webnovel

CHAPTER 8

CHAPTER 8

JAXON

MABILIS AKONG natapos sa pagkilos  para sa pagpasok dahil baka hindi ko na naman maabutan ang Mommy ko. Nagmamadali na akong bumaba, pero imbes na si Mommy ay si Nay Loleng ang nadatnan ko na naghahain ng almusal.

Baka tulog pa?

Si Nay Loleng na ang tumayong pangalawang nanay ko, Simula maliit ako ay siya na ang nag-alaga sa akin. Buti pa siya, laging nasa tabi ko.

"Anak, andiyan ka na pala. Halika na, kumain ka na."

Tipid na ngiti na lang ang tinugon ko saka walang buhay na naglakad papunta sa lamesa, "Where's Mom, 'Nay?"

Napatingin naman siya sa akin saka bumuntong hininga, "Maagang umalis ang Mommy mo e, kailangan niya daw agad magtungo sa kompanya niyo dahil--"

"Another problem at the company?" tanong ko pa na tinanguan niya, "Unting problema lang, pupunta agad siya. Pero, pag sakin wala siyang oras."

Hinawakan naman ako ni Nay Loleng sa balikat, "Anak, intindihin mo na lang ang mommy mo. Nahihirapan din kasi siya dahil sa nangyari sa kanila ng daddy mo."

"Bakit ako 'Nay? Hindi ba? Hindi ba ako nahihirapan?" mapait kong sabi.

Nag-divorce kasi ang mga magulang ko, isang taon na ang nakakalipas, at dahil mama's boy ako, nanatili ako dito sa Philippines with my Mom, while my Ate stays with Daddy in US. Simula ng maghiwalay sila, I feel like I am alone. Kase, nawalan na ng time sa akin si Mommy, nagpakalunod siya sa trabaho to be easily moved on, without her knowing na meron pa siyang anak na naghihintay palagi sa kaniya.

I really hate life.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay 'Nay Loleng at umalis na sakay ng kotse.

Habang nagda-drive papunta sa EHA, di ko parin maiwasang isipin ang mga nangyayari sa pamilya namin.

Kung di kaya nagkahiwalay si Mommy at Daddy, masaya kaya kami? Siguro, lagi pa rin kaming nagbabangayan ng ate ko, at pag-uuwi ako galing sa school ay sila ang makakasabay ko sa pagkain.

Siguro..

Halos mapasubsob ako sa manibela sa lakas ng pagkaka-preno ko dahil may babae akong muntik-muntikan ko ng mabangga, bigla-biglang kasing tumatakbo e.

Nag-dadrama pa ako e, bakit biglang may tatakbo diyan? Tsk, muntikan na.

Bababa na sana ako ng kotse para tulungan ang muntik ko ng mabangga pero nagulat ako ng bigla niyang hampasin ng malakas ang kotse ko, kaya ibinaba ko na lang ang salamin ng kotse ko.

"Hoy! Bumaba ka ngang tanga ka!" Narinig kong sigaw niya, kaya bumaba na talaga ako ng tuluyan. "Ang bobo mo naman mag-drive! Muntik ka pang makapatay!"

Lasing ba siya?

Kumunot naman ang noo ko, "Excuse me? Patay agad?"

"E, bakit hindi ba ha? Muntik na yun, unti na lang mababangga mo na kong hinayupak ka!"

Is she crazy?

"As far as I know, ikaw yung tumatakbo diyan ng biglaan, buti nga hindi pa kita binangga e."

"Wow, so dapat ko palang ipagpasalamat sa 'yo na hindi mo ko binangga, e kung sapakin ko kaya ang ngala-ngala mo?!"

Nangunot lalo ang noo ko, "What did you say? Ngala-ngala?"

Tinignan ko ang kabuuan niya, nakasuot siya ng uniform ng South High, pero hindi pantay-pantay ang pagkaka-butones nito, kaya nakikita ang puti niyang sando sa loob ng damit.

Bigla niyang tinakpan ang dibdib niya, "Bakit mo ko tinitignan ng ganun? Manyak ka!" Saka niya ako pinaghahahampas.

"Sandale! Sandale!" tumigil naman siya sa paghampas sa akin, "What are you talking about?"

"Anong what are you talking about, konyatan kaya kita Jan! Manyak ka e."

Konyatan? What's that word?

"Excuse miss, I'm not manyak okay? I'm just shock with your uniform? Because you looks like a rape victim."

"Sinasabi mo ba na ang panget panget ko ngayon ha! Ang kapal ng mukha mo ah!"

Napailing naman ako, "No, that's not what I mean. I mean, ah nevermind."

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa babaeng 'to na ang gulo talaga ng hitsura niya, at mukha talaga siyang na-rape.

"Mga lalaki nga naman ngayon! Kunware, mamamangga, pero  ganiyan galawan ng mga maniyak e, hindi na bago sa akin yun! Kaya wag mo kong inuuto-uto."

Napabuga na lang ako ng hangin, "Look, I am not like that okay? At di ko type ang mga katulad mo no?"

