang tumutugtog ang EDM version ng kantang, "Love Goes by SB19." Siksikan na ang mga tao sa loob ng hindi kalakihang establishment. Nagsasayawan ang mga ito habang sumasabay sa chorus ng kanta.
Three floors ang old building na nirenovate at ginawang bar. Magkaiba ang tugtugan sa bawat palapag. Meron din itong rooftop lounge sa tuktok. Ang sabi sa kanya ni Xyrille ay nandoon nakapwesto sa taas ang mga ito. Struggling na umakyat si Lexine dahil halos hindi mahulugan ng karayom ang lugar sa dami ng tao.
Puro amoy alak at sigarilyo na'ng mga taong nakasasalubong niya. Ilan beses pa siyang nginitian ng mga lalaking nagagandahan sa kanya. But she doesn't have any time to flirt around. She needs to find her friends. After like a forever ay natagpuan niya rin sila Xyrille at Janice na nakapwesto sa pinakadulo ng rooftop malapit sa railings kung saan tanaw ang lively streets ng Poblacion.
"It's Friyay!" masayang bungad sa kanya ni Xyrille habang nakataas pa ang dalawa nitong kamay. Nakipagbeso siya rito at kay Janice. Agad siyang pinakilala ng dalawa sa iba pang kasama ng mga ito sa table na according to Xyrille ay mga friend nito from La Salle. "This is Jacob, Ruru, Tasha and Jimm."
"Hi!" bati ni Lexine at simpleng kumaway sa mga ito.
"Guys, I'd like y'all to meet the most beautiful student from College of Business Administration, Lexine Alonzano Vondeviejo!" buong proud na introduction ni Xyrille sa kanya.
Umikot ang mata ni Lexine. Halata na niya agad na binebenta siya ng kaibigan lalo na at magagandang lalaki ang tatlo nilang kasama. Habang cute and petite naman si Tasha. `Di nakaligtas sa mata niya ang lagkit ng tingin sa kanya ni Ruru. Gwapo ito at mestizo. Halatang may lahing banyaga.
"Sira ka talaga. Anung most beautiful ka riyan? Kailan pa nangyari `yan?" Natatawang umupo siya sa stool chair na katabi ni Janice.
"Duh, girl! It's so obvious naman na you're the most beautiful face in our college. Actually, in the entire university pa nga. Panis kaya sa beauty, brains, and talent mo ang mga pinagmamalaking muse ng ibang college."
"I totally agree. Alam niyo ba, nagkaroon ng voting poll sa website ng university namin kung sino ang pinaka campus crush, and Lexine got the top spot!" dugtong ni Janice.
Umikot uli ang mata niya. Alam niya ang tungkol sa kinukukwento ng mga ito. Last semester ay nagkaroon ng katuwaan ang journalism club. Lingid sa kaalamanan niya na pinasok ni Xyrille as entry ang kanyang picture. Stolen shot pa nga iyon. Nasa corridor sila at naglalakad. Nakangiti siya habang kausap ang mga kaibigan kung kaya hindi siya nakatingin sa camera.
"Hindi na `ko magtataka. By just looking at her now, I could strongly agree that she deserves the title," swabeng komento ni Ruru. His charming gray eyes gazed at her from head to toe.
Namula ang magkabilang pisngi ni Lexine. Obvious na type siya ni Ruru lalo't kanina pa nito hindi inaalis ang mata sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Xyrille sa kanya at sa tisoy na binata. Kumikinang ang mga mata nito.
"Not only that, because aside of her goddess beauty, she's also super talented. She's the one and only protégé of Kristine Garcia. Like, the Kristine Garcia!"
Napukaw ang interest ni Tasha. "Oh, really? Super idol ko Kristine Garcia! So ballerina ka pala, Lexine. Wow! Nakakainggit naman. Jack of all trades ka pala!"
