webnovel

Ang Sining ng Pagpatay (Pang-apat na Bahagi)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nakakita na si Mo Xuan Fei ng kasuklam-suklam, pero wala pang kasing-lala ni Jun Wu Xie!

Walang hiya niyang pinapakita ang mga nakaraang kasalanan ng mga opisyal sa walang kinalamang atake sa kanya! At sa mga pinakamatataas na opisyal!

Mapangahas!

Sa pagkakataong ito, pati si Mo Qian Yuan na nanonood lang, ay naghinala na na hindi pinanganak si Jun Wu Xie sa pamilya ng Jun. Bagaman makapangyarihan ang mga Jun, relihiyoso at matuwid ang mga Jun. Hindi nila magagawa ang mga bagay na kasuklam-suklam. Ang nakapagtataka pa ay parang wala lang ang mga ito para kay Jun Wu Xie, hindi ito magagawa ng isang kasing-bata niya!

Saan niya nakuha ang mga ebidensya ng mga krimen ng mga matataas na opisyal?

Matagal na niyang naihanda at dala ang mga ito! Mas nakakatakot pa ang detalye na kailangan para sa pagplano ng mga ito!

Ang umatake gamit ang hiram na patalim!

Malalim talaga ang planong ito!

Kinuha lang ni Jun Wu Xie ang mga ebidensya na napakaingat na inihanda ni Jun Xian. Lahat ng ebidensyang ito ay inipon ni Jun Xian mismo ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong gamitin ang mga ito dahil ang Palasyo ng Lin ay naiipit sa iba't ibang panig. Nasa kwarto lamang niya ang mga ito, hindi niya naisip na magagamit ito ni Jun Wu Xie ng ganito!

Alam ni Jun Xian na kahit na ipaalam ang lahat ng ito sa Emperador, baka wala rin siyang gawin at sa Palasyo ng Lin pa ibigay ang sisi.

Nguntit, ginamit lamang ito ni Jun Wu Xie bilang 'palusot' para paslangin ang mga nakalistang opisyal sa ilalim ng 'utos ng Emperador'.

Ang paggamit sa boses ng mga mamamayan ang pinaka-nakakatakot na sandata.

Ginamit ni Jun Wu Xie ang lahat ng pwede niyang gamitin para sa kanyang plano.

Anuman ang hindi nagawa ni Jun Xian at Jun Qing, siya ang papasan, ang nais lang niya ay mabuhay at maging maayos ang kanyang lolo. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang mangyari sa kanya, ang gusto lang niya ay burahin ang mga kalaban ng Palasyo ng Lin at pilitin ang Emperador na isuko si Jun Xian!

Isa isang tinumba ng espada ng hukbo ang mga opisyal. Dahan-dahang natabunan ng pulang dugo ang mga pintuang-daan ng palasyo, isang nakakakilabot na pulang daan ang nabuo at kumapal ang hangin sa bigat at amoy ng kamatayan.

Pero hindi pa tapos ang lahat.

Hangga't hindi sinusuko ng Emperador si Jun Xian, isa-isa niyang papatayin ang mga alagad nito!

Hindi magpapatalo si Jun Wu Xie sa sinuman!

Malapit nang bumigay ang katawan ng Emperador, namutla ang kanyang mga labi at lumitaw ang mga ugat. Lumalangutngot ang kanyang mga ngipin at siya't napupuno ng galit.

Ang dignidad niya ay binastos ng babaeng it! Bawat minuto ng ginagawa ni Jun Wu Xie ay tila pagsampal na sa kanyang mukha!

Ngunit, sa tulong ng isang-daang libong sundalo ng hukbo, wala siyang magawa!

Matapat si Jun Xian sa bansa ngunit natanggap niya ay ang pag-uusig ng Emperador. Sa kabila naman, hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang Emperador, binastos ito, at binale-wala ang kanyang awtoridad. Hindi maganda ang pakiramdam ng Emperador…

Dahil laging inuusig ang mga mabubuti, nangako si Jun Wu Xie na hindi siya magiging mabuting tao!

Kahit sa kanyang pagkamatay, ipaalam niya sa impyerno na hindi dapat siya guluhin! Na hindi siya babastusin! Pag may humawak sa kanya, ipapakita niyang siya ang demonyo sa kanilang mga panaginip!

Hangga't hindi niya nakikita si Jun Xian, hindi siya titigil.

Kahit pa gawin niyang libingan ang buong palasyo, kailangan parin niyang makita ang kanyang lolo!

Ang galit ng Emperador at ni Mo Xuan Fei para kay Jun Wu Xie ay naging takot. Natakot sila sa pamamaraan niya, sa lamig at karahasan niya. Hindi ito pamamaraan ng Palasyo ng Lin dahil ramdam nilang sila'y binibitag.

Sa pagkakataong iyon, puno ng pagsisisi ang Emperador. Bakit niya kailangang subukin ang mga Jun? Kung alam lang niyang ang Binibini nila ay ganito kadelikado, hindi na niya sila tinangkang kayagin!

"Dali! Bilisan niyo! Magpadala kayo ng titigil sa kanya! HINDI natin pwedeng patayin si Jun Xuan! Pag namatay siya, hahabulin tayo ng sira ulong dalagang iyan!" Biglaang nagising ang Emperador. Ano ang naidulot ng kakulangan ng pag-iisip niya? Ano ang ibig-sabihin ng mga ppagpatay na ito?