webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasy
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 7, part 3 : Mga pagyanig, stampede at witch hunt

Holymancers : I decided na tawagin kayong mga readers ko na holymancers. Bakit? Wala lang. I just want to have a unique name for my readers. If you think it is good enough please say so. Kung meron kayong ibang unique name na naiisip, you're free to tell me your suggestions.

Isa pa nga pala holymancers. 😉

Meron akong correction pertaining the skill, divine pull. Prior to this part, nailagay kong may duration ang aggro effect ng skill. Pero sa description ng overpowered crowd control skill na 'to, ang condition to lift the aggro is either the death of the target or the caster. Kung curious kayo kung saang part 'yon, it's on chapter 7, part 1.

I apologize for the inconsistency. Medyo lutang ang author n'yo habang sinusulat 'yon. I'll be doing some serious editing one of these days.

That's all guys.

Enjoy reading!

~~~

Magkasunod na utos ni Clyde. "Divine pull! Let's use everything. Gamitin mo ang Iron heart Alejandro."

Sumugod lahat kay Alejandro ang napakaraming dungeon monsters sa lugar. Lahat ng malalapit na kay Alejandro ay napahinto. Bumanga silang lahat sa isang invisible shield.

"Bouncing soul creepers!" Nagmamadaling pag-atake ni Clyde.

Lumamig ang paligid. Naglabasan ang mga orbs. Inakumpanyahan ito ng mga mababang tunog ng pag-ihip. May pagka-eerie ang kombinasyon ng paglamig ng paligid at ng tunog. Idamay mo na rin ang mga linyang kulay lumot.

"Yes!" Nagbunyi si Clyde.

Sapagkat sa pagkakataong ito, hindi n'ya lang nagawang pinsalain ang mga kalaban. Sa katunayan namatay ang mahigit sampu rito. Lalo na ang bakang may bakal na mga balat. Napaslang din n'ya ang ilang halimaw gaya ng kabayo, baboy at manok.

Masasabing magandang senyales ito para sa kanya. Sa unang paghaharap, ni hindi man lang n'ya nagawang galusan ang mga kalaban. Pero ngayon nagawa n'ya pang paslangin ang ilan dito.

Hindi masisising naging masaya s'ya sa naging resulta. Pero hindi rin 'yon nagtagal. Ginamit n'ya ang earth cage sa ilang pasugod na kalaban sa bandang kanan n'ya. Nang nakulong ang ilang dungeon monster doon ay kasabay ng pagkawala ni Clyde sa pwesto.

Ginamit n'ya ang Conceal.

Gamit ang isang summon, tumalon s'ya sa ibabaw ng earth cage. Sa pag-akyat n'ya rito patuloy itong nayayanig ng pagbangga ng mga pasugod na halimaw kay Alejandro. Bago pa man s'ya makaakyat doon nag-cast na ng isa pang spell ang hunter. Lumuhod s'ya sa ibabaw ng cage habang nakaangat ang isang palad. Makalipas ang isang segundo ay sunod-sunod na dagundong ng kidlat ang tumama sa inasintang lugar ni Clyde. Mahigit kumulang isang daan ang naging uling sa atakeng 'yon.

Tumalon si Clyde. Kasabay noon ay ang pagkasira ng earth cage. Dahil in effect pa ang conceal, mas mabilis s'ya ng sampung beses kesa sa normal. Ginawa n'ya na ang lahat ng kailangan. Nag-replenish ng mana. Binalanse ang sarili sa likod ng isang baka. Ginamit ang lahat ng posibleng skill na hindi nasa cooldown.

Gumamit ulit s'ya ng isa pang earth cage ng matapos ang cooldown. Lumapit s'ya sa direksyon ni Alejandro. Pagkatapos noon ginamit n'ya ulit ang bouncing soul creepers after ten seconds of cooldown.

Sa pagkakataong ito kumpulan na silang umaatake sa Iron heart ng tank. Dahil doon mas marami s'yang napatay kesa sa una.

Habang naghahanda ng pagtalon sa likuran ng isa pang dungeon monster, nakita n'yang nag-crack ang hangin sa tapat ng kanyang tank.

Ano? Huwag mo sabihing masisira ang shield ni Alejandro?

Hindi makapaniwalang tanong ng hunter.

Dahil doon madaling nagdesisyong umalis muli sa lugar si Clyde. Nagngingitngit ang kanyang mga ngipin sa pagkainis.

...

Nagtago s'ya sa isang bahay. In-evaluate n'ya ang nangyari.

Hindi naman s'ya ganoon kasama. Hindi gaya sa una, may laban na s'ya.

Sadya lang maraming kalaban. Open space kasi ang lugar. Kitang-kita ang anumang labanan. Ibig sabihin enemy reinforcement will always come.

Wala ba talagang ibang paraan?

...

