webnovel

Chapter Fifty-Three

"Ito na ba ang Pendleton High?"

"Yes Boss, ayon kay Boogle Map, ito na nga 'yon."

Ilang teenagers na sakay ng kani-kanilang motorsiklo ang nakatingin sa nakabukas na gate ng Pendleton High.

May ilang tao na halatang hindi estudyante ang pumapasok sa school.

Nag-sindi ng sigarilyo ang Boss ng grupo na si Hanson saka bumaba sa kanyang motor. Sumunod sa kanyang likod ang apat na lalaki. Naglakad sila papasok ng Pendleton High.

Bagong kick-out sa school sina Hanson at ang kanyang mga taga-sunod. Nahuli sila ng kanilang teacher na muling nakikipag-away sa labas ng school. Hindi na dapat iyon papansinin ng teacher, ngunit naka-ilang warning na ang school sa grupo ni Hanson na iwasan makipag-away.

Sa totoo lang, sawa na ang school na makatanggap ng reklamo mula sa ibang school. Kadalasan ay grupo ni Hanson ang nauuna sa away. At ang mga dahilan ng away ay dahil lang sa maliliit na bagay; masamang tingin, mabangga sa paglalakad, pag-agaw sa natipuhang babae at iba pa.

Dahil dito, hindi na natagalan pa ng school ang gulo na dala nina Hanson. Ni-recommend ng school si Hanson at ang grupo nito sa Pendleton High.

Maganda na ang reputasyon ng school ngayon dahil sa pagkapanalo nito sa National Quiz Bee. Hindi na kumontra pa ang mga magulang ng limang kabataan.

Nagmasid sina Hanson sa paligid at nagpatuloy sa paglalakad.

"Boss! Ang gandang chick!"

Tumingin si Hanson sa tinitignan ng kasama niya. Nakita niya ang pinaka-magandang babae na nakita niya sa buong buhay niya.

Only you~

Can make this world seem right~

Only you~

Can make the darkness bright~

Biglang tumugtog ang kanta sa isip ni Hanson nang makita niya ang dalaga. Para itong bituin sa langit na kumikislap para sa kanya. Nakaramdam siya ng biglang pagbilis ng tibok ng puso.

Kaagad niya itong nilapitan at nagpakilala. Ipinakita niya ang kanyang mapuputing ngipin.

"Hi Miss, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" malapad ang ngiti niyang tanong.

Abala si Hanna Song sa pagkuha ng picture na ipo-post niya sa kanyang social media nang may lumapit sa kanyang mukhang hambog na lalaki.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.

"Ew. Get away from me, you freak," umismid siya rito at naglakad palayo.

"F*ck," mura ni Hanson habang nakatingin sa papalayong babae.

"Ano Boss? Abangan na natin sa gate."

"Tatawagan ko na ba yung iba pa para maghanda?"

"Lakas ng loob non na sabihan ka ng freak ah, Boss. Hindi ka niya kilala."

"Ano na Boss? Sabihin mo lang, hihilahin ko 'yon para turuan ng leksyon."

"Shut up! Hwag nyo siyang gagalawin," sabi ni Hanson saka sinundan ang dalaga.

***

Mainit ang tingin ng grupo ni Helga sa tatlong babae. Paano ay nagtapon ang mga ito ng papercups sa puno imbes na sa basurahan.

Bilang myembro ng rumorondang disciplinary party – pilit na inatas ng Vice Principal sa bawat estudyante ngayong festival – sila ang nagbabantay sa kalinisan at kaayusan ng festival. Bawal ang manggulo, bawal din ang magkalat – tungkulin nila na i-ayos ang mali.

Ngunit ang tatlong babae, napagsabihan na nga niya hindi parin natinag. Ayaw pulutin ng mga ito ang basura na ikinalat.

Problema talaga ang basura sa mga festivals. Kung saan saan itinatapon ang pinagkainan, bahala na kung sino ang maglilinis at hindi na nila problema. Napaka-tamad maghanap ng basurahan.

