webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
29 Chs

Chapter 7, part 2 : Mga pagyanig, stampede at witch hunt

Kinaumagahan, marahang inayos ng hunter ang tinulugan bago pa man sumilay ang haring-araw. Maaga s'yang nagising sa pagtilaok ng mga manok at huni ng mga ibon.

Nag-inat muna s'ya bago tuluyang iligpit ang tent at itago sa system storage.

Sa ika-apat na araw, sa ikalawang palapag ng dungeon, nakalaylay ang mga balikat at mabagal na naglalakad si Clyde. Tila ba ay wala s'yang inaalala. Animoy naglalakad lang s'ya sa isang parke at relax na relax. Marahil naging panatagan ang kanyang loob sa bagong skill na nabili.

Nang makita n'ya ang unang lupon ng mga dungeon monster ay palukso-lukso pa itong lumapit. Isang grupo ng mga alimango ang masiyang sinalubong n'ya.

Gaya ng dati, inumpisahan n'ya ang laban sa paggamit ng divine pull ni Alejandro. Sinundan ito ng isang bouncing soul creepers. Napasinghap na lang s'ya sa paghanga. Paano ba naman, kahit mabilis ang kilos ng mga alimango ay tinatamaan pa rin sila ng mga orb. Naisip ni Clyde na parang homing-missiles ang mga orbs. Masyadong mataas ang accuracy nito. Garantisado ang 100 percent hit rate.

"Hmm?" Inboluntaryong reaksiyon ni Clyde. Napapikit pa ang isang mata n'ya sa pagdududa.

Tinamaang naman n'ya lahat ng target, subalit hindi pa rin namatay ang mga alimango tulad ng mga naka-engkwentro kagabi.

Tumakbo palayo si Clyde. Papasugod kasi ang mga alimango. Sinundan n'ya iyon ng divine pull para pwersahang mapasunod ang mga halimaw. Hindi katagalan nakakita siya ng isa pang grupo ng mga alimango.

Nilakihan pa n'ya ang mga hakbang palapit sa mga bagong dating. Nang nasa tamang distansya na, pinagamit n'yang muli kay Alejandro ang divine pull.

Nang naipon na ang dalawang grupo ng mga alimango, mabilis s'yang umatras para makuha ang tamang pwesto at maging angulo para pakawalan ang ultimate skill na bouncing soul creepers.

Sa pagkakataong iyon ay naka-instant kill s'ya. Mas nakumbinsi tuloy s'ya sa kanyang espekulasyon. Na kapag lima o mas mababa ang bilang ng kalaban ay mas mahina ang nagagawang damage noon. Pero dahil sigurista si Clyde ay minarapat n'yang siguraduhing tama ang hinala sa ilan pang labanan.

Di naglaon nasiguro na n'yang tama nga 'yon. Naging natural na rin sa kanya ang pag-iinitiate ng soul cleansing. Naging habit na rin ang paglalagay ng mga bangkay sa system storage.

"Let's return the favor, shall we?" May kumikinang na matang deklarasyon ni Clyde.

Nagsimula ang kumosyon sa malawak na kapatagan. Sobrang dami ng serye ng mga habulan. Ang kaibahan lang nito sa nakaraang mga araw ay nabaligtad ang sitwasyon. Sa umpisa si Clyde ang desperadong tumatakbo para sa buhay n'ya. Samantalang sa ngayon ay nagkukumahog na ang mga alimangong umalis para hindi sila mapatay ng hunter.

Nasolusyunan n'ya na rin ang problema ng pagiging solong hunter. Dahil sa isang skill lang ang kanyang weak point ay naging strong point n'ya na.

Nagugustuhan na rin n'ya ang pagiging mage type.

Nag-eexcel kasing talaga ang mga mage sa one versus many na mga sitwasyon.

Naadik sa pagha-hunt si Clyde.

Hindi na kasi s'ya huminto sa paghabol sa mga dungeon monster. Liban na lang kung siya ay napagod o kailangang mag-replenish ng kanyang health o mana.

...

Tirik na tirik ang araw habang busy sa pag-hunt si Clyde.

