webnovel

High School Zero

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy Pendleton's adventures to become number one! *Written in Filipino/Tagalog language*

AlesanaMarie · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

Chapter Fifty-Four

"Nawawala si Tammy!!!" sigaw ni Willow matapos pumasok sa security room kung saan nandoon si Nix.

Nagulantang si Nix nang biglang makarinig ng malakas na pagsigaw sa kanilang tahimik na security room. Hawak niya ang kanyang dibdib sa sobrang gulat. Nang makita ni Nix ang kaibigan ni Tammy, bigla siyang nakaramdam ng deja vu. Parang nangyari na ito noon.

Lumapit ang babae sa kanya at niyugyog ang kanyang braso. "Hanapin mo si Tammy! Tumawag ka ng pulis! Paano kung may dumukot sa kanya?! Bilisan mo!" "Kumalma ka nga," sabi ni Nix sa nagpapanic na babae. Bakit ba palagi itong nagpapanic pagdating kay Tammy? Parang palaging mawawalan. "Baka nag-cr lang."

"Wala siya sa cr, hinanap ko na siya roon!" sabi nito saka napatingin sa napakaraming screens. "Bilisan mo, hanapin mo siya!"

Huminga nang malalim si Nix saka umupo sa harap ng mga screens na binabantayan niya. Imposible naman na biglang mawala si Tammy nang hindi nagpapaalam sa kaibigan nito.

Napuno tuloy siya ng tanong. Ano kaya ang nangyari? Bakit nito biglang iniwanan ang bestfriend nito?

Sa paghahanap, nakita niya si Tammy.

Ah...

Nablanko ang isip ni Nix nang makita si Tammy na nakasakay sa likod ng isang lalaki.

Naka-hood. Naka-mask.

"HAHAHA!" bigla siyang napatawa sa nakita. Sa wakas nahuli ka na rin, boy! Wala ka nang kawala ngayon! "HAHAHA!"

"Ano'ng tinatawa mo? Nakita mo na ba si Tammy?"

"Hindi. May nakita lang ako'ng bata na nakikipaglaro ng taguan."

Tinignan ni Willow si Nix na parang nababaliw na ito.

"Hanapin mo si Tammy! Wala ka bang pakialam sa kanya?!" sigaw ni Willow.

"Nakita ko na siya!"

"Huh? Nasaan? Nasaan?" Hinanap ni Willow sa screen si Tammy ngunit di niya makita sa dami ng mga tao.

Tumayo si Nix at naglakad palabas ng security room.

"Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan si Tammy. Sasama ka ba?" tanong ni Nix na hindi na hinintay ang sagot ni Willow. Umalis na siya kaagad.

"Hintayin mo ako!"

***

Pumasok sina Tammy at Blue sa isang bakanteng classroom sa building ng mga seniors. Hindi inaalis ni Tammy ang kanyang tingin sa malapad na likod ng binata. Nakahanda siyang tumakbo ano mang oras na tangkain ng lalaki na tumakas.

"Blue," tawag ni Tammy. "Sa tingin ko, oras na para sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo ako maharap."

Tila walang narinig si Blue. Lumapit ito sa bintana at binuksan ang sliding na salamin. Pumasok ang malamig na hangin mula sa labas. Tinanaw niya ang mga tao di kalayuan.

Napunta ang tingin niya sa mga batang masayang kumakain ng cotton candy at naglalaro ng bubble blower.

Bakit hindi niya maharap si Tammy? Nakalimutan na ba nito ang nangyari?

***

Sa isang malawak na silid, nagkalat ang ilang piraso ng puzzle. Isang batang lalaki ang nakatuon ang buong atensyon sa pagbuo nito. Isa isa niyang hinanap ang mga nawawalang piece saka niya idinidikit sa mga katabi nito.

Tok tok tok

"Senyorito, may bisita po kayo," anunsyo ng isang kasambahay.

Napatigil sa pagdampot si Blue sa piraso ng puzzle. Napatingin siya sa pinto.

"Hi Blue!" masiglang bati ng isang batang babae. Kaagad itong pumasok sa silid at tumatakbong umupo sa kanyang tabi. "Puzzle? Magaling ako dyan! Palagi naming ginagawa ni Papa 'yan."

Tinignan saglit ni Tammy ang puzzle at hinanap ang mga magkakakulay. Inipon niya ang mga ito sa isang tabi at idinikit ang mga magkaka-ugnay. Nakabuo siya ng isang imahe ng munting aso.

"Tignan mo, may nabuo ako!" anunsyo ng bata sa katabing si Blue.

Hindi siya pinansin ni Blue at nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Wala ka bang pattern? Ano ba ang buong picture?" tanong niya saka hinanap ang box ng puzzle. May nakuha siyang kahon ngunit wala roon ang pattern na kanyang hinahanap.