Ito ang iniiwasan ng Pendleton High na mangyari dahil hanggang gabi pa ang festival. Hindi maganda kung hapon palang ay kalat na ang basura. Kaya naman naglagay na ng maraming trash bins ang school nila.

Iritadong iritado si Helga, ayaw talaga niyang nakakakita ng dumi. Ilang hakbang lang naman ang layo ng basurahan sa mga ito. Bulag ba ang mga babaeng ito para hindi iyon makita?

"Ikaw ang nakaisip eh di ikaw ang pumulot!" sagot ng malditang tila pentelpen ang ginamit sa kilay.

Nangangati na ang mga kamay ni Helga. Gusto niyang sampalin ang bruha.

"Hindi lang naman kami ang nagtapon sa puno ah. Bakit kami ang pinagti-tripan ninyo?" sagot ng isa pang babae.

"Oo nga, kami lang ang hinuhuli ninyo e ang daming nagtapon dyan."

Malutong na nagmura si Helga sa kanyang isip. Gusto niyang pilipitin ang leeg ng mga ito. Ang mga stupida. Ang mga bobo. Ang mga tonta. Ang mga cancer sa lipunan na dapat iligpit.

Tinandaan niyang mabuti ang mukha ng tatlong babae. Paaabangan niya ang mga ito sa labas at sasabuyan ng holy water para luminis ang kaluluwa!

Mas lalo pang nainis si Helga dahil may mga tao na nanunuod at mukhang naisipan pang kunan ng video. Malapit nang pumutok ang ugat niya sa noo dahil sa sobrang inis.

"What's happening here?"

Tila musika ang boses ng dumating na lalaki. Nawala ang mga volcanic ashes at napalitan ng cherry blossoms.

"King Nino," masayang tawag ni Fatima.

"OMG si King Nino," bulong ni Lizel na namumula ang pisngi.

"King, nahuli namin silang nagtatapon ng basura!" sumbong ni Helga sabay turo sa tatlong babae.

Ang tatlong babae naman ay tila na-starstruck sa kagwapuhan ni Nino.

"Bad girls, pick up your trash and throw it in the trash bin." Tinuro ni Nino ang trash bin di kalayuan sa kanila. Mukha itong prinsipe sa suot nitong puting long sleeves button down shirt at light blue pants. Hindi nawawala ang puting panama hat nito.

"Ah. Hehehe... o-opo kuya," sagot ng babae at hinawi ang buhok saka pinulot ang mga basura nila.

Biglang naging maamong tupa ang mga ito. Pati na rin ang iba pang basura ay kanilang pinulot.

Sumimangot si Helga sa narinig. Bakit tila nagpapa-cute pa ang mga ito na parang dalagang Pilipina? The f*ck?

***

"Si King Tammy 'yon, ah!" turo ni Bo sa tumatakbong dalaga.

Napalingon si Banri mula sa binabaril na target. Sumablay ang kanyang tira at muntik matamaan ang nagbabantay ng booth.

"Sorry!" hinging paumanhin ni Banri saka nilapag ang baril. Lumapit siya kina Bo at Gun.

"Saan?" tanong ni Banri.

"Nawala na, pumunta siya sa kabilang building," sagot ni Gun.

"Sa building ng mga seniors?"

"Oo, doon ata sya pupunta."

"Hoy Banri, saan ka pupunta?" tanong ni Gun nang tumakbo bigla si Banri.

"Malamang susundan ang kanyang forever," nakangising sagot ni Bo.

"Walang forever!"

"Inggit ka lang, hahaha!"

"Gago."

"Tara sundan natin."

"Chismoso."

"Chismoso eh nauuna ka pa saakin maglakad?"

"Paano, napaka-bagal mo. Baka mawala na 'yon."

"Ay sus."

***

"Blue!" tawag ni Tammy sa papalayong lalaki.

Nang marinig nito ang boses niya kaagad itong tumakbo nang matulin. Para itong hinahabol ng aso kung titignan.

Nakaramdam ng kaunting insulto si Tammy sa loob niya.

"BLUE!" tawag ulit niya saka hinabol ang lalaki.

