Ayradel's Side
Akala ko pinakamahirap na ang magpigil ng ihi, pero mas mahirap pala ang magpigil ng inis at ang magpanggap na ngumingiti kahit sasabog ka na sa sobrang pagkapikon... at pagkaihi.
Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas ako ng room nang magbigay ng 5 minute-break si Ma'am pagkatapos ng introduction ni Richard Lee-ntik. Pumunta ako sa CR kasama si besty upang doon ilabas lahat ng sama ng loob kong kanina ko pa pinipigilan.
"Besty, what was that again?" Hindi makapaniwalang turan ni besty pagkalabas pa lang namin ng classroom. "Magkakilala ba kayo ni Richard Lee?"
Talunang mukha ang ipinakita ko sa kanya.
"Unlucky-ly, yes."
"ANONG UNLUCKY? Niloloko mo ba ako? Si Richard Lee 'yon bes! Anak ni Alfred Lee! Anak ng DepEd Secretary! May-ari ng Lee University! Ang napakagwapong anak ng DepEd Secretary!"
"'Yon nga ang masama... dahil hindi maganda ang unang pagkikita namin." sabi ko. "N'ong friday, doon kami unang nagkita, at... p-pinatid ko siya."
"ANO???!" lumuwa ang mata ni besty.
"Oo. At tinawag kong mas tanga."
"ANO?!?!"
Inulit pa.
"TSK! E ano nang gagawin ko? Hindi ko naman kasi alam na anak ni Mr. Alfred Lee 'yon! Akala ko bagong artista lang kaya pinagkakaguluhan noong Monday!" Parang gusto ko na lang lalong maiyak, parang sobrang patay talaga ako sa pinaggagawa ko n'ong araw na iyon. "Besty, sisiw lang sa kanilang patalsikin ako dito sa TH at sa kahit na anong eskwelahang papasukan ko!"
"Hindi naman siguro." kampanteng sagot niya.
"Anong hindi?! Nakita mo ba ang mukha niya kanina besty?"
"Oo naman, gwapo diba?"
Napairap ako. "Nakakatakot, besty! Parang mangangain ng buhay!"
"Ay weh, ang inosente niya kaya. black hair, no piercings, makinis na balat-"
"Aish!" parang wala akong mapapala sa pakikipagusap kay besty na halatang nagayuma din ng lee-ntik na yon.
Kusang naghabulan na naman ang dibdib ko nang matanaw ko na ang pintuan ng Section 6A. Kung dati ay excited ako dahil kay Jayvee. Ngayon takot, inis, asar ang nararamdaman ko.
"Basta besty, makisama ka na lang sa kanya. Kapag ginagalit ka huwag mong patulan para mapadali ang buhay mo." sabi ni besty bago kami tuluyang magkahiwalay ng daan. "Goodluck..." dugtong pa niya.
Goodluck...? Parang mas nakakakaba pa 'to kaysa sumasabak ako sa mga quiz bee ah.
Tinahak ko ang daan papunta sa aking upuan na ngayon ay pinapalibutan na ng mga babae. Nangunguna na doon ang magpipinsang sina Jully, Zhien at Jecel. Matalim ang tingin nilang lahat sa akin kaya naman agad akong napatungo. Mabuti na lang at kasunod kong dumating si Ma'am kaya naman nagsiayusan na ng upo ang mga kaklase ko.
Nagtama ang mata namin n'ong Lee-ntik at pinagsisihan ko iyon dahil nairita lang ako.
"Small school, huh?" sabi niya sa akin pagkaupo.
"Haha... haha..." sagot ko lang kahit hindi naman talaga ako masaya.
Tama si besty. Papakisamahan na lang kita. Or better yet, hindi na lang kita kakausapin? Tama, tama. Umiwas ako ng tingin para tantanan na niya ako, pero ang Lee-ntik parang pinaglihi sa kulit. Talagang dinudungaw nito ang tingin ko, at talagang kumakaway kaway pa sa harap ko para magpapansin.
"Tss, bakit ayaw mo na akong tignan? N'ong Friday e, todo titig ka pa sa akin." tanong niya pa na nagpakilabot sa akin. Hindi ba siya nahihiya sa pinagsasabi niya? "Wala ka namang malaking pimple ah? Sabi mo false alarm lang. Pfft!"
What the--- Kalma lang Ayra, kalma.
Naintindihan ko na ang sinabi kanina ni Ma'am. Patience.
Noong hindi ko siya sinagot ay naramdaman kong may nilapag siya sa armrest ko kaya napatingin ako dito.
"Oh." aniya. Isang rosas. Tunay na rosas. "Akala mo matatakot mo ako sa bawal-bawal mo? I still did pick that rose. Hahahaha!"
Umingay ang bulong-bulungan sa buong room. Mukhang lahat yata ng mga kaklase namin ay sa amin nakatingin ngayon kahit nasa harapan naming lahat si Ma'am."Woah, binigyan siya ng rose ni Richard! Kyaaaa!" narinig ko pang tili ni Mikee sa gilid ko.
Napapikit ako sa inis at padabog na ibinalik sa arm chair nito ang rosas.
"Thanks, but no thanks, Sir. Hindi ako tumatanggap ng galing sa ilegal."
