webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
29 Chs

Chapter 8, part 1 : Vengeance of the wronged

They say people can see flashes of memories as they were on the brink of death.

.

.

.

"Bitawan mo ko Clyde!" Alingawngaw ng malutong na tunog ng paghampas ni Angel sa braso ni Clyde.

Dahan-dahang lumuwang ang mahigpit na pagkakakapit n'ya sa palapulsuhan ni Angel. Hanggang sa unti-unti na nga n'yang bitawan ang kamay ng dalaga.

Mas pinili n'yang palayain ang kaibigan. Nakita n'ya kasi ang sakit sa mga mata ng babae. Alam n'yang buo na ang pasya ng kaibigan.

Sa pagbagsak ng kamay ni Clyde hudyat ng kanyang pagsuko ay s'ya namang pagtalikod ng dalaga.

Nagmadali itong tumakbo palayo.

Tungo sa bagay na alam n'yang pinakamagpapasaya rito. Habang papalayo ang babae, may malungkot na ngiting nakatitig si Clyde sa papaliit na likod ng dalaga.

...

"Mr. Clyde Rosario ikinalulungkot kong sabihing sa'yong isa sa mga nasawi sa dungeon outbreak ang inyong mga magulang." Natulala si Clyde sa masamang balita. Kahit binaba na ng kabilang linya ang tawag, hawak pa rin n'ya sa tapat ng tenga ang telepono.

...

"Get out of this place now!" Sigaw ng isang sopistikadang ginang kay Clyde.

Sa gilid ni Clyde hawak-hawak n'ya ang isang batang Gaea. Pumapalahaw ito sa iyak sa nasasaksihan.

Nanginginig ang kalamnan sa matinding galit at lungkot si Clyde. "Pero tita --"

"Wag mo kong matita-tita!" Pagsabat sa kanya ng ginang. Habang tumatagal lalong lumalakas ang palahaw ng batang Gaea.

"Pero kapatid po kayo ng tatay ko." Nagpipigil ng luhang saad ni Clyde. "Kami po ang pamilya n'yo. Dapat kami ang kampihan n'yo. Hindi 'yung nagpapauto kayo sa ibang tao." Nagngingitngit na dugtong pa n'ya.

"Kampihan? Hindi ba buong buhay n'yo ako ang nagpapalamon sa inyo? Aber?" Nanlalaking-matang paninindak sa kanya ng ginang.

"Pero tita 'wag mo naman po kaming palayasin sa sarili naming bahay. Lalo pa't kamamatay lang ng nila papa." Lumuhod si Clyde sa harapan ng ginang. Kahit na labag sa loob. Nanginginig sa kahihiyan ay nilunok n'ya 'yon para sa kapatid.

Sinipa siya nito sa tuhod. "Anong gusto mo? Palamunin ko kayo habambuhay ng kapatid mo? Ano ka swineswerte?"

"Sige tita, aalis kami pero 'wag muna po ngayon. Pabayaan mo muna akong makahanap ng trabaho." Kapit nito sa damit ng tiyahin.

"No. I already said no. Get out! Get out bago ako maubusan ng pasensya. Get out bago ko kayo ipadampot sa barangay. Just get OUT of my damn sight! NOW!" Galit na galit na sabi nito.

Alam ni Clyde sa puntong itong wala na s'yang magagawa. Kaya imbes na mas lalo pang bumaba ang tingin sa sarili, minabuti na s'yang umalis at 'wag ng magmakaawa pa.

Tumayo si Clyde. Dinampot ang kaunting nagkalat na damit nila sa lupa. Ito lang ang mga nakuha n'ya bago sila paalisin sa loob ng sariling bahay.

"Tara na Gaea." Malamig na tonong utos ng nakatatandang kapatid. Napatigil ang nakababatang kapatid sa pag-iyak. Naramdaman siguro n'ya instinctively ang nakakaginaw na poot sa tono ng boses ng kuya.

Sa daan palabas nakita n'ya ang kumpulan ng mga usisero't usisera. Bahagya s'yang napahinto ng mapansin ang ilang pamilyar na pigurang nakahalo sa dagsaan ng tao. Sila ang mga nag-brainwash sa kanyang tiyahin. Mga naituring pa man din nilang mga kamag-anak, pero sila pa ang nakagawa ng ganoong pang-aagrabyado. Kahit pinipigilan, kita ni Clyde ang saya sa mga mata nila sa sandaling nagsalubong n'ya ang mga mata nito.

