webnovel

Simula ng Palabas (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata at tumingin sa natutuwang Mo Qian Yuan.

"Nakakulong ang Yu Lin sa loob ng Palasyo, at akala ng mga tao ay may mga traydor sa kanila. Humingi sila ng tulong sa akin para ilabas sila!" Sabi niya ng may tuwa. Alam niya ang plano ni Jun Wu Xie. Tinago niya ang hukbo at hinintay na mas paboran si Mo Qian Yuan ng mga mamamayan.

Sa harap ng kahigtan, ang paghatid ni Mo Qian Yuan ng pangremedyo sa mga tao at pagtanggap niya ng puri ang nakatapos nito. Ang suporta galing sa mga mamamayan ang bumura sa kanyang masamang reputasyon.

Nagplano si Jun Wu Xie ng pagbabago ng rehime, ngunit mahal rin niya ang reputasyon ng Palasyo ng Lin. Kaya naman, hinihintay niya ang opurtunidad, na ngayo'y binigay sa kanya ni Bai Yun Xian, hindi ba't nakakabastos pag tinanggihan pa niya ang alay ng bata?

Ngayon, Si Mo Qian Yuan at ang hukbo, ay may tamang rason para pumasok sa Palasyo!

Kapag sinubukan silang pigilan ng Emperador, malala ang parusang matatanggap niya.

Ang krimen ng paglason sa buong bayan, kahit ang Emperador ay hindi makakalaban!

"Ganon." Sumagot si Jun Wu Xie, naaabala sa lotus.

Namumula sa tuwa ang mukha ni Mo Qian Yuan, "Paano ka kalmado? Hindi ka ba masaya?" Hindi ito inakalang mangyayari ni Mo Qian Yuan, at ang nagplano ng lahat ng ito ay si Jun Wu Xie!

Nakahanda na ang lahat. Ang hukbo ay may rason na para pasukin ang Palasyo, at madali nalang ang mga susunod.

Maabot na ni Jun Wu Xie ang kanyang mga layunin, paano niya nagagawang maging kalma?

"Matuwa? Bakit?" Nagtataka si Jun Wu Xie.

Hindi alam ni Mo Qian Yuan ang sasabihin niya.

"Ito ang plano, walang dapat ikatuwa." Bumalik si Jun Wu Xie sa kanyang mga ginagawa. Hindi na niya kailangan ng emosyong magpapalabo sa kanyang mga desisyon. Kailangan lang niya itong pagisipan at suriin ang bawat galaw niya sa kanyang plano para masigurong hindi siya dudulas, at sapat na iyon.

Sa mga mata niya, patay na ang Emperador, at kailangan niyang isipin ang "bayad" niya sa "regalo" ni Bai Yun Xian sa kanya.

Hindi alam ni Mo Qian Yuan ang sasabihin niya. Mula nang inatake nila ang Palasyo, walang nagbago sa ekspresyon ni Jun Wu Xie.

Ang ngiting nakita niya nung gabing iyon, ay nagdala ng kamatayan, maganda ngunit nakakatakot.

"Kailan mo balak pasukin ang Palasyo?" Napaisip si Mo Qian Yuan, sa pagkakataong pasukin ni Jun Wu Xie ang palasyo, magiiba ang nakaupo sa trono ng Qi.

"Sa loob ng dalawang oras." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Agad?"

"Hangga't galit pa ang mga tao." Hinog na ang prutas para pitasin, oras na.

Naintindihan ni Mo Qian Yuan. "Sasabihan ko si Long Qi." Sinabi niya at naghanda na.

Umupo ulit si Jun Wu Xie, malamig ang mga mata.

[Magwawala nanaman ba ang binibini?] Umakyat ang pusa sa mesa, dinidilaan ang mga paa nito, pataas ang boses sa paghihintay.

Ang awit ng kamatayang nakasulat gamit ang sariwang dugo, napakaganda.

Sinulyapan ni Jun Wu Xie ang pusa at sinabing: "Gusto ko lang na ligtas ang Pamilya ng Jun."

Pag hindi ginulo, hindi siya mangangagat. Kung ang hindi nakarinig ay aapak sa kanyang paa, dudurugin niya sila, ikakalat ang kanilang mga kaluluwa, at buburahin mula sa pagkabuhay!