Ayradel's Side
I want to enjoy the ride, pero hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi niya kanina na mami-miss niya ako. I don't know kung masiyado lang ba akong paranoid, dahil baka naman he doesn't really mean anything on it?
Nilalaro ko ang petals ng bulaklak na binigay niya, habang wala sa sariling nakatingin sa kalsada.
"Why?" tinignan niya ako bago muling tumingin sa daanan. "Ba't ang tahimik mo na? Hahaha."
Ngumiti na lang rin ako para hindi niya mahalata ang iniisip ko.
"Wala naman, napagod lang ako."
"Pwede kang matulog. Gisingin na lang kita."
"Hmm."
Tama. Paranoid lang ako. Dapat ay huwag ko na lang isipin ang pwedeng gawin ni Mama. Hangga't lalaban kami ay magiging okay kaming dalawa.
Lumipas ang isang oras na byahe, at ibinaba ako ni Richard sa parking lot ng school. Hinatid niya ako hanggang sa malapit sa room ko at binigyan ng saglit na halik bago nagpaalam.
Agad naman akong sinalubong ng tatlo kong kaibigan pagkapasok.
"HAPPY BIRTHDAY AYRA!" anilang tatlo sa bungad pa lang ng pintuan. Nahiya tuloy ako dahil lahat ng kaklase namin pati na rin mga napadaan ay napalingon. Napabati na rin sa akin ang ilan sa kanila.
Ngumiti ako, kasabay ng pagtakbo at pagyakap nila.
"Thank youuuu, thank you!" sabi ko kaagad. "May handa ako sa rooftop ng El Pueblo mamayang after class. Punta kayo ah! Sabay na tayo papunta mamaya. Simpleng kainan lang naman."
"Suuuuure!" ani nilang tatlo. "Yes, may pa-foodz!"
"OMG! I'm sure nandoon si Jayvee!!!" kinikilig na sabi ni Blesse.
"HOY! Akin si Jayvee ah!"
"Tss! E kay Ayradel na si Richard e! Kay Jayvee na lang rin ako, kasi magkahawig naman sila! Huwag ka ngang madamot, 'kala mo naman!"
Natawa na lang ako sa away nila.
Nang dumaan kami sa bandang harapan upang magtungo sa pwesto namin ay nahagip ng mata ko si Sheena na mag-isa sa kanyang upuan. Parang hindi niya yata kasama ngayon ang alipores niya ngayon ah?
"Ayra, happy birthday!" halos mapatalon ako sa gulat nang may paperbag na tumambad sa harapan ko, galing sa isang kikay naming kaklase. "This is a limited signature dress galing mismo sa boutique na pagmamay-ari ng Mommy ko. Hihihihi."
Kasama niya pa sa likuran niya ang ilan pang kikay naming kaklase na pamilyar ang mukha.
Sila 'yong mga alipores ni Sheena. Bakit sa akin dumidikit ang mga ito ngayon?
"Ay, mga pakitang tao. Psh!" bulong ni Lea.
Napalingon naman ako kay Sheena na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Agad niya akong inirapan, pagkatapos ay padabog na tumayo sabay martsa palabas.
"Don't mind Sheena. Inggit lang 'yan sa 'yo. Haha! She's not our friend, anyway." Numiti ng matamis yung may hawak ng paperbag. "Here, take this."
Agad kong itinaas ang kamay ko para ibalik sa kanya yung paper bag.
"Sorry, hindi ko matatanggap iyan." Biglang nag-iba ang ekspresyon nila. "I'm not your friend either."
Saka namin sila nilampasan. Narinig ko ang mahinang tawanan nila Lea sa likuran ko.
"Tss, mabuti nga 'yan sa kanila! Noon e, alipores sila ni Sheena sa pagtsi-tsismis sa iyo at sa atin, ngayon sila yung lalapit-lapit." bulong ni Lea.
"Napakayabang." rinig ko naman ang pagpaparinig n'ong kausap ko kanina. "Akala mo naman kung sinong sikat, porket boyfriend niya si Richard Lee? TSS."