Ipinikit ni Clyde ang mga mata. Bahagyang humingang-malalim at bumuga. Nakataas-noong lumakad s'yang paalis sa lugar na 'yon.

...

"Happy new year!" Masigla't sabay-sabay na pag-cecelebrate nina Clyde, Gaea, Jake at Angel ng pagsapit ng bagong taon.

...

"Ano bro kaya pa ba?" Nakangising tanong ni Jake kay Clyde habang nakalahad ang kamay.

"Go! Go! Jake! Ang pogi mo Jake!" Sigawan ng mga babaeng fan ni Jake sa hindi kalayuan.

"Ha.. ha.." Hingal na hingal habang nakahiga si Clyde sa activity center ng university. Suot-suot nila ang basketball shorts at shirt. Umagang-umaga nagpa-practice na sila habang ang mga kapwa estudyante ay nagsisipag-aral sa kani-kanilang silid.

Nang medyo nakabawi na, inabot n'ya ang nakalahad na kamay ng kaibigan.

Hinila s'ya nito patayo.

"Ang yabang neto. Tingnan mo nga 'yang tuhod mo nanginginig pa. Baka ma-turn-off pa sa'yo mga fans mo. Ang lamya mo kasi." Ganting tukso ni Clyde sa kaibigan na sinagot lang nito ng tawa.

Katatapos lang ng practice. Naupo ang dalawa kasama ang mga teammates nila sa bleacher.

"P're balita ko taga-Maynila ka." Biglaang tanong ni Lloyd, isa sa mga teammate nila, kay Jake.

"Totoo p're." Nakangiting pagkumpirma nito sa tanong.

"Eto pa mas malupet mga pare. Balita ko, sa galing n'ya mag-basketball may offer s'ya sa mga prestigious universities and colleges. UAAP ba at NCAA." Boka naman ni Tip. Isa pa nilang teammates.

Naghiyawan naman ang mga kasamahan sa mangha.

"Kung may mga offers ka pala sa mga bigating schools paano ka napadpad dito sa probinsya?" Tanong ng isa.

"Oo nga. Oo nga. Bakit nga ba?" Pagpapakita ng interes ng iba sa topic.

"Hulaan ko. Isa lang naman ang dahilan sa ganyan e. Malamang sa malamang may hinahabol 'yang chix." Kantyaw kay Jake ng mabokang si Tip.

"Meron nga akong sinusundang babae sa Bulacan." Mukhang proud na sagot pa ni Jake.

Naghalakhakan ang mga players sa pagkumpirmang 'yon ng kaibigan ni Clyde.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tip. Hindi n'ya akalaing 'yung biro n'ya ay ang totoo palang dahilan ng teammate.

Nakangiting tumango si Jake.

Namangha ang team sa persistence ng kasamahan pagdating sa babae.

...

Isang araw seryosong lumapit si Gaea kay Clyde. Kinabahan ang nakatatanda dahil masyadong mukhang kabado ang bunso. "Kuya I want to take up veterinary course." Kinakabahang sabi ni Gaea sa kapatid.

Hindi napigilang tumawa ni Clyde sa inasal ng kapatid. Akala n'ya naman kung anong masamang balita ang sasabihin nito sa kanya. Naghahanda na nga s'ya sa worst situation. Na baka may boyfriend na ang kapatid.

Maganda at sikat kasi itong kapatid sa eskwelahan. Handa na s'yang maging kontrabida. Naglalaro na sa utak n'ya kung paano paghiwalayin sila ng kanyang misteryosong kasintahan.

Pinangako kasi n'ya sa mga yumaong magulang nila maging sa sarili na gagabayan n'ya ang kapatid upang maging successful ito sa buhay. Ang pakikipagrelasyon habang high school pa lang ay hindi pwe-pwede.

"Anong nakakatawa kuya?" Naguguluhang tanong ng bunso sa kuya.

"Akala ko kasi sasabihin mong may boyfriend ka na." Nakangising sabi ng kuya. Taas-baba pa ang mga kilay nito.

