83 I can’t let her go

TAHIMIK na binabantayan ni Night si Lexine habang mahimbing itong natutulog sa kama. Nahimatay ito kanina matapos malaman ang totoo sa bibig ni Cael. Marahil hindi na nito kinaya ang lahat ng rebelasyon na natuklasan tungkol sa nakaraan at pagkatao nito.

Maging siya ay nagulat din. He'd never thought that she's a half-angel. Not only an ordinary one but a daughter of a very powerful Archangel. Kung kaya naman pala ganoon na lang ang labis na paghahangad ng mga demonyo kay Lexine dahil sigurado siyang nais gamitin ng mga kalaban ang espesyal na natutulog nitong kakayahan. Iyon ang bagay na hinding-hindi niya papayagan.

Ngayon ay alam na niya kung ano ang tinatagong hiwaga ng pagkatao ni Lexine at kung bakit may kakaiba sa kaluluwa nito sa ibang mortal. That gives him more reason to protect and cage her in his arms. Night is willing to give all in just to make sure she'll be safe. He'll never let anyone hurt her. If he needs to use all his power then so be it.

Aaminin niya na noong una ay interesado lang siyang madiskubre kung ano ang meron sa babaeng ito. Her mysteries beguiled him. Ever since the evening that he first saw her, this girl already thumped something inside him. He has thought it was just simple curiosity, but the more he observes her from afar and silently watches her from the shadows, the more he was being drawn to her like a moth in a flame.

Night already knew that Lexine's a lovely young girl but as she grows up the more mesmerizing she becomes in his eyes. She has the purest heart: soft but brave. Lexine maybe looks like a fragile flower outside but in reality, she's a flaming warrior inside. These are just one of the many things that he loves about her.

But above everything else. It's because of the way Lexine makes him feel. She has made him feel again. She was able to crack the strong bolt inside his heart. Lexine has uncovered the hidden light on the depth of Night's ruined soul. This woman makes him discerned that despite all the sins he'd inflicted in this cruel world, he still deserves to be happy. This woman proves to him that despite the infinite darkness that embraces Night's heart, he also deserves to feel the passion he'd thought he will never have.

In hundreds of years, Night already gets used to walking and living alone in his dark world. Having immortality seems to be astounding for ordinary humans, pero para kanya isa itong sumpa. But when Lexine infiltrated into his life, he has finally found a new reason to exist. She became the new sunshine he wanted to see when he wakes up each morning.

Sunud-sunud ang mabibigat niyang buntong-hininga. Night knows to himself that this is a war that he must prepare. It would be bloody, ruthless, and dangerous. At hindi niya itatanging natatakot siya not because he fears the enemies. Binali niya ang isang patakaran at dinaya niya lang ang tadhana. Natatakot siya na dumating ang araw na sisingilin na siya sa lahat ng kasalan niya sa mundong ito at sa malaking posibilidad na si Lexine ang magiging kapalit.

Kinulong niya sa dalawang palad ang isang kamay nito at hinalikan iyon. Marahan niyang hinimas ang natutulog nitong mukha. "I can't lose you, baby. I can't."

Paulit-ulit na hinagkan ni Night malambot na kamay ng dalaga habang hindi inaalis ang titig sa maganda nitong mukha. Ilang sandali pa at naramdaman niya ang presensya sa kanyang likuran. Nagtigas ang kanyang bagang.

"Ngayon naisiwalat na ang katotohanan sa lihim ng totoong pagkatao ni Alexine siguro naman ay lalayuan mo na siya."

Nagpantig ang tenga ni Night. Binalot ng dilim ang mukha niya at nilingon si Cael. Nakatayo ito sa pintuan. Tumayo siya at nilapitan ito. Dibdib sa dibdib. The tension between them was too thick and his body was itching to release all the frustrations he's been feeling at the moment. Nanliit ang mga niya rito at sinambit ang bawat salita ng buong diin. "That's the only goddamn shit in this world that will never.fucking.happen. Because I'll never let her go."

Nag-igting ang bagang ni Cael. "Ganyan ka ba talaga makasarili? Hindi mo ba nakikita ang totoong sitwasyon niyong dalawa? Nanalantay sa dugo ni Lexine ang isang pagiging Arkanghel. Isa siyang natatanging mortal, naiintindihan mo ba? At ikaw... isa kang sinumpa! Tututol ang langit at impyerno sa inyong dalawa at kahit kailan hindi kayo pwedeng mag-sama!"

