webnovel

Piging Sa Palasyo (8)

Editor: LiberReverieGroup

Bahagyang naningkit ang mata ni Jun Wu Xie. Ang kakatwa at kakaibang kilos ni Wen Yu tila nagsimula noong makita nito ang singsing sa kaniyang kamay.

Ang isa ay ang Emperor at ang isa naman ay ang Grand Adviser, at pareho silang interesado sa singsing na kaniyang suot.

Ngunit isang bagay ang sigurado si Jun Wu Xie at iyon ay walang kimkim na poot si Wen Yu laban sa kaniya.

"Bakit sinasabi ito ng Grand Adviser sa akin?" nararamdaman ni Jun Wu Xie na may nais ipahiwatig si Wen Yu ngunit sa mga sandaling iyon ay wala siyang maisip na dahilan.

Tiningnan ni Wen Yu ang maamong mukha ni Jun Wu Xie. Ayaw niyang madamay sa bagay na iyon ngunit dahil sa ang bata ay malapit kay Lei Chen, at gusto niya ang pares ng matalinong mata na iyon, bagama't medyo malamig at malayo, ngunit hindi naman masasabi na ang nagmamay-ari ng mga iyon ay may ikinukubling masamang hangad laban sa mga tao.

"Bakit? Hindi ba nais ng Young Master Jun na makasama na ang kaniyang pamilya?"

Saglit na dumilim ang mata ni Jun Wu Xie.

[Makasama ang pamilya?]

[Bakit hindi niya hihilingin ang bagay na iyon? Lahat ng ginagawa niyang iyon ay para makaalis na sa estadong iyon at makabalik na sa Qi Kingdom at Lin Palace.]

Napansin ni Wen Yu ang paglamlam ng mga mata ni Jun Xie at kaniyang napagtanto na maaaring may nasabi siyang mali kaya mabilis niyang sinabi: "Patawad, may nasabi akong hindi dapat. Ngunit sa aking narinig, sa mga panahon na namalagi sa Imperial Capital si Young Master Jun para sa Spirit Battle Tournament, ay nasangkot ka sa mga gulo.tila ang Imperial Capital ay hindi ang tamang lugar para ika'y mamalagi Young Master Jun at upang maiwasan ang hindi magandang bagay na maaaring mangyari sa iyo dito, mas makabubuti para sa iyo Young Master Jun na umalis na agad dito."

"Hindi magandang mangyayari? Anong uri ng mga bagay iyon?" tanong ni Jun Wu Xie, diretsong nakatingin kay Wen Yu, sinusubukan niyang humanap pa ng mga bakas sa ekspresyon nito sa kaniyang mukha ngunit si Wen Yu ay hindi nagpapakita ng anumang kakaiba sa kaniyang mukha.

Marahang tumawa si Wen Yu. "Hiling ko na maghanda na si Master Jun sa kaniyang pagbabalik sa lalong madaling panahon. Kung tayo ay hindi pa babalik ngayon, ang piging ay maaaring matapos ng maaga. Nais ba ni Young Master Jun na bumalik kasama ako sa piging?"

Tumango si Jun Wu Xie at silang dalawa ay naglakad na pabalik sa piging.

Ang lahat sa piging ay katulad pa rin kanina. Ang musika ay tumutugtog at ang mga mananayaw ay nagbigay ng napakahusay na palabas sa kanilang marikit na mga galaw at malambot na katawan.

Naglakad si Jun Wu Xie papasok sa bulwagan ng palasyo kasama si Wen Yu at ang Emperor na tila malalim ang iniisip at bahagyang nakasimangot ang mukha ay inangat ang kaniyang ulo at nang makita niya ang dalawang tao na papasok sa bulwagan ay muntik ng lumundag ang puso palabas!

"Your Majesty." bati ni Wen Yu at bahagyang yumuko.

Biglang nanigas ang mukha ng Emperor ngunit mabilis niyang nakalma ang sarili at nilagay muli ang maamo niyang ngiti at nagsalita: "Iniisip ko kung saan nagtungo ang Grand Adviser at heto nagbalik ka kasama si Jun Xie. Ngunit nasaan si Little Fan? Umalis si Little Fan kasama si Jun Xie upang mamasyal sa Imperiaol Garden kaya bakit mag-isa na lamang nagbalik si Jun Xie dito?"

Sumagot si Wen Yu: "Ang inyong lingkod ay nakitang maganda ang buwan ngayong gabi at bigla ay ninais na maglakad sa Imperial Garden. Ngunit nang ako ay makarating sa Imperial Garden, nakita ko ang Fourth Prince na masama ang pakiramdam at nakahiga sa lupa kaya inutusan ko ang mga guwardiya na akayin siya pabalik at sasamahan ko naman pabalik si Jun Xie dito sa piging. Ang inyong lingkod ay nag-aalala na hindi alam ng binata ang daan pabalik dito kaya naman ito ay aking sinamahan."

Nang marinig na hindi maayos ang pakiramdam ni Lei Fan ay bumakas sa mukha ng Emperor ang pag-aalala at nagtanong: "Hindi maayos ang pakiramdam ni Little Fan? Anong nangyari?"

"Hindi alam ng inyong lingkod kung anong nangyari ngunit akin nang ipinag-utos sa mga guwardiya na dalhin pabalik ang Fourth Prince sa Empress' Palace at dahil nasa Empress' Palace ang mga Imperial Physician na nangalaga sa Fourth Prince simula bata pa lamang siya, naniniwala akong hindi na ganoon kalaki ang problema ng Kamahalan." sagot ni Wen Yu.

Kahit ang mga salita ni Wen Yu ay may katiyakan, ang Emperor ay hindi pa rin mapakali at iniisip pa rin ang kalagayan ni Lei Fan.

"Lumalalim na ang gabi, ang ating mga bisita ay maaari ng umuwi ng maaga upang sila ay makapagpahinga na." banayad na utos ng Emperor.

Lahat ng bisita ay hindi nagsalita at sila ay tumayo upang isa-isang umalis.

Hinatid ni Lei Chen si Jun Wu Xie at ang iba pa palabas sa Imperial Palace at habang siya ay nakatayo sa labas, ang kaniyang mata ay nakatitig sa karwahe ng Zephyr Academy.