Pero katagalan may kakaibang naramdaman si Clyde. Para bang something is off. Masasabi mong hunter's intuition. Ilang beses na rin s'yang nailigtas ng pakikinig n'ya sa warning ng intuition n'ya bilang hunter.

Binagalan n'ya ang kanyang hunting speed. Imbes na mag-ipon ng dalawa hanggang tatlong grupo ng mga alimango ay isang grupo na lang s'ya nagpo-focus.

Kapag isang grupo lang, hindi n'ya kailangan mag-concentrate masyado. Magkakaroon pa s'ya ng pagkakataong i-observe ang kanyang paligid.

"Bouncing soul creepers!" Tira n'ya. Gaya ng dati, tinamaan lahat ng kalaban.

Ginamit n'ya ang pagkakataong 'yon para mag-obserba.

Bahagya s'yang tumingala. Ang mga dahon sa matatayog na puno ay masiyang umiindayog ng paulit-ulit sa ihip ng maalinsangang hangin.

Ang mga ibon sa himpapawid ay langkay-langkay na nagpupulasan.

Binaling n'yang muli ang atensyon sa mga kalaban. Natapos na kasi ang bouncing soul creepers.

Ang disadvantage lang ng paglaban sa isang grupo ay hindi ito efficient.

Kailangan pa n'yang muling gumamit ng isa pang bouncing soul creepers para tuluyang magapi ang mga alimango.

Kahit inefficient, minarapat n'yang ipagpatuloy ang mas mabagal na hunting para mag-obserba pa. Wala s'yang nakitang clue o napansing kakaiba sa una.

Perl ng matapos ang paglaba sa anim na grupo ay may napansin na s'yang kakaiba.

Sa lahat ng ito, ang mga nakakita sa kanyang mga alimango ay matuling tumatakbo patungo sa kanya.

Doon sa ikatlong grupo naisipan n'yang obserbahan muna ang pagsugod sa kanya ng mga ito. Nagulat s'ya sa natuklasan. Nilagpasan s'ya ng mga ito na parang hindi s'ya napapansin.

Sa ikaapat na grupo, parehas pa rin ang reaksyon. Ang kaibahan lang, sinugod ni Clyde mula sa likuran ang mga alimango. Nang ginawa n'ya 'yon, agresibo s'yang sinugod ng mga ito.

Sa ikalima at ika-anim ay dinagdagan n'ya ang bilang ng grupong inaatake. May ibang agresibong sumugod sa kanya. Ang iba naman ay hindi pinansin ang atake n'ya at patuloy pa rin sa pagpulas.

Matapos noon, napagtanto n'yang ang mga alimangong kalaban n'ya ay hindi agresibong sumusugod sa kanya. Parang disoriented ang mga ito. Mga natataranta.

Ang mga ito ay tumatakas sa kung anumang nakakatakot na bagay.

Ito nga. Ito 'yung dahilan kung bakit hindi ako komportable midway sa pagha-hunt ko. Pero ano 'yon? Ano 'yung tinatakasan nila?

Para bang si Clyde ay tinutuya.

Ang sagot sa tanong sa kanyang isipan ay kusang nagpakita sa kanya.

"Dyoskopo!" Gulat na hiyaw ni Clyde. Naunsyame ang kanyang pagha-hunt at pag-iisip.

Bahagya s'yang napa-squat. Napatukod ang kanang kamay sa lupa. Pilit binabalanse ang sarili.

Bigla na lang kasing nagkaroon ng may kalakasang pagyanig.

Lumilindol.

"Kalma Clyde! Kalma!" Paulit-ulit na bulong ni Clyde. Talaga namang nagulat s'ya sa nangyari. Kumakabog ang dibdib n'ya.

Huminga s'ya ng malalim at bumuga.

Masasabi mong si Clyde ay isang cowardly type na tao rather than a hunter.

Human nature na ang matakot sa kamatayan o kung anumang threat sa kanilang buhay.

"Inhale! Exhale!" Paulit-ulit na gawa ni Clyde na unti-unting nagpabagal sa naghuhuramentado n'yang puso.

Kahit na hindi masyadong cool, in the end, si Clyde ay isa pa ring hunter. Ang pagiging veteran hunter is an amazing accomplishment on its own.