"I'm impressed!" segunda ni Ruru
Naiilang na talaga si Lexine na nasa kanya na lahat ng atensyon. Gusto niya lang ngayong gabi ay magpakasaya. Masyado na siyang maraming pinoproblema. Bumigat muli ang dibdib niya nang maalala ang mga ipinagtapat sa kanya ni Cael. Bukod sa katotohanang anak pala siya ng isang makapangyarihang Arkanghel ay mabigat din na malaman niyang hindi niya tunay na ama ang kinikilalang daddy. Minsan gusto niyang isipin na nasa Wow Mali lang siya all these time at joke lang ang lahat ng ito. Pero alam ni Lexine na sarili niya lang ang niloloko niya.
Pinilig niya ang ulo. Pagod na siyang mag-isip. Gusto niya munang ipahinga ang utak sa lahat ng kababalaghan. Stop thinking `bout it. Remember, mag-eenjoy ka ngayong gabi.
Kinuha niya ang bote ng Gold Jose Cuervo sa lamesa at sinimulang salinan ng gintong alak ang mga shot glass. "Enough na nga `yan pagbebenta niyo sa `kin. Ang mabuti pa, mag-shot na tayo! I want to have fun tonight!"
"Wohooo!" malakas na tili nina Xyrille at Janice.
Sabay-sabay nilang kinuha ang mga shot ng tequila at tinaas sa ere. "Cheers!" sigaw ni Lexine.
Gumuhit ang init sa kanyang lalamunan pagkainom niya ng alak. Kinagat niya ang slice ng lemon na may asin panglaban sa tapang ng tequila. Lumukot nang husto ang mukha ni Lexine. Hindi naman talaga siya umiinom at mas lalong hindi niya hilig na pumarty tulad ni Xyrille at Janice. Kaya nga nang tinawagan niya ang mga ito kanina at hinahanap kung saan ang gimik ng mga ito ay tuwang-tuwa ang dalawa dahil once in a bluemoon lang ang pagkakataon na sumama siya sa mga night out ng mga kaibigan.
Sobrang na-i-stress na talaga siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Lalo pa at hindi nakatutulong na nagpapatayan sina Night at Cael sa kanyang harapan. She just want to get out of the chaos. Kahit ngayong gabi lang gusto niya munang kalimutan ang lahat at magpakawalwal.
Mas lalong uminit ang party. Hindi na mabilang ni Lexine kung naka-ilang shots na siya ng Tequila. She doesn't care anyway at magpapasundo na lang siya kay Rico mamaya. Nang maubos nila ang isang litro ng Cuervo ay nag-aya si Ruru na lumipat ng bar at since walking distance lang ang ibang establishment kaya madali silang nakarating sa Tanaw.
Katulad sa pinanggalingan nila, rooftop party rin ang ambiance roon. Mas malawak nga lang kumpara sa NoKal. Mas alive rin ang mga tao lalo na at malakas na tumutugtog ang "Kill this Love by Blackpink." Sumabay pa ang lahat sa parte ng chorus.
"LET'S KILL THIS LOVE!!"
Nakisabay na rin siya sa indak at talon ng lahat habang pumapainlanglang ang up beat na music. Lexine felt so alive tonight! Lalo na at pumasok na sa sistema niya ang alak. Umiikot ang paligid niya pero dahil lumalabas lahat ng happy chemicals niya sa katawan kaya wala na siyang pakielam. Lasing na rin ang mga kasama niya lalo na si Xyrille. Hinatak siya nito sa gitna ng dance area sa tapat ng Dj's booth at doon sila sumayaw nang bonga.
"Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum."
"Let's kill this LOOOOOVEEEE!!!!" Lexine shouted on top of her lungs.
Ngayon niya lang na-discover na marunong pala siyang mag-booty shake at nakikipagsabayan na siya ngayon kay Xyrille at Janice. She keeps on laughing, dancing and drinking like it's the end of the world.
Happy weekends cupcakes!! We’re so near to 200k reads, grabe! Amazing talaga kayo! I’m honestly and sincerely touch na napapamahal kayo sa story na ito. Huhuhu... kaya pagbubutihin pa ni Author,
at dahil diyan, another kilig chapters for today’s release! At mas maaga ko siyang pinost! Ehehe!
Ihanda ang mga puso beshi maes!
Enjoooooy! Pls don’t forget to vote using your powerstones! Thank you!!!