Nagdesisyon si Clyde na subukang mag-kite ng ilang kalaban na hindi napapansin ng iba. Kinuha n'ya ang atensyon ng isang grupo ng dungeon monsters habang nakakubli sa isang bahay. Naging maganda ang resulta ng plano. Hindi perpekto ang naging execution. Nakaalerto kasi s'ya ng dalawa pang grupo. Dahan-dahan s'yang umatras para ang tatlong grupo ay habulin s'ya.

This time hindi n'ya pinagamit kay Alejandro ang divine pull. Na-realize kasi ng hunter na nagiging hindrance ang overpowered skill sa sitwasyon.

Dalawang taktika ang gamit ngayon ni Clyde.

Una ay ang divide and conquer. Na-utilize n'ya na 'yon sa pag-kite n'ya sa ilang dungeon monsters.

Noong palagay na s'ya sa layo n'ya sa ibang dungeon monsters, sinummon n'yang lahat ang summons maliban sa mga spoiled milkfish. Pinasugod n'ya ang mga ito sa mga kalaban.

Lahat ng kalaban ni Clyde ay puro close combat type. Wala maski isang long-range rito. Kaya naman sinamantala n'ya ang kakulangang iyon.

Nagsalubong ang dalawang grupo sa gitna. Isang magulong labanan ang nagsimula. Sa bilang, lamang ang panig ni Clyde. Kung hindi kabilang si Clyde, may 17 mandirigma ang kanilang panig. Pero hindi nagtagal nag-umpisa ng magapi ang mga summon ni Clyde.

Ayon sa nasaksihan ng hunter, lamang ang kabilang panig in terms of quality. Hindi hamak na mukhang mas malalakas ang mga katunggali. Mas lamang din sila pagdating sa laki. Nagmukha ngang mga bubwit sina Clyde kumpara sa mga kalaban maliban sa mga higanteng bulate.

Ang tanging nakikipagsabayan lang sa mga ito ay si Alejandro.

Hindi naman umasa si Clyde na hindi n'ya na kailangang lumaban. Sa totoo lang gusto n'yang s'ya ang tumapos sa mga kalaban. Mas mataas ang experience kapag ikaw ang naka-last hit.

Ang inaasahan lang ni Clyde ay maging obstruction sila sa kalaban. Kailangan n'ya lang maging komportable at hindi ma-interrupt sa pagamit ng kanyang mga skills o spells.

Habang matuwid na nakatayo sa likuran ng mga summon, nakatutok ang kanang palad n'ya sa mga kalaban.

Lumitaw sa kamay n'ya ang isang transparent portal. Habang umuusbong ang portal, kasabay na kumakalat ang kulay lumot na mga linya sa portal. Kasunod noon ang sunod-sunod na paglabas ng mga orbs. Sa paglabas ng mga ito, nagkaroon din ng mahihinang pag-ihip sa hangin.

Ginamit ni Clyde ang Bouncing soul creepers.

Nag-uunahang sumugod sa mga target ang masisiglang orbs. Sa pagtama ng mga ito, tumalbog sila sa katawan ng mga dungeon monster ng paulit-ulit. Matapos maglaho ng Bouncing soul creepers ay s'ya ring pagkagapi sa mga dungeon monster.

Lahat ng mga ito ay nakahandusay na sa lupa ng dungeon. Silang lahat ay wala ng mga buhay. Namatay silang lahat na wala ni isang galos sa mga katawan.

Ni hindi man lang nakalapit ang kahit isa rito kay Clyde.

Ito ang ikalawang taktika ng holymancer. Nag-improvise s'ya ng pangalan para rito.

Meat shields and the shameless mage tactic.

Dahil sa matagumpay na labanan, ginamit n'yang muli ang dalawang taktika.

Isa-isang naglaho ang mga dungeon monster sa bandang bahayan. Sa bawat pagsubok n'ya mas lalo s'yang nagiging eksperyinsado sa tamang paraan ng pag-kite ng mga grupo. Natutunan n'yang gumamit ng timing. Minamasdan n'ya muna kung kelan hindi nakatingin sa direksyon ng target n'yang grupo ang ibang dungeon monsters. Habang tumatagal, mas nagiging confident s'ya. Hindi n'ya minamadali ang pag-kite sa bawat grupo. Kalmado s'yang nag-aabang ng tamang pagkakataon. Umabot sa puntong kontrolado na n'ya kung ilang grupo ang naka-kite n'ya. Nakikita n'ya na palagi ang lahat ng magagandang pagkakataon para mag-kite.

Mas dumali na rin ang pagpasok n'ya sa mga bahay para kumuha ng mapakikinabangan. Nakakabaliw lang isiping sa dami ng napaslang n'ya marami pa ring natitira. Nang sumilip s'ya sa pinakamataas na lugar nakita n'ya ng mas malinaw ang nasa malalayong halimaw. Parang hindi nabawasan ang mga ito sa rami.