Ang mga nagtatagal na hunter ay maaaring sabihing mga taong who surpassed their human limits.

Habang lumilindol, dahan-dahang pinapaling ni Clyde ang katawan. Ina-assess n'ya ang sitwasyon.

Matindi at pwersahang wumawagayway ang mga puno.

May ilang mga ibong bumagsak sa lupa at namatay dahil sa lindol.

Ang posisyon ko ay hindi gaanong kasama.

At least hindi ako mababagsakan ng mga puno.

Kailangan ko lang pakiramdaman kung mabibiyak ang lupang kinaroroonan ko.

Pinagpapawisan s'ya ng malamig. Namumutla ang mukha at labi. Nanunuyo ang lalamunan. Bahagyang nanginginig ang kalamnan. Pero kahit na kabado, nagawa pa rin niyang pakalmahin ang sarili sapat lang para makapag-isip ng maayos.

Ang kakayahang i-supress ang takot sa isang helpless na sitwasyon ay isa ring talento. Isang hard earned talent.

Hindi man ito kasing kamangha-mangha ng sa mga exceptional hunters, tulad sa mga rank S hunter, mga hunter na walang takot at may kaakibat na lakas, counted pa rin ito bilang valuable talent.

Sa hanay ng mga hunters, maraming malalakas at walang takot, pero maagang namamatay dahil sa katangiang 'yon. Sinusubukan nilang lagpasan ang mga pagsubok nila gamit ang pwersa at hindi pinag-isipan ang posibleng kahihinatnan.

Sa kaso naman ng mga normal na tao, hindi hamak na mas marami ang natalo sa buhay dahil hindi nila kayang talunin ang takot at tanggapin ang failure. Ang iba hindi na muling nakabangon pa. Ang mas malala, ang iba naman ay mas pinili pang takasan ang kanilang takot sa pagkitil sa kanilang sariling buhay.

Ang talentong ito ni Clyde na i-supress ang takot ay ang tanging dahilan kung bakit n'ya nalulusutan ang bawat dungeon na pinapasok n'ya.

Nagmumula naman ang talento n'yang ito sa malakas n'yang mental fortitude. Sa matinding pagnanasa n'yang mag-succeed sa buhay. Wala s'yang pakialam kung tawagin s'yang duwag ng iba. Gagawin n'ya ang lahat to cling to his life. Hindi s'ya pwedeng mamatay dahil merong umaasa at naghihintay sa kanya sa labas. Na-develop n'ya ito dahil sa lahat ng nalusutan n'yang mahihirap na pinagdaanan sa buhay.

Kung may magsasabi naman kay Clyde na kaya n'ya lang nakuha ang holymancer system ay dahil sa swerte, hinding-hindi s'ya sasang-ayon doon.

Eto ang magiging sagot n'ya.

"Kaya ako nasa tamang lugar at panahon para makuha 'yon ay hindi dahil sa swerte."

"Nakuha ko 'yon dahil nagsumikap ako."

"Hindi ako sumuko kahit gaano pa kahirap ang mga pinagdaanan ko."

"Hindi ako sumuko kahit ilang beses pa akong muntikang mamatay."

"Kahit na sa bawat pagpasok ko sa dungeon ay nangangamba ako para sa buhay ko."

"Kaya ko nakuha 'yon dahil sinulat ko ang sarili kong kapalaran."

"Pwinersa ko ang swerteng 'yan sa'kin."

Walang makapipigil sa kanyang abutin ang mga inaasam basta maging tama lang ang paggamit n'ya sa holymancer system. Mabubuhay rin s'ya ng mas matagal kapag tinambal sa ugaling ito ni Clyde.

Makalipas ang ilang segundo, tumigil na rin ang paglindol. Pakiramdam ni Clyde ay sobrang tagal ng mga pagyanig.

...

"Ano kayang bibilhin ko para rito? Dapat under sa lightning/thunder type category." Nanliliit na matang tanong ni Clyde sa sarili. Nakatingin siya sa shop ng holymancer system.

Common sense na piliin n'ya ang lightning element. Iyon ang pinaka-appropriate sa kakalabanin at environment. Paniguradong highly effective 'yon sa mga makakalaban.

