100 Imperyal na Patibong (Unang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naririnig ko palang, naiinis na ako!

Hindi sumagot si Wu Xie sa sinabi ni Wu Yao at umalis sa kanyang mga bisig. Naglakad siya sa pugon at nagdagdag pa ng gatong.

Hiningi niya ang pugon kay Jun Qing pagkatapos bumisita sa kampo.

Malaki siya at napakadetalyado, pinaka-ugma sa paggawa ng maramihan.

Ang paggawa ng pampalakas na gamot para sa daang libo ay napakahirap.

Ngunit para kay Jun Wu Xie, kaya naman ito.

Para sa isang pangkaraniwan na gumagawa ng gamot, umiiwas sila sa paggawa ng bulto bulto dahil sa hindi pagkakontrol ng bilang at sukat ng mga dahong gamot na nagreresulta lamang sa pagkasayang.

Hindi ito naging problema kay Jun Wu Xie, dahil sa kanyang naunang buhay, ang kanyang kontrol sa gamot ay mas tumpak pa kaysa sa isang makina. Ang mga gamot na kanyang ginagawa ay laging perpekto.

Hayaan na mas hasain pa ang pinakamatalas na espada ng palasyo ng Lin, ang hukbong Rui Lin.

Pinagmasdan lamang ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie habang siyang gumagawa, baba'y nakapatong sa kanyang palad. Pinapakiramdaman niya pa ang natitirang init na galing sa katawan ni Jun Wu Xie.

Ang babaeng ito'y pinanood lamang ni Wu Yao habang nakangiti, nakapokus lamang sa paggawa ng mga gamot.

Habang abala si Jun Wu Xie sa paggawa ng gamot, may nangyayari na palang iba sa palasyong imperyal.

Matapos ang kahiya hiyang eksena sa palasyo ng tagapagmanang prinsipe dahil kay Jun Wu Xie, lagi nang galit si Bai Yun Xian. Laging sinusubukan ni Mo Xuan Fei na pasiyahin siya ngunit hindi nagtatagumpay.

Sa hindi pagpansin ng dalaga, nagpunta si Mo Xuan Fei sa emperador.

"Ama, nagiging impertinente na si Jun Wu Xie, hahayan mo ba sila?" Tanong ni Mo Xuan Fei, nakaluhod sa silid aralan ng imperyal, noo'y nakakunot na parang nasasaktan.

Tumingin ang emperador sa kanya mula sa mga kasulatang kanyang binabasa. "Ilang beses ko na ba sinabi sayo na lumayo ka sa bahay ng tagapagmanang prinsipe."

Napakagat labi na lamang si Mo Xuan Fei at patuloy na nagsalita "Pero, ang pagbago sa tagapagmanang prinsipe ay kakaiba! Gumaganda ang kanyang kalusugan at ang ugali niya ay bumabalik sa dati, lumalabas siya madalas ng palasyo at nagkakalat ng kabutihan sa lungsod… may binabalak siya! Ako, ang anak mo at nasasakupan mo, ay hindi mapanatag."

Nabalik ang lakas ni Mo Qian Yuan nang matanggal ang lason ng Wheat Night Flower sa kanyang katawan. Nang magbalik ang kanyang dating anyo, madali na lamang mapanalunan ang mga loob ng mga tao. Ang nanay ni Mo Qian Yuan, ang dating Emperatris, ang kanyang reputasyon na kalat sa buong lugar ay naging sanhi ng pagiging matanggapin sa kanya.

Sa nararamdaman niyang panumbalik ni Mo Qian Yan, nagaalala na si Mo Xuan Fei.

Huminga ng malalim ang emperador "Nabanggit mo sakin noong isang araw, na ang Jade Dew pills ay gawa ni Jun Wu Xie. Totoo ba iyon?

Nagdalawang isip si Mo Xuan Fei bago sumagot "Opo."

"Pano natutunan ni Jun Wu Xie kung paano gumawa noon kung ang eksklusibong paraan ng paggawa ay nasa Qing Yun Clan? At isa pa, alam mo ang ugali niya, mayabang at ignorante, paano naman naging posible yun sakanya?" Tanong niya sa kanyang nakaluhod na anak.

"Yan.. ay hindi alam ng iyong anak. Ngunit sabi daw na ang palasyo ng Lin ay nalikom ng maraming librong pangmedisina. Siguro… may kontak ang palasyo ng Lin sa isang taong nagtuturo sakanya tungkol sa gamot?" Napaisip ng husto si Mo Xuan Fei. Hindi kapanipaniwalang kayang gumawa ni Wu Xie ng Jade Dew Pills.

"Ama! Si Jun Qing ay kamakailan lamang nalason at ang mga manggagamot na imperyal ay sinabing hindi magatatagal ang kanyang buhay ngunit hanggang ngayon ay tahimik sa palasyo ng Lin at okay parin si Jun Qing hanggang ngayon, hindi ba parang may mali?"

"Kung totoo man ang sinasabi mo, may isang magaling na na manggagamot sa palasyo ng Lin?" Tanong ng emperador na nagpalamig ng kanyang tingin.

avataravatar
Next chapter