88 88 ORDINARYONG GAMOT (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong meron, Imperial Brother?" Tanong ni Mo Xuan Fei sa namumutlang si Mo Qian Yuan.

"Ang pasensya ni Jun Wu Xie ay laging ganito. Hindi niya alam ang pagkakaiba ng langit at lupa. Paanong hindi mo yon alam? Qing Yun Clan ang pinag-uusapan natin, hindi basta bastang nagagaya ang kanilang gamot. Kung hindi ko nakakalimutan, kailan man ay hindi nag-aral patungkol sa mga gsmot si Jun Wu Xie. Ang tanging dahilan kaya niya ito gagawin ngayon ay dahil ayaw niyang maliitin niyo siya."

Nang magtanong si Jun Wu Xie tungkol sa pugon, natawa si Mo Xuan Fei. Hindi man nito ito gusto, pero dati silang engaged dahil sa Lin Palace. Ang natutunan niya lamang dito ay ang maging mapagpasensya at matuto sa ugali nito.

Para sa kaniya si Jun Wu Xie ay mayabang na biniyayaan lamang ng ganda. Kung hindi lang ito ipinanganak sa Lin Palace, sa ganiyang klase ng pag-uugali, malamang sa ngayon ay patay na ito.

Gumawa ng gamot? Nagbibiro ba siya?

Sinong hindi nakakaalam na ang batang babae na tiga-Lin Palace ay magaling lamang gumawa ng problema. Bukod dito, wala na itong alam gawin.

Katulad na lang ngayon, gusto nitong gumawa ng gamot para palitan ang kay Bai Yun Xian. Hindi ba kayabangan ito?

Para kay Mo Xuan Fei, inaasahan niya nang ganito nga ang gagawin nito. Mapangahas niyang isasalba ang sarili niya sa harap ng kaniyang iniirog. Magaling lamang itong magpaganda pero wala naman talaga itong silbi.

Nang maisip niya kung sino ang 'iniirog' nito, mas lalong hindi maipinta ang kaniyang mukha.

Hindi mo kailangan sabihin saakin kung anong klaseng tao siya." Malamig na sagot ni Mo Qian Yuan. Alam ng lahat na mayroon silang hindi malinaw na relasyon. Pero ang totoo ay kakampi niya lamang ito.

Alam niyang may kakayanan si Jun Wu Xie.

Bagamat ang kalaban niya ay ang Soverein disciple ng Qing Yun Clan. Higit sa lahat, ito ay secret recipe na walang kahit na sino man ang nakakaalam.

Ni hindi nga nito hinawakan ang Jade Dew pill. Paano niya magagawa ito?

"Kung ang Imperial Brother ay nababalisa, patayin mo na lang ang itim na pusa, tapos. Kung mabigat sa loob nito, e pagbayarin mo nalang sa ibang paraan. Hindi natin pwedeng sabihin na binabalewala nating nasa Royal Family ang Qing Yun Clan." Natatawang sabi ni Mo Xuan Fei ngunit mababakas ang inis sa mga mata nito. Gusto niyang malaman ni Jun Wu Xie na mali itong pinili niya si Mo Qian Yuan. Kahit na ayaw na niya kay Jun Wu Xie, ang magkatuluyan ang dalawang ito ay imposible.

Isang prinsipeng hindi man lang magawang protektahan ang minamahal nito---sadyang basura nga talaga.

Inirapan ni mo Qian Yuan si Mo Xuan Fei. Matapos niyang maglibot libot sa tirahan niya kasama si Bai Yun Xian, nakalimutan niya ang kaniyang magandang asal at lumala lalo habang tumatagal.

Naiisip siguro ng tangang ito na naghahasik siya ng alitan sa kanilang dalawa. Talagang tanga nga.

Malinaw niya pang naaalala ang takot niya noong isang gabing may isang anino ang sumagpang sa kaniya. Hindi niya na muling mamaliitin ang kakayanan ng pusang ito.

Alam ni Mo Qian Yuanna kapag ipinagpatuloy pa ni Mo Qian Yuan ang ginagawa nito, malamang ay parang naghahanap ito ng ikamamatay niya. Mararanasan din nitong ang itim na aninong iyon ay sumagpang sa kaniya at kagatin ang kaniyang leeg.

Sa kabilang Banda sa tirahan ng Crown Prince, sinundan ni Jun Wu Xie ang katulong papunta sa pugon. Nabanggit nga ni Mo Xuan kanina na kahit na malinis ang silid ay matagal na itong hindi nagagamit.

"Papel at panulat." Hingi ni Jun Wu Xie sa katulong na nakatayo sa kaniyang tabi.

Nang mayroon na siya ng kaniyang kailangan para magsulat. Agad niyang isinulat ang mga listahan ng kaniyang kakailanganin at ibinigay dito.

"Dalhin mo ang mga halamang gamot na iyan dito."

avataravatar
Next chapter