Nakatayo siya hindi kalayuan sa ilog. Doon s'ya unang nakipaglaban sa unang araw n'ya sa palapag. Balak n'yang makipag-rematch sa mga magugulang na bangus na puro tago sa tubig ang ginagawa.

...

Remaining balance :  239, 600 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 11

Mana potions (S) : 9

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

Swift crabby corpses : 322

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 11

Stats :

Health : 100/100

Mana : 450/450

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 20

Intelligence : 45

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [7/180]

- Holymancer Summons [17/225]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

...

Nag-gain si Clyde ng isang level. Ngunit sa dami ng nagapi n'yang kalaban, sa tingin n'ya may kabagalan ang pagle-level-up n'ya.

Siguro may kahati kasi s'ya sa experience at pito pa ito? Nagsipag-level-up na rin ang anim sa pito ng tig-iisa.

Pero nababagalan talaga s'ya sa pag-level ni Alejandro?

Nababahala kasi s'ya para sa future battles n'ya. Mahihirapan s'ya sa mga laban kung may mga kalabang kayang basagin ang depensa ng duwende na kanyang main tank.

Kahit pa sabihing meron s'yang OP na crowd control skill at equipment, kung stuck s'ya sa low level, hindi mate-take advantage ng duwende ang pagiging OP noon.

Siguro nga disadvantage 'yung zero ang opensiba ni Alejandro. Paano kaya n'ya sosolusyunan iyon?

"Tsk! Tsaka ko na nga lang iisipin 'yon. Distraction lang 'yang problemang 'yan. Problema 'yon sa future, so I should deal with my present trouble." May frustration sa boses na saad ni Clyde.

"Kainis naman kasi. Bakit ba kasi hindi ko makausap ng matino si Alejandro? Bago ko s'ya maging ganap na summon, alam kong capable s'ya ng communication. Hindi tulad ng anim na simpleng mga gestures lang ang kaya. After ko s'yang maging summon, kailangan pang bigyan ko s'ya ng specific instruction. Kung hindi naman, it's either madalas mali ang ginagawa n'ya o hindi talaga s'ya kikilos at all. Anong nangyari sa talino niya before? Imagination ko lang ba 'yon? Hindi ko tuloy s'ya matanong kung bakit ang bagal n'ya mag-level-up." Kunot-noong reklamo ni Clyde.

Iniling n'ya na lang ang ulo n'ya. Sabi nga n'ya, future problems should be solved in the future.

...

[System Shop]

Are you sure you want to buy lightning barrage for 100, 000 gold?

👉 Yes or No?

...

Pinili n'ya ang yes.

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

Lightning barrage (Lv. 1) (New!)

...

Lightning barrage (Lv. 1)

- Summons five continuous lightning strikes in random positions to completely wreck havoc in the designated area.

Mana required : 100 mana points

Cooldown : 30 seconds

...

Napangiti si Clyde sa nabasa. Sa description pa lang, mukhang malakas na.

...

Remaining balance :  139, 600 gold

...

Are you sure you want to buy (10) binding scrolls for 100, 000 gold?

👉 Yes or No?

...

Remaining balance :  39, 600 gold

...

Ginamit n'ya ang lahat ng mga binding scroll para i-bind ang sampung bagong summons.

...

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [17/180]

- Holymancer Summons [17/225]

Name : Fried crabby (1)

Race : Swift crabby

Level : 3

Stats :

Health : 150/150

Mana : 50/50

Str : 15

Vit : 15

Agi : 25(3)

Int : 5

Per : 5

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Swiftness (Passive) - In exchange for their small stature and dumbness, their agility is greatly boosted by an additional five percent.

Individual :

Crabster - This little crab has the tendency to pull a prank on any given time.

Skill arsenal : 3 slots open

Slot 1 :

Passive :

Metal carapace - The user invalidates ineffective attacks towards his shell.

Active :

Iron claw - The user can cut hard objects as if it is butter.

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Na-satisfy si Clyde sa pagkakaroon ng sampung bagong permanenteng summon. Medyo worried lang s'ya sa individual skill ng isa sa mga swift crabby.

Nagmamadaling naglakad s'ya tungo sa ilog. Ayaw n'yang mag-aksaya ni katiting na oras.