Buong gigil na hinablot ni Night ang kwelyo nito at malakas itong tinulak palabas ng kwarto. Diretso silang tumama sa kahoy na railings sa tuktok ng hagdan. Sa lakas ng impact ay nasira iyon at bumagsak sila sa first floor. Pinaibabawan niya si Cael at pinaulanan ng suntok. Sinakal niya ito. Nanginginig ang bawat kalamnan niya sa katawan. Nilapit niya nang husto ang mukha rito. Nag-aapoy ang kanyang mga mata.

"Wala `kong pakielam kahit buong mundo pa ang tumutol sa `min. Hinding-hindi ako papayag na kuhanin niyo sa `kin si Lexine. I don't give a shit even if I need to kill each fucking birds like you, demon or angels, wala `kong sasantuhin. Magkamatayan na pero hinding hindi ko siya bibitawan!"

Lalong tumalim ang mata ni Cael. Duguan ang ilong at bibig nito. "Sarili mo lang ang iniisip mo. Kung talagang mahalaga sa `yo si Alexine, iisipin mo kung ano ang makakabuti sa kanya at hindi ikaw `yon! Kung mayroon man na higit na masasaktan sa lahat ng ito, iyon ay walang iba kundi si Alexine. Kaya layuan mo na siya, Tagasundo. Magkaiba kayo ng mundong kinagagalawan. Hindi ka niya maaaring mahalin dahil ikaw ang magiging rason ng tuluyan niyang pagkadurog."

Natigilan si Night na para bang hinampas siya ng malaking alon. Isang mabigat na bato ang bumara sa kanyang lalamunan. Lalong humigpit ang diin niya sa leeg ni Cael. Nagdidilim ang paningin niya at nilalamon siya ng halo-halong emosyon.

"Shut your fucking mouth!"

Nagliwanag ang tattoo sa kanyang kanang pulsuhan at agad lumabas si Gula sa kamay niya. Mabilis niyang tinutok ang espadang sa mukha ni Cael.

"Ano ba! Itigil niyo `yan!"

Nahinto ang kamay ni Night sa ere. Sabay na pumihit ang ulo nila ni Cael sa iisang direksyon. Sa tuktok ng nasirang railings naroon si Lexine. She looks so terrified. Nanlalaki ang mga mata nito. Nagmadali itong bumaba at lumapit sa kanila. "Hindi ba talaga kayo titigil magpatayan, ha?"

Nanigas ang dalawang binata sa kanilang posisyon. "Pagod na pagod na `kong magbantay ng matitigas ang ulo. Para kayong mga bata, away kayo ng away! Napipikon na `ko sa lahat ng nangyayari. Urgh! I hate this life! I can't take this anymore! Ayoko na! Bahala kayo riyan! Magpatayan kayo kung gusto niyo wala na `kong pakielam!"

She was like a volcano that finally exploded. Mabilis nitong kinuha ang kwintas sa leeg nito. "Ithurielle!" Agad iyon nagliwanag.

"Ano ang 'yong hiling aking prinsesa."

Sa huling pagkakataon ay pinukol ni Lexine ng nakakamamatay na tingin ang dalawang binata na tila naging estatwa at hanggang ngayon ay naninigas pa rin habang nanlalaki ang mga mata. "Get me out of this place, now!"

"Masusunod aking prinsesa."

Huli na para makatutol pa ang dalawa. Bigla na lang sumabog ang isang nakakasilaw na liwanag at pagdilat ng kanilang mga mata ay wala na si Alexine.

"Fuck!" Nanggigigil na tumayo si Night. Nasabunutan niya ang sariling buhok. "Where the fuck did she go? Tangina, kasalanan mo `to, eh!" Dinuro niya si Cael.

"Huwag ako ang sisisihin mo. Ikaw ang wala sa katinuan at parang hayop na hayok pumatay!"

"Titirisin talaga kita `pag hindi mo tinikom `yang bibig mo!"

Umismid si Cael. Tumayo ito at inayos ang damit. "Isip bata," bulong nito.

"What the fuck did you call me?"

Nagtagisan ng matatalim na tingin ang dalawang binata. Mayamaya pa at sabay silang nagbuntong-hininga.

avataravatar
Next chapter