Habang nagha-hunt manaka-nakang nagpaparamdam ang mga lindol. May malakas pero mas maraming mahihina. Maging ang malalakas na dungeon monsters sa lugar ay nagpa-panic din.

Dahil sa pagod, namahinga muna si Clyde sa bubong ng pinakamataas na bahay. Humiga s'ya rito. Pinagmasdan n'ya ang mga ulap. Napansin n'yang kulimlim na ang langit. Ang araw ay palubog na. Maya-maya lang ay lumipad na ang kanyang utak.

...

[Storage]

Health potions (S) : 11

Mana potions : 5

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

Swift crabby corpses : 322

Spoiled milkfish corpses : 3, 506

Ramming boar corpses : 147

Metallic carabao corpses : 142

Laughing stallion corpses : 153

Doping cock corpses : 178

...

Sa bawat nagaping Ramming boar, Metallic carabao at Laughing stallion ay nakakuha s'ya ng 1, 000 gold. Habang ang sa Doping cock naman ay 500 gold lang. Wala namang pinagbago sa kanyang mga na-soul cleanse, 100 pa rin sa bawat bangkay.

...

Remaining balance : 736, 200 gold

...

Contented din s'ya sa mga bagong binded summons n'ya.

...

Name :Bacon (1)

Race : Ramming boar

Level : 7

Stats :

Health : 320/320

Mana : 50/50

Str : 30(2)

Vit : 30(2)

Agi : 15

Int : 5

Per : 5

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer Attribute

Racial :

Smasher (Active)

- The battering boar is a race who excels at destroying things by smashing with their bodies.

Mana required : none

Cooldown : 3 seconds

Individual :

Mad dash (Active)

- A self reinforcing skill that breakthrough the user's limit in speed to bolster the destructive power twice. It greatly consumes the user's stamina.

Mana required : none

Cooldown : 25 seconds

Skill arsenal : 2 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Limang Ramming boar ang binind ni Clyde. Pinangalanan n'ya ang mga 'yon ng Bacon (1-5)

...

Name : Tapa (1)

Race : Metallic carabao

Level : 8

Stats :

Health : 420/420

Mana : 50/50

Str : 25

Vit : 40(2)

Agi : 15

Int : 5

Per : 5

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer Attribute

Racial :

-

Individual :

Skill arsenal : 2 slots open

Slot 1 :

Passive :

(Empty)

Active :

Executing horn - The horn that can kill anyone by penetrating.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

May lima rin s'yang na-bind na Metallic carabao. Ang mga pangalan nito ay Tapa (1-5)

...

Name : Sylvester

Race : Laughing stallion

Level : 7

Stats :

Health : 200/200

Mana : 50/50

Str : 10

Vit : 20

Agi : 35(2)

Int : 5

Per : 5

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer Attribute

Racial :

Always happy (Passive)

- Laughing stallion is a horse race with a neighing sound that is very joyful it turns into laughter. Their genes made them an extremely positive race. They happened to possess good reflexes and rarely get tired because of their disposition.

Individual :

Grandstander (Active)

- A unique skill for showboats who love to showoff. They strive for big moments to start a ruckus. For these attention seeking bunch there is no better way than to do things in an exaggerated way. When they successfully gained the spotlight, they would be extremely excited and inspired. Their overall ability and speed would be temporarily doubled.

Mana required : none

Cooldown : Whenever they gain interest they'll thrive for a moment.

Skill arsenal : 2 slots open

Slot 1 :

Passive :

Natural born runner - The individual who possessed this skill can run as fast as he want with efficiency. Running or rushing massively reduces the stamina consumption.

Active :

(Empty)

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Anim ang binind n'yang Laughing stallion. Ang lima pinangalanan n'yang ng Crazy. Iba-iba ang kulay ng bawat isa.

Ang huli naman ay pinangalanan n'yang Sylvester. Si Sylvester ay balak n'yang i-groom bilang personal mount. Nakita n'ya kasi ang potential ng kulay pilak na Laughing stallion. Sa racial at individual skill pa lang nito na-eexcite na si Clyde. Complementing ang dalawang skills at specialized for riding.

Ang Always happy skill ay nagbibigay ng mas mataas na endurance for long travels. Nakakatulong din ang better reflex for avoiding danger and ambushes.

Habang ang Grandstander skill naman ay nagpapatulin ng dalawang beses at nagpapataas ng kakayahan ng Laughing stallion. Ang nakakapangamba lang sa skill na ito ay ang condition to trigger. Kailangan magpasikat pa sa iba para ma-trigger ang skill. Kung hindi mawawalan ng gana si Sylvester. Doon naman nagte-take effect ang positivity ng mga Laughing stallion. Mas madalang s'yang mawawalan ng gana.

