webnovel

ORDINARYONG GAMOT (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang katulong ay napatunganga kay Jun Wu Xie. Ang kamay nito ay hawak ang mahabang listahan ng kailangan niya. Naguguluhan sa kung ano ang gagawin at kung ano ang gagawin dito ng Young Miss ng Jun family.

Panandalian itong tiningnan ni Jun Wu Xie. Natauhan ang katulong ng makita ang malamig niyang tingin. Dali-dali itong tumalikod at lumabas ng pinto.

"Dapat lamang na ang katulong ang maghanda ng aking mga gagamitin."

"Ganon ba ako kanakakatakot?" Tanong ni Jun Wu Xie sa pusa na nasa kaniyang bisig.

"Hindi. Sadyang mahihina lamang talaga ang loob ng mga taong ito." Dahil wala namang nakakakita, hindi kailangang magpanggap ng pusa na hindi ito nakakapagsalita.

Hindi kilala ng mga tao si Jun Wu Xie di tulad ng pusang ito. Siya ay mapagmataas at mapangmata. Sadyang...hindi niya lang alam pano makitungo sa iba ng normal.

Isipin na lang na simula pagkapanganak sa kaniya ay mag-isa na siya. Malaki ang naging epekto nito sa kaniya.

Ikinulong sa bahay si Jun Wu Xie sa loob ng labing tatlong taon. Umikot ang kaniyang mundo ng sa kaniya lang. Lumaki siya sa gitna ng bundok kung saan maraming halamang gamot, kasama ang mga walang buhay na medical equipment.

Sa mga panahong iyon, ni hindi siya makapagsalita kahit dalawang salita lang. Nang una niyang makita ang itim na pusa, akala nito siya ay pipi.

Wala siyang pakialam sa lahat. Walang emosyon sa kaniyang mga I trymata.

Sa murang edad, naaatim nitong magdissect ng patay na walang kahit anong nararamdaman. Ibinababad niya iyon sa formalin.

Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng disgusto ng masunog ang naging kulungan niya.

Sa wakas siya ay lumaya, pero sa mahigit isang dekadang niyang pagkakakulong, nakasanayan niya na ang ganoong pamumuhay. Hindi siya nakikipagsalamuha.

Mas pinili niyang manatili sa animal clinic at manggamot ng mga hayop.

Kahit na hindi nakakapagsalita ang mga hayop mas gusto niya pa itong kasalamuha kesa sa mga tao. Mas naiintindihan niya pa ang mga pangangailangan nito. Alam niya kung bakit sila nahihirapan at kung paano din sila tulungan.

Sa buong panahong iyon, hindi kailangan magsalita ni Jun Wu Xie.

Nang sumali siya sa isang organisasyon, dun niya nakilala ang kaniyang natatanging kaibigan. Doon niya lang din naramdaman maging isang tao.

Alas, ang oras na binigay sa kaniya ng Langit ay maikli. Natapos ang lahat bago pa man siya matutong mabuhay bilang normal na tao.

Kinamumuhian ng itim niyang pusa ang sino man na tinuturing si Jun Wu Xie na hindi normal. Hindi ang kaniyang amo ang hindi normal, kundi sadyang mangmang lang sila at hindi alam paano pakitunguhan si Jun Wu Xie. Maliban na lang sa magnanakaw na iyon, napatunayan niyang ang kaniyang amo ay may pakiramdam pero hindi nito alam ipakita.

Dahil...

Ni minsan walang nagturo sa kaniya.

Pero sa tulong ng Jun Family, naniniwala ang pusa na hindi magtatagal ay matututunan din nitong maging normal.

Sa isang banda, ang katulong ay nakuha na ang mga halamang-gamot at muli, nagkaroon ng buhay ang pugon. Mayroong apoy sa loob kaya naman unti-unting umiinit sa loob niyon.

Pinaalis ni Jun Wu Xie lahat ng nasa loob, inisa isa niya ang mga halamang gamot at nagsimula na siyang pagtuunan ng pansincang kaniyang ginagawa. Muli, para siyang bumalik sa nakaraan.

Kuha, giling, durog... Ang malambot na kamay ni Jun Wu Xie ay parang may mahika. Lahat ng mahawakan ng kaniyang kamay ay nagagamit sa angkop na paraan.