"Ay, wow. May pa-type type ka pang nilalaman diyan. Ang mga manyak na lalake kahit mataba pinapatos!"

Is she really from South? Kasi sa pagkakaalam ko ang mga taga-South, sila ang mga tinuturing na huwarang mag-aaral. Tahimik raw ang mga naroon at halos di makabasag-pinggan. But, this girl? She's really the opposite of those description.

"Hoy! Kanina ka pa tumititig sa akin ha? Siguro pinagbabalakan mo ko ng masama no?"

Di ko na mapigilang matawa, she's really assumera.

"Manyak! Manyak! Tulong may maniyak! Maniyak!" Nagulat ako sa biglang sigaw niya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya at hinila papasok sa sasakyan.

"Hoy! Sinasabi ko na nga ba at manyak ka e! Anong balak mong gawin sa akin, ha?!" Tinakpan niya pa ang dibdib niya, "Bakit mo ko dinala dito!"

"Of course, sumigaw ka ba naman dun, mamaya isipin pa ng iba roon na talagang minamanyak kita, which is not and will never happen."

"Wow, parang ipinaparating mo naman na di ako kamanyak-manyak na tao."

Napaawang ang bibig ko, "So, gusto mong maging kamanyak-manyak na tao?"

"Tse! So, bakit nga ako nandito?"

"Ihahatid na lang kita sa school mo, bayad ko na lang sa muntik ko ng pagkakabangga sa yo." Sarakastiko kong saad saka lumipat na sa driver's seat at pinaandar na ang makina.

Bakit ko nga ba ihahatid 'tong babaeng 'to.

Napatingin ako sa kaniya at napa-preno na naman ako sa gulat ng isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng suot niyang uniporme.

"Ano ba!" Pagsigaw niya pa, "Bakit mo naman hininto? Muntikan pa ako ma-untog."

"What do you think you're doing?" Inis ko ng tanong sa kaniya, "Hindi mo ba naiisip na lalake pa rin ako at naghuhubad ka diyan sa tapat ko?"

"FYI, lalake. Sa tabi mo ko naghuhubad, hindi sa tapat mo."

Napaamang ang bibig ko, "Are you crazy? It's still the same!"

"Sus ang arte, sabi mo di ka manyak." Saka siya bigla-biglang lumipat sa backseat. "Oh, dito na lang ako magbibihis, pwede na ba?"

"Bakit kasi magpapalit ka pa?"

"Duuh, hindi naman kasi ako taga-South, taga-East ako!" Proud niya pang sabi kaya lalo akong napatanga.

So, are we schoolmates? What a very coincidence.

"Oh ano? Doon ka na tumingin sa daan. Mabilis lang ako magbihis."

Napailing na lang ako at sinimulan na paandarin ang kotse.

Really? Hindi ba pwedeng humanap muna siya ng restroom at doon magpalit? Kanina galit na galit siya, akala niya pa minamanyak ko siya, tapos ngayon magbibihis dito sa loob ng kotse ko.

She is really crazy.

"Iyan, tapos na!" Saka siya muling lumipat sa front seat, saka dumekwatro na parang lalake.

"Hey!" Pagsaway ko pa sa kaniya, pero di siya nakinig, "Ayusin mo nga ang upo mo, babaeng upo Miss."

"Tsk, ang arte mo naman. Kayong ngang mga lalake kapag nakadekwatro kayong pambabae ay di namin kayo pinapakealaman! Sari-sariling buhay lang yan 'tol! Walang pakealamanan."

"Gosh, you're really crazy."

Inirapan niya lang ako saka walang sabi-sabing pinindot ang music sa loob ng kotse ko. Napailing na lang ako at di na pinansin at nagpatuloy na lang sa pagda-drive.

"I love you every minute, every second.. I love you every where and any moment, always and forever I know, I can't let you go, I'm in love with you and now you know! Oh! Yeah!" Pagsabay niya pa sa kanta habang nagdadance-move pa.

"Though sometimes, when life brings me down.. Sumabay ka!" Kinalabit niya pa ako, "In a bad rainy day, you take all the worries awaaay. Heeey, heeey, hey!"

Natakpan ko ang kabila kong tainga sa lakas ng boses niya na sintunado pa. Tch.

"Always and forever i knoooow!" Muli niyang pagkanta ng malakas, or should I say pagsigaw? Parang di naman kasi siya kumakanta e. Saka siya tumingin sa akin, at ginawa pang mic ang kamao niya, "I'm in love with you, and now you know."

Di ko alam kung bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko doon sa lyrics ng kanta, pero ipinag-sawalang bahala ko na lang yun at ipinagpatuloy na ang pagda-drive.

"Oops!" Bigla niyang sabi kaya pinahinto ang kotse ko, saka bumaling sa kaniya, "Hanggang dito na lang ako!" Saka siya nagtuloy-tuloy sa pagbaba.

"Thank you sa paghatid ha!" Sarkastiko kong sigaw sa kaniya.

"Walang anuman!" Sigaw niya pa saka tuluyang tumakbo papasok sa gate ng school.

Another weird girl.