'Yun ang inaasahan at hiling ni Clyde.

...

Name : Flightless (1)

Race : Doping cock

Level : 7

Stats :

Health : 100/100

Mana : 50/50

Str : 30(2)

Vit : 10

Agi : 25

Int : 5

Per : 5

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer Attribute

Racial :

Dope fighter (Passive)

- This skill made it possible for the individual to be proficient in fighting. It let's the individual fight enemies a tier higher on equal footing.

Individual :

Skill arsenal : 2 slots open

Slot 1 :

Passive :

Kicking up a fuss - Easily provoked personality that always causes a fight to breakout. The attacks become more ferocious and dangerous. But on the negative side, it opens up a lot of holes in the defense.

Active :

Deadly talons - Let the talons become sharp enough to penetrate tough as steel hides and carcasses.

Mana required : 3

Cooldown : 5

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

Kicking fury - The fighter let loose a barrage of fatal kicks.

Mana required : none

Cooldown : 12 seconds

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Nag-bind s'ya ng limang Doping cock. Ang mga ito ay pinangalanan n'yang Flightless (1-5)

...

Pinag-iisipan n'yang mag-umpisa muling umabante. Ang mga napaslang n'ya ay nagkataong 'yung mga nakaharang sa harapang daanan. Sa tingin kasi n'ya imposibleng ubusin ang mga halimaw sa sandaling panahon. Masyado na rin s'yang nababagabag sa dumadalas na paglindol. Sa tingin n'ya kailangan n'yang umabante para masagot ang misteryo.

Naputol ang pag-iisip n'ya ng may mapansing kakaiba. Nanliit ang mata n'ya sa pagsipat. Dahil nahihirapan, umupo s'ya para mas maaninag ang bagay na tinitingnan. Sa malayo, kilo-kilometrong layo sa kinalalagyan, may higanteng puting usok ang patuloy na tumataas.

"Dyoskopo!" Gulat na sigaw ni Clyde. Natulala s'ya panandalian.

"This is the worst! Instance dungeon, disaster type pa talaga sa lahat ng bagay." Pumalatak ang hunter sa pagkainis sa sitwasyon.

"Class D dungeon my ass! Nadaya ako!" Napasabunot s'ya sa buhok.

Doon n'ya naalala ang kwento ng nanay n'ya ng bata pa s'ya. Ang nanay ni Clyde ay originally from Pampanga. Sa kwento ng ina, naganap 'yon noong nasa Taiwan s'ya para magtrabaho. Sabi ng mga kapatid n'ya sa kanya, tatlong araw bago sumabog 'yon lumabas ang maraming puting usok sa bibig nito.

Na-gets na ni Clyde ang setting ng dungeon. Related 'to sa infamous eruption ng bulkang Pinatubo in the early 90's.

"Gusto ba ng dungeon na ito na pigilan ko ang pagsabog ng Pinatubo? Ano ako si God?" Hindi makapaniwalang reklamo n'ya.

Tumingin s'ya sa pinangangalingan ng usok. Malaki pa rin itong tingnan kahit na nasa ibang syudad ito. Hindi n'ya ito masyadong pinansin ng una. Kasi hindi na naman bago sa isang dungeon na magkaroon ng nature as background or setting.

Nanahimik si Clyde.

He fell into a depressive state. After all, how can he, a former rank E hunter stop a natural disaster?

Makalipas ang ilang minuto kumalma si Clyde.

"Mag-isip ka Clyde. Your life is on the line. Find your way out. Hindi naman siguro ganoon ka-unreasonable 'to? Identified 'tong class C dungeon ng dungeon seeker skill. Look for clues. Think of clues na maaaring hindi mo pa lang napapansin pero na-encounter mo na." Malatang pagchi-cheer n'ya sa sarili.

Tumayo si Clyde. Sinimulan n'yang gamitin ang Conceal. Wala s'yang balak aksayahin kahit isang segundo. Tumakbo s'ya. Mas matulin pa sa pinakamatuling tao sa mundo.

Isa lang ang tumatakbo sa isip n'ya. Ang hanapin ang solusyon para ma-solve ang dungeon na ito.

No resting. No sleeping if needed.

Iniwasan n'ya ang lahat ng nakasalubong na dungeon monsters. Hindi naman naging mahirap 'yon. Sa tulong ng Conceal mabilis s'yang nakapaglakbay. Bumili rin s'ya ng maraming mana potion. Hindi ito ang panahon para maging kuripot.

He need to go all-out.

Sa mabilis na paglalakbay, pabago-bagong mga tanawin ang nakikita. Hindi n'ya mapigilang mamangha.

Mabeberdeng kapaligiran. Mga hayop na malalayang nagtatakbuhan sa damuhan at putikan.

