webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
133 Chs

Seatmate

Other's Side

"Yes, young master? Ano pong kailangan ninyo?" Natigil ang lalaki sa pagtawa nang totoo ngang sumulpot ang driver niya na si Maximo nang isigaw niya ang pangalan nito para takutin 'yong babae.

"Wala, wala. Hahahahaha!" Tatawa-tawa siyang umiling lamang dito na siya namang ikinakunot ng ulo ng matanda.

Muli niyang tinanaw ang papalayong babae na palagay niya ay halos madapa na sa katatakbo. Aliw na aliw siya sa paglaki ng mata nito kanina, at sa sobrang pamumula nang dahil sa takot sa kanya. Naaaliw siya dahil ngayon lang may babaeng natakot sa kanya. Kadalasan ay puro nagsisilapit sa kanya ang mga ito na parang linta. Nasanay siyang kinakapitan ng babae, kaya naman kakaiba para sa kanya ang may babaeng tumatakbo palayo considering na sobrang gwapo niya nga.

"Ah, nagkita ho pala kayong muli n'ong magandang binibini." Komento ni Maximo sa gilid niya.

"Tss. Sinong maganda? 'Yon na ba ang maganda para sa 'yo?"

Itinuloy niya ang akmang pagpitas niya doon sa rose kahit pa may signboard nga na nagsasabing bawal ito pitasin. Who cares? He is Richard Lee. Siya ang batas sa kahit na anong puntahan niya. He don't came here to follow its rules.

"Iyong binibini. Hindi ba't natitipuhan mo siya? Hindi ka ngingiti ng ganyan kung hindi."

Tinignan niya ng hindi makapaniwala si Maximo.

"Hindi ba pwedeng natatawa lang ako sa katangahan n'ong babaeng 'yon? Nako, Maximo, kung nakita mo lang siya nung friday. Tsk! Si Jones kasi ang kasama ko n'on e."

"Ayos lang sa akin young master. Ramdam ko naman sa kwento mo na masaya ka."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Hahaha... na natatawa ka." pagtatama ni Maximo sa una niyang sinabi.

"Tss... Pinagtawanan pa ako. Tara," bagkus ay iyon ang sinagot niya kay Maximo. Malaki pa rin ang kanyang ngisi. "Magkikita pa ulit kami."

Dumaan muna sila sa office ni Principal Lupac. Nandoon na ang Adviser ng 6-A. He didn't even bother to greet her back nang batiin siya nito. Sumalampak lamang ito sa sofa kagaya ng palagi niyang ginagawa.

"Okay na ba ang lahat?" tanong nito kay Lupac, saka ito tumango.

"Miss Reyes, mauna ka na sa classroom para iannounce ang dapat mong iannounce. Saka na lang susunod si Mr. Richard once na tapos ka ng mag-announce."

Ngumisi ang binata. Everything is going according to plan.

GRAND ENTRANCE! HAHA!

"...patience." narinig niyang sinabi ni Mrs. Reyes.

Loko 'to ah. Naisip niya, mukhang binabalaan pa ang mga estudyante niya tungkol sa kanya.

Nang makita siya ng guro ay pinapasok na siya nito. As expected, lahat ay halos lumuwa ang mata at ngala-ngala. Lahat ay nagsisigawan sa kilig, maliban syempre sa mga lalaki na ang tatalim ng tingin sa kanya.

Unang hinanap ng mata niya ang babae. Napadpad ang tingin niya sa isang babae na nakatungo, ngunit halata namang hindi ito mapakali sa ganoong posisyon. Inimpit niya ang pagkatawa dahil na naman sa katangahang ginagawa nito.

Akala ba talaga niya matataguan niya ako sa pagtungo niya? Psh.

Nagsimula na ang guro na i-introduce ang binatang si Richard Lee sa mga estudyante.

"Since kase wala ang daddy niya na si Sir Alfred Lee, siya ang ipinadala dito para mag-observe dito. And the goodnews is..."

Blah blah blah

Hindi na masyadong nagsi-sink in sa utak ni Ayradel ang pinagsasabi ng guro, kasi naman nakatungo siya ngayon sa armrest ng armchair niya para magmukmok, at magtago. Busy siyang pag-isipan ang posibleng gulong pinasok niya.

'Yong taong pinatid niya,

'Yong tinawag niyang tanga

'Yong tinakbuhan at tinawanan niya

Anak pala ni Alfred Lee?!