Hindi ko na lang sila inintindi dahil sanay na ako sa ganyan, immune na nga yata ako. Tss.
Lumipas ang ilang oras at uwian na. Dumiretso na kaming apat sa El Pueblo para sa kaonting salu-salo.
It is around 6:30 pm, at pag-akyat ko ay nagulat ako dahil may pag-set up palang naganap sa rooftop. Akala ko ay simpleng kainan lang talaga, pero mukhang pinaghandaan dahil sa mga handmade design sa paligid.
"HAPPY BIRTHDAY AYRADEL!" sigaw ng dorm mates ko na sina besty, Ella, Nina, kasama sina Suho, Santi, Karl at Lei.
May maliwanag na ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong kapaligiran kahit gabi na, meron long table na kasya para sa labing limang tao kung saan doon nakalatag ang mga pagkain, may banner na may nakalagay na pangalan ko, at balloons na naka-form na 1 and 9.
"Oh my God! Thank youuuu!" Patuloy na sinasabi ko habang naghihiyawan sila, at ang iba ay yumayakap. "Thank you! Thank you!"
"Happy birthday Ayra!" sabi ng energetic na si Karl, samantalang sina Lei at Santi ay ngumiti lamang sa akin sa isang tabi.
I smiled at them and mounted thank you. Hindi ko sila inaasahan dito pero nakakatuwa dahil pumunta sila.
Halos maiyak rin ako nang makita ko si Papa, na katabi ni Mama.
"Pa!" tumakbo ako para yakapin siya pati si Mama. "Andito ka po pala?"
"Happy Birthday Ate! Oo naman! Hindi ko mamimiss ito no! 19 na ang dalaga ko!"
That was one of the happiest birthday in my whole life! Kaso nga lang ay may kulang. Agad kong kinuha ang cellphone ko para i-text si Richard, na may text na rin pala sa akin.
Richard: How was your birthday?
Agad naman akong nagtipa ng reply. Pinagmasdan ko naman ang lahat, at busy lang sila sa pagpipicture ng pagkain at pakikipagusap sa isa't isa. Nagplay rin ng music si besty gamit ang bluetooth speaker niya.
"Ze bluetooth devays is connected saksesfuley." ginaya pa ni Lea 'yong nagsalita sa speaker.
Me: Great, but not that great :( Kung nandito ka lang sana. I replied.
Richard: Okay lang, nasolo mo naman ako kanina hehe.
Nabusy na ako sa pagentertain sa kanila. Umingay na rin dahil sa kanya-kanyang sandukan ng pagkain, at kanya-kanyang kwentuhan nang kalabitin ako nina Lea.
"Sino 'yang mga boylet na iyan?" tanong ni Lea sabay nguso kina Santi, Karl at Lei. "Hihihihi."
Oo nga pala hindi ko pa sila naipapakilala.
"Ah, oo nga pala guys," sabi ko at napalingon naman sila sa akin. Sina mama at papa ay may sariling mundo sa may tabi ng kaldero. "Uh, sina Lea, Blesse at Rocel nga pala, kaklase ko."
Pagkatapos ay tinuro ko sila isa-isa. Napansin ko naman na laglag ang panga ni Blesse kanina pa, habang nakatingin sa tatlo.
"At sila sina Santi-----"
"Santiago Fermin, Karl at Lei Suarez?!??"
Nalaglag ang panga naming lahat dahil sa sinigaw ni Blesse. Maging ang singkit na mata ni Santi ay bahagyang lumaki.
"How d'you know us?" si Karl ang nagtanong.
"A-ahh... k--kasi..."
Napafacepalm ako. Oo nga pala, dakilang stalker itong si Blesse kaya malamang ay kilala na niya itong mga ito dati pa dahil ini-stalk niya si Charles, pati na rin ang ibang lalaki na taga-Lee University.
