webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
133 Chs

Mamimiss

Ayradel's Side

Lumipas ang araw at birthday ko na. Nagising ako at naamoy agad ang bango sa niluluto ni Mama. Si besty naman ay bihis na bihis na at handa nang pumasok.

"O gising ka na pala," sambit ni Mama at nipalitan ako upang halikan sa pisngi. "Happy birthday anak."

"Thank you Ma!"

"Besty, happy birthday! Pasok na ako ha? Late na ako e. Hahahaha. Mamaya na lang! Mwa!" hinalikan rin ako ni besty sa pisngi,

"Happy birthday Ayra!" sabi naman ni Ella na kagigising lang rin, pati na rin si Nina na kakalabas lang ng banyo.

"Thank you!" sabi ko sa kanilang lahat.

"Anong oras ba ang klase niyo? Hindi ka pa ba male-late?"

"Hindi pa naman po. Mamayang 1pm pa po yung class ko." sabi ko, saka kuha ng cellphone ko sa side table.

Umulan ang pabati sa facebook, pero isang mensahe lang talaga ang una kong binuksan.

"Happy birthday, Love. :)" - 7:36 am

"Tulog ka pa?" - 7:43 am

Agad na napatalon ang puso ko sa kaba at excitement.

"Gising na. Saan ka?"

Nagreply siya agad.

: "Okay, get yourself ready. I'll bring you somewhere. Hihintayin kita sa kotse sa parking ng El Pueblo."

Napangisi naman ako sa dami ng alam niya. Hays! Ano na naman kayang pakulo ng isang ito?

Chinarge ko na ang phone ko at naghanda ng dapat kong isuot. Napansin naman agad iyon ni Mama.

"Ah, Ma, papasok daw po pala yung 8am prof namin. Akala po namin kahapon wala siya e," kinagat ko ang labi ko dahil nagsinungaling na naman ako.

"Naku bilisan mo na at baka ma-late ka!"

"Okay po!"

Nagmadali na akong maligo at magayos. Pagkatapos ay humalik ako sa pisngi ni Mama sabay alis.

Pagdating ko sa parking area ng El Pueblo ay agad akong pumasok sa kotse ni Richard. Doon ay sinalubong niya ako ng boquet of flowers.

"Happy birthday," aniya.

Ngiting-ngiti na tinanggap ko iyon.

"Salamat,"

Kahit kailan talaga ay hinding-hindi mawawala ang kilig ko sa lalaking ito. Pakiramdam ko ay isa lang kaming simpleng magkasintahan na magdedate ngayon. Na malaya lang, hindi nagtatago.

He's wearing a simple white shirt at pants pero napakagwapo niya.

"Saan tayo pupunta?"

Mula sa bulaklak ay inangat ko ang paningin sa kanya.

"Hmm, wala lang. I just want to spent this morning with you. Hanggang 1pm ka lang diba?"

Tumango ako.

"Sige, tara na. But before that," napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin upang ikabit ang seatbelt ko. "Your safety first."

May ngising naglaro sa labi niya nang makita ang pagurong ko. Ikinabit niya ang seatbelt ko habang tuluyan nang nagkalapit ang mukha naming dalawa.

"Bakit hanggang ngayon nagugulat ka pa rin kapag lumalapit ako?" kinilabutan ako nang tumawa siya't humaplos sa mukha ko ang hininga niya.

"W-Wala, baliw ka kasi e!"

"Dati pa akong baliw sa 'yo."

Bago pa ako makangiti ay naglapat na ang labi naming dalawa. Pero saglit lamang iyon at inaamin kong nakakabitin. Ngiting-ngiti siyang lumayo sa akin.

"You're 19 years old now... Hmm, pwede na." nalaglag ang panga ko kaya sinapak ko yung balikat niya habang nagdadrive siya.

"Anong pwede na ka dyan?!"

Tatawa-tawang nilingon niya ako saglit. "Pwede nang maging independent. Ano bang iniisip mo? Hahahaha!"

"Tss! Independent? Talaga lang huh?"

Halos thirty minutes ang naging byahe, tingin ko ay agad kaming nakalabas ng Maynila. Ilang minuto pa ay unti-unti nang nagsilabasan ang mga puno, hanggang sa makarating kami sa isang parang maliit na burol na may design na hagdanan paakyat.

May white gate sa unahan, at may ilang mga tao rin kaming nakasabay sa ibaba. Binasa ko ang karatula at ang nakasulat ay "Cloud Nine"

Just like what the name says, nagmimistulang nasa Cloud Nine ka nga kapag nakarating ka sa tuktok n'ong hagdanan. Makikita pala mula rito ang view ng buong bayan at ang sky blue na kalangitan. Ang lapag ay puno ng bermuda grass, at may ilang mga puno at benches kung saan marami kaming nakikitang nagpipicnic.

Sa paglalakad pa lang namin ay halatang-halata na ang pagtingin ngibang mga babae sa lalaking kasama ko. Napapatungo tuloy ako, pakiramdam ko ay hinuhusgahan nila akong hindi bagay sa perpektong lalaking ito.

"Tss," nagulat na lang ako nang higitin niya ako palapit sa beywang habang naglalakad. "Ang daming tumitingin sa 'yo. Dukutin ko mga mata nila e, psh."

Huh? E sa kanya nga yung maraming tumitingin e!

Buong oras nga ay inubos namin sa pagpipicnic, paglalakad-lakad, paggagala-gala. We spent those 5 whole hours na para bang sobrang ikli lang. May zipline pa at butterflies sight seeing. This was really a paradise!

Everything was perfect. Ito yung mga sandaling ayaw ko na sanang matapos, pero kailangan. Hindi namin namalayan na alas-dose na pala, and it's time for us to go home.

"Mamimiss kita," out of the blue ay sinabi niya na nagbigay ng kaba sa buong katawan ko.

Nilingon ko siya at nakita ko ang lungkot sa titig niya. I tried to laugh.

"B-Bakit? E magkikita pa naman tayo bukas?"

Bumuntong-hininga siya at tuluyan nang lumakas ang kaba sa dibdib ko. Nawala lamang iyon nang nginitian niya ako at hinawakan ang kamay bago niya pinaandar ang sasakyan.

"Wala lang, I just felt it. Kahit ngayong katabi kita, miss na miss pa rin kita."

Ngumiti ako, pero hindi ko maiwasang kabahan para sa mga susunod pang mga araw na nandyan si Mama. Hindi naman na mangyayari ulit yung dati diba? Sana.