Sakay ang Richard Lee-ntik na 'yon ng isang magarang sasakyan, may men in black pa itong alalay, kaya malamang anak siya ng makapangyarihang tao, diba?

Gusto niyang batukan ang sarili para hindi maisip iyon. Kaya heto siya ngayon, pawis na pawis habang nakatungo para hindi siya nito makita. Baka mamaya isumbong pa siya ng halimaw na 'yon sa tatay niya at gawing miserable ang buhay niya. DepEd Secretary 'yon eh. Baka sirain pa nila ang pag-aaral niya pag nalaman ng daddy nito na pinatid niya ang anak nito!

Pero hindi mangyayari 'yon kung hindi siya nito makikita, diba? Tama. Mamaya rin naman, aalis na 'yan e. Tutungo na lang muna siya hanggang sa umalis ito. Mago-observe lang naman ang halimaw na iyon sa school diba?

Talaga namang aliw na aliw si Richard Lee na makita ang padurusa ng dalaga habang nakatungo ito at pilit na nagtatago sa kanya. Kung nasa labas lang siya ay talaga namang gusto niyang ilabas ang tawa na kanina niya pinipigilan.

Panay ang kagat niya sa labi, na siya ring ikinaiingay ng ibang mga babae.

"OMG bakit sobrang hawt niya?"

"Kyaaaa sana ako na lang yung kagatin hihi!"

"Parang hindi siya totoo! Sobrang gwapo!"

Paulit-ulit siyang nagnanakaw ng tingin kay Ayradel, hanggang sa mapansin niyang palihim itong tumatayo at tinatakasan ang pagkabusy ng mga kaklase at ng guro. Patalikod itong naglakad, habang maingat na nakatungo upang huwag talagang makapagpakita sa kanya.

Magpoprotesta sana ang binata nang magsalita na ang guro nila.

"So, kailangan natin ang tulong ng inyong overall Rank 1. And it is... Miss Ayradel Bicol?"

"Nice timing, Ma'am!" Napatingin siya sa babaeng natigilan sa mismong pinto. "You can't run away just like that woman. Not from me."

Few step na lang sana at makakalabas na ng classroom si Ayradel para umihi, nang marinig niya ang pagtawag ng guro. Nanlaki ang mga mata niya at napahinto saglit, pero sinubukan niyang magpatuloy ulit kasi baka wala pang nakakapansin sa kanya.

"Miss Bicol?"

Wala na. Finished na.

Napapikit na lang siya sa sobrang kamalasan at panghihinayang habang yung puso niya e parang nakikipagrace na naman sa mga kabayo.

Napasapo ito sa noo.

I'm dead, really double dead.

"Miss Bicol? Where are you going? Come back here. May sinasabi pa ako." sabi ni mam.

"Shit..." bulong niya.

"Miss Bicol.. come back here.."

Bumukol ang dila ni Richard sa sariling pisngi niya sa pagpipigil ng tawa. Nakatalikod ngayon ang babae at napatigil sa paglabas, na para bang isang magnanakaw na nahuli ng pulis. Huminga ito ng malalim at halatang hindi na alam ang gagawin. Caught on action kumbaga. Hindi na napigilan pa ni Richard na humalakhak pa nang makita niyang naglakad ito ng patalikod pabalik sa dating pwesto nito.

Maging ang ilan sa mga kaklase nila ay nagtawanan na. Ang guro naman ay lubos na nagtataka.

"Siya ba 'yong pinakamatalino niyong estudyante? Pfft." bulong ni Richard sa guro. 'Tatanga-tanga.'

Nakangiwing tumango si Mrs. Reyes. "M-masama lang siguro ang pakiramdam niya kaya ganyan ang inaakto." anito. "What's wrong Miss Bicol? Ano 'yang ginagawa mo? Bakit ayaw mong humarap sa amin?"

"U-Uhh, s-sorry, Mam, k-kasi po, may.. may ano po ako eh... may..." ani ng dalaga. "...malaking pimple po. N-nakakahiyaya po."

Mas lalo pang lumakas ang tawanan ng buong klase. Napunta kay Lui ang tingin ni Ayra at maging ito ay nagtataka na sa pinaggagawa niya.

"Nababaliw ka na ba?!" binasa niya ang sinabi ni Lui sa kanya. Pumikit na lang siya at napakagat sa labi. Mabuti na lang at wala dito si Jayvee, kundi mamamatay na talaga siya sa kahihiyan.