"K-kasi... si... si Charles!!!" si Lea ang sumagot, dahil natulala na lang talaga si Blesse kay Karl. "Si Charles Lizarde. Taga-Lee University siya hindi ba? Nakilala niya kayo dahil sa kanya. Sa... facebook... Hehe."
"Ah, si Charles Lizarde? Oo nga pala, kaklase siya ni Ayra." tumingin sa akin si Karl ng may kahulugan.
"Paano mo nalaman?" tanong ko, pero nagkibit balikat lang siya.
"Hindi mo naman sinabi Ayra na kilala mo rin pala sila. Hehehehehe! Oo nga pala, bakit hindi tayo kumpleto? Nasaan yung boy---" bago pa matapos ni Rocel ang sasabihin niya ay sinalo na ito agad ni Besty.
"Si Jayvee!?" natigilan si Lea, at agad na nagtaka. Pero sumenyas si besty na sumakay na lang. "Oo nga pala. Saan si Jayvee?"
Lumingon kami kina Mama at mukhang hindi naman niya nahalata dahil busy pa rin sila ni Papa sa pagkain at paguusap.
"H-hindi ko alam e."
Nilingon ko sina Lea, Blesse, at Rocel na halatang nalilito sa ikinikilos namin. Hindi ko pa nakukwento sa kanila ang sitwasyon namin ni Richard, hays. Sinenyasan ko na lang rin sila na sasabihin ko sa kanila ang lahat mamaya.
"And also, this is Niña pala." nagulat ang nananahimik na si Niña na kumakain katabi ni Ella (na nananahimik rin) "Kasama namin sa dorm."
Ngumisi si Niña at nilunok ang nasa bibig. "Annyeonghaseyo! Hehe!"
"Kpopper." narinig kong komento ni Lei sa isang tabi.
"E ano naman? Ikaw nga puro intsik e!" sabi ni Karl, pero umirap lang si Lei. "Nice to meet you Niña! Alam mo bagay kayo nito ng kapatid ko kasi pareho kayong adik sa intsik!"
"Korean 'yon!" Niña
"Japanese!" Lei
Sabay pa silang sumagot kay Karl kaya naman nagkatinginan silang dalawa. Unang umiwas si Lei sabay "Tss."
"Kita niyo na? Sabay pa kayo mag-isip. Hahahaha! Mga adik sa intsik!"
"Huwag mo na nga silang pagtripan, Karl." tatawang sabi ko na lang.
"Sige, kayo na lang iinterviewhin ko. Kamusta? Anong course ang tinake-up niyo?"
At nagsimula na nga ang kwentuhan. Habang nagkakatuwaan ay napapansin ko ang mga nananahimik. Si besty na himalang hindi katabi si Suho. Si Suho na nasa tabi ni Lei at hindi man lang makapagsalita. Si Ella na nakikipagkwentuhan kay Niña, at si Santi na paminsan-minsang tumitingin sa direksyon ni Ella.
Maging itong si Blesse na hindi makatingin kay Karl, samantalang maingay pa rin naman sina Lea at Rocel.
Hmmmmm....
Maya-maya pa ay napalingon kaming lahat sa pagdating ni Jayvee.
"O! Ayan na si Jayvee!" ani ni Lea.
Pinagmasdan namin ang gwapong paglalakad niya. Nakabonet pa rin siya at naka-black glasses. Tumingkad sa dilim ang maputi niyang balat at ngipin noong ngumiti siya.
"Ito na pala partner ko e. Akala niyo ha!" sabi ni Rocel.
"Hoy kay Patrick ka diba?" sabat ni Lea.
"E wala si Patrick e?"
"Vaklang tuwo!"
"Oh! Jayvee! Buti dumating ka na! Akala ko hindi ka na namin maabutan!" si Mama ang sumalubong sa kanya.
"Hi. Hello tita, tito..." nakipag-beso siya kina Mama. "Sorry po. Late nagdismiss yung prof namin e."
"O siya, sige, okay lang. Kumain ka muna."
