webnovel

Piging Sa Palasyo (7)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang sakit ay nanunuot sa bawat himaymay ng katawan niya at matinding takot ang bumalot sa kaniya.

Ang epekto ng gamot dapat ay hindi pa nawawala ang talab ngunit anong nangyayari ngayon!?

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie si Lei Fan na ngayon ay namamaluktot at humihiyaw ng walang tigil sa lupa, aninag sa kaniyang mga mata ang liwanag mula sa buwan.

Bagaman sinusubukang maigi ni Lei Fan na itago ang kaniyang mukha ay malinaw pa ring nakikita lahat ni Jun Wu Xie ito. Ang mga buto sa mukha ni Lei Fan ay nagsisimula ng magbago at ang kaniyang hitsura ay unti-unti na ring nababago!

Nang bigla, isang matangkad at payat na anyo ang nagpakita at naglakad sa Imperial Garden.

"Anong nangyayari sa Fourth Prince? Mga guwardiya! Akayin ninyo pabalik sa palasyo ang Fourth Prince upang mabigyan ng lunas!"

Nang marinig ni Jun Wu Xie ang boses ay kaniyang inangat ang kaniyang ulo at nakita niya ang lalaking may pilak na buhok na nakita niya kaninan sa labas ng pintuan papunta sa piging. Ito ngayon ay nakatayo ng ilang hakbang mula sa kaniya at ang pinagtatakhan niya ay hindi niya napansin ang pagdating nito.

Ang lalaki ay ngumiti at tumango kay Jun Wu Xie, at ang mga guwardiyang nasa labas ng Imperial Garden ay madaling nagsidating ng marinig nila ang sigaw ng lalaki. Blanko silang napatingin kay Lei Fan na patuloy pa rin sa pagsigaw sa lupa habang tinatakpan ang kaniyang mukha at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin ng mga oras na iyon.

"Lord Grand Adviser! Anong nangyayari sa Kamahalan?" kinakabahang tanong ng isa sa mga guwardiya.

Kalmadong nagsalita ang Grand Adviser: "Maaaring dahil sa lamig kaya siya ay nagkasakit. Madali kayo at buhatin ninyo siya pabalik sa Empress' Palace upang maipatawag niya ang Imperial Physician at nang siya ay malunasan."

Hindi na nagdalawang-isip pa ang mga guwardiya. Binuhat nila si Lei Fan at mabilis na ngang umalis. Habang tinutulungang makabangon si Lei Fan, ang matinding sakit ay winawasak ang kaniyang katawan at tila siya ay nawawatak-watak. Ngunit nanatili pa ring nakatakip ang kamay sa kaniyang mukha, hindi hinahayaan na makita ninuman ang bahagyang pagbabago sa kaniyang mukha.

Habang siya ay inaakay palayo, ang matang nakatago sa mga kamay ni Lei Fan ay mariing nakatitig kay Jun Xie.

[Nakita niya!]

[Siguradong nakita niya!]

Matapos maialis doon si Lei Fan, bumuntong-hininga ang Grand Adviser, lumingon siya sa kalmado at tahimik na si Jun Wu Xie na ngayon ay nakatayo sa isang sulok at sinabing: "Ang hamog ay napakalamig sa gabi. Hindi mabuti para kay Young Master Jun na lumabas."

Iniistima ni Jun Wu Xie ang lalaki na nakatayo s akaniyang harapan. Mula sa paraan na tinawag ito ng mga guwardiya ay nalaman niya kung sino ito. Ang Grand Adviser ng Yan Country, si Wen Yu.

Ito rin ay isang kaakit-akit na lalaki na kilala bilang magandang lalaki sa Yan Country.

Sanay si Jun Wu Xie na makita ang hindi mapantayan na kagwapuhan ni Jun Wu Yao, ngunit masasabi rin na ang mukha ni Wen Yu ay hindi maikukumpara sa normal na tao lamang, isang guhit lamang na mas kaakit-akit si Jun Wu Yao dito.

"Paano matatanggihan ng isang aba na katulad ko ang imbitasyon ng Emperor?" mahinang sagot ni Jun Wu Xie. Sa mga sandaling ito, si Wen Yu dapat ay nasa piging na. Kaya bakit bigla itong nagpakita doon? At sa tamang oras?

"Tama." natatawang sabi ni Wen Yu. Marahan siyang sumulyap kay Jun Xie, ngunit ng makita niya ang singsing sa daliri ni Jun Xie ay bumakas sa kaniyang mukha ang matinding gulat.

"Tila interesado ang Grand Adviser sa aking singsing?" hindi nakatakas kay Jun Wu Xie ang kakaibang hitsura na saglit bumakas sa mukha ni Wen Yu, at siya ay nagtaka sa naging reaksiyon nito. Ang Emperor ay naging interesado din sa singsing na iyon at ngayon na nakita ito ni Wen Yu, ay pareho ang naging reaksiyon nito.

Pinigilan ni Wen Yu ang gulat na nakikita sa kaniyang mga mata at itinaas ang kaniyang ulo upang tumingin kay Jun Xie at sinabi: "At dahil hindi interesado si Young Master Jun sa piging sa palasyo, dapat lamang na magbalik ka na. Ang Spirit Battle Tournament ay tapos na at oras na para ang mga tao mula sa iba't ibang paaralan ay lisanin ang Imperial Capital. Aking naisip na si Young Master Jun ay matagal nawalay sa kaniyang pamilya at kung ika'y maagang babalik sa iyong lugar ay makakasama mo na rin ang iyong pamilya."

Hindi malinaw ang nais ipahiwatig ni Wen Yu ngunit sa likod ng mga salitang iyon ay sinasabi niyang magmadali nang umalis si Jun Xie!

Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Jun Wu Xie si Wen Yu at hindi pa sila nagkasalamuha ni minsan. Kaya bakit sinasabi ni Wen Yu ang mga iyon sa kaniya?