Aspaltong mga daan na tuwid at malinis. Mga aso't pusang malalayang naghahabulan sa kalsada. Ngunit kakaiba ang laki ng mga hayop sa dungeon. May iba rin silang katangian kesa sa normal na mga hayop. Pero kung titingnan sa malayo wala itong pinagkaiba sa katotohanan.

Wala s'yang tigil sa pagtakbo kahit gumabi na. Urbanisadong mga syudad. Mga pamilihang-bayan. Mga tahanang hanay-hanay. Mga simbahan. Mga panahong mas kaunti pa ang matataas na gusali. Nagulat s'ya ng otomatikong nagbukasan ang mga ilaw dito pagsapit ng dilim.

Medyo natakot s'ya habang dumadaan sa mga lugar kung saan maraming aso. Mas naging agresibo sila sa kadiliman. Nakakakilabot ang mga alulong at tahulan.

Ang malaking kaibahan sa lahat ng ito ay walang nakita kahit anino ng isang tao si Clyde.

Habang lumalalim ang gabi ay s'ya namang paglamig ng hangin. Nag-uulap sa hangin, hindi kalayuan sa lupa. Humanap si Clyde ng pantakip sa mukha sa storage n'ya. Wala s'yang nakuha. Tumingin s'ya sa shop at nakabili ng isang itim na facemask. Ginamit n'ya 'yon. Nag-ingat s'ya dahil posibleng may nakakalasong hangin ang humalo sa forming of mist.

Sa pag-abante ni Clyde, pahirap ng pahirap makita ang daan sa pagkapal ng mist. Kinailangan n'yang bagalan ang kilos para makaiwas sa kahit anong aksidente.

Dumating ang pinakamalamig na parte ng araw. Sumapit ang madaling-araw. Sa sobrang lamig wala na s'yang makita. Naging usad pagong na ang hunter.

Hindi pa rin s'ya tumigil dahil palagay n'ya tatlo o dalawang araw na lang sasabog na ang Pinatubo. At hindi iyon biro. Ikalawa itong pinakamalakas na pagsabog sa nakaraang siglo. Hindi sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo.

Unti-unting gumanda ang visibility sa dungeon. Napansin naman 'yon ni Clyde. Tinulinan n'ya ang pagtakbo. Ginamit ni Clyde ang conceal. Nilakihan ni Clyde ang mga paghakbang. Sa bawat yabag n'ya sa lupa, binibigay n'ya ang lahat. Saglit lang ay narating n'ya na ang kanyang top speed.

Ang mist ay naging hamog. Nagsidaloy ang hamog sa mga dahoy at mga talulot. Sa pagpatak ng hamog sa lupa ay ang s'ya namang unti-unting pagliwanag ng langit.

Saglit na napigil ang paghinga ni Clyde sa pagkakasaksi sa pagputok ng bukang-liwayway. Bumagal ang kanyang takbo. Hindi n'ya mapigilang mapamangha sa ganda ng unang paglitaw ng haring-araw.

Sumapit ang ika-anim na umaga sa dungeon.

...

Tuloy-tuloy sa pagtakbo ang hunter. Sinasagad n'ya ang limitasyon ng katawan. Pero hindi nagtagal kinailangan n'ya ring magpahinga. Hindi n'ya man magawang maituloy ang pagtakbo, sisiguruhin n'yang hindi maa-aksaya ang kanyang oras. Nais n'yang obserbahan ang dungeon sa pinakamataas na posisyon.

Umakyat s'ya sa pinakamataas na puno. Palingon-lingon si Clyde sa taas habang taas-baba ang mga balikat.

May kakaiba s'yang napansin. Nakakita s'ya ng mga mahahabang itim na linya sa malayo. Sa matagal na pagtitig dito may nadiskubre s'ya. Gumagalaw ang mga linya patungo sa direksyon ni Clyde. Hindi n'ya na inalis ang atensyon sa mga 'yon dahil naalarma.

Makalipas ang ilang minuto mas lumaki ang mga linya. Nakita n'ya ito ng mas maayos sapat lang para malaman ang tunay na anyo ng mga gumagalaw na linya.

Iba't ibang uri ng hayop. Mga kabayo, kalabaw, manok, baboy, aso, pusa, kuneho, ahas at marami pang iba. Ang mahabang linyang gumagalaw ay ang napakaraming dungeon monsters na tumatakas sa nalalapit na pagsabog ng bulkan. Nakaramdam ng awa si Clyde sa mga dungeon monster. Kasi kahit among gawing takbo, takas nila, trap pa rin sila sa loob ng dungeon. Nakatakda na silang mamamatay sa pagsabog ng bulkan.

Bumaba siya para lumipat sa mas mababang puno. Sa punong sa palagay n'ya ay limang metro lang ang taas. Balak n'yang atakihin ang mga nagpupulasang dungeon monster.

Sa taas ng puno sinummon n'ya si Alejandro. Umupo ito sa tabi n'ya. Pinaghanda n'ya ito.