"Grabe s'ya. Hindi naman ako malandi." Kunwari'y nahihiya pang kilos ng bunso. Yumuko ito. Sinuot ang ilang magulong hibla ng buhok sa kanyang tainga. Pasulyap-sulyap ito sa kapatid.

Binigyan nito ng nasusurang itsura ang kapatid na babae. "Huwag ka ngang magpa-cute. Nakakasuka."

Kumunot ang noo ng dalagita. "Sungal-ngalin ko kaya ang bibig mo kuya? Ang ganda ko kaya." Pinamaywangan at pinandilatan s'ya ng bunso.

Humagalpak ng tawa si Clyde. "Mga bata pa talaga mga schoolmate mo. Ang pangit mo kaya. Ang balahura mo pa. Sobrang kalat ng kwarto mo. Ang gara mo pang matulog, tulo-laway! Mga bulag mga nagkakagusto sa'yo." Pang-aalaska ni Clyde sa kapatid.

Matulin s'yang pumulas papuntang kwarto n'ya. Alam na kasi n'ya ang mangyayari. Saktong pagkasara n'ya ng kwarto, lumagapak ang kanyang pinto na sinundan ng malakas na tili.

"Huwag na huwag kang lalabas d'yan. Isusumbong kita kay ate Angel. Humanda ka." Impit na sigaw ng dalagita.

"Pag-untugin ko pa kayong dalawa n'on e." Pambubuyo pa n'ya rito.

Sa totoo lang, na-cute-an s'ya sa ginawa ng kapatid. Epektibo 'yon kasi maganda talaga ang kapatid n'ya. Ayaw n'ya lang kasing tuksuhin s'ya nito. Naiinis din s'ya 'pag nakikita n'yang lumalaki ang ulo nito sa papuri. Tsaka mas natutuwa s'yang inisin ang kapatid.

Minsan nagtataka s'ya. Tinatanong n'ya sa isip kung kapatid bang talaga n'ya si Gaea. Maganda ang kapatid. Samantalang s'ya pangkaraniwan lang.

Kung isasama mo s'ya sa isang malaking grupo hindi s'ya mapapansin. Hindi s'ya gwapo. Hindi rin s'ya pangit. Normal lang s'ya. Yung tipong kung tahimik lang s'ya, hindi s'ya mag-ii-standout.

Nang tumahimik na sa labas, bahagyang binuksan ni Clyde ang pinto ng kwarto.

Malakas na nagsalita si Clyde para iparinig sa kapatid. "Huwag kang mag-alala Gaea. Suportado ko kung anumang kurso ang kunin mo. Lalo na 'yang veterinary. I'm sure magiging proud sa'yo sina mama. You're kind like them. Tulad nila, you value lives created by God unconditionally. Sigurado akong masaya sila sa langit sa desisyon mo."

"Ako rin proud sa'yo." Mahinang pahabol pa ni Clyde. Napakamot s'ya sa ulo habang sinasara ang kwarto. Hindi s'ya magaling sa pag-compliment o pag-express ng nararamdaman. Na-o-awkward s'ya.

...

Isang batang Clyde ang matinding umiiyak.

Naka-uniporme ito. Nasa loob s'ya ng guidance ng kanilang eskwelahan. Nasa harapan n'ya ang guidance counsellor maging ang kanyang class adviser.

Binigyan s'ya ng mga ito ng pilit na mga ngiti. Sinusubukang s'yang aluin. Ngunit imbes na tumahan, mas lalo pa itong umatungal.

Habang umiiyak, for the nth time, natutunan n'ya kung gaano ka-disappointing ang matatanda. Pinangako n'ya sa sarili, never to trust an adult again and their fake kindness.

...

"Serve mo 'to sa table no. 7 newbie." Utos kay Clyde ng barista ng coffee shop kung saan s'ya nagpa-part-time.

Humingang malalim si Clyde habang dahan-dahang kinukuha ang tray. Mabagal s'yang naglakad tungo sa table no. 7 habang bitbit ang order nila. Nanginginig ang kamay na bumubuhat sa tray.

"Hoy! Kalma!" Tapik sa likod sa kanya ni Angel. Napatalon si Clyde sa gulat. Buti na lang maliksi ang babae. Napigilan n'yang tumapon ang mga order ng customer. Kung hindi paniguradong palpak ang unang experience ni Clyde sa trabaho.