Tinignan niya ulit ang binubuo ni Blue. Una nitong binuo ang apat na gilid ng puzzle saka inuunti unting buuin.

Tinulungan niya si Blue. Dalawang oras ang ginugol nila sa pagbuo ng malaking puzzle. Kalahati palang nito ang kanilang natatapos.

Bumukas ang pinto at sumilip mula roon ang isang matandang babae.

"Tammy, hali ka na. Uuwi na tayo."

"Yes po, Nanny!" Tumayo si Tammy saka tumingin kay Blue. Ngumiti siya. "Bye bye. Sa susunod, ipakita mo sa akin kapag nabuo mo na!"

Hindi sumagot si Blue at nagpatuloy lang sa pagbuo ng puzzle. Nang sumarado ang pinto, huminto siya. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Mula roon ay pinanood niya ang pag-alis ng sasakyan ng batang si Tammy.

Simula nang magkakilala sila noong birthday party niya, palagi na itong dumadalaw sa kanya. Magtatagal lang ito ng dalawang oras bago umuwi kasama ang Nanny at mga bodyguards nito.

Kung minsan ay gusto ni Blue na tumigil ang orasan upang hindi na ito umuwi. Pero katulad ng iba, kailangan din nitong umalis.

Lahat ng tao ay aalis sa tabi niya. Ito ang palagi niyang iniisip. Hindi magtatagal, magsasawa rin ito sa kanya katulad ng iba. Kaya naman mas mabuti pa na hindi nalang siya makipag-lapit.

"Blue, nag-enjoy ka ba ngayong araw?" tanong ng kanyang ama habang nasa harap sila ng hapagkainan. "Ang sabi ng yaya mo, dumalaw ulit dito si Tammy. Naglaro ba kayo?"

Tinignan ni Blue ang kanyang ama saka siya tumango.

"Kung gusto mo siyang puntahan sa bahay nila, sabihin mo lang sa yaya mo. Ikaw ang lalaki, dapat ay ikaw ang dumadalaw. Baka makahanap ng ibang kalaro iyon, mag-sisi ka." Bumuntong hininga ito.

Bumalik sa pagkain si Blue. Alam niya ang pinupunto ng kanyang ama. Hindi lihim sa kanya na dapat ay Mama ni Tammy ang pakakasalan nito. Aksidente niyang narinig ito mismo sa kanyang Lola noon.

Pero paano ang kanyang Mama?

Simula pagkabata ay hindi nakilala ni Blue ang kanyang sariling ina. Maaga itong namaalam pagkasilang sa kanya.

Nang magka-isip siya, iba't ibang babae na ang kinilala niyang ina. Mga babae na dapat ay pakakasalan ng kanyang ama ngunit sa hindi niya malamang dahilan, hindi natutuloy.

Palagi itong inirereklamo ng kanyang Lola sa kanyang ama.

'Tumatanda ka na. Hindi ka na bata. Kailangan mo nang magpakasal. Kailangan ng ina ng anak mo.'

Mabait sa kanya ang mga babaeng ipinakikilala sa kanya ng ama niya. Madalas ay nagdadala ang mga ito ng regalo. Madalas ay binibisita siya at nakikipaglaro sa kanya. Pero bigla nalang silang naglalaho nang walang paalam.

Sa dalas ng pangyayaring ito, nakasanayan na niya ang maabandona ng mga babaeng nagpakita ng pagmamahal sa kanya.

Pagmamahal?

Siguro ay hindi siya ang minahal ng mga ito kung hindi ang kanyang ama.

Kinabukasan. Umuulan.

Nakatingin si Blue sa bintana. Sobrang lakas ng ulan sa labas na may kasama pang kulog at kidlat.

"Blue, hindi raw makakarating ngayon si Tammy," anunsyo ng kanyang yaya. "Gusto mo talaga siyang kalaro, ano? Gusto mo ba siyang puntahan sa bahay nila?"

Napatingin si Blue sa kanyang yaya. Nakangiti ito sa kanya nang malumanay.

Makalipas ang ilang segundo, mabagal siyang tumango.

May isang oras ang layo ng bahay nina Tammy sa kanila. Nang makarating siya sa bahay ng mga ito, huminto na ang ulan.

Pinagmasdan niyang mabuti ang labas ng bahay. Mas maliit ito kaysa sa bahay na tinitirahan niya. Simple lang ang disenyo nito at may dalawang palapag.

Bumukas ang pinto at sinalubong sila ng yaya ni Tammy.

"Senyorito Blue. Naku siguradong matutuwa si Tammy kapag nakita ka."