Nang nasa tapat ng puno kung nasaan sina Clyde ang mga dungeon monster, inutusan n'ya ang duwende. "Divine pull!"

Sabay-sabay na lumiko papunta sa puno ang mga halimaw na inabot ng range ng crowd control. Ang mga hindi naman inabot ay diretso lang sa pagtakbo. Sinagasaan ng mga nasa likuran ng mga na-aggro ni Alejandro ang mga ito. Maraming nag-collapse sa mga dungeon monster. Tinapakan ng iba ang mga nag-collapse. Isa-isang namatay ang mga 'yon. Nagustuhan ni Clyde na kumpulan ang mga ito. Mas naging simple ang kanyang trabaho.

"Lightning barrage!" Tira ni Clyde. Inasinta n'ya ang parteng pinakamaraming nag-collapse at nadadaganan ng iba.

Limang sunod-sunod na dumadagundong na kidlat ang tumama sa inasinta n'ya. Nasunog ang parteng 'yon at walang buhay at natira. Matapos noon nagpulasan ang maswerteng hindi tinamaan. Ang mababagal mag-react ay nasagasaan ng mga kasunod nila.

They are stamped to death.

Sunod-sunod na nangyari 'yon dahil sa pagpa-panic ng iba.

Inalis na ni Clyde ang atensyon pagkatira n'ya roon. Yumuko s'ya para lang makitang nag-aakyatan ang mga dungeon monster na ahas. Sa ibaba nila, binabangga ng ibang uri ng halimaw ang katawan ng puno. Sinulyapan n'ya ang kabilang parte ng puno. Parehas lang ang sitwasyon doon.

Ginamit n'ya ang Bouncing soul creepers. Namatay lahat ng nasa limang metrong range ng skill. Inunsummon n'ya si Alejandro. Pagkawala ng duwende nagpulasan na rin ang lahat ng mga halimaw palayo.

Naglevel-up s'ya at si Alejandro.

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 14

Stats :

Health : 150/150

Mana : 500/500

Strength : 10

Vitality : 20

Agility : 20

Intelligence : 50

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [88/200]

- Holymancer Summons [88/250]

Skills :

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

Lightning barrage (Lv. 1)

Treaty of equality (Max level)

...

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Grade : Minion

Level : 3

Stats.

Health : 570/570

Mana : 140/140

Str : 30

Vit : 36(+2)

Agi : 10

Int : 14

Per : 10

Undistributed stat points : 0

...

Pinabayaan munang humupa ni Clyde ang rumaragasang dagsa ng dungeon monsters. Paglipas ng ilang minuto, nakita n'ya ang matinding pinsalang iniwan ng nagpapanic na mga halimaw.

Maraming nakahandusay sa ibaba ng puno. Sa kutob ni Clyde libo-libong itong mga bangkay. Pero wala pa sa kalahati nito ang talagang pinatay n'ya. Around 500 lang ang kanyang napatay. Ang mga nasunog na halimaw ay siguradong s'ya ang nakapatay.

Sa totoo lang, karamihan ng namatay ay dulot ng pagkakagulo ng mga halimaw. Sila-sila rin ang sanhi ng kamatayan ng kapwa dungeon monsters. Bali ang mga buto. Na-deform ang mga laman sa paulit-ulit na pagkakatapak.

Pagkababa hindi na s'ya nagpatumpik-tumpik pa. Hindi n'ya sinayang ang pagkakataong magdagdag ng summons at ng pera.

Naging busy s'ya sa sumunod na mga sandali.

...

[Storage]

Health potions (S) : 11

Mana potions : 200

Binding scrolls : 41

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

Swift crabby corpses : 322

Spoiled milkfish corpses : 3, 506

Ramming boar corpses : 701

Metallic carabao corpses : 632

Laughing horse corpses : 849

Doping cock corpses : 599

Dumb goat corpses : 1, 494

Mad cow corpses : 546

Venom snake corpses : 537

Martial bunny corpses : 231

Ravaging dog corpses : 375

Lazy cat corpses : 464

...

Remaining balance : 448, 700 gold

...

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [168/200]

- Holymancer Summons [243/250]

...

Nadagdagan ang binded summons n'ya. Ang mga ramming boar, metallic carabao at doping cock ay pawang naging sampu. Samantalang ang laughing stallions ay naging labing-isa kasama na si Sylvester.

Nagkaroon din ng bagong mga karagdagan sa grupo. Sampung mad cow na may pangalang Well done (1-10). Sampung dumb goat na tinatawag na Dork (1-10). Sampung venom snake, Viper (1-10). Sampung martial bunny, (1-10). Sampung ravaging dog, Bark (1-10). Sampung lazy cat, Lizzy (1-10).

...