"Inhale! Exhale!" Biglaang paghingang-malalim ni Angel sa gitna na coffee shop. Habang ginagawa 'yon, sinenyasan n'ya gamit ang kamay na gayahin s'ya ni Clyde.

Kahit nawiwirduhan, dahil kabado, sinunod na lang n'ya si Angel. Nang makailang beses nilang ulitin 'yon, biglang binuka ni Angel ang bibig at sinabing, "Di ba effective? Hindi ka na nanginginig o?"

"Gawin mo lang 'yan kapag kinakabahan ka. Tsaka maliit lang naman ang shop natin. Huwag kang ma-tense. Konti lang ang customer. You can totally relax. Sagot kita. This noona will look after you." Pagpapakalma ni Angel Kay Clyde ngiti.

Noona? Ang alam ko magka-edad lang tayo.

Napailing na lang si Clyde.

Kumalma s'ya at matagumpay na na-i-serve ang order ng customer.

Hindi alam ni Clyde kung ano ang umepekto sa kanya. Yung breathing exercise ba? Yung pep talk? O yung ngiti ni Angel na pang-commercial ng toothpaste sa puti? O yung pagkawala ng mata n'ya sa tuwing ngumingiti s'ya?

Nang pabalik na, otomatikong hinanap ng mata n'ya si Angel. Nang makita s'yang nakatingin ni Angel, inangat nito ang dalawang kamay to form a fist. Nagsalita ito ng mahina. Kung hindi nagkakamali sa basa ng labi si Clyde ang sinabi ni Angel ay, "Fighting!"

Napangit si Clyde.

...

Humahangos sina Jake at Clyde. Nang makarating na sila sa sinadyang lugar nag-iba ang mga itsura nila. Gulat para kay Jake. Pamumutla naman para kay Clyde.

"We're late. We're too late." Paulit-ulit na bulong ni Clyde. Nagtatangis ang mga bagang ni Clyde sa nasaksihan.

Hinawakan s'ya ng mahigpit sa balikat ng kaibigan. "Wala kang kasalanan Clyde. You tried to stop them. Ginawa mo na ang lahat para pigilan sila. Don't blame yourself."

"Pero people died." Nanginginig ang boses na natulala si Clyde sa kanyang harapan.

Sa harapan nila, maraming taong nagkukumpulan. May matinding komosyon na pinapanood ang mga ito. Ang mga pulis at hunters ay nagko-cooperate para hulihin ang ilang mga kriminal.

Cooperation between them rarely happen.

Nangyayari lang 'yon kung grabe na ang situation. Yon ay sa tuwing ang mga involve na kriminal ay hunters.

Ang ilan sa mga suspects ay na-subdue na. Samantalang ang iba naman ay kasalukuyan pang lumalaban sa mga hunter na kasamahan ng pulisya.

"Mag-promise ka sa'kin Jake. Hindi 'to pwedeng malaman nina Gaea at Angel. Walang dapat malaman sina Gaea at Angel sa totoong nangyari." Tinitigan ni Clyde si Jake sa mata.

Napaiwas ng tingin si Jake sa mata ni Clyde. Natakot s'ya sa mga titig ng kaibigan. Napapikit s'ya sa frustration. Umangil s'ya ng mahina at bumuntong-hininga.

"I promise bro. I promise." Pangako n'ya sa kaibigan.

...

Nang bumalik ang ulirat, sunod-sunod na pag-ubo ang kumawala sa bibig ni Clyde.

Ano 'yun?

Bakit nakita ko 'yung memories ko from the past?

Nag-hallucinate ba ko? Pero bakit parang totoo?

Bakit parang na-trap ako with those memories in a long time?

Centuries? No! Mas angkop na sabihing parang ilang milenya akong trapped sa memories ko.

Kung ganoon nga, nasaan ako?

As far as I remember, nag-warp ang space sa nasusunog na kubo pagkatapos kong gawin 'yon.

Noong nilabas ko ang key items, na-trigger 'yon.

Mala-mahikang lumabas sa harapan ko ang mga letra. Isang kagalit-galit na mensahe.

Pinaulit sa'kin ang masahol na ginawa sa babae sa loob ng kubo.

At nang gawin ko 'yun ang oras ay nag-accelerate.

