webnovel

Simula ng Palabas (3)

Editor: LiberReverieGroup

Magmula pa ang pagtayo ng Qi, wala nang ibang hukbo maliban sa Yu Lin ang may kakayanang pumasok sa Palasyo.

Ngunit ngayon, magbabago ang lahat.

Nagdala si Mo Qian Yuan ng limang-libong sundalo papasok sa Palasyom at nakapila ang mga mamamayan sa mga kalye, pinupuri ang "lumulusob" na hukbo..

Sa pangunahing bulwagan ng Palasyo, nakaupo ang Emperador sa kanyang trono, nangingitim ang mukha sa pagaalala, at ang lahat ng mga gwardya ay nakatayo lang sa labas.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Sinabi ng Emperador kay Mo Xuan Fei ng may gigil. Hindi niya alam ang ginawa ni Mo Xuan Fei at ni Bai Yun Xian laban kay Jun Wu Xie. Kung alam lang niya, pinigilan niya sila.

Lasunin ang mga mamamayan ng Kaharian! Kalokohan!

Ang mga mamamayan ay parang tubig. Kayang magtulak ng tubig ng isang barko, at magpalubog nito. Nakasandal na sa mga Jun at kay Mo Qian Yuan ang suporta ng mga tao at patuloy ang pagpuri sa kanila. Naiwan ang Emperador at Pangalawang Prinsipe pagkakakulong sa Palasyo at nawalan ng kontrol sa Kaharian. Sa mga panahong ganito, pinili ni Mo Xuan Fei na sumama kay Bai Yun Xian sa planong hindi pinagisipan.

Kung nagtagumpay sila, wala siyang kailangang sabihin. Ngunit walang nawala ni-isa sa hukbo ng Rui Lin, at nagawa pa nilang itulak ang sisi sa hukbo ng Yu Lin, na nagbigay ng rason kay Jun Wu Xie para pasukin ang Palasyo.

Namumutla si Mo Xuan Fei.

Masyadong mapangahas si Bai Yun Xian sa kanyang plano, ngunit pag nagtagumpay, nalutasan sana nila ang krisis.

Hindi niya inakalang maiibsan agad ang lasong kumalat. Hindi nakatulong ang kanilang plano, at lumala pa ang sitwasyon nila. Nagdulot ito ng galit ng mga tao patungo sa Palasyo.

"Nakikita ko na ang aking pagkakamali! Ama, tulungan niyo ako!" Lumuhod si Mo Xuan Fei sa harap ng Emperador, nanginginig sa takot.

"Tulungan? Paano? Pinangunahan na ng walang kwentang Mo Qian Yuan ang hukbo dito sa palasyo at paparating na dito. Ano pa ang magagawa ko? Akala ko ikaw ang matalino, ngunit pinakita mo lang na basura ka! Nagtiwala ka sa isang babaeng tulad ni Bai Yun Xian!? Disipulo siya ng Qing Yun Clan. Kahit na gumuho ang Kaharian ng Qi, mayroon siyang mababalikang angkan. Ang Pamilya ng Jun ay may mga pagkakamali sa kanilang paglaban sa Qing Yun Clan at pababayaan lang si Bai Yun Xian. Pero ikaw at ako?" Sumandal ang Emperador sa kanyang trono, pagod na pagod.

Tapos na, wala na tayong magagawa.

Pwede sana nilang hintayin ang pagdating ng Qing Yun Clan para mas lumakas. Ngunit nagmadalit si Bai Yun Xian at inakalang kaya niyang talunin si Jun Wu Xie sa sarili niya. Kalokohan!

"Nasaan na si Bai Yun Xian?" Tinanong niya ng may galit.

"Sa Palasyo." Sabi ni Mo Xuan Fei, nanginginig parin. Nalaman lang niya ang mga nangyayari nang lumabas siya sa pangunahing bulwagan. Hindi pa alam ni Bai Yun Xian na pumalpak ang kanyang plano.

"Dalhin mo siya dito. Sinimulan niya ito, at sa pagiging disipulo ng Qing Yun, kaya niyang tigilan ang hukbo sa paggawa ng anumang gulo. Ano man ang mangyari, kailangan natin itong patagalin hanggang makarating ang Qing Yun Clan." Inutos ng Emperador. Nagkakagulo na ang lahat, malakas man ang pwersa ni Bai Yun Xian, yun rin ang nagdulot ng kanyang yabang. Kung sa malapit lang na garison niya dinala ang balita at hindi sa Qing Yun Clan, hindi sila maiipit ng ganito. Kung hindi siya nangialam at nagplano ng malisya, walang rason ang hukbo para pasukin ang Palasyo!