Hanggang kailan ba siya balak takbuhan nito? Bakit ba hindi siya nito maharap? May nagawa ba siyang kasalanan? Napaka-tagal na nilang hindi nagkikita, hindi niya matandaan.

Inis niyang hinabol ang lalaki. Binilisan niya at nagawa niyang abutin ang suot nitong hoodie. Gamit ang buo niyang lakas, hinila niya ang suot nito.

"Stop running away from me already!" sigaw niya saka niya tinalunan ang likod nito. "I finally caught you!" malakas niyang pahayag. Sa wakas ay nahuli rin niya ang binata.

Hindi katulad ng inaasahan ni Tammy, hindi kumibo ang lalaki. Hindi ito gumagalaw at tila na-estatwa sa kinatatayuan. Ang tanging palatandaan na buhay ito ay ang mabilis nitong paghinga.

"Blue?" nagtataka niyang tawag.

Huminga nang malalim si Blue saka naglakad habang sakay si Tammy sa likod nito.

***

Pinanood ni Banri mula sa malayo ang papalayong si Tammy na nakasakay sa likod ng isang misteryosong lalaki. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nasapo niya ang kanyang dibdib. Ang sakit sakit sa dibdib, gusto niyang maiyak.

May humawak sa kanyang balikat.

"Tol..." bulong ni Gun. "Okay lang yan. Wala talagang forever."

"Gago nito, magtigil ka nga!" awat ni Bo. "Banri, baka naman friends lang."

Pero malabo. Wala namang kaibigan na lalaki si King Tammy. Hindi ito malapit sa mga lalaki. Ang tanging nakikita lang nila na umaaligid dito ay sina King Nino at King Gavin. Ngunit maging sa dalawa ay mailap ang King nila. Tila wala itong ibang nakikitang iba. Ang alam lang nilang nakakalapit dito ay ang kaibigan nitong babae na si Willow.

Ngunit ngayon, masasaksihan nila ang ganitong eksena? Mahirap hindi isipin na may relasyon ang dalawa.

"Baka...pinsan?" hula ni Gun saka napahawak sa batok. Hindi niya alam kung paano aayusin ang atmosphere.

Nakayukong naglakad si Banri. Bigla siyang may nakabangga.

"Ho ho? Dito ka pala pumapasok, Tiger? Tignan mo nga naman ang pagkakataon," maangas na sabi ng nakabangga ni Banri, walang iba kung hindi si Hanson.

Narinig ni Banri ang palayaw niya sa ring, Tiger. Tinignan niya ang lalaki. Namukhaan niya, si Boa.

"Boa, ang ganda ng dating mo. Naghahanap ako ng ka-sparring ngayong mainit ang ulo ko," mala-demonyong ngumisi si Banri. Namumula ang mga mata na tumingin sa kalaban.

Hindi alam ni Hanson kung bakit bigla siyang tinaasan ng balahibo sa katawan. Bakit parang kakaiba ang angas ni Banri ngayon? At bakit ang pula ng mga mata nito?

"Hey, hey." May umakbay kina Banri at Hanson. Biglang bumigat ang atmosphere. "Mind if I join you boys? Let me join the fun, yes? Both of you againts me. How about it, ah? Good?"

"K-King Gavin!" sigaw nina Bo at Gun. Nagulat sila sa pagdating ng hari ng mga third years. Kanina pa ba ito? Bakit gusto nitong sumali sa away nila? Hindi naman ito pala-away?

"I'm in a really foul mood, you see. I need to vent," matamis ang ngiti ni Gavin habang nakatingin sa dalawang lalaki ngunit ang mga mata nito ay parang sa mabangis na hayop. "Ahh, I am so mad, I'm gonna go crazy. F*ck."

Sino ba ang hindi maiinis kung ang hinihintay niyang pabukang bulaklak ay pipitasin lang pala ng iba? Sana ay matagal na niya itong kinuha at inilagay sa kanyang hardin upang walang makaagaw.

Ang akala niya ay si Nino ang kanyang magiging kaagaw. Iba pala ang dapat niyang binantayan. F*ck.

Next chapter