Doon sumunod ang pag-warp ng space.

Did I passed out after that?

Panaginip lang ba lahat ng 'yon?

Naputol ang malalim n'yang pag-iisip ng may mapansing kakaiba.

Tumatagaktak ang pawis n'ya. Pwede mo ng pilipitan ang damit n'ya at hindi pa rin ito matutuyo. Gabalde ang tinatapon n'ya. Sobrang nanghihina rin s'ya. Pakiramdam n'ya nagliliyab sa init ang buong katawan n'ya. Mas lalo na ang kanang tuhod n'yang nakaluhod.

Nang tumingin s'ya paligid, doon n'ya napagtantong mukhang nasa impyerno na s'ya. Puro puting buhangin ang nasa lupa. Bahagya pang nakalubog ang kanang tuhod n'ya sa buhanginan.

Meron s'yang nakitang tumpok ng mga bungo sa isang bilugang altar. Sa paligid nito, nagkalat ang mga buto't kalansay. Pawang nakalubog ang ilang mga parte sa buhanginan.

Nakakulong din s'ya sa mala-impyernong lugar. Napapalibutan s'ya ng nagtataasan at nag-iinitang apoy. Nagbabadya itong tupukin s'ya kailanman nito gustuhin.

Higit sa lahat, ilang metro mula sa harapan n'ya may limang bultong nakaantabay sa kanya.

Lahat sila ay hugis tao. Pero maliban sa hugis, wala na silang pagkakahalintulad pa. Nakakasuka ang mga itsura nila. Mahirap ipaliwanag ang kanilang mga balat. Makaliskis na parang nalapnos. Tila ba nagmula ito sa matinding pagkasunog ngunit gumaling na.

Sa gitna, may nakaupo sa tronong gawa sa mga buto. Sa tingin ni Clyde ito ang pinuno.

Pinahiran n'ya gamit ang likod ng kamay ang ilong. Naiirita s'ya matinding pag-agos ng sipon. Nagulat s'ya sa nakita. Tumutulo mula sa likod ng kamay n'ya ang pulang likido. Nang suminghot s'ya roon n'ya napansing malansa ang amoy noon. Dugo ang umaagos mula sa ilong n'ya. Napalunok s'ya sa napansin.

May umaagos ding mga luha sa mata n'ya. Pinahid n'ya rin ang luha. Nang ito'y kanyang tingnan, doon n'ya napag-alamang lumuluha s'ya ng dugo.

Nagimbal ang hunter. Hindi lang kasi roon may umaagos na likido. Sa lahat ng butas ng katawan n'ya ay ganoon din ang sitwasyon.

Tiningnan n'ya ang kanyang status.

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 14

Stats :

Health : 20/200

Mana : 50/500

Strength : 10

Vitality : 20

Agility : 20

Intelligence : 50

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Status : Cursed

You are hit by a strong curse from the vengeful variant of witches.

From the moment you were hit, you immediately lost ninety percent of your health and mana points.

Inside their burning domain, you'll constantly feel the burning sensation and at times suffocation.

The flames of their domain will slowly expand until it burn you to death.

To survive, you have to defeat this vengeful witches.

...

That explains it.

Malamang sa malamang nag-agaw buhay ako.

Nasa critical level na ang health ko e.

Nakakasilaw na puting liwanag ang bahagyang bumalot sa harapan ni Clyde. Nagsimulang i-summon ni Clyde ang kanyang mga summons. Panandalian nitong binulag ang mga mata ng limang variant witches sa kanyang kinalalagyan.

Sinamantala 'yon ni Clyde. Madali n'yang inextend ang kanang kamay sa harapan. Ginawa n'ya ang isang grabbing motion. Walang anu-ano'y may dalawang maliliit na vial ng potion ang lumabas sa ere out of nowhere. Ang isa ay kulay pula. Ito ay isang health potion. Ang isa naman ay kulay berde. Ito ay isa namang mana potion.

Madaling inalis ni Clyde ang mga takip noon. Magkasabay n'yang nilagok ang laman ng parehong bote. Ang kaakibat ng ginawang aksyon ay ang pag-recover n'ya ng tig-isandaang health at mana points sa sandali ring 'yon.