Dapithapon na kaya't nagbabadya ng lumubog ang araw. Bago man lang lumipas ang araw ay nais masubukan ni Clyde kung gaano kaepektibo ang biniling lightning type na skill.

Bothered din kasi s'ya sa paglindol kanina. Matapos kasi noon lumindol pa ulit ng mas mahina. Dalawang beses. Ang isa nga, akala n'ya sa una ay nahihilo lang s'ya.

Hindi n'ya pwedeng baliwalain iyon. Kadalasan kasi, karamihan ng pangyayari sa dungeons ay may kaakibat na pakahulugan. Maaaring warning o clue ito sa totoong objective sa loob ng dungeon floor.

Hinala n'ya may time limit sa palapag na ito.

Hindi pa naman s'ya nakakaranas ng ganoong uri ng dungeon.

Bago kasi s'ya pumasok sa dungeon na ito, palagi lang s'yang sa class E dungeon raid sumasali.

Ang class E dungeons ang pinakamadali.

Isa lang naman kasi ang objective ng lahat ng class E dungeons. Iyon ay talunin ang final boss na walang time limit.

Nagpapasalamat na lang s'ya at babad s'ya sa hunter site. Nag-iipon s'ya ng mga necessary knowledge sa forum. Hindi kasi s'ya kailanman sumuko. Naniniwala s'yang balang-araw makakatuntong din s'ya sa mas mataas na klaseng dungeon.

Isa nga sa mga nakita n'yang halimbawa ay may time limit.

Naka-classify ang mga dungeon na may time limit sa special dungeon category.

Ang worst type na nakita n'ya ay disaster type dungeon.

Usually, class A o S dungeon nag-a-appear 'yon. Ang sabi sa forum, kapag hindi nakuha ng isang raid group ang clue na 'yon, ang level of difficulty ng dungeon ay maaaring tumaas ng more than ten times.

Ang disaster type dungeon ay na-consider na worst type dahil kadalasang nagfa-fall 'yon sa worst special type.

Ang instance dungeon. Base na rin sa ginamit na term, instance, ang uri ng dungeon na ito ay gumagamit ng mga certain events or objectives na dapat ma-trigger para ma-solve ang dungeon. Meron pa ngang mga pagkakataong nagre-reenact ang dungeon ng parte ng kasaysayan.

Base 'yon sa nabasa n'ya sa forum.

"Hindi naman siguro." May pilit na tawang pagtanggi ni Clyde sa naisip.

Nang nakapwesto, nagsimula ng mag-chant si Clyde. "Lightning barrage!"

Maiging naghintay ng may antisipasyon si Clyde sa mangyayari. Nag-uumpisa na s'yang mainip ng masaksihan n'ya 'yon.

Ang mata n'yang naninitig sa ilog ay napaangat at namilog. Nakita n'ya kasi ang repleksyon noon sa tubig. Asul na ilaw. Saktong pagtingala n'ya ay bahagyang napaangat ang mga balikat n'ya sa gulat. Dumagundong ang langit.

Napapikit si Clyde.

Kasabay ng nakabibinging ingay, gumuhit ang nakasisilaw na liwanag mula sa langit tungo sa tubig. Matapos noon, apat na beses n'ya pang muling narinig ang kaparehas na tunog.

Sa pagtahimik ng paligid, muling iminulat ng hunter ang kanyang mga mata. Namilog ang mga ito sa pagkamangha. Bumuka ang kanyang bibig. Maraming naglalakihang bangus ang nakalutang na sa ilog. Pawang mga nawalan na ng mga buhay.

Napahigop s'ya ng malamig na hangin.

Inumpisahan n'yang bilangin ang mga nakalutang. Agad din naman n'ya itong tinigilan. Na-realize n'ya kasing masyado iyong marami. Sa palagay n'ya, mahigit isang daan o higit pa ang naroon.

Napaisip s'ya ng malalim.

Paano kung isa ako sa tinamaan noon?

Kinilabutan ang hunter sa inisip.

Sa susunod na gamitin ko ito, mas ididistansya ko muna ng kaunti ang sarili.

Nagigimbal na paalala ng pobreng hunter sa sarili.