Ngumiti si Jayvee at nilingon ako. "Happy Birthday Ayra." aniya at inabot sa akin ang regalong hawak, saka ako hinalikan sa pisngi.
Halos manlaki ang mata ko sa gulat at kaba. Napalingon naman ako kina Karl nang umubo-ubo ito.
"Ehem." sabi rin ni Papa.
"Hehe. Sorry po tito."
"Naku! Okay lang. Hihihi. Bagay na bagay talaga kayo!" sabi naman ni Mama.
Tahimik lang na bumalik ako sa pagkakaupo. Tumabi sa akin si Jayvee sa kaliwa, habang nasa kanan ko naman sina Lea.
Sumandok na rin ng pagkain si Jayvee.
"Ahm, guys, si Jayvee nga pala." sabi ko kina Santi, Karl at Lei.
"We know each other." sabi ni Santi.
Nilingon ko si Jayvee. "Yep, elementary days? And 'yong sa pool party ni Jaydee."
Nawala naman ang tensyon nang makalipas ang ilang sandali... nang biglang tumayo sina Mama at Papa.
"Ate, sorry ah? Kailangan na naming umalis ng Mama mo kasi may aasikasuhin pa ako bukas para sa pagaapply ko ng trabaho."
Tumayo ako upang hagkan sila sa pisngi, at yakapin.
"Sige po, Papa. Ingat po kayo ni Mama." sabi ko. "Sa sembreak po, uuwi ako."
"O siya, enjoy kayo ha? Jayvee, pakibantayan na lang ang anak ko. Pakikamusta na lang rin ako kay vivian, okay?"
"Okay po Tita, ingat po!"
Pagkaalis nila Mama ay agad akong inulan ng tanong nila Lea. Si besty ay tumayo rin upang may kuning kung ano sa gilid nitong rooftop.
"Ano yun? Bakit wala si Richard? Hindi ba kayo legal sa side mo?"
"Hindi e. Ayaw sa kanya ni Mama." sagot ko.
"Talaga? Meron pa palang tao na aayaw sa isang Richard Lee?"
"Mahabang kwento e."
Kinuha ko naman agad ang cellphone ko para itext si Richard.
Me: Umalis na sina Mama.
Ilang minuto lang ay sumagot siya agad.
Richard: Yes, I'm on my way there. Nalaman ko pang nandyan na si Jayvee, tss. He kissed your cheeks! That's mine Ayradel! That's Jaydee's, not Vee's!
"Who's up for a drink?" napaangat ako ng tingin sa dumating na si besty. Hawak niya na sa kamay niya ang apat na bote ng alak.
"Woah! Nice one, Lui!" sabi ni Karl.
"Shut up! Don't call me Lui! Hindi kita bestfriend!"
"Woah, woah! Okay, okay! Hahahaha! Let's parteh!" sigaw ni Karl kasabay ng masiglang kantang tumutugtog sa speaker.
One taught me love
One taught me patience
And one taught me pain
Now, I'm so amazing
Inilapag ni besty 'yong mga bote ng alak.
"Umiinom ka, Luisa?" sa unang pagkakataon ay nagsalita si Suho. Halos mabuga ko ang kinakain ko dahil ito rin ang unang pagkakataon na narinig kong tinawag niya si Luisa as Luisa, and not as 'Honey'.
"Yes, and so what? Anong pake mo?" umirap si besty, sabay lakad palayo at pabalik sa kanyang upuan. "Hey, Karl, you open that."
Maya-maya pa ay napatingin kaming lahat sa bagong dating. Akala namin si Richard na... pero babae.
Nang matapat sa mukha niya ang liwanag ay nalaglag ang panga naming lahat.
"Jae Anne?" nasambit ko. Hindi ko siya inaasahan dito.
"What the hell are you doing here?" napatayo na si Jayvee.
Ngumisi ng nakakaasar si Jae Anne.
"Happy birthday, Ayradel!" aniya gamit ang malambing niyang boses. "What? Am I not invited here? My boyfriend's here!"
Napatingin kaming lahat kay Jayvee.