Pumasok sila sa loob ng bahay. Kaagad na narinig ni Blue ang tawanan ng ilang bata.

Pumunta sila sa kusina. Nakita ni Blue ang tatlong batang babae na kasama ni Tammy. Masaya sila sa ginagawa nila roon.

"Blue!" gulat na tawag ni Tammy nang makita siya. May icing ito sa mukha ganoon din ang mga kalaro nito.

Kabaliktaran ng saya ni Tammy, hindi masabi ni Blue ang nararamdaman niya. Bukod sa kanya, may iba pa itong kalaro. Bukod sa kanya, may iba pa itong kaibigan.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya. Parang may nawala sa kanya bigla. Ang kanyang laruan na iniingatan ay makikita niyang dinudungisan ng iba.

Hindi nagtagal si Blue sa bahay nina Tammy. Umalis din siya makalipas ang kalahating oras. Binigyan din siya nito ng mga cupcakes na ginawa nito.

Hindi niya matagalan ang ingay at walang hanggang tanong ng mga kasama nito. Ganito ba talaga kaingay ang mga bata?

Nagtaka siya bigla. Bakit kay Tammy ay hindi siya naiinis kahit na marami rin itong tanong sa kanya?

Naalala niya ang bilugan nitong mukha na parang siopao at mga mata nitong kulay abo. Mapuputi nitong ngipin na palagi niyang nakikita kapag ngumingiti ito sa kanya.

Para itong isang.... maliit na hayop na pwede niyang ibulsa anumang oras. Kung sana nga ay isa nalang itong maliit na hayop na pwede niyang itago.

Gusto niya itong ilagay sa isang lugar na siya lang ang makakakita. Sa isang lugar na wala itong pwedeng takbuhan at taguan.

Dumaan ang ilang araw at mga buwan. Hindi namalayan ni Blue na isang taon na ang lumipas simula nang magkakilala sila ni Tammy.

Ginawa niya ang lahat upang makuha ang atensyon ni Tammy. Bumibili siya ng mga bagong laruan, nagtatanim ng mga bagong bulaklak sa hardin. Anumang bagay na makaka-engganyo rito na puntahan siya madalas.

"Come fishy fishy," ang sabi ng anim na taon na si Tammy sa goldfish.

Ang isda sa maliit na bowl ay regalo kay Blue ng isang babae na palaging kasama ng kanyang ama nitong mga nakaraang araw.

Ang sabi ng kanyang Lola, malapit na raw siyang magkaroon ng Mama. Hindi alam ni Blue kung ano ang mararamdaman nang marinig iyon.

"Blue, ang talino ng goldfish mo!" bigay puri ni Tammy sa isda saka binigyan ng pagkain. "Sana meron din akong goldfish. Pero hindi pwede dahil baka kainin siya ng pusa ni Lola."

Gamit ang dalawang kamay ni Blue, gumawa siya ng mga senyas.

'Pwede kang pumunta rito kahit kailan mo gusto para makita siya.'

"Gusto ko rin. Kaso mag-uumpisa na akong pumasok sa school! Hindi na ako makakapunta rito madalas," malungkot nitong sabi.

Homeschooled si Blue. Ang mga teachers niya ay nakikita lang niya online. Galing sa iba't ibang bansa ang mga ito. Ang lola niya mismo ang pumili ng mga magiging guro niya. Itinuturo sa kanya araw araw ang foreign languages, arithmetic, world history, arts, at economics. Dalawang beses sa isang linggo naman ay pumupunta ang kanyang martial arts teacher sa kanilang bahay.

Kahit na busy siya, mayroon parin siyang oras na inilalaan para kay Tammy. Ngunit ngayong papasok na ito sa eskwelahan, siguradong mababawasan ang mga araw ng pagdalaw nito.

Dumaan ang mga araw at linggo na hindi pumupunta si Tammy sa kanilang bahay.

Pakiramdam ni Blue ay may dumadagan na mabigat sa kanyang dibdib. Sa pagdaan ng mga araw, mas bumibigat ito hanggang sa hindi na siya makahinga.

Iniwan na rin ba siya ni Tammy nang walang paalam katulad ng iba?

Napuno ng negatibong bagay ang kanyang isip. Sino ba ang magtyatyaga sa isang batang katulad niya na hindi makapagsalita?

Dumaan ang buong isang bwan na hindi niya nakikita si Tammy. Wala siyang lakas ng loob na puntahan ito sa kanila. Kung makikita niya ulit itong masayang nakikipaglaro sa iba...

Napatingin siya sa goldfish. Kinuha niya ang glass bowl nito. Lumapit siya sa bintana, binuksan iyon, saka itinapon ang bowl sa labas.

CRASH!

Hindi niya kailangan ang mga bagay na walang silbi sa kanya.