Nang nakabawi sa pagkagulat at bahagyang takot, napalitan ng saya ang kanyang nadarama. Pinagkumpara n'ya ang bouncing soul creepers at lightning barrage. Sa kanyang power scale, hindi hamak na lamang ang lightning barrage. Mas matagal lang ang cooldown nito.

Namulsa ang hunter. Hindi kaya nadaya lang ako sa presyo ng bouncing soul creepers? Tanong ng hunter sa sarili.

Hindi!

Masyado pang maaga para husgahan ko ng pandaraya ang system.

Obserbahan muna natin.

Siguro naman, there's more to it than what meets the eye... right? right?

I wasn't ripped off, right?

...

Tinitigang mabuti ni Clyde ang ilog. Inisip n'ya kung paano sisiguruhing ligtas ng languyan ang ilog, para kolektahin ang mga bangkay.

Habang naghahanap ng ideya sa paligid, nahagip ng mata n'ya ang isang swift crabby. May isang ideya naglaro sa isipan n'ya. Medyo nag-aalangan nga lang s'ya. Balak n'ya kasing ibato ang isang alimango para masuri kung ligtas na ang tubing mula sa kuryente.

Siguro naman makakalangoy ang alimango, 'no?

Hindi ba masyadong brutal?

Pwede ko namang i-unsummon 'yon kung hindi kayang lumanggoy, 'di ba?

Kesa naman ako, 'pag namatay ako, patay din sila.

Masinsinang pangungumbinsi ni Clyde sa sarili.

Pinalapit ni Clyde ang alimango. Walang pasabing dinampot n'ya iyon at walang pag-aatubiling binato sa tubig.

Pagkadapo pa lang sa tubig ng alimango ay agad din itong nagapi.

Ang ibang alimango ay nanginig sa gilid.

Matapos noon ay naghagis muli si Clyde.

Sa panglimang tapon ni Clyde, nabuhay na ang alimango.

Iyon na ang hudyat para lumusong s'ya.

Pagkalusong ng hunter, agad din n'yang inumpisahan ang soul cleansing at pagkolekta sa mga bangkay.

Pagkatapos ng pangongolekta, inulit muli ni Clyde ang proseso. Tira ng lightning barrage. Pagbato ng swift crabby upang tiyaking ligtas na ang ilog. Huli, paglusong para i-soul cleanse at kolektahin ang mga bangkay.

Tatlong beses lang nagawa iyon ni Clyde. Nang matapos n'ya ang ikatlo, tuluyan ng sumapit ang kadiliman. Wala na s'yang magagawa kundi ang huminto.

Humanap s'ya ng malapit na pagtatayuan ng tent para tulugan. Hindi naman s'ya nabigo. Nang makapag-ayos, kumportable s'yang nahiga sa loob ng tent. Kasunod noon ang pagtingin n'ya sa resulta ng huling hunt.

Napangisi s'ya sa galak.

Hindi na masama.

...

Remaining balance :  834, 000 gold

...

[Storage]

Health potions (S) : 11

Mana potions (S) : 8

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

Swift crabby corpses : 322

Spoiled milkfish corpses : 1324

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 12

Stats :

Health : 100/100

Mana : 500/500

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 20

Intelligence : 50

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [17/200]

- Holymancer Summons [79/250]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

Lightning barrage (Lv. 1)

...

Good mood si Clyde kasi up-to-date ito ang pinaku-successful n'yang hunt. Sa maikling panahon nakapatay s'ya ng mahigit isang libong dungeon monsters. Ang mas nakakamangha pa, kinailangan n'ya lang ng tatlo atake para magawa 'yon.

Meron din s'yang 62 na bagong summons kahit na temporary pa lang ang mga 'yon.

Idagdag mo na ring nadagdagan s'ya ng isang level. Pati ang mga summons n'ya ay nadagdagan ng at least isang level maliban sa bagong mga summon, ang spoiled milkfish.

Hindi mo rin pwedeng makalimutan ang isang dating summon.

As usual si Alejandro 'yon, pero ang good news nakakita na ng solusyon si Clyde mula sa shop. Medyo may kamahalan nga lang ang skill na tumataginting na 1, 000, 000 gold. Pero masyadong maliit na kabayaran ang 1, 000, 000 gold kumpara sa pagkakaroon ng limitless potential ni Alejandro bilang tank.