"Pimples? Natural lang yan sa mga dalaga. It's okay. Face us. Parang ang pangit naman kung kakausapin mo kami ng nakatalikod, hindi ba?" sabi ni mam, "Ayradel..."

In that kind of tone, she knew it is the time to give up. Kahinaan niya ang warning tone ng mga guro. Lahat ay gagawin niya maging mabuti lang ang image niya sa mga ito. Kaya bahala na.

Unang nahagip ng mata niya pagkaharap ay ang mukha ng Lee-ntik na tawang-tawa. Nakakabwisit talaga ang isang 'to.

"Oh, wala ka naman palang pimples ah?" hindi pa nga siya tapos sa pamumukol ng death glare doon sa lintek na Richard na 'yon, napatingin ulit siya kay Ma'am. Shocks.

Oo nga pala, gawa gawa niya lang yung pimples niya.

"F-false alarm lang po...he-he." sagot niya.

She can't imagine she is saying this all kind of stupid things in front of everybody. Sobrang inaalagaan niya ang image niya bilang Rank 1, or student model na 'dapat' daw ay tularan ng lahat ng estudyante. Wala kang makikitang mali sa mga galaw niya dahil lahat ng mga ito ay planado--- pwera na lang ngayon na para bang wala siyang kontrol sa utak niya. Nadala siya sa takot na baka kapag nakita siya ng halimaw na nasa harapan ay masisira ang pag-aaral niya.

Kahit anong iwas niya pala ay makikita at makikita siya nito.

"Ano bang nangyayari sa iyo Miss Bicol? Is there something bothering you?"

"W-wala po." Nakahinga na lang siya ng maluwag nang tumango-tango na lang si mam. Pakiramdam niya, may nakatitig sa kanya mula sa unahan, at isipin niya pa lang na pinagtatawanan siya ng Lee-ntik na iyon sa utak nito ay gusto niya na itong itulak palabas.

"Oh by the way... let's moved on nga nga." sabi ng guro. "Miss Bicol, about doon sa sinabi ko kanina na magiging classmate niyo si Mr. Lee ng isang grading--"

"PO?" nalaglag ang panga ng dalaga. "C-classmate po? Namin? S-siya?" lumunok ito habang nanlalaki ang mga matang itinuturo si Richard Lee-ntik.

Akala ko ba... akala ko ba mag-o-observe lang sya?!

Si Lee-ntik naman, tumango-tango sa kanya na parang nang-aasar pa.

"Yes, Ms. Bicol, hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko kanina?" sagot ni Ma'am. "And you, being the overall Rank 1, the principal and all of the science teacher assigned you to be his tutor and guide for the whole grading of his staying here in Tirona High."

Nalaglag na naman ang panga niya sa ikalawang pagkakataon. Hindi muna nakapagsalita agad at ang tibok ng puso niya na lang talaga ang naririnig niya.

Siya

Tutor

Guide

ng isang Lee-ntik?

Nalee-ntikan na talaga. Mukhang hindi madissolve ng utak niya ang lahat.

"Ang swerte ni Ayra."

"Hala sana ako na lang!" umingay ang bulung-bulungan sa room.

"OMG. Edi lagi silang magkasama ni Chardy natin?"

Mas lalong nalaglag ang balikat niya, iniisip ko pa lang ang mga posibleng mangyayari.

"Ito yung sinasabi kong special task na ibibigay sayo. And about Mr. Richard Lee, please be reminded na kung ano ang performance na maipapakita niya, iyon din ang magrereflect sayo. Maliwanag ba 'yon? So you better need a team work."

Ngumisi ng napakalaki si Richard Lee dahil naisip niyang ito mismo ang plano niya. Looking at the girl, hindi niya maipaliwanag ang reaksyon na nakikita niya dito.

Totoo bang ayaw siya nitong makasalamuha? Napangisi siya dahil imposible iyon. Lahat ng babae ay hindi pwedeng hindi magkagusto sa kanya.

Kunwari pa siya. Naisip niya. E noong nakita nga siya nito noong friday, halos matulala ito sa kagwapuhan niya. Tapos ngayon gusto niyang palabasin sa lahat na parang natalo siya sa sabong dahil lang nalaman niyang tutor/guide niya ito?

Imposible talaga.

"O-okay, ma'am."

Narindi siya sa malungkot na tono nito. Totoo ba ang narinig niya? Napipilitan lang ito??? At siya pa may ganang mapilitan?!?!

"Okay. Mr. Lee, please take your seat beside... Ms. Bicol."