Matapos noon muli s'yang tumakbo ng matagal hanggang napilitan s'yang tumigil. Wala na s'yang mapupuntahan. Bumangga s'ya sa isang invisible na pader. Kinatok n'ya ito.

Tumingin s'ya sa harapan kung saan naroroon ang bulkan. May kumapal ang usok na lumalabas sa bunganga nito.

Luminga-linga s'ya. Nalilitong talaga. Hindi n'ya alam ang gagawin. Hindi alam kung saan tutungo.

Kung may harang na barrier ibig sabihin mas lumiit ang kikilusan ko.

Posible kayang sa bawat sulok ay may ganito?

Ano ba talagang hinahanap ko?

Hanggang sa may naisip s'ya. Naalala n'ya ang racial skill ni Alejandro. Ang dwarves blessing. It involves luck. Hindi naniniwala si Clyde sa swerte. Naniniwala s'yang ang tao ang gumagawa ng kapalaran n'ya. Kung maganda ba o pangit ang kahahantungan ng tao, s'ya ang makakapagdikta noon ayon sa mga ginawa n'yang aksyon. Pero dahil wala ng maisip, susubukan n'ya ang lahat ng meron s'ya. Ginamit n'ya 'yon.

...

Racial Skill :

Dwarves Blessing (Active) - A dwarf specific skill that permits the dwarf to give someone extreme fortune or bad luck for a minute a day.

Mana required : 10 percent.

Cooldown : Once a day.

...

Naghintay s'ya. Pero nainip s'ya ngunit wala pa ring nangyari. Maya nagdesisyon na s'yang magpatuloy. Pumunta s'ya sa kaliwa. Habang tumatakbo bigla s'yang napahinto. Lumindol ng sobrang lakas. Napasalampak s'ya sa kinatatayuan. Maya-maya lang biglang nabitak ang lupa sa harapan n'ya. Pinagpawisan s'ya ng malamig.

Bigla na lang nangako si Clyde sa sarili.

Hinding-hindi ko na talaga gagamitin ang skill na 'yon. I won't rely on luck again.

Nang tumigil ang lindol, napagdesisyunan n'yang hindi tumuloy doon. Pinili n'yang pumunta sa kanang direksyon.

Tumakbo s'ya. Habang dumadaan ang oras mas lalong dumadalas ang mga paglindol.

Hindi n'ya sinasadyang mapansin 'yon. Napalingon s'ya sa kanan ng pinahiran n'ya ang pawis sa noo. May usok sa direksyon kung saan s'ya nagmula.

Pinili n'yang puntahan 'yon kesa ipagpatuloy ang pagtakbo sa walang-katiyakan.

...

Gabi na ng nakarating s'ya sa pinanggagalingan ng usok. Nasurpresa s'ya dahil sa pagsunod sa usok, napadpad s'ya sa bahayan na una n'yang pinanggalingan. Sa bandang kanan noon, doon nanggagaling ang usok. Hindi nagawang pasukin ni Clyde 'yon ng una. Maraming nakaharang na dungeon monster noon. Pero sa pagbalik n'ya wala ng ni isang kaluluwang matatagpuan kaya madali s'ya nakarating sa liblib na lugar.

Isang maliit na kubo ang natupok. Puro usok na lang 'yon ng inabutan n'ya. Tiningnan n'ya ang paligid. Sobrang liblib nito. Walang ibang bahay na makikita sa paligid. Panay kadiliman at kasukalan. Ngunit sa harapan malayo sa kubo, may napansin s'ya. May isang lugar doon na nagliliwanag. Napagpasyahang puntahan ni Clyde ang pinanggagalingan ng liwanag.

Pagdating n'ya sa lugar, nasaksihan ni Clyde 'yon. May nagaganap na komosyon, ilang tao ang pinapalibutan ang isang kubo, nagsisipagsigawan. Base sa itsura at tindigan ng mga tao, naglalaro ang edad ng karamihan sa kwarenta pataas. Mas marami ring kalalakihan. Ilan dito ang may hawak pang mga sulo para pang-ilaw sa kadiliman.

Kumubli s'ya sa kadiliman para mag-obserba.

Pagalit na sumigaw ang nasa harapan, "Lumabas ka d'yan engkantong mambabarang!" Mukhang ang matandang lalaki ang namumuno sa mga tao.

"Labas! Huwag mo kaming pagtaguan. Patigilin mo ang pag-aalburuto ng bulkan." Segunda ng mga kasama ng lalaki.

Mas lalo silang nagpuyos ng walang sumagot sa kanila. "Lumabas ka! Kapag hindi ka lumabas d'yan susunugin ka naming ng buhay!" Banta ng mga tao.

"Umalis na kayo rito parang awa n'yo na. Walang katotohanan ang mga binibintang n'yo sa'kin." Umiiyak na pagmamakaawa ng boses ng isang babae.

Imbes na maawa dahil sa pagsagot ng babae mas lalo pang tumindi ang galit ng mga ito. "Labas! Labas! Lumabas ka!"