Ang pinakamagandang balita sa lahat ay 200, 000 gold na lang ang kulang n'ya para mahusto ang 1, 000, 000 gold.

Nate-tempt s'yang i-bind ang mga bagong summon. Ngunit pakiramdam ni Clyde mas beneficial sa kanya ang skill na 'yon for the long run.

Sinuri n'ya ang impormasyon sa mga bagong summon. Dahil hindi sila nabubuhay sa lupa, iniwan ni Clyde ang mga spoiled milkfish sa ilog.

...

Name : Daing (1)

Race : Spoiled milkfish

Level : 7

Stats :

Health : 200/200

Mana : 250/250

Str : 5

Vit : 20

Agi : 25

Int : 20

Per : 15

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

- Holymancer Attribute

Racial :

Spoiled milkfish (Passive) - A race of fish that loves pulling pranks and annoying their target. Those that were marked by their spoiled milkbeam greatly excites them. They were twice as fast at chasing after their marked targets. 

Individual :

Skill arsenal : 2 slots open

Slot 1 :

Passive :

Crafty swimmer (Max Level) - The user would be good at using and maneuvering his preferred environment to his advantage.

Active :

Spoiled milkbeam (Lv. 1) - A long-range liquid attack that deals moderate damage to the target. This attack main purpose was to mark their target by hitting with that spoiled liquid.

Mana required : 7

Cooldown : 1 second

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

-

Title :

The one who have been named.

- This has the effect of increasing the highest stats. of the named creature by five percent as long as he is fighting alongside his master.

...

Sa kalagitnaan ng kadiliman, sa loob ng isang payak na tent ay may bahagyang liwanag. Sa loob noon ay malalim na natutulog ang isang hunter.

Ang kanang braso ni Clyde ay nakaputong sa kanyang noo. Makikita mo sa itsura niya na siya ay nahihimbing sa pagtulog. Ang kanyang paghinga ay payak.

Ngunit ano-ano'y bigla na lang napakislot ang hunter.

Tila baga'y hirap na napaungol si Clyde. "U...um!"

Ang kanyang mga talukap ay paulit-ulit na kumikibot. Ang kanyang mga kilay ay nagsalubong.

Kasabay noon ay ang marahang pag-ugoy ng lupa. Napabangon si Clyde mula sa mahimbing na pagtulog. S'ya ay pawisan. Init na init. Nananakit ang ulo ng hunter dahil sa pag-ugoy sa kanya ng lupa.

"Kainis naman!" Paungol na bulalas ng hunter.

Talaga namang hindi komportable ang pakiramdam n'ya. Sinusubukan n'yang numakaw ng pahinga. Hangga't maaari nais n'yang mabawi kahit kaunting enerhiya mula sa nakakapagal na araw. Nag-umpisa ng ma-build-up ang fatigue sa sunod-sunod na araw ng labanan.

Isama mo na rin ang biggest factor. It is starting to kick-in. Ang fear of uncertainty. Nagiging anxious na s'ya dahil alam n'yang something is brewing. Nananadya pa yata talaga ang lindol ngayon. Para bang pinapaalalahanan s'ya. Parang pinararating ang mensaheng, "I am coming to get you."

Nang huminto na ang lindol, muling nahiga ang hunter.

Natulog s'ya.

O mas tamang sabihing sinubukan n'ya.

...

Sumilay ang ikalimang umaga sa ikalawang palapag.

Magiliw na binati ni Clyde si Alejandro. Tinapik pa nga n'ya ang balikat ng duwende. Binantayan s'ya nito kagabi sa labas ng tent.

Pero kung mapapansin, bahagyang lumaki at umitim ang mga eyebag ni Clyde.

Okay lang kaya ang hunter?

Magiging okay kaya si Clyde?

...

Hindi n'ya sinayang ang kanyang oras. Nagpunta s'ya sa ilog. Agaran n'yang itinuloy ang naudlot na pagha-hunt.

Plano ni Clyde makuha ang skill na sagot sa problema ni Alejandro. Kung papalarin, gusto n'ya sanang umangat muli kahit isang beses pa ang kanyang level bago ituloy ang pag-abante sa dungeon. Naging seryoso at tahimik si Clyde.

