webnovel

Imperyal na Patibong (Pangalawang Bahagi)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Ayoko naman magbintang, pero sa nakikita ko ngayon na buhay parin si Jun Qing, wala nang iba pang posibilidad. Ito ang rason paano nakakagawa ng Jade Dew pills si Jun Wu Xie at paano gumaling ang prinsipeng tagapagmana nang makalapit sila! Nagaalala ako sayo, ama!" ang alalang sigaw ni Mo Yuan Fei, ang nuo ay nakalapat sa sahig sa sobrang pagkasunod sunuran niya..

Napaisip ang emperador, nakatingin lamang kay Mo Xuan Fei.

"Kamusta kayo ni Bai Yun Xian?" ang tanong ng emperador.

Madaling sagot ni Mo Xuan Fei "Madali kong nakuha ang loob niya at siya'y aking nakokontrol hanggang sa nang maalala niya si Jun Wu Xie sa bahay ng tagapagmanang prinsipe. Siya'y nagtampo't nanlamig."

Matagal na siyang malayo, at ngayo'y di niya ako pinapansin..

Napakunot ang nuo ng emperador.

"Ama!" Nagpumilit si Mo Xuan Fei "Ang tagapagmanang prinsipe at ang Lin Palace ay madalas nagkakausap, nagsasabwatan, na kung lumabas man ang katotohanan…"

"TAMA NA!" Binagsak ng emperador ang mga kasulatan sa lamesa, mga kilay ay nakakunot sa galit.

"Sa mga bagay na ganito, ako na bahala. Kamusta ang imbestigasyon sa kurapsyon kay Official Lin at sapilitang pagkuha ng mga bagay?"

Hindi nakagalaw ng matagal si Mo Xuan Fei, tila walang masabi sa mga tanong na biglang ibinato sakanya tungkol kay Official Lin.

Si Official Lin ay dating opiser na nagbabantay sa hangganan ng lungsod. Nakasaksi ng kakaibang pangyayari sa lugar at agad agad nagsumbong sa nakatataas at sa punong tagamando na si Jun Gu, at ito'y naging sanhi ng pagkapanalo ng sandatahan. Dahil sa kanyang mabilis na pagkilos, pinuri siya ng emperador at mula sa pagiging tagabantay sa hangganan ng lungsod ay naging isang opisyal na sa lungsod.

Ang buong pangalan ni Official Lin ay Lin Yue Yang, isang lalaking tapat at tahasan, at nananatili sa kanyang mga prinsipyo. Nagdaan man ang maraming taon sa Imperial City, siya'y naiwas sa atensyon ng publiko. Kahit dahil sa kanyang mabilis na pagtugon kay Jun Gu na nagbigay sakanya ng promosyon, hindi siya nagsimula ng kahit na anong komunikasyon sa Lin Palace. Kahit nang mamatay si Jun Gu sa labanan, nagpadala siya ng kinatawan upang magbigay galang at hindi man lang nagpakita ng kanyang sarili.

Si Lin Yue Yang ay hindi naman kataasang opisyal, at hindi nakikilahok sa kurapsyon, ngunit ang kanyang tuwid na prinsipyo ay nakasasakit ng damdamin ng iba sa Imperial City, at ikinagagalit ito.

"Nagutos na po ako ng mga imbestigasyon, ngunit dahil sa likas na katahimikan at ang kanyang pagiging maingat sa kahit anong gawain, marami pa akong hindi nakukuhang ebidensya." Dali-daling paliwanag ni Mo Yuan Fei.

"Walang kwenta." Nangungutyang emperador nang siyang pumikit at nagisip bago tumuloy sa pagsasalita. "Xuan Fei, bata ka pa. Sa mundong ito, maraming bintang na hindi naman masyadong nangangailangan ng ebidensya."

Nagulat si Mo Xuan Fei. Napatingin siya sa taas at kanyang nakita ang nakatatakot na pagtingin sa mata ng emperador.

"Si Lin Yue Yang ay nabigyan ng pabor ng pagkahari dahil sa Pamilya ng Jun, at sa minsang pagligtas ng buhay ni Jun Gu. Kapag siya'y napagbintangan ng pagtataksil sa pabor na pagkahari at nasampahan ng kaso na gagatungan ng mga karaniwang tao sa Imperial City, malang ang Lin Palace ay gagawa ng aksyon!" Napangiti ang emperador, mga mata'y parang isang nakalalason na ahas tago sa kalibliban ng kagubatan.

Nahirapan intindihin ito ni Mo Yuan Fei bago ito unti unting luminaw sakanya. Isang nakaririmarin na ngiti ang namuo sa kanya, ulo'y nakayuko at siya'y nakaluhod.

"Marami po akong natutununan ngayong araw. Aarestuhin ko po si Lin Yue Yang ngayon din!"

"Saglit lang!" ani ng emperador na bahagyang nakataas ang isang kamay.

"Magaling si Lin Yue Yang, mga ordinaryong guwardiya ay walang laban sa kanya. Kapag nakatakas siya sa pagaresto mo, kakailanganin mo magingat ng husto. Hindi mo naman kailangan ipahamak ang sarili mo." Sabi ng emperador.

Mas lalong lumaki ang karimarimarim na ngiti ni Mo Xuan Fei.

"Salamat po sa paalala."

Jun Wu Xie, ngayon wala ka nang takas. Makukuha rin kita!