Sinundan 'yon ng sunod-sunod na paglabas ng nakakasilaw na liwanag. Indikasyon ng summoning. Isa-isang nagsulputan ang kulang 200 mga summon ni Clyde.

Mula sa duwendeng si Alejandro, sinundan 'yon ng mga lumilipad na ipis, malalaking daga, malahiganteng mga bulate, mga alimango, malalaking baboy, manok, kalabaw, hanggang baka, kambing, kuneho, ahas, aso't pusa.

Nakarinig ng mga pagyabag si Clyde. Nang tuluyan ng mawala ang nakasisilaw na liwanag mula sa mga summon, doon n'ya nakinitang nakatayo na ang pinaka-leader ng mga kalaban mula sa trono.

Naglalakad ito ng mabagal patungo kay Clyde. Ang apat na kasamahan ay pawang may distansyang nakabuntot sa kanya.

Sa bawat hakbang mas lalo pang nasisilayan ni Clyde ang karima-rimarim na mga anyo nila. May kung anong pwersa ring pumipigil na atakihin ni Clyde ang lima.

Ilang pulgada na lang ang layo ng mga ito ng matauhan si Clyde. Paatake na sana s'ya ng umabante ang pinuno at nagsalita.

"Maligayang pagdating tao." Bati nito sa kakaibang tono. Hindi nakalampas sa hunter ang bahid ng tabang sa paunlak ng pinuno sa bisita.

Naguluhan s'ya sa nangyayari. Ngayon lang s'ya nakaranas ng pakikipag-usap sa isang dungeon monster. At posibleng isa pa itong boss monster.

Napagdesisyunan n'yang pakingan muna ang mga sasabihin nito. Nadaig s'ya ng kanyang curiosity. Pero dahil s'ya si Clyde, hindi n'ya nakalimutang mag-ingat. Umatras s'ya ng ilang beses. Inalerto rin n'ya ang mga summon gamit ang isip. Pina-equip n'ya agad ang invisible shield ni Alejandro, ang Iron heart.

"Matagal-tagal na rin ng huli kaming makasalamuha ng isang tao." Hindi alintana ang excitement sa tinig nito.

Pakiwari nga lang ni Clyde para bang may ibang pakahulugan sa mga binitawang kataga ng pinuno. Hindi n'ya lang matukoy kung paano o ano. Kung ito ba ay tungkol sa paraan ng pagkakasambit o kung anuman? Sadya lang s'yang nababagabag.

"Maraming taon na rin ang lumipas matapos ang insidenteng 'yon. Pero para sa'kin parang kahapon lang 'yon naganap. Hindi ba ganoon rin kayo mga kasama?" Nagkwento ito na para bang sinasariwa ang nakalipas. Sa huli ay nilingon pa n'ya ang mga kasama upang humingi ng opinyon. Hindi naman s'ya nabigo sa mga ito. Lahat sila ay sumang-ayon sa pamamagitan ng pagtango.

"Dahil ikaw ang una naming panauhin sa matagal na panahon bibigyan ka namin ng pagkakataon sa unang galaw. Binibigyan ka namin ng pabor dahil napasaya kami ng presensya mo. Umatake ka na dahil iyon na ang una at huli mong pagkakataon. Kahit anong mangyari dapat mong iwan ang buhay mo sa'min, ang walang kwentang buhay mo sa'min tao. Dahil isa kang kamuhi-muhing tao!" Ang kanyang maligayang disposisyon ay bigla  na lang nag-transform sa matinding poot.

Bago pa man matapos ng pinuno ang sinasabi ay nag-initiate na ng galaw si Clyde. "Divine pull!"

Nahila ang limang variant witches papunta kay Alejandro. Halata sa mga gulat nilang mukha ang pagkalito. Hindi nag-aksaya ng pagkakataon si Clyde.

"Tapusin na natin 'to sa isang tira. Bouncing soul creepers." Deklara ni Clyde sabay angat ng isang palad paharap.

Wala pang isang segundo ay lumabas na trademark move ni Clyde. Nagsulputan ang mga orbs. Syempre, hindi rin nawala ang eerie sound na pino-produce nila.

Saktong sa pagdikit nila sa invincible shield ni Alejandro doon din tumama ang mga orbs sa kanila. Nagsipagsigawan ang mga variant witches na tila mga kinakatay na baboy.