He means business.

Hindi nagtagal malalakas na dagundong ang umalingawngaw sa dungeon.

...

Masaya n'yang natapos ang plano.

...

[Storage]

Health potions (S) : 11

Mana potions : 5

Gigantic rat corpses : 100

Great worm corpses : 100

Killer cockroach corpses : 100

Swift crabby corpses : 322

Spoiled milkfish corpses : 3, 506

...

Nakapatay pa s'yang muli ng 2, 182 na spoiled milkfish.

...

Remaining balance : 2, 143, 200 gold

...

Binili n'ya agad ang skill na 'yon para kay Alejandro.

...

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Grade : Minion

Level : 2

Stats.

Health : 525/525

Mana : 120/120

Str : 30

Vit : 33(+2)

Agi : 10

Int : 12

Per : 10

Undistributed stat points : 0

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

- Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

- Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

- Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

- The boost is a hundred percent of every summon individual.

- Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Dwarves Blessing (Active) - A dwarf specific skill that permits the dwarf to give someone extreme fortune or bad luck for a minute a day.

Mana required : 10 percent.

Cooldown : Once a day.

Individual Skill :

Indestructible (Passive) - Gives full immunity to all kinds of indirect and internal type of attacks or spells. Resistance to all abnormalities including poison resistance. The user also has a very fast automatic recovery of his health. In exchange, the user cannot learn attack skills and would always have 0 offensive potential forever.

Skill Arsenal : 5 slots open

Slot 1 :

Passive :

Juggernaut (Max level) - Increases the user's health by 50 percent.

Active :

Divine Pull (Strongest Crowd Control/Level 1) - A broken ability for a vanguard. Indiscriminately draws the aggro of enemies within a kilometer with the user as the center. The aggro would be removed if the following conditions were met; the user or the targets is dead.

Mana required : 10

Cooldown : 10 seconds.

Slot 2 :

Passive :

Stronghold (Lv. 1) - Increases the user's vitality by five percent.

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 4 :

Passive :

Treaty of equality (Max level) - Two chosen individuals would enter the said treaty. Within the treaty, the two combines both their experiences and distributes it equally among each other.

Active :

(Empty)

Slot 5 :

Passive :

(Empty)

Active :

Self-Heal (Lv. 1) - Recovers health proportionate twice the amount of intelligence.

Mana required : 50

Cooldown : 20 seconds

...

Pinili ni Clyde na hatiin sa kanilang dalawa ang kanyang experience gain. Siguro naman solve na ang problema ni Alejandro sa level?

...

Remaining balance : 1 ,143, 200 gold

...

Bumili rin s'ya ng 100 binding scrolls.

...

Kanina ng naggising si Clyde, napansin niyang nawala ang mga nakuha n'yang summon kagabi. Mahigit 60 mga spoiled milkfish 'yon. Curious s'ya kung namatay ba ang mga 'yon sa ilog. Kung alam ba ng mga spoiled milkfish na ang ibang kauri nila ay iba sa kanila? Pero kung titingnan ang resulta, mukhang nalaman ng mga ito ang pagkakaiba. Tanong din ni Clyde sa isip n'ya kung saan napunta ang mga nawalang summon.

Pinili n'yang 50 lang munang binding scrolls ang gamitin para sa mga bagong spoiled milkfish.

...

Remaining balance : 143, 200 gold

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 13

Stats :

Health : 150/150

Mana : 500/500

Strength : 10

Vitality : 15

Agility : 20

Intelligence : 50

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [67/200]

- Holymancer Summons [92/250]

Skills :

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

Lightning barrage (Lv. 1)

Treaty of equality (Max level)

...

Nilagay n'ya sa vitality ang 5 stat points. Masyadong mahina ang depensa n'ya sa kanyang opinyon. Katibayan noon ang braso n'yang may bawas na laman. Sa tingin n'ya, sapat pa rin naman ang kanyang current firepower.

...

Nagmadali s'yang baybayin ang pamilyar na daanan patungo sa bahayan sa dungeon. Muli n'yang uumpisahan ang naudlot na labanan.