"Hahaha! Maka-illegal 'to akala mo pumatay ako para makuha 'yan?"
"Gan'on na rin PO iyon Sir.... he.... he.... he...." bwisit...
"Class, kahit na kay gwapong bata ni Richard Lee at anak siya ng DepEd secretary, still, treat him as one of your ordinary classmate, okay?" Ma'am
"Alam mo Miss," aniya. "...wag mo na akong tawaging Sir, kasi sabi nga ni Ma'am treat me as one of your classmate, saka hindi lang naman ako gwapo..." medyo lumapit siya sa tenga ko at binulong ang
pinaka
WALANG
KWENTANG
BAGAY
na narinig ko.
''Mabait rin. Diba?" saka siya lumayo habang tatawa-tawa pa rin.
"Oh. My. God! Ang swerte talaga ni Ayra!"
"Feeling ko sobrang bango ni Richard!"
"Kyaaaa! Sana ako na lang seatmate niya!"
Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa binulong niya.
"Joke 'yon?" bulong ko.
"Ha?" inosenteng sabi niya. Mukhang wala siyang alam sa gan'ong mga reply. Richkid kasi ang kurimaw.
"Ha? Hatdog." sabi ko. Gusto kong tumawa kasi hindi niya alam na tino-talksh*t ko na siya.
"Hatdog? Anong connect ng hotdog?"
Ngumisi ako.
"Wala po, sobrang bait mo nga po... dapat nga hindi ka sa 'kin inassign at itinabi. Alam mo kasi, masama ang ugali ko. Kaya kung ako po sa'yo, magpapalit ka na ng seatmate bago mo pa pagsisihan. Saka nagdidiscuss na po si Ma'am oh? Makinig po tayo? Haha? Haha?"
Haha?
Haha?
Nakakatawa. Ugh.
Humarap ulit ako sa board at magsusulat sana para ilipat doon ang atensyon ko pero ang lakas talagang manggalit ng katabi ko.
"Tsk, tsk, tsk. Nakakatakot ka." he said, habang umiiling-iling, "Pero okay lang yon, kahit pinatid mo pa ako o pinatakbo. Kung hindi mo alam, sobrang undeeeeeerstanding naman ako sa mga taong, alam mo na...? Sinto-sinto. Yung may mga problema sa utak."
Napatingin ako sa kanya. So sinasabi mong may problema ako sa utak?!
"Hindi ko sinasabing may problema ka sa utak ah? Sinasabi ko lang na understanding ako."
Tss. Inulit pa. Sa sobrang inis ko, inusog ko ng kaonti ang armchair ko palayo sa kanya.
"Psh, pakipot," kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Bakit? Hindi ba totoo? Don't play hard to get, Miss. Do you really want me to believe na you don't like me?" bulong niya kaya napalingon ako sa kanya. "At saka miss. Tao ang lumalayo kapag ayaw niya sa katabi niya..."
...walang kahirap-hirap na hinigit niya ulit palapit sa kanya ang armchair ko, na para bang walang taong nakaupo dito. Muntik na akong mapasigaw sa gulat.
"Hindi yung armchair."
Pagkatapos ay lumingon din siya sakin.
Sa sobrang lapit ay kitang-kita ko ang features ng mukha niya't malapit na akong maduling.
Magandang mata, matangos na ilong, pulang labi. At naiinis ako dahil aminin ko man o hindi, tama ang mga kaklase ko, talagang gwapo ang isang to.
"Ehem." napatingin ako sa unahan at nakita si mam na nakatingin sa amin habang pinapanood na kami ng buong klase. "Unang pagkikita niyo pa lang at mukhang close na agad kayo ah? Share niyo naman 'yang pinag-uusapan niyo."
Unang araw pa lang ay agad na akong napagalitan. Napaka-galing talaga... Mabilis pang lumipas ang mga araw at nawalan na lang talaga ako ng kalayaan sa school. Sa loob ng halos isang linggo, tuwing matatapos ang klase o breaktime, nauuna pa ako sa first para lang makalabas agad ng room. Good thing ay madalas akong tambay sa library at pinapayagang huwag umattend ng klase para lang makapag-review. Kung dati ay pinipilit kong sa room na lang magreview para makita ko si Jayvee, ngayon ay halos dito na ako sa library tumira.
"Oh, Ayra, nandito ka pa rin sa library?" sabi sa akin ni Mrs. Reciproco. "Baka ikaw na naman ang magchampion sa Science Camp niyan."
"Hehe! Pinayagan naman po ako ni Ma'am De Guzman e."
Noong matapos akong magreview ay umalis na ako'ng library, saktong pagliko ko sa may canteen ay nahagip ng mata ko si Richard Lee at ang kumpol ng mga babae sa paligid niya. Halatang hindi kumportable si Lee-ntik sa paglalakad niya pero pinagpapatuloy niya pa rin ang pag-ngiti at pagsagot sa mga kababaihan.
Agad akong pumihit ng daan para umiwas.
Hindi ko lang talaga siya maiwasan sa classroom dahil nga katabi ko siya. Next week pa naman ay kailangan ko na talagang pumasok. Hindi na pwedeng palagi lang ako sa library.