CHAPTER 7
JAMILL
PAGKAUWI KO sa apartment na tinutuluyan ko ay nagulat pa ako ng bahagyang nakabukas ang pinto ko.
May pumasok bang magnanakaw dito? Ano namang nanakawin nila? Tss.
Pagkapasok ko ay nasagot na din ang katanungan ko, dahil nakita ko si Melanie na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa ko, habang ang dalawang paa ay nakapatong pa sa lamesa.
Mukhang di niya naramdaman ang pagdating ko dahil busy siya sa pag-papak ng itlog na maalat.
Ano na naman kayang ginagawa ng babaeng ito dito?
Pinag-krus ko ang braso ko, "Why are you here?"
"Ano ba! Nakarinig----Jammy!" Saka siya tumalon-talon saka yumakap sa akin ng mahigpit. "Akala ko naman kung sino na naman ang nag-iingles!"
Tinignan ko lang siya, pero mukhang di niya na naman sasagutin ang tanong ko dahil nagsimula na naman siyang dumaldal, "Oh? Anong nangyare? Bakit parang pinagsabugan ang pagmumukha mo? Saka pwede pala ang naka-pula sa school niyo? ano Valentines? First day of school naka-red? Baka naman sinabuyan ka nila ng itlog dun sa pag-aakalang birthday mo?" Sunod-sunod niya na namang salita, kaya tumungo muna ako sa kusina at sumalok ng tubig, "Ano nga, Jam? Bakit hindi ka naka-uniporme? Akala ko pa naman bawal ang hindi naka-uniform sa school niyo, sana pala hindi na ako bumili."
Natigilan ako sa pag-inom ng dahil sa sinabi niya, siya din ay agad napatakip ng bibig. "Anong sinabi mo, Melanie?"
Napalunok naman siya saka dahan-dahang tumayo bago ako niyakap sa gilid ko, "Jam? Gusto mo ng ice cream?"
"Wag mo kong daanin diyan, Melanie. Sagutin mo ang tanong ko."
Napabitaw naman siya saka ngumuso, "Kasi, Jam.." Napakagat pa siya sa labi.
"Kase?"
Muli siyang kumagat ng itlog na maalat, "Napatalsik kasi ako sa South.."
"Bakit? Anong ginawa mo?"
"Hindi naman ako yung nauna no! Saka nakipag-sapakan lang naman ako kase alam mo naman ang ugali ng mga yon diba? Kunwari tatahi-tahimik pero mga tarantado naman. Tapos ako pa ang napalabas na nauna dahil iyak-iyakan ang eksena nila 'don, e kilala tayo don na basagulera kaya ako yung naparusahan!"
"Tapos?"
"Edi, napatapon ako...sa East." Saka siya ngumiti ng malaki.
Napabuntong hininga na lang ako, "Sigurado ka bang sa East ka napatapon? O sa East mo piniling pumunta?"
Muli na naman siyang ngumuso, "E, siyempre kung may pupuntahan naman ako na school doon na lang sa school kung nasaan ka! Syempre ano pa't magkasangga tayo sa lahat ng bagay kung lalayo pa ako!"
Napailing na lang ako, sino bang makakapigil sa isang Melanie na gawin ang gusto niya? Tss.
"Ang tatay mo?"
Tumayo naman siya, "Wag ka ng mag-alala don! Hindi niya naman alam na sa East ako---I mean hindi niya naman alam na sa East ka napatapon!"
"Tss." Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad papasok ng kwarto pero di pa man ako nakakapasok ay nauna na si Melanie humiga sa kama ko.
"Oh ano na? Sagutin mo na ang tanong ko. Bakit naka-pula ka?"
Dahil batid ko namang mangungulit lang ng mangungulit 'tong babaeng 'to ay kinuwento ko na sa kaniya ang buong pangyayari sa akin ngayong araw, simula nung itulak ako ni Lampa, nung hilahin ang upuan ko, nung tinapunan niya ako ng pagkain maging yung nangyari nitong huli.
"Ganon?!" Agad niyang reaksyon pagkatapos kong ikuwento, "Aba Grabe naman pala ang taong yun? Anong itsura? Panot ba? Mataba? Maitim? Sabi mo gangster, edi bungi yon, o di kaya bungal? Ano? Mukha bang unggoy?"
Natawa naman ako sa mga deskripsyon niya, "Basta, pag may nakasalamuha kang lalaking payatot na may kasamang tatlong alipores niya, siya yun."
"Apat sila? So, leader nila yung sinasabi mong Lampa?"
"Hmm." Tumango naman ako.
"Grabe naman pala yung ginawa sa iyo! Hindi ko ki-neri yun ah? Feeling gwapo ba? Sabi mo kasi tinulak ka e!"
"Hmm, mayabang." Tugon ko.
"Eh, anong reaksyon nung sinabihan mo ng ako ang papatay sayo eneme, saka nung sinuntok mo ang pader? Gulat ba?"
"Mm. Lumaki nga mata e."
"Astig! Iyan ang gusto ko sa iyo e! Palabarn." Saka siya sumuntok-suntok sa hangin na parang nakikipag-suntukan talaga, "Oh! Bigla tuloy akong na-excite pumasok!"
"Baka nakakalimutan mo, bumagsak tayo sa South dahil sa pakikipag-basag ulo, baka gusto mong napatalsik ule?"
"Hindi naman ako makikipag-basag ulo, parang na-eexcite lang naman pumasok!"
"O siya, lumabas ka na sa kwarto ko. Patahimikin mo ang buhay ko."
Padabog pa siyang tumayo, "Gusto mo ng tahimik na buhay? Halika patayin kita."
"Tss, unahan kita."
Tumawa naman siya ng malakas, "Tse! O sige ikaw na magaling sa patayan, pero akin na lang mga maalat na itlog mo dun ha?!"
Binato ko naman siya ng unan, "Siraulo! Stocks ko yun, bumili ka na lang tarantado ka!"
"Tarantado ka din!" Sigaw niya pa bago tuluyang tumakbo palabas.
"Melanie, wag mong kukunin mga itlog ko diyan!" Sigaw ko pa.
"Wala kang itlog, tanga!" Sigaw niya pa pabalik kaya napailing-iling na lang ako saka humiga na sa kama.
Kailan kaya ako magkakaroon ng katahimikan sa buhay? Hmm.