"Patayin na lang natin 'yan, kapag namatay yang engkantong mambabarang na 'yan malamang ay tumigil na rin ang sumpa sa bayan natin. Titigil na rin ang pag-aalburuto ng bulkan." Suhesyon ng isa sa mga taong-bayan.

"Oo nga! Tama s'ya. Patayin! Patayin!" Sigawan ng mga ito.

Umabante ang pinuno ng grupo. Sa kamay n'ya ay may isang lubid. Lumapit s'ya sa kubo. Tinali n'ya ang kahoy na pintuan gamit ang lubid.

Kumunot ang noon ng hunter. Nag-sink in sa utak n'ya ang isang bagay ng hawakan ng pinuno any kahoy na pinto. Masyadong pamilyar ang kubo. Kamukhang-kamuha ito ng entrance ng dungeon. Hindi n'ya agad

'yon napansin dahil masyadong iba ang lugar. Liblib ang kinatitirikan ng kubo sa kasalukuyan. Madamo ang lupa. Ang pinakumukubli sa bakuran ay pinagtagpi-tagping kahoy, kawayan at alambre. Hindi gaya ng sa entrance na may harang na pader na bato, madalang ang mga puno at panay lahar ang makikita mo.

Bumunot nito ang itak na nakasabit sa kanyang baywang. Pinutol n'ya ang lubid at hinigpitan ang pagkakatali.

"Anong ginagawa n'yo?" Sigaw ng babae. Pilit nitong tinutulak ang pinto. "Mga walang-hiya kayo! Mga demonyo!" Galit na turan n'ya sa mga taong umagrabyado sa kanya. "Buksan n'yo to parang-awa n'yo na." Hagulgol ng babae.

Hindi na masikmura ng hunter ang nasaksihan. Papatayin talaga nila ang walang kalaban-labang babae. Lumabas s'ya at sumigaw. "Tigilan n'yo 'yan!" Galit ang nararamdaman n'ya.

Hindi s'ya pinansin ng mga tao. Tinulinan n'ya ang paglakad para mapigilan ang abominasyong maaaring maganap.

May dalawang lalaking lumapit sa kubo na pawang may hawak na mga container. Sabay nilang binuhos ang laman sa magkabilang sulok nito. Inikutan nila ang kubo para malagyan lahat ng parte. Habang nagaganap ito, nagwawala ang babae sa loob.

Nang malapit na si Clyde ay napigilan s'ya ng isang invisible na harang. Malakas n'yang kinakalampag ito. Sigaw s'ya ng sigaw para patigilin ang mga tao sa kasamaang binabalak.

Wala s'yang nagawa. Nasaksihan n'ya ang pagtatapat ng mga ito ng sulo sa kubo. Ang matuling pagliliyab ng kubo. Ang hinagpis ng babae at ang tawanan ng mga taong sumunog dito.

Napaluhod na lang si Clyde sa harapan ng walang nagawa hanggang sa matapos 'yon at mag-alisan ang mga nakatawang taong-bayan.

Matagal bago natauhan at hunter sa pagkabigla.

Nang matauhan napansin n'yang nawala na ang pumipigil sa kanyang harang. Nilapitan n'ya ang kubo, pero ng lumapit s'ya hindi na ito sunog. Buong-buo pa iyon.

"Tao po!" Paulit-ulit na tawag ng hunter habang iniikutan iyon. Walang namang sumagot sa kanya. Maya-maya pa, may mga letrang mahiwagang lumabas sa harapan n'ya.

...

Maligayang pagdating manlalakbay.

Upang makaakyat sa susunod na palapag kailangan mong ulitin ang nasaksihan. Inaasahan ko ang iyong tagumpay.

...

Nagdilim ang mukha ni Clyde. Naunawaan n'ya ang pahiwatig ng mensahe. Gusto nitong gawin n'ya ang ginawa ng taong-bayan. Nanginig sa galit ang katawan ng hunter. Napilitan s'yang ilabas sa storage ang lubid, itak at contains ng gasolina.

Napilitan s'yang gawin 'yon. Tinapos n'ya 'yon na punong-puno ng galit sa dungeons.

Wala s'yang nagawa dahil 'yon ang rule ng dungeon.

Sisirain ko lahat ng dungeons.

Sumpa ni Clyde sa sarili.

Nang matapos ang ginawa, napatingin s'ya sa paligid. Biglaan na lang lumiwanag ang langit. Masyadong matuling nagliliparan ang mga ibon. Matuling gumagalaw ang araw. Ang umaga ay naging katanghaliang tapat. Nagdilim ang langit. Hindi dahil sa gabi na. May mga nagbabagsakang kung ano sa langit. Lumindol ng malakas. Lumiwanag sa direksyon ng Pinatubo.

Bigla na lang nahilo ang hunter at nagdilim ang paningin.

...